You are on page 1of 10

ARALIN 1 – MGA KONSEPTONG PANGWIKA: Tunog -> pantig -> salita -> parirala

KAHULUGAN AT KATANGIAN NG WIKA at pangungusap -> talata

2. Ang wika ay sinasalitang mga tunog -


⮚ Kasaysayan ng Paglikha
May iba’t ibang parte ng katawan ng tao
na responsable sa paglikha ng mga
⮚ Tore ng Babel tunog, na kalaunan ay nabibigyang
kahalugan ng mga taong lumilikha nito
⮚ Iba pang mga pangyayari sa Bibliya sa mga partikular na konteksto.
⮚ Sa tahanan, sa paaralan, politika, 3. Ang wika ay arbitraryo - Pangkat ng mga
sa simbahan, sa palengke, sa tao ang nagtatakda ng mga tuntunin sa
lansangan, atbp. paggamit ng wika. Sila rin ang
“lumilikha” o humuhubog sa wika,
Wika - Sistematikong instrumento ng pinagkakasunduan ang kahulugan ng mga
pagpapahayag ng kaalaman, paniniwala, kataga, salita, pahayag, at iba pa sa
opinyon, damdamin, at iba pa. kanilang wika.

MGA PAGPAPAKAHULUGAN MULA SA MGA KILALANG 4. Ang wika ay kabuhol ng kultura -


LINGGUWISTA: Mahalagang bahagi ng kultura ang wika,
kaya hindi ito pwedeng paghiwalayin.
● Noam Chomsky (December 7, 1928) - “Ang
wika ay proseso ng malayang paglikha; Ang wika ang pangunahing kasangkapan sa
ang batas at tuntunin nito ay hindi pagpapahayag at pagpapalaganap ng
natitinag ngunit ang paraan ng paggamit kultura.
sa mga tuntunin ng paglikha ay malaya
at nagkajaiba-iba.” 5. Ang wika ay dinamiko - Buhay ang wika.
Nagbabago – sa pagbabaybay, paraan ng
➔ American Lingguist, philosopher, pagbigkas, nagbabago ang kahulugan ng
cognitive scientist, historian, mga salita, at maging sa mismong
social critic, and political gramatika nito. Maaaring mamatay o
activist maglaho at mapalitan ng bago. buhay,
nagbabago
● Henry Gleason (1882-1975) - “Ang wika
ay isang sistema ng arbitraryo, 6. Ang wika ay makapangyarihan -
pasalita at pasulat na mga simbolo, na Instrumento ang wika sa maraming gawain
ginagamit ng isang pangkat sa lipunan.” ng tao. Kailangan ng tao ang wika para
sa mabisang pagpapahayag ng iniisip o
➔ American Ecologist, Critical nararamdaman
rather than negative thinker
7. Lahat ng wika ay pantay-pantay -
● Karl Marxc (May 5, 1818 – Mar. 14, Pantay-pantay ang lahat ng wika, dahil
1883) - “Ang wika ay kasintanda ng may kani-kaniyang saysay at kabuluhan
kamalayan, praktikal na kamalayan na ang bawat wika. Ano mang wika ay
umiiral din para sa ibang tao, maaaring gamitin sa iba’t ibang
lumilitaw lamang dahil kailangan, para larangan. May mga wikang nangingibabaw
sa pakikisalamuha sa ibang tao.” sa daigdig, ngunit hindi
nangangahulugang superyor ito.
➔ German Philosopher, Economist,
Historian, Political Theorist, ARALIN 2 - MGA ANTAS NG PAGGAMIT NG
Journalist, Social Revolutionary WIKA
● Benjamin Lee Whorf (Apr. 24, 1897 - WIKANG PAMBANSA – PAMBANSANG
July 26, 1941) - “Ang wika ay binubuo PAGKAKAKILANLAN
ng mga payak na salitang nililikha
bunga ng pagtugon ng indibidwal sa Article XIV, Section 6 : The national
kanyang kapaligiran.”
language of the Philippines is Filipino
➔ American Linguist, and Fire
Prevention Engineer ● Wikang Rehiyonal - Ito ang tawag sa
wikang ginagamit sa isa o higit pang
● Jose Rizal - “… habang pinangangalagaan rehiyon.
ng isang bayan ang kanyang wika,
pinangangalagaan niya ang marka ng ● Wikang Pambansa - “Filipino” - Simbolo
kanyang kalayaan; gaya ng pangangalaga ng pagkakakilanlan
ng tao sa kanyagn kalayaan, habang
● Antas Global/ Wikang Global
pinangangalagaan niya ang sariling
kalayaan ng kanyang pag-iisip.”
ENGLISH - Amerika Latina – ESPANYOL
MGA KATANGIAN NG WIKA: Ito rin ang dalawa sa wikang global o
wikang sinasalita sa maraming panig ng
1. Masistemang balangkas ang Wika - mundo.
Ginagabayan ng mga tuntuning
gramatikal, na bumubuo sa mismong ● Wikang Opisyal - Itinadhana ng batas na
sistema ng mga tunog at simbolong maging wika sa opisyal na talastasan ng
nakasulat. pamahalaan. Wika, na maaaring gamitin
sa anomang uri ng komunikasyon, lalo na ➔ Australyanong Lingguwista
sa anyong nakasulat, sa loob at labas
ng alinmang sangay ng gobyerno. ➔ Father of Systemic Functional
Linguistic
➔ Ayon sa Saligang Batas ng 1987,
Artikulo XIV, Seksyon 7, ang mga 1. Instrumental – nakatuon sa paggamit ng wika
wikang opisyal ng Pilipinas ay upang makamit ang mga pangangailangan ng isang
Filipino at, hangga’t walang tao.
ibang itinatadhana ang batas,
Ingles. ● Sa isang sanggol – ginagamit n’ya ang
pag-iyak upang iparamdam na siya’y
● Wikang Panturo - Wikang opisyal na nagugutom o basa ang lampin.(Gusto ko…)
ginagamit sa pormal na edukasyon.
Ginagamit sa pagtuturo, pag-aaral, wika 2. Regulatori – nakapokus sa paggamit ng wika
sa pagsulat ng mga aklat, at kagamitan sa pagbibigay ng utos o gabay sa ibang tao.
sa pagtuturo sa silid-aralan. (Gawin ninyo ito… Sundin ninyo ito.)
➔ Sa pangkalahatan nga ay Filipino ● Pagpapahayag ng mensahe na tila
at Ingles ang mga opisyal na wika kumokontrol sa kilos ng iba.
at wikang panturo sa mga
paaralan. ● [halimbawa: kailangan nang tumigil sa
ginagawa upang buhatin siya at
➔ Sa pagpasok ng K to 12 amuin(Gawin mo ang sinabi ko sa ‘yo.)]
Curriculum, ang Mother Tongue o
unang wika ng mga mag-aaral ay 3. Interaksiyonal – nagpapahayag ng ugnayan o
naging opisyal na wika mula relasyon; (share tayo)
Kindergarten hanggang Grade 3 sa
mga aaralang pampubliko at ● Pagsandal sa dibidib ng ina upang
pribado man. Tinatawag itong iparamdam ang pagmamahal, at iparamadam
Mother Tongue-Based Multi-Lingual na komportable at ligtas siya rito.
Education (MTB-MLE) (Ikaw at ako)
● Unang Wika - Wikang unang kinamulatan 4. Personal – tumutukoy sa pagpapahayag ng
ng tao at s’yang natural niyang damdamin, opinyon o paniniwala ng indibidwal.
ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.
● Ginagamit ng bata ang wika upang
➔ DepEd Order No. 74, Series of
ipakilala kung sino s’ya. Kung
2009, sinimulan ang pagpapatupad
sumusubok lumakad, natumba, agad na
ng MTB-MLE, upang ipagamit ang
tumayo at di man lang umiyak kahit
mga nangungunang unang wika o
nasaktan, nagpapakilala na siya ay
inang wika, o mother tongue sa
matapang. (“Narito na ako.”)
mga rehiyon .
5. Heuristiko – ang pagpapahayag ay nakatuon
● Pangalawang Wika - Anomang wikang
sa pagkalap ng impormasyon o kaalaman tungkol
natutunan ng isang tao bukod pa sa
sa kapaligiran ng nagsasalita.(Hal. “May
kanyang unang wika.
bakuna na ba para sa Dengue?”)
➔ Wikang Filipino at Ingles
● Paggamit ng bata sa wika upang pag-
➔ Maaaring magkaroon ng higit sa aralan ang kapaligirang ginagalawan
isang pangalawang wika ang isang niya at maintindihan ang realidad.
mamamayan. (“Sabihin mo sa akin kung bakit.”)

