You are on page 1of 5

Name : ____________________________

CEBU ROOSEVELT MEMORIAL COLLEGES


Grade : ____________________________
HIGH SCHOOL DEPARTMENT Section : ____________________________
San Vicente St., Bogo City, Cebu
6010 Philippines Subject : ARALING PANLIPUNAN 10
Tel Nos. (032) 434-8458, 434-8488
Telefax No. (032)-434-8488
Quarter : 2ND QUARTER EXAMINATION
“QUALITY EDUCATION IS
OUR PREMIUM” website: www.crmci.com Admission Permit: Y____ N _____
Email add: crmchighschoolprincipal@gmail.com
Score : ____________

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Anong sangay ng ekonomiks na nag-aaral sa maliit na yunit ng ekonomiya ? Sinasaklawan nito ang
mga gawain ng indibidwal na bahagi ng ekonomiya tulad ng sambahayan at bahay-kalakal.
a. maykroekonomiks b. makroekonomiks
c .ekonomiks d. ekonometriks

2. Ang konsepto ng demand ay naipapakita sa pamamagitan ng tatlong paraan. Alin sa sumusunod na


paraan kung saan gumagamit ng talahanahayan sa pagpapakita sa dami ng produkto o serbisyo na nais
bilhin ng mga mamimili sa ibat-ibang presyo?
a.demand schedule c.demand function b.demand curve d.demand pull

3.Bakit nagkakaroon ng disequilibrium?


a.dahil hindi nagkakasundo ang presyo ng demand at ng suplay.
b.dahil hindi maibigay ng suplay ang demand ng mga mamimili.
c.dahil hindi nagkakasundo ang prodyuser at ang pamilihan.
d.dahil hindi maibigay ng prodyuser ang produkto.

4. Anong uri ng elastisidad ang inilalarawan kung saan sa pagtaas o pagbaba ng presyo,maliit lang ang
nababawas o nadaragdag sa pagkonsumo?Ang halimbawa nito ay gamot at produktong walang pamalit.
a. price elastic b. price inelastic c. perfectly elastic d. perfectly inelastic

5. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano tutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.
Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang
ipagbili ng mga prodyuser?
a. demand b.ekwilibriyo c.produksiyon d. supply
6. May malaki at mahalagang papel na ginagampanan ang pamahalaan sa pananatili ng katatagan ng
presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
a. Panghuhuli sa mga illegal vendors na nagkalat sa paligid
b. Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin
c. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer
d. Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo

7. Kapag ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para sa
mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawain ng mga may-ari , nanghihimasok ang pamahalaan sa
pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga
produkto o serbisyo?
a. price support b. floor price c. price ceiling d. price clearing

8. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng
palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
a.department store b. tiangge c.talipapa d. pamilihan

9.Upang matugunan ang pangangailangan ng tao, binigyan ng pagkakataon ang mga prodyuser na
lumikha ng produkto upang kumita. Anong konsepto ang tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na
handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa ibat ibang presyo?
a. demand b. supply c. presyo d. negosyo

10. Ang konsepto ng supply ay naipaliliwanag sa tatlong pamamaraan . Alin sa sumusunod ang HINDI
kabilang sa tatlong pamamaraan na nagpapakita ng konsepto ng supply?
a. Supply schedule b. Supply curve c. Supply function d. Supply assumption

11. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa batas ng demand?


a. may direkta at positibong ugnayan ang presyo sa quantity demanded
b. kapag tumaas ang presyo, bumababa ang quantity demand
c. kapag tumataas ang presyo, tumataas ang demand
d. hindi nakaaapekto ang pagbabago sa presyo sa dami ng demand
12. Tinatayang ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay sinasabing modelo o ideal na estruktura
ng pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta at konsyumer. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa
katangian ng estrukturang ito?
a. malayang nakakapasok ang bahay-kalakat sa pamilihan
b. may kakaibang produkto at serbisyong ibinebenta
c. maraming prodyuser at konsyumer
d. walang karagdagang gastos sab wat transaksiyong kaugnay sa pamimili at pagtitinda

13. Naitatakda ang presyo at dami ng produkto o serbisyo sa isang pamilihan dulot ng ekwilibriyo. Ano
ang posibleng mangyari kapag magkakaroon ng paglaki ng supply samantalang hindi nagbabago ang
demand?
a. magkakaroon ng pagbaba ng dami ng demand
b. walang pagbabagong magaganap sa supply
c. magkakaroon ng shortage o kakulangan ng produkto o serbisyo
d. magkakaroon ng surplus o kalabisan ng produkto o serbisyo.

