You are on page 1of 8

ARALIN 1: MGA AKDANG PAMPANITIKAN SA MEDITERRANEAN

(MITOLOHIYA)

PAMANTAYAN
Pamantayang Pangnilalaman:
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan

Pamantayan sa Pagganap:
 Ang mag-aaral ay nakbubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa alinmang akdang
panpanitikang Mediterranean

Mga kasanayan ng Pagkatuto (MELC):

 Naipapahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan. (F10Pn-Ia-b-62)
 Natutukoy ang kahulugan, katangian at kahalagan ng mitolohiya.
 Nakikilala at nailalarawan ang mga diyos at diyosa.

PANGKALAHATANG PANUTO
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 1 ukol sa Mga Akdang Pampanitikan sa Mediterranean (Mitolohiya)
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Maliban nalamang kung ito ay mga pagtataya o gawain.
2. Huwag kalimutang sagutin ang mga katanungan bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Ang mitolohiya ni Hamilton ay
mahahalagang tauhan sa Olympus na
laging nababanggit sa panulat lalo na
noong panahong Klasiko. Ang
impluwensiya ng panahong ito’y
nasasalamin sa ating panitikan noong
panahon ng katutubo kung saan ang
iba pang uri ng panitikan ng Pilipinas
ay pasalin-dila tulad ng alamat, mito,
kwentong-bayan, epiko at
karunungang-bayan. (mula sa
Panitikan ng Pilipinas nina
Panganiban, Panganiban, 1998).
Map of Conceptual Change: Pagsasagot ng KWHL
Kikilatisin mo sa gawaing ito ang iyong pansariling kaalaman tungkol sa kaugalian ng mga mamamayan
sa Mindanao. Punan ng impormasyon ang mga bahaging K, W at L lamang.

K W L
Ano ang iyong nalalaman Ano ang gusto mong Ano ang inyong natutuhan
tungkol sa mitolohiya? malaman tungkol sa sa mitolohiya?
mitolohiya?

MOTIBASYON
SINO AKO SA MITOLOHIYANG PILIPINO?
Panuto: Kiallanin ang mga tauhan ng mitolohiyang Pilipino at ilarawan ang kanilang pagkakakilanlan. Ibigay din
ang kanilang kahalagahan sa panitikang Pilipino.

Sino Ako?
Ilarawan mo ako batay sa iyong pagkakakilala?

Sino Ako?
Ilarawan mo ako batay sa iyong pagkakakilala?
Sino Ako?
Ilarawan mo ako batay sa iyong pagkakakilala?

Sino Ako?
Ilarawan mo ako batay sa iyong pagkakakilala?

ARALIN/NILALAMAN
Upang lubos na maunawaan ang kuwentong Cupid at Psyche mabuting makilala mo ang labindalawang
pinakadakilang diyos at diyosa ng Mitolohiya ng Rome at Greece na kilala rin sa tawag na The 12 Great
Olympian Gods.

Greek Roman Katangian at Kapangyarihang Taglay

1. Zeus Jupiter - hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at
panahon tagapagparusa sa mga sinungaling at
hindi marunong tumupad sa pangako, asawa
niya si Juno, sandata niya ang kulog at kidlat
2. Hera Juno - reyna ng mga diyos tagapangalagang
pagsasama ng mag-asawa, asawa ni Jupiter

3. Poseidon Neptune - kapatid ni Jupiter

- hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang simbolo
4. Hades Pluto - kapatid ni Jupiter
- panginoon ng impiyerno
5. Ares Mars - diyos ng digmaan, buwitre ang ibong
maiuugnay sa kaniya
6. Apollo Apollo - diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika,
panulaan, diyos din siya ng salot at paggaling,
dolphin at uwak ang kaniyang simbolo
7. Athena Minerva - diyosa ng karunungan, digmaan, at katusuhan,
kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya
8.Artemis Diana -diyosa ng pangangaso, ligawna hayop, at ng
buwan
9. Hephaestus Vulcan - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
10.Hermes Mercury -mensahero ng mga diyos, paglalakbay,
pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw,
at panlilinlang
11. Aphrodite Venus - diyosa ng kagandahan, pag-ibig, kalapati ang
ibong maiuugnay sa kaniya
12. Hestia Vesta - kapatid na babae ni Jupiter
- diyosa ng apoy mula sa pugon
Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat. Tumutukoy sa
kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan
noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinapintakasi ng mga sinaunang tao.
Ang mitolohiya ay salitang mito/myth ay galing sa salitang latin na mythos at mula sa Greeks na muthos na ang kahulugan
ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa klasikal na mitolohiya
ang mito/myth ay representasyon ng marubrob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang
maunawaan ng mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan
sa daigdig. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.
Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at
diyosa, mga kakaibang nilalang at mga pagkakagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga
kuwentong-bayan at epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalukuyan.
Ito ang mga gamit ng mitolohiya
1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan.
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
4. Magturo ng mabuting aral
5. Maipaliwanag ang kasaysayan
6. Maipahayag ang marubrob na pangarap, matinding takot at pag-asa ng sangkatauhan.

