You are on page 1of 3

Bakit mahalaga ang laro?

1. Sa paglalaro natututo ang bata na makipag-ugnayan o makisalamuha sa kapwa


bata. Natutulungan ang bawat isa na mabuo ang kumpiyansa sa sarili at
nagbibigay ng buong galak at tuwa tuwing nakikipaglaro.
https://childmind.org/article/4-small-ways-to-build-confidence-in-kids/

2. Ito ay bahagi ng kanyang buhay at karapatan. Sa paglalaro hindi lang pisikal na


aspeto ang nabubuo ganundin ang aspeto ng pag-unlad ng bata sa kognitibo,
pisikal, sosyo-emosyunal at gawi.
Reference: Presidential Decree No. 603 or the Child and Youth Welfare Code
3. Sa paglalaro nalalaman ang pagkakaiba nila sa iba, natututo sila sa paraan ng
pakikipagtulungan sa mga kalaro, patas at may mababang loob sa oras ng
pagkatalo (sportsmanship).

4. Nakabubuo ng positibong pagtitiwala sa nakatatanda at sa mga bagay.


Mahalaga rin ang laro dahil ang bata ay natututong sumunod sa bawat
sasabihin, pagsunod sa panuto na may malinaw na komunikasyon at nakakapag
pahayag ng damdamin.

https://childmind.org/article/4-small-ways-to-build-confidence-in-kids/
5. Nagbibigay ng pagkakataon sa kanila na matuto habang tumutuklas, lumilikha,
kumakatha at naghihiraya, napapaunlad ang kanilang mga sarili sa pagiging
malikhain sa simpleng bagay na magiging kapaki-pakinabang katulad ng mga
patapong bagay na maaring maging kanilang laruan.
Pediatrics January 2007, 119 (1) 182-191; DOI: https://doi.org/10.1542/peds.2006-2697

Paano Pipili ng angkop na laro sa Pagkatuto?


(Magbigay ng 3-5 na mga Paraan kung paano makakapili ng laro na angkop sa
pagkatuto ng mga bata)

1. Edad, Kasarian at gulang ng bata.


Mahalaga na ang paglalaro ay naaayon sa kanilang edad, kasarian at gulang upang ito
ay mas maging kapakipakinabang. Siguraduhing naaangkop sa edad ng bata ang
larong napili dahil may mga larong di angkop sa kakayahan ng bata at maaari itong
magdulot ng kalituhan o kapahamakan sa kanya.

2. Interes, Gusto at di-gusto.


Ang pagpili ng laro na naaayon sa interes nila ay nakakahubog ng kanilang sense of
“Choice” at sense of "Responsibility". Bigyan ng pagkakataon ang bata na pumili ng
larong gusto niya.

3. Lugar o kalikasan ng laro


Mainam na tiyakin ang kaligtasan ng mga bata sa paglalaro upang maiwasan ang mga
di inaasahang pangyayari.

4. Nahihimok nito ang pagiging malikhain


Ang pagpili ng mga laruan o mga laro ay nakakatulong din sa bata na maging
malikhain. Ito rin ay isang mahusay na paraan upang mahasa ang kanilang
imahinasyon.

5. Pumili ng mga larong may koneksiyon sa gusto mong matutunan ng bata. Kung
gusto mo malinang ang kakayahan niya sa pagtukoy sa iba’t ibang hugis, maari mong
ipalaro ang shape hunt o paghahanap ng mga bagay na may iba’t ibang hugis.
https://www.gettingsmart.com/2015/10/3-steps-for-choosing-learning-games-for-
children/
http://earlylearningnation.com/2019/01/10-tips-select-appropriate-toys-for-young-
children/

Ano ang kailangan alamin/gawin ng mga magulang kapag ginagamit ang laro sa
pagtuturo?
1. May nananalo at natatalo sa bawat laro
Gabayan ang anak na iproseso ang kaniyang emosyon. Hayaan silang maging
malungkot kung siya ay nalulungkot. Hayaan siyang maging masaya kung ito ang
kaniyang nararamdaman. Ipaliwanag sa kaniya kung bakit niya ito nararamdaman.
Nakakatulong ito upang higit niyang maintindihan ang mga emosyon na kaniyang
nararamdaman.
2. Ipaliwanag nang mabuti ang mga panuto o direksyon bago simulan ng mga bata ang
paglalaro. Kung maaari, ipakita muna ito bago gawin. Nakatutulong ito upang maging
ligtas ang bata.
3. Siguruhing nasisiyahan ang mga bata sa paglalaro. Kapag sila ay nasisiyahan, sila
ay mas natututo.
4. Maging bahagi kanilang paglalaro. Maging kalaro ng bata, sa pamamagitan nito mas
magiging bukas ang damdamin ng bata sa magulang.
5. Gawing oportunidad amg laro upang malaman ang kanilang kakayahan at talento.
https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&url=https://www2.ed.gov/documents/early-learning/talk-read-
sing/preschool-en.pdf&ved=2ahUKEwiz-
O7JpMLsAhU6wosBHSajC_wQFjAAegQIARAB&usg=AOvVaw2HGK0FyDkc99yyx_tF4
zkC&cshid=1603166684061
https://www.edutopia.org/article/7-tips-managing-distance-learning-preschool

You might also like