14. Ano ang kahulugan ng pamilihan?


a.lugar kung saan nagtatagpo ang mga mamimili at nagtitinda.
b.lugar kung saan nagpapalitan ng mga produkto ang mga tao.
c.lugar kung saan naghihintay ng produktong mabibili ang mga tao.
d.lugar kung saan hinihintay ng mga nagtitinda ang mga produktong ibebenta nila.

15. Ano ang tawag sa kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o
serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay
pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan ?
a.ekwilibriyo b. ekwilibriyong presyo c.ekwilibriyong dami
d. disekwilibriyo

16. Anong uri ng pamilihan ang pinagsama ang katangian ng monopoly at ganap na kompetisyon.?
a.monopolyo b. monopsonyo c. oligopolyo d. monopolistic competition
18. Anong uri ng pamilihan ang may iisang bahay-kalakal sa pamilihan at ang kalakal nito ay walang
malapit na kapalit sa pamilihan.?
a.monopolyo b. monopsonyo c. oligopolyo d. monopolistic competition

19.Alin sa sumusunod ang kapangyarihan ng monopoly?


a.idikta ang produktong ipoprodyus.
b.idikta ang presyo ng kaniyang kalakal.
c.idikta ang hangganan na presyo sa produkto.
d.idikta kung gaano kadami ang maaring iprodyus.

20. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa batas ng supply?


a.may inverse o di-tuwirang ugnayan ang presyo sa dami ng supply
b. kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto
c. kapag bumababa ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto
d. kapag tumataas ang presyo, bumababa ang dami ng produkto

21. Ang sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa elastisidad ng suplay.Alin ang hindi kabilang dito?
a.salik ng panahon b.hilaw na sangkap c.pagbabago ng kita d.pang-heograpiya

22.Ito ay tumutukoy sa isang talahanayang nagpapakita ng quantity supplied o dami ng gusting ipagbili
ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo.
a. Supply schedule b. Supply curve c. Supply function d. Supply assumption

23. Isa sa mga salik na nakaapekto sa dami ng demand ay ang kita ng isang indibidwal. Kapag dumadami
ang demand sa produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produkto ay maituturing na normal goods.
Ano naman ang tawag sa produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita?
a. superior goods c. demand goods b. inferior goods d. substitute goods.

24.Ang sumusunod ay mga salik na nakaapekto sa Demand,MALIBAN sa isa__________.


a.pagbabago ng kita b.pagbabago ng expectation
c.pagbabago ng presyo ng salik ng produksiyon. d.pagbabago ng panlasa

25.Ito ay sumusukat sa kung gaano kalaki ang pagbabago sa quantity supplied ng isang produkto kung
magbabago ang presyo .
a.supply b.price unit elastic c.elastisidad d.demand

26.Nag-iimbak ng mga pagkain habang mura pa ang presyo.Anong salik ng suplay ang tinutukoy sa
pahayag?
a.espekulasyon sa bilihan
b.pag-unlad ng teknolohiya
c.pagdami ng prodyuser
d.panahon

27.Alin sa sumusunod ang maaring dahilan kung bakit bumagsak ang presyo ng mga bilihin?
a.nagkulang ng produksiyon ng produkto.
b.mataas ang gastos sa produksiyon.
c.walang tumangkilik ng produkto.
d.may sira ang produkto.

28.Ano ang tawag sa legal na pagpigil ng pamahalaan sa galaw ng presyo sa pamilihan?


a.price foor b.price ceiling c.price clearing d.price control

29.Ano ang tawag sa pinakamababang presyo na maaaring ipataw sa produkto?


a.price foor b.price ceiling c.price clearing d.price contrel

30.Ano ang ibig sabihin ng copyright sa isang monopolyadong merkado?


a.pagbili ng mayayamang kompanya sa karapatang gamitin ang produkto ng iba.
b.eksklusibong pag-aari ng imbentor na magprodyus at magbenta ng mga bagong produkto.
c.paghingi ng karapatan sa gumagawa ng produkto upang maibenta ito sa mas malawak na merkado.
d.legal na proteksiyon na ipinagkaloob sa gumagawa at naglalathala ng iba’t-ibang produkto.

Prepared By:Mrs.Michelle Mandaguit


Mr.Junlie Andrino
Mr.Renato Ngoho

You might also like