You are on page 1of 10

The Roman Catholic Diocese of San Jose de Antique

Antique Diocesan Commission of Education


The Antique Diocesan Catholic Schools
Dao Catholic High School, Inc.
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
TOBIAS FORNIER, ANTIQUE, 5716

Name of Student: ______________________________ Grade & Section: ________________


Address: _____________________________________ Quarter: 1 Module No. 1
Subject Teacher: Susanette B. Susana, LPT

ARALING PANLIPUNAN 7
ANG HEOGRAPIYA NG ASYA

LEARNING OBJECTIVES:
Pagkatapos na mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul, ang mga mag-
aaral ay inaasahang magagawa ang mga sumusunod:
1. Nailalarawan ang kontinente ng Asya at ang mga bansang nakapaloob dito.
2. Natutukoy ang mga rehiyon sa Asya at ang mga anyong lupa at anyong tubig na
matatagpuan rito.
3. Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating-heograpiko.
4. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga ugnayan ng tao at kapaligiran sa Asya.

GAWAIN 1 : Conceptual Matrix


Sa ibaba ay makikita ang isang Conceptual Matrix na kung saan magiging
pangunahing gabay mo upang masubaybayan ang daloy ng pagbabago ng iyong
natutunan. Sa pagkakataong ito, sasagutin mo lamang ang unang kahon, samantalang
ang iba pang kahon ay sa susunod na mga gawin.
Isulat mo ngayon sa unang kolum ang iyong dating kaalaman tungkol sa
Asya. Magbigay ng limang ideya.

(My Beginning Ideas) (My New Ideas) (My Application)


Sa aking palagay ang Asya Natuklasan ko na ang Maipapakita ko ang
aking natutunan sa

DCHS, INC.
Araling Panlipunan 7 Dao Catholic High School, Inc .
1
ay…. Asya ay…. pamamagitan ng
paggawa ng mga
Foster Teacher Signature: ________________________________
sumusunod:
1.

Home Reading Activity


Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Dahil sa lawak ng sakop ng
2.
Asya, magkakaiba ang uri ng topograpiya, klima at vegetation cover ng mga lupaing
bumubuo dito.
Ang salitang “Heograpiya” ay hango sa mga salitang griyego na “geo” na
nangangahulugang “daigdig” at “graphien” na nangangahulugang “pagsulat” o
“paglalarawan”. Samakatuwid, ang heograpiya ay nangangahulugang “pasgsusulat
tungkol sa lupa” o “paglalarawan ng daigdig”. Ang Heograpiya ay tumutukoy sa pag-
aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig, mga pinagkukunang yaman, klima,
3.
vegetation cover at aspektong pisikal ng populasyon nito.
Ang heopgrapiya ay may malaking impluwensya sa kasaysayan ng mundo. Ito
ay nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan ng mga Asyano
at patuloy na humuhubog sa kanilang kultura at kabuhayan.
Lokasyon at Hangganan
Ang lupain ng Asya ay umaabot mula Arctic hanggang sa equator. Ang tiyak na
lokasyon
4. ng Asya ay nasa humigit-kumulang 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitude
at mula naman 11° hanggang 175° Silangang longitude.
Ang hangganan ng Asya ay ang mga sumusunod: sa Hilaga, nasasakop ng Asya
ang teritoryo mula sa panaan ng kabundukang Ural hanggang sa baybayin ng
Karagatang Arctic at tuloy-tuloy sa kipot Bering; sa silangan, ang hangganan ay mula
mula Kipot Bering patungong Karagatang Pasipiko, kasama ang Japan at Taiwan; sa
Timog,
5. nakapaligid ang Dagat Timor hanggang Karagatang Indian at Dagat Arabia; sa
Kanluran, ay ang Dagat Arabia patungong Dagat Mediterranean, tuloy-tuloy sa Dagat
Aegean, Kipot Dardanelles at Bosporus, Black Sea at Bundok Caucasus hanggang
Kabindukang Ural.
Sukat ng Asya
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Ito ay binubuo ng 48 na
bansa. Sa kabuuang sukat nitong mahigit 17 milyong milya kwadrado (humugit-
1
kumulang na 44,936,000 kilometro parisukat). Tinatayang sangkatlong ( ) bahagi ng
3
kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.

