You are on page 1of 3

Diyamanteng Pilit Inaabot ng mga Mag-aaral sa Kabila ng Pandemya

Sa mundong patuloy na nagbabago, ang edukasyon ay isang mahiwaga,


makapangyarihan, at natatanging diyamante na siyang kayamanan at sagot upang mabago ang
takbo ng buhay ng isang tao At sa panahon ngayon na kung saan nag-iba ang pamamaraan ng
pamumuhay ng tao dahilan sa pandemyang kinakaharap ng bansa, mahalaga rin na pagtuunan
natin ng pansin ang kalusugan ng bawat isa. Upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 virus,
malaking pagbabago ang magaganap sa takbo ng buhay ng isang tao lalo’t higit sa takbo ng
buhay ng mga kagaya naming estudyante at guro sa paaralan.

Ang “face-to-face classes” ay natigil sapagkat nagkaroon na ng unang kaso ng Covid-19


sa Pilipinas at ito ay nakuha sa pamamagitan ng “local transmission”. Marso 8, 2020, nilagdaan
ng Pangulo ng bansa ang Proklamasyon Blng. 922 at ang ating bansa ay nasa “state of public
health emergency”. Noong ika-16 ng Marso ay kasunod namang ipinatupad sa ating bansa ang
ECQ o Enhanced Community Quarantine. Ito ay mahigpit na ipinatupad sa atin upang maiwasan
ang patuloy na pagkalat ng Covid-19 at upang mapahina ang masamang epekto nito sa ating
kalusugan. Masisilayan natin ang mga tao sa ating bansa na hindi handa para sa ganitong
sitwasyon. Bilang mga estudyante, kami ay nabigla at nagulat din sa mga nangyari at maging sa
naging kalagayan ng ating bansa. Inihayag ng Kagawaran ng Kalusugan na naitala ang unang
pinakamalaking pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ay noong Agosto 2, 2020 na kung
saan ay nagkaroon ng 5,032 na bagong kaso ng Covid-19. Halos lahat sa atin ay may
naramdamang takot dahilan sa nakamamatay na virus. Nakakapanibago rin ang mga
pangyayaring ito sapagkat ang ganitong sitwasyon sa aming buhay ay ngayon lang namin
nararanasan. Samantala, para sa amin, ang ginawa ng Pangulo ng ating bansa sa pagpapatupad
ng quarantine ay tama at nararapat lamang upang maiwasan ang lalong pagkalat ng virus na ito.

Dahilan sa pandemyang kinakaharap natin, ang sistema ng edukasyon ay kinakailangang


magbago sa kadahilanang bawal ang “face-to-face interaction” at gayundin ang maramihang
pagtitipon. Kaya naman ang mga institusyon sa gobyerno ay humanap ng sari-sariling paraan
kung paano haharapin ang pandemya at kung paano ipagpapatuloy ang pag-aaral sa kabila ng
pandemyang ating tinatahak. Ang bagong paraan ng pag-aaral ay marapat na isagawa na lamang
sa ating mga sariling tahanan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga estudyante at guro. At sa
aming opinyon, ang aksyong ito ay isang magandang paraan upang maiwasan ang kumakalat na
virus at gayundin ay upang maipagpatuloy parin ng mga estudyanteng kagaya namin ang buhay
namin bilang mag-aaral. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, ang isang paraan upang
maipagpatuloy ang pag-aaral sa loob lamang ng tahanan ay ang kombinasyon ng modular, radyo,
telebisyon at online na tinatawag nating “blended learning”. Sa kabilang banda, naisip naman ng
Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ang tinatawag na “flexible learning” na kung saa’y
nakapaloob dito ang pagsasagawa ng online o e-learning na nakagawian na noon ng maraming
kolehiyo at unibersidad. Ang isinasagawa sa paaralang aming pinapasukan ay ang Online
Classes. Masasabi naming sa simula ng pagsasagawa nito, kami ay nanibago at kailangang
magtulungan nang sa gayon kami’y makaangkop sa sitwasyong kinalalagyan namin ngayon.

