You are on page 1of 5

Ang sariling wika ay sumasalamin sa kulturang ating kinagisnan.

Sa

pamamagitan ng wika nakilala ang kultura ng isang bansa. Dahilan ito ang nagbibigay

ng titulo, katawagan o paglalarawan sa kulturang mayroon tayo. Ngunit sa pagbabago

ng panahonm nagkakaroon din ng pagbabago sa wikang kinagisnan na maaaring

magdulot ng paglimot ng kulturang iningatan ng ating mga ninuno.

Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami na ring nabago sa

pamumuhay ng mga Pilipino. Nagging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon

sa pamamagitan ng mga social networking sites, text messaging, mass media at iba pa.

halimbawa na lamng ang pagkakaroon ng impormasyon ukol sa mga nangyayaring

karahasan, kalamidad, at kasiyahan sa bansa. Dahilan nga sa laganap na ang iba’t

ibang uri ng media mabilis tayong magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at

labas ng bansa. Ito rin ang nagbunsod upang makagawa ng maraming bagong salita na

hindi nararapat na mabuo sapagkat ito’y hindi angkop sa lengwaheng nakasanayan.

Dahilan nga sa kagustuhan ng mga Pilipino na mapadali ang komunikasyon sa ibang

tao kaya pinaiikli nila ang mga salita o “shortcut”. Ang pagnanais na makisabay na kung

ano ang uso at pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan ng mga grupo ay nagdudulot

upang mabuo ang mga salita pabebe, jejemon, bekimon, mga wikang fliptop, mga

ginawang bagong terminolohiya sa mga malalalim na salita, tulad ng “beki” na ang ibig

sabihin ay “bakla”, at “mudrabels” na ang ibig sabihin ay “nanay”. Mabilis itong kumalat

o matutunan ng iba sapagkat laganap ang iba’t ibang uri ng media sa bansa.

Ang isyung ito ay lubhang makaka-apekto sa kulturang kinagisnan sa oras na

hindi natin gamitin ang sariling wika. Sa pagsilang ng makabagong wika hindi na

napagtutuunan ng pansin ang wikang Filipino halimbawa na lamang ang mga wika sa
mga literaturang Ibong Adarna buong susuriin marahil wala pa sa kalahati ng mga

salitang naroon ang alam natin ang ibig sabihin. Ito ay dahil nasakop na an gating isipin

ng makamodernong salita. Ang isyung ito ay magdudulot ng kalituhan sa ating

pagkakalinlanlan sa oras na ibaon natin ang wikang kinagisnan.

Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya

lalong-lalo na patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas maraming barayti ng wika

at nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe katulad na lang ng mga

ginagamit ng mga bakla o “beki” na kadalasan na tinatawag na “beki language”. Marami

ng nadulot na impluwensya ang mga pagbabagong ito lalong-lao na sa mga kabataan.

Nang dahil sa teknolohiya na nakapaligid sa ating kabataan ngayon, nalipat na

ang kanilang atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o mahalaga.

Nakakalimutan na nila ang pangunahing kaalaman kagaya ng wastong paggamit ng

mga salita at ang kahalagahan ng pagbibigay importansya at pagtangkilik sa ating

sariling wika; ang wikang Filipino.

----------------------------------------------------------

Ang pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral ay ang

pagkasanay nitong gamitin ang salitang panlansangan na napupulot nila sa lipunang

kinalakihan. Ang mga salitang ito ay ginagamit rin nila sa pag-aaral na nagbubunga ng

di wastong paggamit ng salita. Halimbawa na lamang ang pagsulat ng isang

komposisyon, ang mga mag-aaral na malimit na ginagamit nitong salita ay siguradong

angkalalabasan ng isang komposisyon ay may mga salitang tulad ng erpat, ermat, utol
at iba pa. pinanghahalili nila ang mga ganitong salita kaysa sa tamang paggamit ng ina

at ama na salita.