Mga Rehiyon sa Asya


Ang makabagong sistema ng paghahating heograpiko ay ibinatay sa direksyon
mula sa pinakasentrong lokasyon ng Asya. Ibinatay din ito sa uri o anyo ng kalupaan,
klima, populasyon, likas na yamang matatagpuan sa rehiyon, at sa pagkakatulad ng
kultura at kasaysayan ng mga bansa.
Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon base sa eksaktong kinaluluran ng mga
ito ayon sa Asyanong pananaw: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan at Silangang
Asya. Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-alang
sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na aspeto.

Hilagang Asya
Ang Hilagang Asya ay may sukat na 4,180,500 km2.
Sinasakop ng Hilagang Asya ang rehiyon sa pagitan ng
bundok Ural sa dakong kanluran hanggang karagatang

DCHS, INC.
Araling Panlipunan 7 Dao Catholic High School, Inc .
2
Pasipiko. Ilang hanay ng bundok ang hangganan ng Hilagang Asya sa dakong timog
nito – ang Tien Shan, Sayan, at Yablonovy. Nasa dakong timog din ang Lake Baikal,
ang lawing may pinakamalalim na tubig sa buong daigdig.
Silangang Asya
Ang Silangang Asya ay may kabuuang
sukat na na 11,794,795 km2. Sakop ng
Silangang Asya ang rehiyon na nasa pagitan ng
mataas na kapuluan ng Gitnang Asya.at ang
Karagatang Pasipiko. Ang hangganan nito ay
mula sa Dagat Bering hanggang Karagatang
Pasipiko. Nasa
gawing kanlurang
baybayin ng Asya
ang mga tangway ng Kamehatka at ang mga pulo ng
Japan at Taiwan kabilang ang Hilagang Korea, Timog
Korea, China at Hongkong sa rehiyong ito.

Timog – Silangang Asya


Ang Timog-Silangang Asya ay may kabuuang sukat
ang rehiyon na 4, 510, 000 km2. Ang hangganan nito ay
mula sa bahaging timog ng Karagatang Pasipiko,
patungong Dagat Timor. May klimang tropical ang Timog-
Silangang Asya dahil malapit ito sa equator.

Timog Asya
Ang kabuuang sukat ng Timog Asya ay 4, 489, 240 km 2. Ang hangganan nito ay
mula sa Dagat Timor patungong Karagatang Indian at Dagat ng Arabia. Ang Himalaya
ang nagsisilbing hangganan ng Timog Asya sa hilaga at silangang bahagi ng
kontinente. Nagsisilbing hangganan sa hilagang-silangan ang kabundukang Hindu
Kush. Kahanay nito mula hilaga
pasilangan ang mga taluktok at lambak
sa Pamir Knot. Sa gawing silangan ng
Pamir Knot ay ang kabundukan ng
Karakorum at ang Himalayas, ang
pinakamataas na taluktok sa daigdig.

Kanlurang Asya
Ang rehiyon ang may
pinakamaraming bansang kabilang sa
Asya na may kabuuang sukat na 6, 645,
878 km2. Ang hangganan nito ay nagmula sa Dagat ng Arabia paakyat sa Red Sea at
Mediteranean, patuloy sa Black Sea at Kabundukang Ural. Ang karamihan ng bansa sa
rehiyong ito ay kabilang sa tintawag na Gitnang Silangan o Middle East ng mga taga-
Europa. May taglay na yamang langis ang rehiyon kung kaya maraming bansa ang
maunlad dito.

