You are on page 1of 3

MAGDAMIT, ANDREA N.

BSA 3A

Komunikasyon sa Akademikong Filipino


Kabanata 1

Pagpapakahulugan:

Suriin at Ilarawan ang mga sumusunod na mga salita/ grupo ng mga Salita.

A. Wika
B. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
C. Kahalagahan ng Wika
D. Mga Tungkulin ng Wika
E. Antas ng Wika
F. Barayti ng Wika

A. Wika
Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa
isang partikular na lugar. Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit
araw-araw. Sa malawak nitong kahulugan, wika ay anumang anyo ng pagpaparating ng
damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala. Ginagamit ang wika upang
makipag-usap sa ibang tao. Higit sa lahat, ito ay mas makabuluhan sa pagpapahayag ng
impormasyon.

B. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika


1. Teoryang Bow-wow – mga tunog na nilikha ng mga hayop.
2. Teoryang Ding-dong – ito ay mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa
kapaligiran
3. Teoryang Pooh-pooh – ang paggamit ng bibig na bumubuo ng mga tunog
na galing sa mga emosyon
4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay – ang wika ay galing sa mga tunog na
nilikha galing sa mga ritwal.
MAGDAMIT, ANDREA N.
BSA 3A
5. Teoryang Sing-song – ang wika ay galing sa musika
6. Teoryang Biblikal – Genesis 11:1-8 na nagsasabi na ang buong lupa ay
isang wika at isang mga salita
7. Teoryang Yoo He Yo – natuto ang taong magsalita dahil sa kanyang
pwersang pisikal.
8. Teoryang Ta-ta – nangangahulugan itong paalam.
9. Teoryang Mama – unang sinabi ng sanggol dahil hindi niya masabi ang
salitang mother.
10. Teoryang Hey you! – teoryang mula sa linggwistang si Revesz.
11. Teoryang Coo coo – tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga
sanggol na ginagaya ng mga matatanda
12. Teoryang Babble Lucky – nagmula ang wika sa mga walang
kahulugang bulalas ng mga tao.
13. Teoryang Hocus Pocus – nanggaling ang wika sa tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyon ng mga ninuno.
14. Teoryang Eureka! – ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda
ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.

C. Kahalagahan ng Wika
Ang wika ay pangunahing instrumento ng komunikasyon at ito ay mahalaga sa
pang araw-araw nating buhay. Ito rin ay mahalaga sa aspeto ng edukasyon upang
makapagbigay ng kaalaman para sa malalim nating pag-intindi. Bukod dito, mahalaga
rin ang wika dahil ito ay ginagamit sa pakikipagkalakalan at diplomatikong
pamamaraan. Kung walang wika, hindi magkakaunawaan ang bawat isa. Mawawalan ng
saysay ang gawain ng sangkatauhan kung wala ang ito.

D. Mga Tungkulin ng Wika


Interaksyonal ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag,
pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Instrumental ang tungkulin ng wika
na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. Regulatori ang tungkulin ng
MAGDAMIT, ANDREA N.
BSA 3A
wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Personal
naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o
opinyon. Imahinatibo naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan. Heuristik ang tungkulin ng wika na ginagamit sa
paghahanap o paghingi ng impormasyon. Impormatibo naman ay ginagamit sa
pagbibigay ng impormasyon.

E. Antas ng Wika
1. Balbal – Ang pinakamababang antas at bumubuo nito ng mga salitang
kanto.
2. Lingua franca o Panlalawigan – tumutukoy sa salitang ginagamit ng
partikular na lalawigan
3. Pambansa – Ito ay ginagamit ng buong bansa
4. Pampanitikan – Ginagamit ito sa panitikan katulad ng tayutay, idioma, at
iba pa.
5. Kolokyal- Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal
na mga salita.

F. Barayti ng Wika
1. Idyolek- pampersonal na gamit ng wika, kadalasang yunik.
2. Dayalek- nadedebelop sa rehiyong kinabibilangan.
3. Sosyolek- pansamantalang barayti.
4. Etnolek- nadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolonggwistikong grupo.
5. Ekolek- kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay.
6. Pidgin- wikang walang pormal na estruktura.
7. Creole- nadedebelop ang pormal na estruktura.
8. Register- wikang espesyalisadong nagagamit sa isang partikular na domeyn.

You might also like