You are on page 1of 4

-jona & jm

RASYONAL

Marami ng pagbabagong naganap sa ating lipunang ginagalawan sa


kasalukuyan. Palago na ng palago ang ekonomiya dahil sa pamamahala ng
kasalukuyang administrasyon. Mas umuunlad ang kabuhayan sa tulong ng teknolihiya
at modernisasyon. Marami ng nagbago, ngunit hindi pa rin maikakaila ang mga
problema at mga pagsubok na kinahaharap ng bansa sa kabila ng pag-unlad at paglago
ng ekonomiya.
Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong naninirahan ng sama-sama sa isang
nakaayos na komunidad na may iisang batas, kaugalian, at pagpapahalaga. Ito rin ay
binubuong iba’t ibang mga samahan, korelasyon, at kultura ito rin ay tumutukoy sa
lipon ng mga tao na nagtutulungan at nagkakaisa upang maisakatuparan ang kanilang
mga layunin. Ang mabisang halimbawa nito ay isang komunidad na kung saan may
mga taong nagtutulungan upang maiangat ang kanilang ekonomiya.
Ang kahalagahan ng lipunan ay higit pa sa kahalagahan ng yaman o anumang
salap. Mahalaga ang lipunan para sa ating mga tao. Ang isa sa kahalagahan ng lipunan
ay nagsisilbi itong tirahan para sa atin. Bilang isang indibidwal, nagsisilbi itong
tirahan sapagkat tayo ay natututong makihalubilo sa iba pang mga miyembro nito. Sa
pamamagitan ng pakikihalubilo sa iba, nahuhubog at napapaunlad nito ang ating
pagkatao. Likas na sa atin ang pakikipagkapwa tao simula pa man noong tayo ay
nilikha. Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa at pakikipag komunikasyon sa iba, mas
marami tayong natatapos na gawain. Mahalaga para sa ating mga tao na tumulong sa
ating lipunan dahil tayo ay kabilang dito. Sa lipunan nagkakaroon ng pagkakaisa ang
bawat indibidwal sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba.

LAGOM

MAIKLING PAHAYAG
1. Sa lipunan, ang tunay na layunin ay ang pagkakaisa o kolektibong pagkilos ng
bawat mamamayan upang makamit ang kabutihang panlahat at ang pag-unlad para sa
bawat isa.Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay maipakita ang kahalagahan at
ugnayan ng ating lipunan sa wika at kultura.
MGA RESPONDENT
2. Iilan sa mga kilalang Sosyologo o mga nag-aaral ng mga alituntunin ng lipunan.ay
may parehong pananaw sa salitang lipunan. Kabilang na sina Emile Durkheim, Karl
Marx at Charles Cooley.

Emile Durkheim - Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan


nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na
kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay
makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan
nang maayos ang kanilang tungkulin

Karl Marx - Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay


nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang yaman
upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na
ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon.
Bunga nito, nagkakaroon ng magkaiba at hindi pantay na antas ng tao sa
lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan

Charles Cooley - Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na


ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang
miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na interaksyon ng mga
Mamamayan.

(Script)

Emile Durkheim – Ito ay isang buhay na organismo na dito nagaganap ang mga
pangyayari at gawain. Ito rin ay walang tigil na kumikilos at nagbabago.
• Karl Marx – Ito ay pinagkakikitaan ng tunggalian mg awtoridad. Ito ay bunga
ng pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman para matugunan
ang kanilang pangangailangan.
• Charles Cooley – ito ay binubuo ng tao na may magsalabid na samahan at
tungkulin. Ang tao ay nauunawan at higit na nakilala ang kaniyang sarili nang dahil sa
pakikis

Malinaw na ang mga sosyologong ito ay nagkakaisa sa kaisipan na ang lipunan ay


binubuo ng iba’t iba ngunit magkakaugnay na institusiyon, ugnayan, at kultura.

SAKLAW
3. Sa lipunan, wika ang tumutulong upang labis na magkaunawaan ang mga tao sa
isa’t-isa, ito rin ay mahalaga sa lipunan sapagkat gaya nga ng sabi nila, “No man is an
island.” Samakatuwid, walang sinuman ang maaaring mabuhay na para sa sarili niya
lamang. Nabuo ang wika para sa lipunan at ang lipunan ay nabuo dahil sa wika, kaya
nakakaapekto ang wika sa lipunan na ginagalawan ng tao.

LIMITASIYON
4. Sa kabuuan, apektado ang wika sa kultura ng isang tao at sa lipunan ng partikular
lugar at gayun din nakakaapekto ang kultura at lipunan sa wikang ginagamit. Sadyang
hindi maipaghihiwalay ang dalawa, ang wika at kultura, samantala nakabuntot sa
kultura ang lipunan dahil kung walang lipunan walang mabubuong kultura, at kung
walang kultura maaarin may sari-sariling paniniwala ang tao sa isang lipunan.
Mahalaga ang wika kaya’t mahalaga ring mahalin ito.

PANAHON NG PAG-AARAL
5. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay makapagbigay ng sapat na kaalaman sa
bawat indibidwal kung ano ugnayan ng ating lipunan sa wika at kultura .Ang
binibigyang pokus ng aral na ito ay ang mamamayang Pilipino sapagkat sila ang mas
makikinabang nIto upang mapangalagaan ang iba’t ibang institusyon, ugnayan at
kultura. Sa paraan nito mapapanatili ng lipunan ang pagtangkilik sa sariling wika
http://diksiyonaryo.ph/search/sosyologo

https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-tunay-na-layunin-ng-lipunan-paano-ito-

makakamit

http://diksiyonaryo.ph/search/sosyologo

https://philnews.ph/2019/07/23/ano-ang-lipunan/

You might also like