● Bilingguwalismo - Tawag sa kakayahang 6. Imahinatibo – may kaugnayan sa pagpapahayag


magsalita ng dalawang wika. ng kuwento at joke, paglikha ng kapaligirang
imaginary o kathang-isip. Paggamit ng wika sa
● Multilingguwalismo - Kakayahang malikhaing sulatin gaya ng tula, sanaysay at
magsalita ng higit sa dalawang wika. iba.

● Linguistically Homogenous - Iisang wika ● Paggamit ng wika upang lumikha ng isang


lamang ang umiiral at ginagamit. mundong kathang-isip, lalo pa hindi pa
hustong matigulang (matured) ang isip
● Linguistically Heterogenous - Lugar ng bata. (“Kunwari…...”)
kung saan umiiral at ginagamit ang
iba’t ibang wika. 7. Representasyonal – tumutukoy sa
pagpapahayag ng datos at impormasyon.
ARALIN 3 - MGA TIYAK NA GAMIT AT MGA ● Nakapagpapahayag ng impormasyon ang
BARAYTI NG WIKA SA LIPUNAN isang bata at nakapagpapakita ng
kakayahang manindigan na totoo ang
MGA GAMIT NG WIKA AYON KAY HALLIDAY: kanyang sinasabi. (“May sasabihin ako
sa ‘yo.”)
➢ Michael Alexander Kirkwood HALLIDAY
(M. A. K.) *Ayon sa pananaliksik ni Halliday, ang mga
paggamit na ito ay makikita sa mga bata. Unti-
➔ Apr. 13, 1925 – Apr. 15, 2018 unting umuulad habang tumatanda ; naghahalo-
halo ang mga gamit ng wika sa iba’t ibang
sitwasyon. 2. Tenor o Estilo – antas ng
pormalidad ng pagpapahayag
ANIM NA GAMIT NG WIKA AYON KAY JAKOBSON:
3. Moda – paraan ng pagpapahayag
➢ Roman Osipovich Jakobson (pasalita o pasulat)

➔ 1896 - 1982 Iba Pang Barayti ng Wika sa Lipunan:

➔ A famous Russian linguist who 1. Sosyolek – Porma ng wika batay sa


katayuan o istatus ng isang
emigrated to the Czech gumagamit ng wika sa lipunang
Republic and the United ginagalawan (mahirap o mayaman,
States. may pinag-aralan o wala,
kasarian, edad at iba pang salik.
➔ One of the most influential Ito ay maaari ring makita sa
intellectuals of the 20th pagkakaiba ng mga talasalitaang
century, with his gamit ng matatanda at ng kabataan
contributions to linguistics.
2. Barayting standard – Wikang
1. Reperensiyal (referential) – itinataguyod/isinusulong at
pagpapahayag na naglalarawan ginagamit ng pamahalaan,
paaralan, at media.
2. Ekspresibo (expressive) – tinatawag
ding “emotibo” o “apektibo”, 3. Barayting indigenized – Wika ng
ginagamitsa pagpapahayag ng damdamin. dating kolonisador na sumailalim
sa pagbabago o ebolusyon sa
3. Konatibo (conative) – nakapokus sa bansang dating kolonya.
pagbibigay utos
4. Pidgin – Wikang umunlad/napaunlad
4. Poetiko (poetic) – paggamit ng wika na sa dahilang praktikal kaya’t
may pagkamalikhain at pagkamasining walang masalimuot o komplikadong
tuntunin at limitado lamang ang
5. Patiko (phatic) – nakatuon sa bokabularyo o talasalitaan.
pagpapahayag kaugnay ng interaksiyon
5. Creole – Tawag sa pidgin na
6. Metalingguwal (metalingual) – tumutukoy naging inang wika o mother tongue
sa pagpapahayag na may kaugnayan sa ng isang pangkat ng mga tao. Ang
makabuluhang pagtalakay. creole ay pidgin na nagkaroon na
ng mga native speaker, ginagamit
MGA BARAYTI NG WIKA SA LIPUNAN: sa mas malawak na larangan o
field (Hal. Chavacano). Isang
• Tumutukoy sa pagkakaroon ng naiibang wika na unang naging pidgin
katangian ng wikang ginagamit sa ngunit kalaunan ay naging likas
partikular na lugar o konteksto. na wika.

• Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na Karagdagang Kaalaman:


ginagamit ng mga tao sa pormalidad,
1. Estilo ng Pananalita :
bigkas, tono, uri, anyo ng salita at
iba pa.
a. divergence = pananalitang
lumilikha ng distansiya sa kausap
Dalawang pangkalahatang Barayti:
upang iparamdam ang pagkilala sa
Permanente kanyang katayuan o awtoridad;
gumagamit ng titulo ng tao, po at
1. Diyalekto - tumutukoy sa opo;
panrehiyon o heograpikal na
barayti ng wika na may sariling b. convergence = paggamit ng mga
ponolohiya, sintaksis, at pananalitang nagpaparamdam ng
leksikon. (Bikolano, Cebuano, paglapit o pagiging komportable
Ilocano, etc.) sa kausap.

2. Idyolek - wikang karaniwang 2. Rehistro:


ginagamit ng isang tao, o
a. Sitwasyonal kung ang rehistro ay
personal na wika ng isang tao.
akma sa sitwasyon;
(Individual Dialect – personal o
ekslusibo sa bawat tao)
b. Okupasyonal kung gamit ng mga
propesyonal sa kanilang trabaho;
Pansamantala
c. Topikal kung ginagamit sa
1. Register – anyo ng wika batay sa
pagtalakay o pag-uusap ng isang
uri at paksa ng talakayan o
paksa.
larangang pinag-uusapan; sa mga
tagapakinig o kinakausap; o kaya
d. Jargon – Espesyal na teknikal na
ay sa okasyon, at sa iba pang mga
bokabularyo ng isang larangan
salik o factor. (mga halimbawa sa
aklat)
e. Balbal - Ito ang itinuturing na
wika ng kalye na ginagamit sa serbisyo ng mga mangangalakal.
karaniwang usapan.
➔ Mas maraming mamimili ang naaabot ng
ARALIN 4 - REGISTER/BARAYTI NG WIKA SA mga impormasyong ito kung wikang
IBA’T IBANG SITWASYON/LARANGAN nauunawaan ng nakararami ang gagamitin.

PISIKA
• Ekonomiks
● Siyensya
• Pisika
● Teorya ng Relatibidad
• Abogasya
● Paggalaw na kasingbilis ng liwanag
• Midya
● Grabitasyon
EKONOMIKS
● Galaw ng Mundo
● GLOBALISASYON - tumutukoy sa
pandaigdigang sistema ng malayang ● Einstein
kalakalan o free trade na isinasagawa
sa pamamagitan ng pag-aalis ng taripa ABOGASYA/ BATAS
(buwis sa imported na produkto).
★ CHED Memorandum Order (CMO) No. 20
➢ daigdig na walang hangganan o
“borderless world” (layunin ng ABOGASYA/ BATAS (Sitwasyong Pangwika sa
Pamahalaan)
globalisasyon, ayon sa mga
promotor) ➔ Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg.
335, Serye ng 1988 na “nag-aatas sa
● Layunin ng globlisasyon na buuin ang lahat ng mga kagawaran, kawanihan,
isang daigdig ng mga bansang malayang opisina, ahensiya, at instrumentaliti
nagpapalitan ng produkto, tao, kultura. ng pamahalaan na magsasagawa ng mga
hakbang na kailangan para sa layuning
● Mobilidad ng tao, produkto, at kapital magamit ang Filipino sa opisyal na
transaksiyon, komunikasyon, at
ang pangunahing doktrina ng korespondensiya.”
globalisasyon.
➔ Maging sa mga opisyal na pandinig sa
Sa ilalim ng globalisasyon: pamahalaan ay wikang Filipino rin ang
ginagamit subalit hindi maiiwasan ang
● Puhunan, utang, makinarya/teknolohiya code switching lalo na sa mga salitang
ang karaniwang import ng Pilipinas. teknikal na hindi agad naihahanap ng
katumbas sa wikang Filipino.
● Manggagawa/propesyonal, hilaw na
materyales, semi-manupaktura, at tubo MIDYA
ang karaniwang eksport ng mga bansang
third world. ● Ang telebisyon ang itinuturing na
pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mga
KALAKALAN (Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan) mamamayang naaabot nito.
➔ Ingles and higit na ginagamit sa mga ● Ang mabuting epekto ng paglaganap ng
boardroom ng malalaking kompanya at cable o satellite connection para
korporasyon lalo na sa mga pag-aari o marating ang malalayong pulo at ibang
pinamumuhunan ng mga dayuhan at bansa.
tinatawag na multinational companies.
● Ang pagdami ng mga palabas sa
➔ Ingles din ang wika sa mga Business telebisyon partiular ang mga teleserye
o pantanghaling programa na
Process Outsourcing (BPO) o mga call sinusubaybayan ng halos lahat ng
center lalo na iyong mga kompanya na milyong-milyong manonood ang dahilan
nakabase sa Pilipinas ngunit ang mga kung bakit halos lahat ng mga mamamayan
sineserbisyuhan ay mga dayuhang sa bansa ay nakakaunawa at
costumer. nakakapagsalita ng wikang Filipino.