DCHS, INC.
Araling Panlipunan 7 Dao Catholic High School, Inc .
3
Gawain: Frayer Diagram
Ilarawan ang Asya. Ibigay ang mga katangian, lokasyon, hangganan at sukat.
Itala rin ang mga rehiyon at magbigay ng tig- dalawang bansa sa bawat rehiyon.

Gawain: Pagtukoy ng mga Rehiyon ng Asya sa Mapa

Tukuyin ang mga rehiyon sa Asya. Kulayan ayon sa pananda o legend.

MGA ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG SA ASYA

DCHS, INC.
Araling Panlipunan 7 Dao Catholic High School, Inc .
4
Mga Anyong Lupa
Ang pgkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay isang katangian ng
Asya. Ang kontinente ng Asya biniyayaan at nagtataglay ng iba’t-ibang anyong lupa na
lubos na nakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano.
Bulubundukin
Sa mga hanay ng mga bundok o bulubundukin sa Asya, pinakatanyag ang
Himalayas na may habang umaabot sa 2,414 kilometro o 1,500 milya. Ang kabundukan
ng Himalaya ang pinakamataas na hanay ng kabundukan sa buong mundo. Ang
Himalay ay salitang Sankrit na ang ibig sabihin ay “Bahay ng Niyebe”. Ang Himalaya ay
nasa hilaga ng Nepal at India at karugtong ang talamas ng Tibet. Hinahati ng Himalaya
ang Asya sa hilaga at timog, Kanlurang Asya at Timog Silngang Asya. Hadlang din ito
sa pagdating ng ulan sa rehiyon.
Ang Hindu Kush (sa Afghanistan) ay hanay ng mga bundok sa Sentral Asya. Ang
ibig sabihin ng Kush ay “kamatayan”. Ibinigay ang pangalang ito sa bundok dahil marahil
sa mapanganib na mga paso nito. Ang Hindu Kush na tinatawag na “Caucasus” ng mga
historyador ni Alexander the Great ang nagdurugtong pakanluran sa rehiyon ng
Talampas ng Pamir.
Ang Pamir (Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyztan) ang isa sa
pinakamataas na talampas sa buong mundo. Ito ang pinaka sentro ng mga hanay ng
kabundukang Himalaya, Tien Shan, Kunlun at Hindu Kush. Humigit-kumulang na 4,000
metro ang taas ng pook kaya binansagan itong “Bubungan ng Daigdig”
Ang iba pang mga bulubundukin ng Asya ay ang Tien Shan sa Hilagang Asya,
Ghats sa Timog Asya, Caucasus (na nasa Azerbaijan, Georgia Russia at Armernia) at
ang bulubundukin ng Ural sa Kanlurang Asya.
Bundok
Ang pinakamataas na bundok sa bulubunduking Himalaya at sa buong mundo ay
ang Bundok Everest. Ang taluktok nito ay may taas na 8,850 metro (29,028
talampakan) mula sa pamantayan ng tubig. Ang hanggang Timog nito ay ang hanay ng
kabundukan sa China hanggang Black Sea. Pangalawa sa pinakamataas na bundok ay
ang bundok K2 na may taas na 8,611 metro na matatagpuan sa may pagitan ng
Pakistan at China. Pangatlo naman sa pinakamataas na bundok ay ang Mt.
Kanchenjunga na may taas na 8,586 metro na nasa Himalayas din.
Bulkan
Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire, tinatayang
nasa humigit kumulang 300 aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng Semeru,
Krakatoa, Fuji, Pinatubo,Taal at Mayon. Sa Japan lamang, may 165 bulkan at 54 ang
aktibo. Ang Mount Fuji ang pinakatanyag na bulkan sa Japan. Sa Pilipinas naman,
ipinagmamalaki ang Mayon, ang hugis konong bulkan at ang Bulkang Taal, na
pinakamaliit na bulkan sa daigdig. Samantala, sa Indonesia nakilala ang Bulkang
Krakatoa sa buong mundo dahil sa lakas ng pagsabog nito noong Agosto, 1883.
nadama ang lakas sa pagsabog nito hindi lamang sa pulo ng Krakatoa kung hindi
hanggang sa Sumatra at Java at hanggang sa Inglatera.
Talampas
Ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang Tibetan Plateau na itinuturing na
pinakamataas na talampas sa buong mundo (16,000 talampakan) at tinaguriang “Roof
of the World” ay nasa Asya. Dito nagmumula ang malalaking ilog sa Silangang Asya.
Ang talampas ng Deccan na nasa katimugang bahagi ng Indo-Gangentic Plain ng India
ay kilala rin.
Kapatagan at Lambak
Halos sangkapat (1/4) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan. Ang Indo-
Gangentic Plain at malaking bahagi ng Timog Silangangang Asya ay bahagi nito. Ang

