You are on page 1of 1

MAGDAMIT, ANDREA N.

BSA-3A

Wikang Filipino
Hindi ba’t kay sarap aralin
Ang wikang sariling atin
Kasama mo sa araw-araw
Halika’t bigyan ng pagtanaw

Mas madaling palitan ng impormasyon


Dahil sa wikang nagsisilbing koneksyon
Interaksyon sa kapwa ay mas madali
Wika ay gamit din upang mapaunlad ang sarili

Kasabay ng makabagong panahon


Pag-usbong ng wika’y wala na sa iisang kahon
Iba’t-ibang barayti ay nakilala
Tunay nga na Wikang Filipino ay kakaiba

Pormal, impormal, conyo o balbal


Wikang Filipino ay magtatagal
Wikang dapat nating ipagmalaki
Dahil ito ay parte ng ating sarili

You might also like