You are on page 1of 1

Merong isang lalaki na bago pumanaw yung tatay nya ay kinausap sya.

May
binigay sa kanya yung tatay nya na maliit na bato. Sabi nung tatay nya anak ito lng
yung kaya kong maipamamana sayo, Ngayon itong lalaki nagtataka sya, aanhin ko
to? sa isip nung lalaki aanohin ko tong bato na ito? Kahit saan pwede ako
makapulot nito, sabi nung tatay nya humanap ka ng lugar kung saan mo yan
pwedeng maibenta. Tapos pumanaw na yung tatay nya. Ngayon itong lalaki na
isip nya, sino ang bibili nitong bato? Pero sinabi nung tatay nya huling habilin sa
kanya nong tatay nya ay humanap sya kung saan nya yun maibebenta. Pumunta
sya sa palengke pagpunta nya sa palengke pinag tanong tanong nya magkano nyo
po bibilhinn itong bato na to? Pinagtawanan siya nung mga tindero at tindera don
ang sabi bakit namin bibilhin yang bato na yan? Wala naman yang kwenta.
Ngayon umalis sya don sa palengke. Naisip nya siguro sa museum or sa antic, baka
sa antic shop bilihin to, ngayon pumunta sya sa antic shop, pinakita nya don sa
may ari. Magkano nyo po bibilhin to? Sabi nung antic shop owner, sige bilhin ko
sayo sa halagang 500 pesos. Ngayon napaisip yung lalake 500 pesos? Ito na ba
yung pamana sa akin ng tatay ko? So sabi nya don sa antic owner, sige babalikan
ko po kayo, ngayon habang naglalakad lakad sya meron syang nakitang isang
store na ang nakalagay ay precious stone store, so medyo na na curious sya sa
precious stone? So pinuntahan nya at pinasok nya, tapos tinanong nya yung may
ari ng store, sir magkano nyo po bibilhin itong bato na ito? Sabi nung may ari, sige
patingin muna.. habang tiningtingnan nong may ari ung bato napasigaw sya ng
malakas, naku sir saan nyo po ito nakuha? Napaka mamahalin ng bato na ito.
Pwede ko pong mabili ito sa inyo sir ng 10 million pesos! Ang tawag po sa bato na
ito ay serendibite. Mukha lang talaga syang ordinaryong bato pero napaka
mamahalin po nito. So nagulat ung lalaki..

Ano po ung gustong ipaabot sa atin nung kwento?


Kung ikaw pakiramdam mo ay parang wala kang kwenta ibig sabihin nasa maling
lugar ka, maling tao yung mga kasama mo, maling tao yung mga kaibigan mo. So
ang kailangan mong gawin ay humanap ka ng mga tamang tao na makikita ang
tunay mong halaga, madalas itong mga tao na ito, kapag alam nila ang tunay
mong halaga hihilahin ka nila pataas

You might also like