You are on page 1of 10

.

4
Edukasyong Pangkatawan
Unang Markahan
Edukasyong Pangkatawan– Grade 4
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Markahan – Physical Activity Pyramid Guide
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabras sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ay maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa kagawaran.

Development and Quality Assurance Teams


Writers: Melodina C. Josol
Illustrator: ___________________________
Layout Artist: _________________________
Language Editor: _______________________
Content Evaluator: _______________________
Layout Evaluator: ______________________
Management Team: PSDS/DIC
___________________

RASYONALl

Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated Exempler) ay angkop na tugon ng Sangay ng mga Pamahalan
ng Surigao del Sur sa paghahatid ng mga pampagkatutong pangangailangan ng mga mag-aaral na

1
kahanay sa pagsusumikap ng mga nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit nitong lesson
exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at mag-aaral na pinaigsi bilang bagong pamamaraan
sa gitna ng pangkalusugang krisis dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar nan a ito ay sasamahan ng
portfolio na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay diin sa pagsisikap ng isang mag-
aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-unlad, kakayahang mapagnilayan ang sariling gawa, at
kakayahang makabuo ng mga mithiin para sa hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro;

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pangkatawan-ika- 4 na Baitang, Unang Markahan


Exemplar para sa araling Physical Activity Pyramid Guide.
Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisinyo, nilikha at sinuri ng mga edukador mula sa iba’t ibang
paaralan ng Division upang tulungan ang mga mag-aaral na makamit ang mga inaasahang layunin na
nakaangkla sa Most Essential Learning Competencies (MELC) na itinakda ng Kagawaran habang
patuloy na nilulutas ang mga suliranin sap ag-aaral na dulot ng pandemikong COVID-19.
Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dahilan ang mga mag-aaral sa mga gawain kung saan
sila ay ginagabayan at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa sariling bilis at oras,
Dagdag pa rito, layunin din nitong matulungan ang mgan mag-aaral na mapaunlad ang kanilang pang-21
siglong kakayahan habang isinasaalang-alang ang kanilang pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral kung paano gamitin ang exemplar na
ito. Kailangan mo ring subaybayan ang kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang pangasiwaan ang
sariling pagkatuto sa pamamagitan ng pagtatasa ng portfolio.

Para sa Mag-aaral;

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pagkatawan-Ika-4 na baiting, Unang Markahan Exemplar para sa


araling Mga Mahahalagang Impormasyon sa Food Labels, Sustansiyang Sukat at Sapat.

Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at makabuluhang opurtunidad sa


pagkatuto kung saan ikaw ay gimagabayan at hinahayang tapusin ang mga Gawain nang naaayon sa
iyong sariling bilis at oras. Bilang aktibong mag-aaral , ipoproseso moa ng mga nilalaman nitong
pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa paaralan. Upang tulungan kang
maisagawa ito. Ang exemplar na ito ay may Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro
ang template nito upang mabigyan ka ng pagkakataong makagawa ng portfolio ayon sa inyong
malikhaing pamamaraan.

Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon :

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung anong


Alamin
kompetensi ang inaasahan mong matutuhan sa exemplar
na ito at ang mga layuning dapat mong matamo.

2
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang Gawain na
Nalalaman
susubok sa iyong kaalaman sa araling iyong tatahakin.

Ang seksiyong ito ay maigbibigay ng maikling


Suriin
diskusyon sa aralin. Tutulungan ka nitong matuklasan at
lubos na maunawaan ang mga bagong konsepto at
kasanayan.

Sa seksiyong ito nakapaloob ang mga Gawain na


Isagawa(1,2 & 3)
tutulong sa iyo upang mailipat ang iyong bagong
kaalaman at kasanayan tungo sa panibagong sitwasyon o
hamon ng buhay.

Layunin ng gawaing ito ang tayain ang iyong antas ng


Isaisip
kasanayan sa pagkamit ng mga pampagkatutong layunin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng gawaing


nakapaloob sa exemplar na ito.

Ditto ay mayroong instruksiyon tungkol sa pagtatala ng


Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio
iyong positibo at makatutuhanang mithiin bago
ipagpapatuloy ang paggamit ng exemplar.

Mayroon itong instruksiyon tungkol sa pagsasagawa ng


Pagsagawa ng Portfolio-Pahiwatig
ng Pag-unlad! nga bahagi ng portfolio. Mayroon din itong rubric na
gagabay sa iyo kung paano tatayain ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang

Ito ay tala ng mga pinagkukunang konsepto o


impormasyon na ginamit sa paglikha ng exemplar na ito

Alamin

Most Essential Learning Competency:

3
Mga Mahahalagang Impormasyon Sa Food Label

Sub-competency:

Layunin:
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Nauunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbabasa ng food labels sa pagpili


ng masustansiya at mas ligtas na pagkain.

B. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagsunod sa mga pamantayan sa pagpapanatili ng


malinis at ligtas na pagkain.

C. Nauunawaan ang katangian at pag-iwas sa mga sakit na nakukuha sa maruming pagkain.

Tagal

Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong guro kasama ng
exemplar na ito. Tatapusin moa ng lingguhang pagtatakda ng mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin
sa itaas. Mag-isip ng mga positibo at makatutuhanang mithiin na maaari mong makamit sa exemplar na
ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaa: huwag ipagpatuloy ang pagsabot sa exemploe na
ito kung hindo mo pa naisagawa ang pagtakda ng mga mithiin.

Nalalamam
PANUTO: Bumuo ng Mind Map tungkol sa Apat na Antas ng Physical Activity
Pyramid Guide

4
Antas ng Physical
Activity Pyramid
Guide

Suriin

Ang Physical Activity Pyramid Guide ay para sa Batang Pilipino ay makakatulong na maging
mas aktibo ang batang katulad mo. Ito ay hango mula sa Pyramid Guide. Ito ay binubuo ng mga gawaing
pisikal (physical activity) na hinati sa apat na antas (levels) kung saan ang bawat antas ay tumutukoy sa
rekomendadong dalas ng paggawa (frequency) ng ibat ibang mga gawaing pisikal (physical activity).
Ang gawaing pisikal ay tumutukoy sa anumang pagkilos ng katawan na nangangailangan ng enerhiya
(energy). Ito ay gawaing pisikalna maaaring madali o hindi nangangailangan ng matinding buhos ng
enerhiya tulad ng pagsulat, pagbabasa, pagsisispilyo, at iba pa. maaari ding may kahirapan o mas
nangangailan ito ng mas maraming buhos ng enerhiya gaya ng pagsayaw, pagtakbo, paglalaro ng
basketball, at iba pa.

Samantala, ang dalas ng paggawa (frequency) naman ay tumutukoy sa dami ng bilang ng


paggawa ng isang gawain. May mga gawaing pisikal na mas madalas na ginagawa at mayroon ding mas
madalang kung gawin. Ang dalas ng paggawa ay makatutulong nang Malaki sa pagpapaunlad ng
kalusugan lalo na kung ang gawaing pisikal ay sumusubok sa kakayahan ng iyong puso at paghinga.
Halimbawa, ang paglalakad dapat gawin kaysa sap ag-upo lamang buong araw dahil ang paglalakad ay
may nakatutulong sa iyong kalusugan kaysa sap ag-upo lamang.

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay nahahati sa apat na antas (level).
Ang pinakababang antas ay mga gawaing habang tumataas sa pyramid, nirerekumenda na mas madalang
na gawin nirerekumendang araw-araw gawin kahit ang mga ito ay simple lamang. Ang mga simpleng
gawaing ito ay makatutulong sa iyong kalusugan dahil ang iyong katawan ay kumikilos.

Ang pangalawang antas mula sa baba ay mga gawaing 3-5 beses na rekumendadong gawin. Ito ay
binubuo ng mga gawaing lubos na makakapagpataas ng tibok ng puso tulad ng pagbibisiklita, pagtakbo,
paglalaro ng basketball, volleyball, at iba pa. sa paggawa ng mga gawain sa antas na ito, mas nalilinang
ang iyong kalusugan dahil patuloy sa pagkilos ang iyong katawan. Ang ikatlong antas mula sa ibaba
naman ay mga gawaing 2-3 beses na rekumendadung gawin. Ito ay binubuo ng mga gawaing maaring
magpainam ng kundisyon ng iyong katawan gaya ng pagtumbling, push-up, pull-up, pagsasayaw, at iba
5
pa. ang mga gawain sa antas na ito ay makakapagpapabilis din ng tibok ng iyong puso ngunit nagbibigay
din ng pokus sa pagkundisyon ng iyong mga kalamnan (muscle conditioning).

Ang mga gawaing tuktok naman ay mga gawaing 1 beses lamang na rekumendadong gawin. Ito
ay dahil ang mga ito ay itinuturing na sedentary activities o iyong mga gawaing kung saan namamalagi
lamang sa lugar ang isang bata at hindi nangangailangan ng matindi niyang paggalaw. Ito ay binubuo ng
panonood ng TV, paglalaro sa computer, pag-upo nang matagal, at iba pa. Hindi nakakabuti para sa
iyong kalusugan ang madalas na paggawa ng mga gawaing nasa tuktuk ng pyramid dahil kulang sa subok
ang kakayahan ng iyong katawan

Isagawa 1
Panuto: Magbilang ng 1-4 sa buong klase . lahat ng 1 ay mabibilang sa unang
Grupo, ang 2 sa pangalawang grupo, 3 naman sa ikatlong grupo at ang pang-apat na
grupo ang bilang 4

Ilarawan ng pangkat ang mga gawaing araw-araw, 3-5 beses, 2-3 beses, at 1 beses sa loob
ng isang lingo niyong ginagawa sa pamamagitan ng isang eksena o representasyon. Mag-
isip ng mga gawaing wala sa pyramid.
Unang Grupo : Araw-araw na ginagawa
Pangalawang Grupo : 4-5 na beses sa isang linggo ginagawa
Pangatlong Grupo : 2-3 beses sa isang lingo ginagawa
Pang-apat na Grupo : 1 beses sa isang lingo ginagawa.