Hindi natin inaasahan na darating ang panahong ito kung kaya’t hindi agad tayo
nakapaghanda upang ito’y labanan at solusyonan. Hindi naging sapat ang paghahanda ng mga
opisyal sa paaralan sa muling pagbubukas ng panuruang ito at makikita natin kung ano ang naging
epekto nito sa mga guro at estudyante ng bawat paaralan sa Pilipinas. Dahil sa pandemyang ito,
maraming kabataan ang hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral. Marami at magkakaiba ang rason kung
bakit madaming kabataan ang mas piniling tumigil kesa makipagsapalaran sa taong ito tulad ng
kawalan ng pera, kawalan ng gamit para sa online class, paghina o pagkawala ng internet
connection, at madami pang ibang mga dahilan. Lubhang nakakalungkot ang pangyayaring ito
sapagkat maraming kabataan ang gustong mag-aral ngayon ngunit hindi matutuloy. Marami ring
kabataan ang nahihirapang makipagsabayan sa pag-aaral ngayon dahil hindi lahat ng kabataan ay
nakakaunawa agad ng mga aral mula sa online class. Madami din ang nawawalan ng internet
connection na nagreresulta sa kawalan ng interes upang magpatuloy sa pag aaral. Malaki ang
tsansa na agad na matukso ang mga kabataan sapagkat minsan mas pinipili pa nilang maglaro
kaysa mag-intindi sa kanilang mga dapat na pinag-aaralan. Ngayon lang kami makakaranas ng
online class at alam naman natin na hindi sapat ang panahong ibinigay sa mga guro upang
maghanda para sa muling pagbubukas ng klase. Kaya nakakalungkot isipin ang katotohanan na
hindi pa tayo handa sa pagpapatuloy ng klase, hindi lang ang mga estudyante kundi pati na rin ang
mga guro.

Ang online class ay naging epektibo para sa amin bilang isang indibidwal dahil sa ilang
mga kadahilanan. Ang unang rason ay isa kami sa mga mag-aaral na kayang makipagtalastasan at
makipagsabayan sa mga guro at sa mga itinuturo nito kahit na hindi ito “face to face”. Ang
pangalawang rason ay pinagkalooban kami ng Panginoon ng magandang buhay upang magkaroon
ng sapat na mga gadgets at kagamitan upang makadalo sa online class na sana ay mayroon din ang
bawat mag-aaral sa ating bansa. At ang panghuli ay may kakayanan kaming mag-aral mag-isa
kung sakali mang hindi namin maintindihan ang itinuro ng aming guro sa online. Ang mga
kalakasan at kagandahan naman ng online class para sa amin ay ang mga sumusunod: “accessible”
ito o madali para sa amin ang makapasok at makadalo sa lektyur ng mga guro sapagkat mayroon
kaming mga sapat na kagamitan. Pangalawa, napapanatili namin ang aming kaligtasan habang
may kalayaan kami na matuto kahit na may pandemyang lumalaganap sa bansa. Pangatlo, madali
naming mababalikan ang mga lektyur na itinuturo ng aming mga guro sapagkat ito ay maaring
irekord online. Sa kabilang banda, ang mga kahinaan naman nito ay walang kasiguraduhan para
sa iba ang pagkakatuto o hindi lahat ay kayang makipagsabayan na matuto sa ganitong paraan ng
pag-aaral. Ang mahinang koneksyon ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante at pagtuturo
ng mga guro na kung saan ay nagdudulot ito upang hindi maintindihan ng mga estudyante ang
mga sinasabi at tinuturo ng mga guro. Magiging mahirap rin ang pagsasagawa ng mga pisikal na
aktibidad na nakapagpapalalabas at nakapagpapahusay sa talento at talino ng bawat mag-aaral.

Nakakalungkot mang isipin ngunit ngayong tumataas na naman ang bilang ng kaso ng
Covid-19 sa bansa, paano na tayo makababalik sa nakagawian? Paano na matutuloy ang pangarap
ng ibang kabataan na matuto at makapag-aral? Maraming bagay ang kinuha ng pandemyang ito
mula sa atin ngunit marami ring aral sa buhay ang ibinigay nito. Hahayaan pa ba natin ito na
patuloy tayong pahirapan at sirain? Kaya’t gamitin na natin ang ating mga utak upang makatulong
sa pagtigil ng pagkalat ng virus at nang sa gayon ay walang maging balakid para sa bawat kabataan
sa mundong patuloy na nagbabago na makamit ang natatanging diyamanteng kaloob ng
edukasyon.

Daelo, Knell Rand Jiosef B.

Datinguinoo, Reiniel Red A.

Villamater, Eazel Donn O.

You might also like