➔ Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng MIDYA (Sitwasyong Pangwika sa Radyo at


memo, kautusan, kontrata, atbp. Ay Diyaryo)
gumagamit ng wikang Ingles.
➔ Wikang Filipino ang nangungunang wika
➔ Ang website ng mga malalaking sa radyo sa AM man o sa FM.
mangangalakal ay sa Ingles din
nakasulat gayundin ang kanilang press ➔ May mga programa sa FM na tulad ng
release lalo na kung ito ay sa mga Morning Rush na gumagamit ng wikang
broadsheet o magazine nalalathala. Ingles sa pagbrobroadcast subalit
nakakarami pa rin ang gumagamit ng
➔ Filipino ang wikang kadalasang Filipino.
ginagamit sa mga komersiyal o
palatastas pantelebisyon o panradyo na ➔ May mga estastyon ng radyo sa mga
umaakit sa mga mamimili upang bilihin probinsya na gumagamit ng rehiyonal na
ang mga produkto o tangkilikin ang mga wika ngunit kapag may kinakampanya sila
ay karaniwan sa wikang Filipino sila ● Pagsunog ng mga malamanuskritong
nakikipag-usap. balakbak ng puno at kawayang bumbong na
kinasusulatan ng katutubong panitikan
➔ Sa diyaryo namn ay wikang Ingles ang (ayon sa kanila ay gawa ng dyablo).
ginagamit sa broadseet at wikang
Filipino naman sa Tabloaid maliban sa ● Conquistador (leader in the Spanish
iilan. conquests of America, Mexico, and Peru
in the 16th century) - itinuring nilang
➔ Ang mga lokal na pelikulang gumagamit mababang uri at ignorante ang
nakararaming katutubo ng kapuluan na
ng midyum na Filipino ay tinatangkilik kakatwang binansagan nila ng Indio.
pa rin n mga manonood.
● Ipinagkaloob lamang ang edukasyon sa
➔ Ingles ang kadalasang pamagat ng mga nakaririwasang uri gaya ng ilustrado
pelikulang Filipino tulad ng One MOre at principalia.
Chance, Starting Over Again, It Takes a
Man and a Woman, Bride for Rent, You’re ● Kontrolado ang mga pahayagan.
My Boss, A Second Chance, atbp.
● Batobalani ng Krus at dahas ng espada
➔ Filipino ang lingua franca o ang ginamit upang sawatahin ang anumang
pangunahing wika ng telebisyon, radyo, pagtatangka ng mga Indio.
diyaryo, at pelikula.
● Nanatiling parokyal at makitid ang
pagkaunawa ng mga Pilipino sa diwa at
➔ Ang pangunahing layunin ay makaakit ng kahulugan ng nasyonalismo, lalo na sa
mas maraming manonood, tagapakinig o implikasyong lingguwistiko nito (wika)
mambabasa na makakaunawa at malilibang dahil nakakulong sila sa daigdig ng
sa kanilang palabas, programa at nobena, tribute (buwis) at sensura.
babasahin upang kumita ng malaki.
II. ANG PAPEL NG KILUSANG PROPAGANDA AT
KONKLUSYON KATIPUNAN SA PAGBUBUO NG PAMBANSANG
KAMALAYAN AT PAGSIBOL NG KONSEPTO NG
● Ang wikang Filipino ay maaaring gamitin PAMBANSANG WIKA
sa pagtalakay sa mga paksa batay sa
iba’t ibang larangan. ● Upang mapukaw at tuluyang magkahugis
ang nasyonalismong Pilipino sa anyo ng
kilusang repormista na naghahangad ng
● Intelektuwalisasyon - ito ay ang pambansang kalayaan at pagkakaisa laban
paggamit ng isang wika sa pagtalakay ng sa mga kolonyalistang Espanyol - pag–
iba’t ibang mahahalagang larangan. garrote sa mga bayaning martir gaya
nina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos,
● Ang paglinang ng register ng Filipino Jacinto Zamora (GomBurZa) at Dr. Jose
sa iba’t ibang larangan ay makatutulong Protacio Rizal.
sa pagsulong ng intelektuwalisasyon ng
wikang pambansa. ● Katipunan - kauna-unahang
rebolusyonaryo at at pambansang
organisasyon na ang layunin ay mapalaya
● Ang paggawa ng glosaryo, o talaan ng ang Pilipinas sa kamay ng mga Kastila.
mga termino, at ang pagsasalin, ay
mahalaga sa proseso ng ● Kailangan ng isang wikang magbubuklod
intelektuwalisasyon. sa sambayanan.

● Kaya’t nararapat itong ipagpatuloy ng ● Bunsod sa konsensus, halos lahat ng


mga guro, estudyante, at mananaliksik manipesto at pahayag ng Katipunan ay
ng iba’t ibang larangan. isinulat sa wikang Tagalog – ang wika
ng kabisera at mga kalapit probinsya.
Maging ang rebolusyonaryong manipesto
ni Andres Bonifacio “Ang Dapat Mabatid
ng mga Tagalog” ay isinulat sa Tagalog.
ARALIN 5: KASAYSAYAN SA PAGBUBUO NG
WIKANG PAMBANSA ● Indio = Taga-ilog

I. SISTEMATIKONG PABUBURA SA KAMALAYANG ● Katutubong wika ng sinaunang Pilipino,


PAMBANSA AT MAKABANSA: ANG TATLONG naglaho o lumabnaw dahil sa
SIGLONG PANGINGIBABAW NG “KRUS AT ESPADA” kolonyalismo.

Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila: ● Panawagan ni Bonifacio na hindi lamang


ang rebolusyong magwawasak sa pisikal
● Tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taon na tanikala ng pagkaalipin, kundi
ng pang-aalipin maging sa mga mental na kandadong
humahadlang sa pagsibol ng malayang
bansa, pagkabansa, at kamalayang
● Binura ang pagkakataong makahubog ng makabansa.
pambansa at makabansang kamalayan
(national/nationalist/consciousness) ● Binigyang-diin ng Supremo ng Katipunan
ang mahigpit na pangangailangan sa
● 100 taon, sumiklab ang pag-aalsa sa mga pagbuo ng pambansang kamalayan na
batayang sektoral, etniko at personal sinikil at di pinabayaang makasibol
dahil sa mahigit 300 taong hegemonya ng
● Las Islas Pilipinas (used to cover all mga Kastila.
the islands of the Philippines)
● Konstitusyon sa Biak-na-Bato, Bulacan sarsuwela.
(1897) – panimulang katuparan ng
pangarap ni Andres Bonifacio sa isang ● Paulit-ulit na inaresto at ibinilanggo
probisyong nagpapahayag sa wikang ang maraming manunulat, mandudula, at
pambansa ng bago at nakikibaka pa ring maging ang mga artista sa mga
republika: “subersibong sarsuwela.”

* “Ikawalong utos: Ang wikang ● Ipinasara rin ang mga pahayagang


Tagalog ay siyang mananatiling makabayan na naglilimbag sa wikang
wika ng Republika.” Espanyol gaya ng El Renacimiento, dahil
sa paglalathala ng mga artikulong
* El Filibusterismo at tumutuligsa sa mga Amerikano at
Konstitusyon sa Biak-na-Bato - nagpapalaganap ng nasyonalismo.
malinaw na makikita ang
koordinasyon at paghuhugpong ng ● Sa pagtuturo ng kasaysayan sa paaralan,
kaisipang repormista ng Kilusang tinalakay ang talambuhay nina Abraham
Propaganda at ideolohiyang Lincoln, George Washington, at Benjamin
rebolusyonaryo ng mga Katipunero. Franklin.

● Naudlot ang pagpapasibol ng wikang ● Bandido at tulisan – ito ang bansag sa


pambansa ng mga Pilipinong makabayang gaya ni Macario Sakay, dahil
rebolusyonaryo. Nang malaon ay sa patuloy na pakikibaka para sa
nagtagumpay sa pagpapalayas ng mga pambansang kalayaan, sa kabila ng
Kastila, at pagdaong ng isang bagong pagsuko ng mga ilustrado.
lahing dayo sa ating dalampasigan.
● Kamalayang Amerikanisado = banking
III. SILING LABUYO, EDUKASYONG ALKANSIYA, education = psychological cloning
AT TANIKALA SA DILA: ANG WIKANG KATUTUBO
SA MGA UNANG DEKADA NG HEGEMONYA NG
AMERIKA IV. ANG TALIBANG AHENSIYANG RESPONSABLE
SA KULTIBASYON NG WIKANG PAMBANSA
● Kaiba sa mga Kastila, nilubos ng mga
Amerikano ang paghubog sa mga Pilipino ● Institute of the National Language
ayon sa kanilang pag-iisip at pagkatao. (Surian ng Wikang Pambansa) – inihayag
noong Ika-12 ng Enero 1937 sa bisa ng
● Psychological cloning – ito ang Commonwealth Act No.184. Ito ang
prosesong inilapat ng mga bagong magsisilbing tagalinang tagalinang ng
mananakop sa mga Indio. Sinimulan sa lupang tatamnan ng wikang pambansa.
pamamagitan ng sapilitang pagpapagamit
ng wikang Ingles sa lahat ng mga
paaralan. ● Pitong kinatawan ng pitong
lingguwistikong pangkat sa Pilipinas:
● Little Brown Americans – produkto ng
mga paaralang itinayo at pinamahalaan 1. Jaime C. de Veyra – Samar-Leyte
ng mga kampon ni Uncle Sam. Visayan

● Naging parang krimen at ganap na 2. Santiago Fonacier – Ilocano


ipinagbawal ang pagsasalita sa wikang
bernakular. 3. Filemon Sotto – Cebu Visayan
● Genoveva Edroza-Matute – kilalang 4. Casimiro Perfecto – Bicol
manunulat ng maikling kuwento. Ayon sa
kanya, ang sinomang mahuling gumagamit
ng wikang katutubo sa kampus ay 5. Felix Rodriguez – Panay Visayan
hinihiya at sinusuutan ng karatulang “I
was caught speaking the vernacular.” 6. Hadji Butu – Moro
● Sinusubuan ng siling labuyo ng mga 7. Cecilio Lopez - Tagalog
maestra (guro) ang mga batang kulang
ang alam sa wikang Ingles. ● Ika – 9 ng Nobyembre 1937 – nilagdaan
ng mga kasapi ng instituto ang
● Banking education o edukasyong resolusyon na naghahayag ng
alkansiya (suksok-hugot) – kung anong rekomendasyon na piliin ang Tagalog
sasabihin ng guro ay s’ya ring uulitin, (ito ang wikang pinakamaunlad sa
bibigkasin, isusulat at muling uulitin, aspekto ng estruktura, mekanismo, at
bibigkasin at mememoryahin ng mga tila literatura) bilang batayan ng wikang
lorong mag-aaral. pambansa ng Pilipinas.
● Bonifacio Sibayan – dating pangulo ng V. ANG PANIBAGONG BINHI: WIKANG
Philippine Normal University (edukasyon PAMBANSANG BATAY SA TAGALOG
na kanyang tinamo sa kamay ng mga
Amerikano – halimbawa: pag-awit ng mga
kantang Ingles, paulit-ulit na ● Disyembre 30, 1937 – pormal na iniluwal
memorisasyon. – paglalarawan ng ang Executive Order No. 134 ni
sistemang “suksok-hugot). Pangulong Manuel L. Quezon, ang wikang
pambansang batay sa wikang Tagalog,
alinsunod sa rekomendasyon ng Institute
● Dahil sa sapilitang pagpapagamit ng of the National Language na may
wikang Ingles, mistulang kinitil na rin komposisyong multilingguwal.
ang wikang katutubo, at marahas na
sinupil ang nag-aalab na damdaming ● “A national soul cannot exist where
makabayan, at kamalayang pambansa ng there is not a common language.”
sanbayanan na pamana ng Katipunan.
VI. ANG KAMUSMUSAN NG WIKANG PAMBANSA:
● Ipinagbawal ang pagtatanghal ng watawat USAD PAGONG NA PAGSULONG
at iba pang simbolo ng nasyonalismo.
● Tatlong taon ang lumipas mula ng ihayag
● Tiniktikan ang mga makabayang ni Quezon ang pagsilang ng wikang
pambansa na batay sa Tagalog, bago ito VIII. KONTRIBUSYON NG KAAWAY: PAGSIGLA NG
naging isang wikang opisyal sa PANITIKAN SA WIKANG PAMBANSA
Pilipinas, sa pamamagitan ng
Commonwealth Act No. 570 na nilagdaan ● Lapastangan, marahas ang mananakop na
noong Hunyo 7, 1940. (pero hindi Hapones, ngunit may positibong
retroactive o agaran ang naging kaganapan para sa Perlas ng Silangan sa
implementasyon ng batas na ito.) noo’y musmos pa nating wikang pambansa.

