You are on page 1of 3

PANUNTUNAN SA PAGSASAGAWA NG PINAL NA

PROYEKTO SA FILIONE/KOMAKAD

Pangalan ng Proyekto:

PANGKATANG PRESENTASYON/PAGTATANGHAL NG
ISANG PANAYAM O SYMPOSIUM

Deskripsyon ng Proyekto:

Kapalit sa pagkakaroon ng eksaminasyong pinal sa asignaturang


Filione/Komakad, ang mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang ito ay magsasagawa
o magtatanghal ng isang preparadong panayam o symposium na tatalakay sa mga
napapanahon at pinahahalagahang isyung may kaugnayan sa pamumuhay at
pakikipamuhay ng mga Pilipino. Ang proyektong ito ay isang pampangkatang gawain na
binubuo ng 5 hanggang 6 na miyembro kung saan ang bawat isang miyembro o
individual ay magtatalumpati ukol sa isang partikular na paksa na hinalaw mula sa
napagkasunduang pangkalahatang paksa ng pangkat. Sa proyekyo ring ito mailalapat ng
mga mag-aaral ang mga nilinang na kaalaman sa wika, komunikasyon at sa apat na
kasanayang pangwika. Ang proyekto ring ito ay magtatampok sa mga mag-aaral sa mga
panimulang gawain sa pananaliksik sapagkat ang ihahandang pasulat na papel ay
mangangailangan ng masusing pananaliksik upang mapatibay ang gagawing paglalahad.
Ang gawain ding ito ang magdadala sa mga mag-aaral sa aktwal na karanasan sa
pakikipagtalasatasan--pasulat at pasalita, berbal man o di berbal.

Mga Layunin:
Ang pagsasagawa ng isang pangkatang panayam/symposium bilang pinal na
kahingian sa kursong Filione/Komakad ay naglalayong:

1. aktwal na maisabuhay ng mga mag-aral ang mga natutunang kaalaman sa wika,


pakikipagtalastasan, komunikasyon at sa apat na makrong kasanayang pangwika
—pagbasa, pakikinig, pagsulat at pagsasalita;
2. mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mailapat sa tunay na sitwasyong
pang-akademiko tulad ng pagsasagawa ng isang panayam ang mga aralin sa wika
at komunikasyon;
3. mabigyang daan ang bawat indibidwal na mag-aaral sa pakikisangkot sa mga
usaping may kinalaman sa pag-unlad ng sarili at sangkatauhan;
4. upang magkaroon ang mga mag-aaral ng inisyal na kaalaman sa gawaing
pananaliksik na siyang napakahalaga sa mga guro at manunulat ng panitikan;
5. matukoy kung ang mga inaasahamg katangiang Lasalyano tulad ng pagiging
kritikal na tagapag-isip, responsableng mamamayamn at mahusay na
komunikador ay inisyal o nagsisimula nang makintal sa kanilang mga gawaing
pampaaralan.
MEKANIKS:
1. Ang bawat seksyon na kumukuha ng FILIONE/KOMAKAD ay hahatiin sa mga
pangkat na may 5 hanggang 6 na miyembro bawat pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay magsasagawa at magtatanghal ng isang
panayam/simposyum na katatampukan ng mga talumpati ng bawat miyembro
ukol sa mga usaping may kinalaman sa politika, ekonomiya, panlipunan,
edukasyon atbp.
3. Ang bawat pangkat ay pipili ng kanilang pangkalahatang paksa na siyang
pagkukuhanan ng mga miyembro ng kanilang partikular na paksa na tatalakayin
sa kani-kanilang talumpati. Inaasahang napapanahon, umiiral, at buhay sa
kasalukuyan ang paksang pipiliin ng bawat pangkat upang maging madali sa
bawat individwal ang pagpili ng kanilang partikular na paksa. Iwasan din ang
magkapareho amg mga partikular na paksa sa isang grupo. Tiyakin na ang paksa
ay mayaman sa mapagkukunan ng mga impormasyon at datos na kinakailangan
upang ang mga pahayag sa talumpati ay makatotohanan at mapatotohanan,
katanggap-tanggap at kapani-paniwala. Ang paksa sa proyektong ito ay isyung
mainit na pinag-uusapan sa kasalukuyan at hindi mga batayang kaalaman ng isang
sabjek. Ang talumpati ay maaaring sulatin sa paraang paglalarawan o ekpositori.
Kung ang talumpati ay nagpapahayag ng pinaniniwalaang panig, kinakailangang
ito’y suportado ng mga makatotohanang ebidensiya.
4. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng kabuuang 20 hanggang 30 minuto sa kanilang
pagtatanghal kasama na ang panimula at pangwakas na gawain o bilang, ang
pagpapakilala sa mga magtatalumpati¸ ang talumpati ng bawat miyembro na di
hahaba sa tatlong minuto bawat isa at ang bukas na talakayan o open forum,
sakaling may mga katanungan ang mga manonood. Ang paglampas sa itinakdang
oras ng pagtatanghal ay nangangahulugan ng pagbabawas sa iskor ng buong
pangkat.
5. Ang pagtatanghal ay magsisimula dalawang linggo bago mag final exams.
6. Ang lahat ng nakasulat na kahingian ay isusumite sa guro bago magsimula ang
pagtatanghal. Nakalagay sa isang folder ang pinagsama-samang papel ng grupo
na sunod-sunod ang pagkakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga talumpati,
Kalakip ng panuntunang ito ang format ng isusumiteng papel ng bawat pangkat at
ng mga miyembro nito.
7. Ang bawat pangkat ay kinakailangang magsumite ng balangkas ng magiging
presentasyon o programa. Sa balangkas na ito mababasa ang maikling
paglalarawan sa mga paksang tatalakayin ng bawat miyembro.

Buod Ng Mga Kahingian Sa Bawat Pangkat At Sa Mga Miyembro Nito At Ang


Katumbas Na Porsiyente Ng Bawat Gawain:

1. Presentasyon ng Pangkat at ang Pasulat na Balangkas ng Programa ng Panayam


(Pangkatan) – sundin ang format na ibibigay na nasa estilo ng isang imbitasyong
naglalaman ng maikling buod ng mga paksang tatalakayin sa symposium pati na
rin ang ilang tala ukol sa mga magtatalumpati.
2. Pasulat na Ulat -- Teksto ng Panayam (Indibidwal) – sundin ang format ng mga
istandard sa pagsulat ng sanaysay na ekspositori o deskriptib. Iminumungkahi sa
mga guro na ang sulating ito ang maging pinal na awtput sa kanilang aralin sa
makro kasanayan sa pagsulat.
3. Pasalitang Pagtalakay sa Paksang Napili o Talumpati (Indibidwal)

Bawat kahingian na may nakatakdang bahagdan ay mamarkahan gamit ang inihandang


rubric at ang magiging kabuuan nito ang siyang magiging marka para sa pinal na
eksaminasyon na 1/3 bahagi sa kabuuan ng final grade.

50% - Individual na Talumpati ( Presentasyon)


30% - Pangkatang Presentasyon ng Panayam at Balangkas ng
Panayam
20% - Ang Pasulat ng Teksto ng Talumpati
_________
100% - Kabuuan

You might also like