You are on page 1of 2

“Hindi malilimutang Taon”

2020, taon na hindi malilimutan at katapusan muli ng isang dekada. Ang taong 2020 ay
talagang mananatili sa kaisipan ng mga tao. Maitatala ang taon na ito sa mga libro at
paniguradong mababatid o maikukwento sa mga susunod na henerasyon. Ang taong 2020 ay
punong puno ng mga kaganapan. Maituturing din ang taon na ito na taon ng pagbabago. Pag
babago na hindi inaasahan at hindi inaasam ng mga tao.

Talagang hindi malilimutan ang taong 2020, buong mundo ay alam ang mga kagapan sa
taong ito. Ang maituturing isang dekadang kaganapan ay naganap sa isang taon. Maraming
kinaharap na pag subok ang mundo sa pag daan ng taong ito.

Sa pag pasok ng taong ito, pinag patuloy ng bansang Australia ang pag puksa ng apoy sa
kanilang mga kagubatan o ang Australian bushfire, na pumuksa sa humigit kumulang 18,636,079
ektarya ng lupain at pumatay sa maraming hayop doon. Sumunod sa kaganapan na ito ay ang pag
kamatay ng Iranian general Qasem Soleimani, na nag dulot ng alitan sa mga bansang Iran at
bansang America. Sa pag simula din ng taong 2020 ay sinalubong nating ang balita tungkol sa
pagkalat ng nakahahawang sakit na COVID-19 na kinaalarma ng buong mundo. Sa taong din ito
ay nabahala ang ating mga kababayan sa pagsabog ng bulkang taal. Nag karoon din ng malakas
na pag lindol sa bansang Turkey. At nagulat at nagluksa ang buong mundo sa biglaang pag
kamatay ng isang maalamat sa larang basketball na si Kobe Bryant. Sa taong din ito ay napatay
si George Floyd ng pulis na humuli sa kanya, at naging dahilan ng pag buo ng protesta para sa
hustisya sa pag kamatay niya na tinawag na Black Lives Matter protest. Sa taong din ito ay
naganap ang malaking pag sabog sa Lebanon na pumatay sa 78 na tao at mahigit na 4000 ang na
tamo ng sugat at mga pinsala. Nakaranas din ng matinding pinsala ang bansang Pilipinas sa pag
salanta ng super typhoon Goni. Nasaksihan din ng buong Pilipinas sa pamamagitan ng Social
Media ang pag patay ng isang pulis sa mag inang Gregorio.

Ilan lang ito sa mga kaganapan sa buong mundo sa taong 2020. Ngunit ang malaki at ang
matunog na kagnapan sa taong ito ay ang pag diskubre sa sakit na COVID-19 na mabilis kumalat
sa buong mundo. At ang mga lockdown na naranasan sa buong mundo at ang pag kawalan ng
trabaho ng maraming tao dito sa ating bansa. Talagang maitatala ang taong 2020 sa mga libro at
naging parte ng kasaysayan. Napagdaanan natin ang mga ito sa isang taon lamang at hanggang
ngayon ay patuloy tayong bumabangon at namumuhay sa panibagong paraan ng pamumuhay.
Ang taong 2020 ay isa lamang pagsubok na ating nalagpasan at ngayon ay parte na ng
kasaysayan.

You might also like