● Hulyo 4, 1946 – “pagsasauli” ng ● Sa kabila ng dahas, gutom, pagkawala ng


kalayaan ng Pilipinas, sa pamamagitan dangal, dahil sa hukbong mananakop, sa
ng Batas Tydings-McDuffie, kabilang sa larangan ng edukasyon at panitikan,
kundisyon dito ang pagpapanatili ng nabuhay ang aandap-andap na titis ng
Ingles bilang pangunahing wika ng nasyonalismo sa wika.
edukasyon.
● Ganap na ipinagbawal ng mga Hapones ang
● Ang wikang pambansang batay sa Tagalog paggamit ng wikang Ingles sa mga
ay itinuring na isa sa mga “wikang paaralan at ipinalit ang katutubong
opisyal”, ngunit ang Ingles pa rin ang wika, bilang wikang panturo, pati na
wikang pinalalaganap sa mga paaralan, ang Niponggo.
wikang higit na ginagamit, katuwang ng
Espanyol sa mga opisyal na ● Ipinahayag ni Pangulong Jose P. Laurel
transaksiyon, komunikasyon, at ang pagpapaturo ng wikang pambansa sa
korespondensiya ng pamahalaan. lahat ng mga publiko at pribadong
paaralan mula elementarya hanggang
● Sa panahon ng pagiging direktang tersyarya. (Executive Order No. 10)
Amerikaong kolonya, tinagkang sansalain
ng mg Amerikano ang pagsilang ng ating ● Naipalaganap ang wikang pambansa na
wikang pambansa. batay sa Tagalog sa pamamagitan ng
pagtuturo sa mga di-Tagalog at itinayo
● Ninais ng mga Amerikano na palalimin pa ng Republika ang Tagalog Institute
ang Amerkanisasyon ng mga brown noong 1944, na tinangkilik naman ng mga
Americans. Hapones.
● Inihayag ni Gobernador Heneral William ● Hinikayat ng mga Hapon ang mga Pilipino
Cameron Forbes ang ganitong layunin sa na magsulat gamit ang wikang pambansa
pagtuturo at pagpapanitili ng Ingles: ukol sa mga paksang sumasalamin sa
“It is believed that with the katutubong kultura at pamumuhay.
acquisition of knowledge of the English
language… the development and
assimilation of the Filipino people ● Ang panahon ng Hapones ang itinuring na
“Ginintuang Panahon ng maikling
will be greatly advanced.” Kuwentong Tagalog”, dahil sa
pagsusumikap na magamit ang wikang
VII. PAG-UNLAD NG MUSMOS NA WIKANG pambansa sa ganitong larangan.
PAMBANSA SA LARANGANG ADMINISTRATIBO
● Sa halip na psychological cloning,
● Executive Order (EO) No. 263 - cultural indigenization sa lambong ng
nilagdaan noong Abril 1940, pinagtibay oryentalismo ang itinuro ng mga Hapon
ni Quezon ang pagpapalimbag sa sa mga Pilipino.
diksyunaryo at balarila ng wikang
pambansa. Itinakda rin ng kautusang ito ● Heneral Artemio Ricarte – bayani at
ang opisyal na pagtuturo ng wikang beterano ng Rebolusyon ng 1896
pambansa sa paaralang pribado at
publiko. ● Benigno Ramos – pinuno ng Kilusang
Sakdalista, anti-Amerikanong manunulat
sa Tagalog at organisador ng mga
● Kautusang pangkagawaran – Instruksiyong magsasaka.
Pampubliko, April 8, 1940 = nilalaman
nito ang kautusan para sa panimulang
pagtuturo ng wikang pambansa simula ● Sina Ricarte, Ramos, at iba pa ay
naging makiling sa mga Hapones dahil sa
Hunyo 19, 1940, bilang asignaturang may
40 minuto bawat araw. lantad at aktibong pagpapalaganap ng
mga Hapones ng Cultural Indigenization,
na bumasag sa Amerikanisasyon ng mga
● Buletin Blg. 26 – inilabas ng kawanihan Pilipino.
ng edukasyon noong Nob. 15, 1940 upang
imungkahi ang pagkakaroon ng isang
● Munti man, positibo sa wikang pambansa
kolumna o seksiyon ng wikang pambansa ang tagumpay ng mga Hapon sa isa sa mga
sa mga pahayagang pampaaralan.Subalit layunin nila sa pagsakop sa Pilipinas:
sa pahayagang pang-estudyante ng “to eradicate the old idea of the
Philippine Normal College, na noo’y reliance upon the Western nations,
halos purong Ingles, mas malaki pa ang especially United States and Great
seksiyong Espanyol, kaysa sa wikang Britain...”
pambansa.
● Sa pagtatapos ng digmaan, ang
● Nanatiling dominanteng wika sa pagkatalo ng mga Hapon ay nagsilbi ring
edukasyon at pamahalaan ang wikang panibagong takipsilim ng opisyal at
Ingles sa kabila ng kautusan na aktuwal na pamamayagpag ng wikang
nagtataguyod ng opisyal na paggamit ng pambansa.
wikang pambansa.
IX. SA PANAHON NG MALAYANG REPUBLIKA:
● Sa panahon ng panibagong pangkat ng mga PANUNUMBALIK NG OPISYAL NA HEGEMONYA NG
manlulupig, mas marahas at walang
pakundangan kaysa sa mga nauna, sa INGLES AT HAKBANG-HAKBANG NA MARTSA NG
panahong ito sumulong at umiral ang WIKANG PAMBANSA
wikang pambansa.
● Ito ang panahon na muling niyakap ng
mga Pilipino ang mga mananakop na pamahalaan, na gamitin ang Wikang
Amerikano na binansagan nilang Filipino hangga’t maaari sa
“liberator”. Linggo ng Wikang Pambansa at
pagkaraan nito.
● Iba’t ibang pangkat ng mga gerilyang
Pilipino ang mabangis na nagtanggol sa ○ Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304
kalayaan ng Pilipinas. (Marso 16, 1971) - pinalawak ng
pamahalaan ang tungkulin,
● “Mga Ibong Mandaragit” – nobelang kapangyarihan, at kasapian ng
sinulat ni Amado V. Hernandez, kung Institute of the National
saan tinalakay niya ang epekto ng Language.
muling pagyakap ni Juan dela Cruz sa
mapanikil at tusong kamay ni Uncle Sam. ○ Memorandum Sirkular Blg. 172
(ipinalabas ito ng kalihim
● Nagpatuloy ang opisyal na paggamit sa tagapagpaganap noong Marso 28,
wikang Ingles bagamat sa papel, ang 1968) upang iatas ang “mahigpit
wikang pambansa na batay sa wikang na pagtalima” sa Kautusang
Tagalog ay isa ring “wikang opisyal”. Tagapagpaganap Blg. 96, Serye ng
1967 at ang paggamit ng Pilipino
● Bulitin Blg. 9 ng Kawanihan ng sa official letterheads at sa mga
Edukasyon, Nob. 21, 1946 – memorandum panunumpa sa tungkulin ng lahat
na nag-aatas ng pagkakaroon ng ng pinuno ng pamahalaan.
“panimulang aralin sa wikang pambansa
ng Pilipinas para sa mga gurong di- ○ Memorandum Sirkular Blg. 199
Tagalog,” upang kanilang maituro ng (Agosto 5, 1968) - nagtatagubilin
maayos ang wikang pambansa sa sa may- insensitibong pagdalo ng
elementarya. mga kawani ng gobyerno sa mga
seminar sa wikang “Pilipino” at
X. WIKANG “PILIPINO” PARA SA SAMBAYANANG sa iba pang katulad na aktibidad
PILIPINO ng Institute of the National
Language.
● Agosto 13, 1959 Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7 - itinalaga ang pormal na ○ Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
pagtawag sa wikang pambansa bilang (inilabas noong Hunyo 19, 1974)
“wikang Pilipino” ng Ministri ng Edukasyon at
Kultura – nilalaman nito ang “Mga
Panuntunan sa Pagpapatupad ng
● Ang pagpapalit ng pangalan ay nagbigay- Edukasyong Bilingguwal” upang
diin sa papel ng wika sa pagbuo ng mapalawak pa ang ang opisyal na
pambansang identidad. paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo. Itinadhanda rin
XI. DALAWANG DEKADANG DE-AMERIKANISASYON: nito ang magkahiwalay na paggamit
AKTIBISMO SA WIKA AT POLITIKA
ng “Pilipino” at Ingles bilang
mga wikang panturo.
Dekada Sitenta:

