You are on page 1of 1

Isang dating security guard ang nang-hostage ng tinatayang 30 tao sa isang mall sa Greenhills, San

Juan ngayong Lunes.

Isa naman ang nasugatan matapos barilin ng suspek pero stable na ang kaniyang kondisyon sa
ospital, ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora.

Base sa paunang impormasyon, bandang alas-10 ng umaga nang dumating ang armadong suspek
sa mall at hinostage ang mga tao sa loob ng administration office.

Sinasabing ilan sa mga dahilan ng pangho-hostage ng suspek ay ang umano ay korupsiyon sa


kanilang opisina at hindi makatarungan na pagsibak sa kaniya sa trabaho.

Nabulabog ang mga nagtitinda at mamimili sa mall matapos marinig ang putok ng baril ng suspek.

Isinailalim sa lockdown bandang alas-11 ng umaga ang Greenhills Shopping Center.

Sa ngayon, nakikipagnegosasyon ang suspek sa mga awtoridad.

Hiniling daw niyang makausap ang mga kasamahan niyang guwardiya ng establisimyento kahit video
call lang.

Hiniling din daw ng suspek na mag-sorry sa kaniya ang mga dati niyang boss at pinagbibitiw ang mga
ito sa mga puwesto.

Sa isang pahayag, sinabi naman ng pamunuan ng Greenhills na prayoridad nila ang pagtiyak sa
kaligtasan ng mga empleyado at publiko.

Mahigpit umano silang nakikipagtulungan sa mga awtoridad.

You might also like