Sagutin ang mga tanong:

1. Alin ang mga gawain ang ginagawa mo na naaayon sa rekumendasyon ng pyramid?


2. Sang-ayon ka ba sa mga gawaing ipinakita ng ibang grupo?
3. Naaayon ba ang mga ito sa dalas ng paggawa na rekumendado ng pyramid?
4. Aling mga gawain ang sa tingin mo ay dapat mong dalasan ng paggawa?
5. Ano ang dapat bawasan ng dalas na paggawa

Isagawa 2
(KM.p.10)

Panuto: Isulat sa Hanay A ang mga ginagawa mo araw-araw, sa Hanay B


ay ang mga ginagawa mo 1 beses sa isang lingo, sa Hanay C ay ang mga ginagawa mo 2-
3 beses sa isang lingo. Sa Hanay D ay ang mga ginagawa mo 4-5 na beses sa isang lingo
Hanay D
Hanay A Hanay B Hanay C

6
Isagawa 3
(KM. p.11)

Panuto: Simulan ang pagtatala ng mga gawaing iyong ginagawa sa araw-araw. Gumawa ng tsart
na pang-sang lingo at isulat ang mga gawaing ito. Kopyahin ito sa iyong kwaderno/

Sabado
Linggo Lunes Martes Merkules Huwebes Biyermes

Halimbawa:
Halimbawa: -paglalaro ng
-pagtulong sa habulan
paglalaba

Isaisip
7
Panuto: Isulat ang tama kung ang pangungusap ay tama at isulat ang Mali kung ang pangungusap
ay mali.

_______ 1. Ang physical Activity Pyramid Guide ay nakalaan para sa mga bata para maging aktibo

_______ 2. Dapat isaalang-alang ng isang batang katulad mo ang kanyang kalusugan.

_______ 3.Kung ikaw ay hindi gaanong aktibo dapat sumailalim na sa paggawa ng mga gawaing
rekumendado ng Physical Activity Pyramid Guide.

_______ 4. Si ana ay palaging nanonood ng TV araw-araw. Siya ba ay sumusunod sa rekomendadong


Physical Activity guide?

_______ 5. Araw-araw si Albert ay naglalaro ng basketball sa kanilang likud bahay. Siya ba ay


sumusunod sa Physical Activity Guide?

_______ 6. Ang madalas na paggawa ng mga gawaing nasa tuktok ng pyramid ay nakakabuti sa
kalusugan.

_______ 7. Ang physical activity ay maaari mong gawing gabay.

_______ 8. Ang paglalaro ng patintero, sipak-takraw at luksong tinik ang nabibilang sa pinakamababang
antas ng pyramid.

_______ 9. Ang pagtumbling ay mga gawaing 2-3 beses na araw sa isang buwan.

_______ 10. Ang Physical Activity Pyramid Guide ay dapat isaalang-alang para maging maganda ang
kalusugan.

Susi sa Pagwawasto

Isaisip
1. Tama
2. Tama 8
3. Tama
4. Mali
5. Mali
Pagsagawa ng Portfolio-Pahiwatig ng Pag-unlad!

Balikan moa ng iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na sumusunod sa iyong
itinakdang mithiin. Tandaan na amg iyong portfolio ay koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar.
Binibigyan diin nito ang iyong kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa natamo
mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos nitong portfolio, gawing patnubay ang
rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

Napaka-husay Magaling din Pagbutihin pa


Krayterya Kabuoan
5pts. 3pts. 1pt.
Katapatan at
kawastuhan ng
sagot
Pagkamalik-hain
sa paggawa
Kalinisan at
kaayusan ng
awtput
Kabuuan

Sanggunian
Books:

Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4-Kagamitan ng Mag-aaral - Unang Edisyon 2015


Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan 4-Patnubay ng Guro-Unang Edisyon 2015

Google

Slideshare.net/mariejajaroa/ang-physical-pyramid-guide-para-sa-batang-pilipino
Brainly.ph/question/922129

Para sa mga Katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of CORTES 1

Address: _______________________________________________
___________________________________________________________ 9
___________________________________________________________

Contact Number:

You might also like