You are on page 1of 5

Simula

Bumalik si Crisostomo Ibarra sa kanyang bayang sinilangan matapos ang labingtatlong taon. Siya ay nagbalik pero
sa katauhan ni Simon na naglalayong makapaghiganti sa pagkawalang katarungang kanyang naranasan noon.
Binabalak niyang mag-udyok at mag-umpisa ng himagsikan. Gusot niyang mabawi ang kanyang minamahal na si
Maria Clara at magganyak ng pagbabago sa sistema ng bansa.

Kanyang kinaibigan ang Kapitan-Heneral para mapalapit sa mga myembro ng alta-sosyedad. Ginawa niya ito para
magbuyo sa ma ito na gumawa ng pagmamalupit sa mga mahihirap at naapi ng kasalukuyang bulok na sistema.
Ipapasa ni :

Imam, Alysah Pandapatan

Ipapasa Kay:
Shahara Manticayan

Gitna

Hindi sinasadyang nabunyag ang totoong pagkatao ni Simon. Ang nakaalam ay si Basilio na dati na ring
nakadaupang palad ni Ibarra/Simon. Hinimok niya ito na sumali sa planong pag-aaklas ngunit ito ay hindi sumang-
ayon. Iba ang pananaw ng binata hinggil sa pagpapatupad ng pagbabago sa sistema. Noo'y ang binata ay malapit
ng magtapos sa kolehiyo. Kasama ng mga kaklase nito, sila ay nagmungkahi sa mga prayle na magtatag ng isang
paaralang kung saan maaring aralin ang wikang Kastila. Hindi nagtagumpay ang mga mag-aaral sa kanilang nais.
Silay nagbunyi at nagsaya sa isang pansiterya ngunit may kaakibat na paglibak sa kanilang inabot. Habang kanilang
kinukutya ang nangyari hinggil sa kanilang planong pagtatayo ng paaralan, hindi nila alam na may espiyang
nakikinig.

Sa isang banda, si Simon naman ay kumikilos para unti-unting maisakatuparan ang kanyang mga plano. Siya ay
nakikipagusap sa mga bandido ng grupo ni Kabesang Tales. Isang magandang pagkakataon din ang nangyari ng
mapapayag ni Simon si Quiroga na itago ang mga armas sa kanyang bahay kapalit ng pagbabawas ng utang nito kay
Simon.

Nakahanap si Simon ng tumpak na panahon para kanyang pag-atake. Sa dulaang magaganap, kanyang
maisasalatuparan ang simula ng pag-aalsa sapagkat naroon ang lahat ng kanyang puntirya sa paghihiganti.

Nagsanga ulit ang landas ni Basilio at Simon at hinimok ng huli ang una na sumali sa paghihimagsik. Ibinalita nito
ang nangyari kay Maria Clara kay Simon at ito ay naghinagpis.

Pagkatapos ng mga ilang araw ay sumakabilang-buhay si Kapitan Tiago buhat ng malaman ang nangyari sa anak.
Tumigil na rin ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Habang si Basilio ay nasa piitan, ang kanyang kasintahang
si Huli ay nagpakamatay sa kumbento. Nakalaya si Basilio at nagsangang muli ang landas nila ni Simon. Sa bandang
ito, nagpasya ang binata na sumanib na sa layunin ni Simon sa himagsikan.Pinaliwanag ni Simon ang kanyang
planong pagpapasabog at ito ay magaganap sa papiging ng kasal nila Paulita at Juanito.

Wakas
Sa nasabing piging natagpuan ni Padre Salvi ang isang maikling mensahe na may kaakibat na pirma ni Crisostomo
Ibarra. Ito ay nangamba at nagdulot ng kaguluhan sa mga tao sa piging. Nakita ng mga tao ang pag-andap ng
lampara. Sa plano, ang lampara ay iilaw lamang ng bente minutos, sapat para magsimulang lumiyab at kumalat sa
mga pulburang nakatanim sa bahay. Ngunit sadyang mahal ni Isagani ang dating kasintahang si Paulita at hindi nito
maaatim na mamatay, tinapon nito ang lampara sa ilog. Sa gitna ng kaguluhan, tumakas si Isagani.

Hindi naisakatuparan ni Simon ang kanyang plano at nalaman ng mga tao na siya ang mag pakana ng lahat. Ito ay
naging pugante sa lipunan. Habang siya ay nakabulos at umiiwas sa pagkahuli, nabaril siya ng gwardya sibil. Sa
kanyang sitwasyon, siya ay pumunta kay Padre Florention at doon ay naningalang-pugad. Uminom si Simong ng
lason para hindi mahuli ng buhay ng pamahalaan. Kanyang ipinakilala ang kanyang tunay na katauhan sa pari at
naghinga ng sama ng loobin hinggil sa pagkabigo sa planong himagsikan. Si Simon ay pinaliwanagang maigi ng pari
at kanya itong tinanggap sa kanyang puso. Pagkaraan, ito ay binawian na rin ng buhay. Ang lahat ng nalalabing mga
alahas ni Simon ay itinapon ng pari sa dagat.
Gitna
Wakas
simula

You might also like