PAGLINANG
GAWAIN 1: A. Pagtapat-tapatin
Panuto: Iugnay sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katangian ng mga diyos na nakatala sa
Kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

Kolum A Kolum B
___ 1. Venus A. Diyosa ng kagandahan at kalapati ang sagisag
niya
___ 2. Cupid B. Diyos ng propesiya, araw, at musika

B. Kapatid ni Jupiter at panginoon ng kaharian sa ilalim

___ 3. Mercury ng lupa

___ 4. Pluto D. hari ng mga diyos at kalawakan

E. Diyos ng pagmamahal at sinasabing anak ni

___ 5. Jupiter
Venus

F. Mensahero ng mga diyos at kilala sa tawag na Hermes ng

mga Greek

Gawain I: B. Pagpapaliwanag
Magpahayag ng mahalagang kaisipan sa sumusunod:

1. Paano makikilala na ang isang akda ay mitolohiya?

__________________________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang gamit ng mitolohiya?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

PAGPAPALALIM
GAWAIN 3
Panuto: Lagyan ng bilog ( ) ang patlang bago ang bilang ng mga pangungusap na nagpapahayag ng paghatol
o pagmamatuwid.

________1. Ang buhay ay isang tanghalan at tayo ang mga artista rito. Bawat isa sa atin ay may papel na dapat gampanan.
________ 2. Kailangang gampanan ng magulang ang kanilang tungkulin na alagaan at mahalin ang kanilang mga anak.
________ 3. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa
pagdarasal at pag-iyak ang ama.
________ 4. Dapat ang mga magulang ay handang magsakripisyo at gagawin lahat para lang sa kanilang mga anak kahit pa
buhay ang nakasalalay. Hindi magdadalawang isip ang mga magulang na isakripisyo kahit pa buhay nila ang kapalit alang-
alang sa kanilang mga anak.
________5. Marami mang pagsubok sa buhay o dumanas ng matinding kahirapan, sakit at pagkabigo sa buhay, gagawin ng
magulang ang kanilang makakaya para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

PAGLALAPAT
Gawain 4
Panuto: Bumuo ng isang sanaysay na may paghatol o pagmamatuiwd. Pumili ng magiging paksa sa mga
sumusunod na pahayag. Isulat ang sanaysay sa espasyo sa ibaba.
a. Ang buhay ay parang gulong.
b. Tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran.
Gamitin bilang gabay ang kraytirya upang makabuo ng mahusay na sanaysay na may angkop na paghatol at
pagmamatuwid.
Ganap na Bahagyang Hindi
Naisagawa Naisagawa Naisagawa
Kraytirya
(3) (2) (1)
1. Organisasyon sa pagkuha ng mga ideya.
2. Naging malinaw ang batayan sa pagbigay ng
paghatol o pagmamatuwid.
3. Magkaugnay ang pagbibigay hatol o
pagmamatuwid.
4. Kawastohan sa paghatol o pagmamatuwid na
ginamit.
5. Masining na estilo sa pagsusulat
Kabuoan
____________________________________________________________________________________________

_________

BUOD
Ngayong marunong ka nang kumilala at magpahayag ng pangungusap
na naglalahad ng paghatol o pagmamatuwid, dapat tandaan mo ang
impormasyong ito.
Ang paghatol o pagmamatuwid ang isa sa mga kasanayang dapat
mong malinang lalo na sa pagbabasa.
Kapag iyong natukoy ang mga kaisipang ito, mabibigyan ka ng
pagkakataong makabuo ng iyong sariling pagpapasiya sa kabisaan ng akdang
binabasa.
Higit mo na ring mabibigyang-linaw ang mahahalagang detalyeng
ipinahihiwatig ng akdang binasa.
INTEGRATION OF FAITH, VALUES AND LEARNING

SANGGUNIAN
AKLAT
 Peralta, RN. Et. al. 2014. Panitikang Asyano. Korea: Prinpia, Co.,Ltd.
BIDYO
 https://www.youtube.com/watch?v=fxGgz-_eiig
LARAWAN
 https://static.wikia.nocookie.net/mythology/images/f/fe/Kapre.jpg/revision/latest/top-
crop/width/360/height/450?cb=20170126223140
 https://filipinoscribbles.files.wordpress.com/2010/01/aswang_10.jpg
 http://2.bp.blogspot.com/-AMkV-Hfj5X8/UW0PsUM_HRI/AAAAAAAAC1U/EZ4VVOutAo4/s1600/tiktik2.jpg
 https://barokandtakya.com/wp-content/uploads/2020/10/duwende.jpg
 https://pbs.twimg.com/media/CGwwg57VAAAv1PL.jpg

KOMENTO/MGA NA PUNA

You might also like