“IMPERYALISMO, IBAGSAK!” XII.DEKADA OTSENTA AT NOBENTA:


DALAWAMPUNG TAON NG FILIPINISASYON
➔ Mga katagang isinisigaw ng mga
estudyanteng nagpoprotesta sa ● Dahil sa makasaysayang Unang Rebolusyon
sa EDSA noong 1986, nagkaroon din ng
Kamaynilaan na naghahangad ng bagong Saligang Batas ang ating
Nasyonalismo sa edukasyon, Republika.
pulitika, at ekonomiya.
● Sa pagpapalit ng pangalan mula
● Renato Constantino – sumulat ng “Pilipino” patungong “Filipino” ganap
pamosong sanaysay na “The Miseducation na napatahimik na ang protesta ng mga
of the Filipino”. Nalathala noong rehiyonalista.
Dekada 60. Nilinaw niya rito ang papel
ng Estados Unidos sa sistematikong
pagbubura ng kamalayang pambansa at ● Ang pagbabanyuhay ng Pilipino na naging
makabansa sa mga henerasyon ng Filipino ay pagyakap ng wikang pambansa
Pilipinong hinubog sa mga paaralan na sa iba pang katutubong wika na may
Ingles lamang ang wikang panturo at tunog na wala sa Tagalog.
kulturang Amerikano ang niluluwalhati.
● Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335
● Tugon ng pamahalaan sa panawagang de- (Agosto 25, 1988) - nilagdaan ni dating
Amerikanisasyon: Pangulong Corazon Aquino ang kautusang
lalong pasiglahin ang paggamit ng
Filipino sa mga opisyal na
○ Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 transaksiyon, komunikasyon, at
(nilagdaan noong Nob. 14, 1962) – korespondensiya ng gobyerno.
iniutos ng Kagawaran ng Edukasyon
ang pagpapalimbag ng mga
sertipiko at diploma sa ● Kautusang Tagapagpaganap Blg. 53 (Serye
“Pilipino” na may maliliit na ng 1987) - lalong pinagtibay ang
English subtexts. patakarang bilingguwalismo sa
edukasyon.
○ Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
(nilagdaan noong Okt. 24, 1967) - ● Tagumpay at pagsulong ng wikang
iniutos ni dating Pangulong Filipino sa mass media:
Marcos ang pagpapangalan sa
Pilipino sa lahat ng gusali at ➔ Nauso ang paggamit ng Filipino sa
tanggapan ng pamahalaan. mga public affairs at new
program;
○ Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
(Agosto 16, 1969) – nag-aatas sa ➔ Pagsisimula ng mga programang
lahat ng kagawaran, kawanihan, Batibot, At Iba Pa, Hiraya
tanggapan, at iba pang sangay ng Manawari, at Bayani;
➔ Pong Pagong, Manang Bola, Kiko pinangingibabawan ng Ingles.
Matsing, at Kuya Bodjie;
● Kapag eleksiyon, Filipino ang ginagamit
➔ Mga isina-Filipinong cartoons – ng mga kandidato sa pangangampanya.
Huck Finn, Tom Sawyer, Julio at Ngunit ang mga batas at kautusang
Julia, Cedie, Voltes V, at iba inakda ng nakararaming pulitiko…
pa. Ingles.

