You are on page 1of 4

Panayam Blg.

PAGSASABATAS NG ENHANCED BASIC EDUCATION ACT OF 2013


O MAS KILALA BILANG ANG K-12 ACT: MAALIWALAS NA
BUKAS O MADILIM NA LANDASIN SA SISTEMANG
PANG-EDUKASYON SA PILIPINAS

MATT A. PANGKAYO
Tagapagsalita

Sa lahat ng naririto sa bulwagang ito, sa mga namamahala ng panayam na

ito, sa mga guro at higit sa lahat, ang mga mag-aaral na siyang mabibiyayaan ng

bagong programang pang-edukasyon sa taong 2016, isang maganda at

mapagpalang umaga sa inyong lahat.

Nagtitipon po tayo ngayon upang saksihan ang isa na namang

makasaysayang araw sa ating bansa—ang paglagda natin sa batas na

magsisilbing pundasyon para sa mas maaliwalas na bukas ng bawat kabataang

Pilipino: ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o mas kilala bilang ang K to

12 Act.

Dahil na rin sa tiwala ng sambayanan, matagumpay nating nakamit ang

adhikang magkaroon ng isang sistemang pang-edukasyon na tunay na

pumapanday sa kakayahan ng ating mga kabataan, at naglalapit sa kanila tungo

sa katuparan ng kanilang mga pangarap.

Malinaw ang batayang prinsipyo ng batas na ito: karapatan ng bawat

Pilipinong mamuhay nang marangal; tungkulin naman ng estadong siguruhing

may patas na oportunidad ang ating mamamayan, lalo na ang pinakamahihirap

nating kababayan. At isang matatag na haligi ng kanilang pag-ahon ang

pagkakaroon ng mataas na antas ng edukasyon. Sa pagsasabatas ng K to 12,

hindi lang tayo nagdaragdag ng dalawang taon para sa higit pang pagsasanay ng
ating mga mag-aaral; tinitiyak din nating talagang nabibigyang-lakas ang susunod

na henerasyon na makiambag sa pagpapalago ng ating ekonomiya at lipunan.

Mulat po tayo sa mga kakulangan ng kinalakihan nating ten-year basic

education cycle. Bukod sa lugi ang ating mga mag-aaral sa bilang ng taon para

lubusang maunawaan ang kanilang mga leksyon, puwersado pa silang

makipagkompetensya sa mga graduate mula sa ibang bansa na ‘di hamak na mas

matagal at mas malalim ang naging pagsasanay. Kung sa basic education pa lang,

dehado na ang ating kabataan, paano pa sila makikipagsabayan para sa empleyo

at ibang mas mataas na larangan?

Kaya naman, mula sa pagtatatag ng universal kindergarten sa mga

pampubliko at pribadong paaralan, hanggang sa pagtuturo ng mga batayang

aralin gamit ang mother tongue sa unang tatlong taon sa elementarya, at maging

sa higit pang paglinang sa kaalaman sa Filipino, Ingles, Matematika, at Agham ng

ating kabataan sa junior high school, tinitiyak nating sapat at kapaki-pakinabang

ang kasanayang naibabahagi sa ating mga mag-aaral. Sa pagkakaroon naman ng

senior high school kung saan makakapili ang kabataang Pilipino ng specialized

tracks para sa akademya, technical education, at sports and arts, ginagarantiya

nating talagang handa silang humakbang para abutin ang kanilang mga mithiin.

Walang duda: ang K to 12 Act ay bunga ng ating patuloy na pagsisikap na

itulak ang makabuluhan at positibong reporma hindi lang sa sistemang pang-

edukasyon sa ating bansa, kundi maging sa lahat ng sektor ng ating lipunan. Ito’y

tagumpay na sumasalamin sa ating nagkakaisang hangarin na mamuhunan sa

pinakamahalaga nating yaman—ang mamamayang Pilipino. Patunay ito sa isang

panata: na walang maiiwan sa pagtahak natin sa landas tungo sa kaginhawaan.

Sa ating mabuting pamamahala, abot-kamay na po ng bawat Juan at Juana

de la Cruz ang mga pangarap na dati’y ‘di man lang natin matanaw. Patuloy po
tayong humakbang sa iisang direksyon at sama-sama nating iangat ang ating

minamahal na bayan. Sa paglalatag natin ng tamang balangkas para sa ating

sistemang pang-edukasyon, nilalatag din po natin ang saligan para sa isang

Pilipinas na maunlad, mapayapa, at bukal ng pagkakataon para sa bawat Pilipino.

Muli po, isang mapagpalang hapon at maraming salamat pos a inyong

lahat!

Mga Susing Salita: K-12. Enchanced Basic Education of 2013, Kurikulum, Sistemang
Pang-edukasyon sa Pilipinas, edukasyon, batas sa edukasyon
TALASANGGUNIAN

Lee, Motkona. (2008). Pilipinas kong Mahal: aklat ng mga bata sa mabisang
pagkatuto. San Jose: Amoy-amoyin Press.

Luistro, A. A. (2010). Enhanced basic education: a primer on the proposed basic


education program in the Philippines. New York: Pork and Ham
Publishing Co.

Masagana, M. E. (2011). Matutuo ako: isang positibong pananaw ng mga mag-


aaral. [online]. Available:
www.kilingkiling,arriba@sintonado.com/salahaywedukasyon, Retrieved:
August 30, 2014..

You might also like