You are on page 1of 2

“Revyu ng Pinikulang Miracle Cell no.

7”

Ang Miracle Cell no.7 ay pinekula na mula sa korea


ngunit ito ay kinalaunang ginawan ng Tagalog
Remake na binigyang kulay ng sikat na actor na si
Aga Muhlach bilang si Joselito na isang tatay na may
kapansanan sa pag-iisip at ang cute na cute na child
actress na si Xia Vigor bilang si Yesha na anak ni
Joselito.Ang kwento ay umiikot sa mag amang si
Joselito at Yesha, si Joselito ay may kapansanan sa
pag-iisip ngunit na aalagaan at napalaki niya si
Yesha Mabuti kahit na ito ay may sakit sa pag-iisip
ay naturuan niya ang kanyang anak na si Yesha ng
mabuting asal. Si Yesha ay mahilig sa Sailor Moon
isang karakter sa isang anime ito ay idol niya, kaya naman ang hiling niya ay mag karoon ng sailor
moon na bag. Dahil mahal na mahal niya ang kanyang anak ay gumawa siya ng paraan para
mahanap ang bag na ito,at ng makita nila ito ay iisa na lamang ang natira ngunit naagawan na sila
ng isang mayamang pamilya , dahil nga may sakit sa pag-iisip si Joselito ay inagaw niya ito sa
batang nakabili nito, nakita si Joselito ng magulang ng bata at inakalang sinasaktan niya ang bata
kaya naman binugbog siya ng tatay nito, mabuti na lamang ay napigilan agad ito. Habang nag
bibilang si Joselito ng kanyang nakuhang sweldo ay may tumawag saknyang bata, ito ang batang
naka bili ng sailor moon na bag, nakilala siya ng bata at sinabing sundan siya upang ipakita ang
sailor moon na bag na kamukha ng gusto ni Yesha, sinundan naman ito ni Joselito, maulan noong
araw na iyon ata madulas habang sinusndan niya ang bata ay bigla siyang nadulas kaya naman
nawala ang bata sa kanyang paningin, ng makita niya ang bata ay naka handusay na ito sa sahig at
duguan ang ulo, kaya naman nilapitan niya ito at nag sagawa ng cpr,ngunit may nakakita sakanya
at inakalang ginagahasa niya ang bata.Agad na nakulong si Joselito sapagkat anak pala ng isa sa
may mataas na pwesto sa pulisya ang tatay ng bata, agad na sinarado ang kaso ni Joselito kahit na
halata halata naman na hindi si Joselito ang pumatay sa bata. Habang nasa kulungan si Joselito ay
nakilala niya sila Tatang Celso,Boss sol,Bong,Choy,at Mambo sila ang mga kasama niya sa
kulungan noong una ay ayaw nila kay Joselito dahil sa kaso niya na Rape ngunit kilanaunan ay
nakilala nila na hindi kayang gawin ito ni Joselito, isang beses ay niligtas ni Joselito si Boss Sol
kaya naman bilang pag papasalamat kay Joselito ay tinago nila si Yesha sa isang drum at dinala sa
loob ng kulungan, tuwang tuwa naman si Joselito at Yesha. Isang araw ay nag karoon ng sunog sa
kulungan na kagagwan ng isa sa preso doon, na iwan sa loob ng kulungan ang pulis na naka assign
sa kanila na si Sir Johnny nakita ito ni Joselito at kahit na sobrang laki na ng apoy ay pinuntahan
niya parin ito para iligtas. Noong una ay kinamumuhian ni Sir Johnny si Joselito ngunit tulad nila
Boss Sol ay ng makilala nila si Joselito ay nakita niya na inosente ito. Kaya naman nag pasya si
Sir Johnny na ampunin si Yesha at gumawa ng paraan para mapasok ito sa kulungan, nagawan
naman niya ito ng paraan dahil alam niya na mababait naman ang kasama ni Joselito sa kanilang
celda. Dahil nakita din ni Sir Johnny kung gaano kamahal ni Joselito ang kanyang anak sigurado
siya na hindi magagawa ni Joselito ang manggahasa ng bata kaya naman binalikan niya ang kaso
ni Joselito at sinubukang patunayan na inosente si Joselito ngunit nabigo sila dahil tinakot ng tatay
ng bikitma si Joselito na sasakatan niya si Yesha pag siya ay umamin na inosente siya. Kaya naman
nahatulan si Joselito ng parusang kamatayan kahit na inosente ito. Dumaan ang madaming taon ay
na patunayan na narin inosente si Joselito ng kanyang anak na si Yesha sila Tatang Celso,Boss
sol,Bong,Choy,at Mambo naman ay nakalaya na at may kanya kanya na trabaho. Doon nag tatapos
ang kwento. Ang Pinekulang ito ay nag papakita na hindi pantay ang mundo, hindi lahat ng
makakalaban mo ay patas sayo, minsan kahit anong patas mo lumaban kung ikaw ay dadayain ay
wala rin, makikita din sa kwento kung gaano mag mahal ang isa magulang, makikita din dito na
kailangan muna nating alamin ang mag kabilang panig bago tayo mang husaga ng isang tao, lahat
ng tao pedeng magbago, at mali ang pag iisip natin na lahat ng nasa kulungan ay masasamang tao
na minsan mas masama pa ang mga nasalabas ng kulungan kesa sa mga tao sa loob. Higit sa lahat
mahalin natin ang ating magulang at sulitin ang oras na kasama sila.

You might also like