● Popularisasyon ng mga radyo-dramang XVI. BINHING SA BALER NAG-UGAT, SA BUONG


Tagalog na sinubaybayan ng masang BANSA’Y PATULOY NA LUMALAGANAP
Pilipino ay nakapag-ambag din sa
pagsusulong wikang Filipino.
● Bagamat dumanas ng kabiguan ang wikang
Filipino na makapangibabaw sa mga
● Mas malaki ang naging papel ng radyo sa controlling domain, nanatili naman
Filipinisasyon ng mass media. itong sumusulong at umuunlad.
● Sumulong din ang Filipinisasyon sa ➔ sa larangan ng internet
diyaryo.
➔ sa telebisyon
● Naipasa ang Batas Republika Blg. 7104
na nagtadhana ng paglikha ng Komisyon
sa Wikang Filipino. ➔ mga advertisement

➔ mga pahayagan
XIII. BUNGAD NG IKALAWANG MILENYO: ANG
PAGBURA SA TAGUMPAY NG FILIPINO
➔ pamahalaan
● Ang pagtatangkang maisabatas ang House ➔ sa pananaliksik
Bill/HB No. 4701 (An Act to Strengthen
and Enhance the Use of English as the ➔ glosaryo at diksyonaryo
Medium Instruction in Philippine
Schools) ➔ sa buong mundo/International

● Executive Order/EO 210 – dokumentong ● Ang binhing itinanim ng isang nagbuhat


tila lason sa wikang Filipino at mga sa Baler ay nagkaugat at patuloy na
wikang bernakular. lumalaganap sa buong bansa at maging sa
ibayong dagat.
*Kung pakasusuriin, ang dalawang
dokumentong ito ay may iisang ● Kahit ginigipit, kahit sinisikil, kahit
pangunahing layunin, ang pagpuksa isinasantabi, kahit minamaliit, kahit
sa Filipino at mga diyalekto. kapit-sa-patalim ay lahatang panig na
sumusulong ang wikang Filipino, mula
● EO 210 – “Establishing the Policy to noon hanggang sa kasalukuyan, at
Strengthen the Use of English as a inaasahang magpapatuloy ito sa paglago
Second Language in the Educational sa mga panahong darating.
System.”
XVII. MTB-MLE: EDUKASYON SA INANG WIKA
● Nilalaman din ng HB 4701 ang mga
probisyong nagbibigay priyoridad sa ● 2013 - isinabatas ng Kongreso ang Batas
Ingles bilang wika ng interaksiyon sa Republika 10533 Saklaw ng K to 12 ang
paaralan, wika sa mga publikasyong repormang Mother Tongue-Based
pang-estudyante, at wika sa mga Multilingual Education (MTB-MLE) sa
eksaminasyon sa gobyerno. antas-primarya

XIV.PULIS PANGWIKA: MAKAPILI/GESTAPONG ➢ Kinder – Baitang 3, gagamiting


MAKA-INGLES SA KAMPUS pangunahing wikang panturo ang
mga inang wika o mother tongue sa
● Habang tumatagal, ang digmaang pangwika iba’t ibang rehiyon.
sa Pilipinas , partikular sa mga
pribadong paaralan, ay unti-unting ➢ Filipino at English – ituturo
lumalalim at nagkakaroon ng mga bilang asignatura sa Kinder
dimensiyong lumalabag na sa karapatang hanggang Baitang 3.
pantao.
➢ Baitang 4 – gagamitin nang wikang
● Sa usaping pangwika ng mga pribadong panturo ang Filipino at English
paaralan, hindi na kailangan ang HB sa iba’t ibang asignatura.
4701 at EO 210, dahil naging maka-
Ingles ang mga ito, at halos XVIII. WIKANG PAMBANSA SA DAGAT NG
nagpapaligsahan sa kani-kanilang LIGALIG: ANG CMO NO. 20, SERIES OF 2013
English-Only-Campaign, sa layuning
makaakit ng mas maraming estudyante.
● Binura ng nasabing CMO ang asignaturang
Filipino, Panitikan/Literatura,
● May mga paaralang lumikha ng spy Philippine Government and Constitution,
network ang English Department upang at marami pang iba sa kurikulum ng
manmanan ang mga estudyanteng kolehiyo.
nagsasalita ng wikang hindi Ingles.
● Maraming guro at mananaliksik ang
XV. HEGEMONYA NG INGLES SA MGA LARANGANG naniniwalang kailangan pa rin ang mga
MAKAPANGYARIHAN asignaturang ito, sapagkat ito ang
pundasyon ng nasyonalistang edukasyon
● Naging matagumpay ang wikang Filipino, na ayon sa kanila’y kahingian ng
subalit hindi pa rin ito naging Konstitusyon ng 1987.
dominante sa lahat ng larangan, dahil
ang mga controlling domain gaya ng
tatlong sangay ng pamahalaan ay

You might also like