Isa pang suliranin ay ang paggamit ng salitang ito sa pakikipagtalastasan at

pakikipagkapwa tao. Kung ang mag-aaral ay gumagamit ng salitang panlansangan sa

pakikipag-usap sa isang mataas na opisyal na paaralan ay sigurado na hindi sila

magkakaintindihan sapagkat ang mga salitang ginamit ay kapwa di-pamilyar sa bawat

isa.

Nariyan rin ang madalasang pagtatalo sa iba’t ibang barangay. Ang mga salitang

panlansangan ay ginagamit nila sa pakikipag-away at maging sa pakikipag-asaran sa

kapwa mag-aaral. Halimbawa na lamang ang linyang ito, “hay naku totoy nageskapo ka

na naman sa haybol nyo ng hindi pa naggogoli mukha ka tuloy tsimay, gobas ka talaga”

ang linyang ito kapag narinig ay tataas ang dugo at magkakaroon ng salpukan sa

pagitan ng nang-aasar at inaasar. Nagpapatunay lamang ang halimbawang ito na

maaaring sa salitang panlansangan ay makakagawa ka ng mga salitang nagdudulot ng

di kaaya-ayang reaksyon sa kapwa mo na matutuloy sa maduguang pakikipagtalo. Ang

mga salitang malimit na marinig sa mag-aaral ay ang mga gasmati, goli, tsekot,

buwaya, tsimay, praning, ka-kosa, sikyo, gobas, shode lulu at scout royale.

Ang paulit-ulit na suliranin ng mga mag-aaral na ito at laging kumukuliglig sa

kanilang mga tenga ay ang lagging pagpuna at pagsita ng mga guro sa mga salitang

namumutawi sa kanilang mga mag-aaral. Maging ang mga gurong ito ay nakakaranas

din ng mga suliranin kung paano lalapatan ng solusyon ang ganitong suliranin ng

kanyang mga estudyante.


Ang saigdig na ginagalawan ng tao ay mabilis na magbabaho. Tinutugunan

namna ito ng makabagong teknolohiya mula sa kagalingan ng tao, ngunit kung ang

mga tao sa daigdig ay walang unawaan, o kaya’y walang komunikasyon, magkakaroon

kaya ng pagbabago sa daigdig? Batid nating lahat na hindi.

Ang sama-samang pagkilos ng mga tao tungo sa isang layunin/ Gawain ay

bunsod ng kanilang pag-uunawaan at pagkakaisa.

Matalik na magkaugnay ang wikat at kultura. Taglay ng wika ang kultura ng

lipunang pinag-ugatan ng wikang iyon. Ang isang kultura’y maipapahayag ang katapat

sa wikang kakambal ng naturang kultura. Subukang ilipat ang isang wika sa laupaing

dayo. Ihasik at palaganapin ang wikang iyon, makikitang kasamang sisibol at yayabong

sa naturang wika ang kulturang kakambal.

Ang wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Tunay ngunit hindi

kasangkapang mekanikal lamang. Higit dito ang kalikasan at kagamitan ng isang wika.

Ito’y tagapagdala ng mga ideya.

Iniimpluwensyahan nito ang ugali ng tao, ang kanyang isip at damdamin. Ang

wika’y instrument sa paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip. Samakatuwid,

upang magamit sa sukdulan ang wika dapat itong hawakan nang buong husay,

angkining ganap. Ang mahina at di ganap na paghawak ng wika’y nagpapahiwatig ng

mahina at di agnap ding bunga ng naturang pagagamit nito.


Tunay na napakahalaga ng wika at karunungang pantao, at ang karunungan ay

napakahalaga sa tao. Ang pagkakaroon ng wika ay katangian ikinaiba ng tao sa iba

pang mga kinapal ng Diyos. May wika syang kasangkapan sa kanyang lipunang

pinamamayanan ng katwiran at ganting pakinabang.

You might also like