DCHS, INC.
Araling Panlipunan 7 Dao Catholic High School, Inc .
5
lambak ng mga ilog Huang Ho, Yangtze at Amur sa Tsina ay may haba na 2,880
kilometro. Malawak din ang mga lambak ng mga ilog Mekong sa Indotsina, Ilog Chao
Phraya sa Thailand, Ilog Irrawddy at Salween sa Myanmar. Sa Pilipinas naman
pinakamalawak ang kapatagan ng Gitnang Luzon at Koronadal sa Mindanao.
Disyerto
Isa ring pisikal na kaanyuan sa Asya ay ang mga disyerto. Ang Gobi Desert na
siyang pinakamalaki sa Asya ay itinuturing ding pinakamalamig na disyerto. Makikita din
dito ang mga disyerto ng Taklamakan, Kara Kum at mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi
Arabia at India.
Kapuluan
Ang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan sa daigdig na binubuo ng 13,000 mga
pulo. Ang kapuluan ng Pilipinas ay binubuo ng 7,107 mga pulo. Isang kapuluan din ang
Japan.
Pulo
Umaabot sa 770 libong milya ang kabuuang sukat ng mga pulo sa Asya at kabilang
dito ang Cyprus, Andaman, Sri Lanka, Maldives, Borneo, Taiwana t marami pang iba.
Tangway
Ang tangway ay isang mahabang usli ng lupa sa tubig at inuugnay ito sa kalupaan
sa pamamagitan ng tinatawag na isthmus. Tinatayang nasa tatlong milyong milya
kwadrado ang sukat nito. Ang mga Tangway sa Asya ay Turkey, Korea, Malaysia,
India, at Arabia. Dahil sa laki ng Tangway ng India tinatawag din itong subkontinente ng
India.

Mga Anyong Tubig


Ang kontinente ng Asya ay halos napapaligiran ng mga karagatan at mga dagat.
Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay ang mga anyong tubig. Ang mg
akaragatn at mga dagat na ito ay gumaganap ng mahalagang papel sa pamumuhaay ng
mga Asyano dahil ang mga ito ay nagsisilibing likas na depensa, rutang pangkalakalan
at sa paggagalugad, at pinagkukunan ng iba’t-ibang yamang dagat at yamang mineral.
Karagatan at Dagat
Maliban sa karagatng Atlantiko, ang tatlong karagatan sa daigdig ay napakalibot sa
Asya. Ang mga ito ay mga Karagatang Pasipiko sa Silangang Asya, Karagatang
Indian sa timog, at ang Arktiko sa hilaga.
Ilang dagat naman ang matatagpuan sa rehiyon. Ang South China Sea, ang
pinakamalaking dagat sa Asya ay napapaligiran ng Vietnamn, Malaysia, Indonesia at
Pilipinas. Ang Dagat Mediterannean, ang pangalawa sa pinakamalaki sa Asya, Aprika,
at Europa. Ang Dagat Bering ay nasa pagitan ng Asya Hilagang Amerika. Ang Dagat
Okhotsk ay nasa hilagang ng Japan at silangan ng Rusya. Ang Silangang Dagat Tsina
ay nasa silangan ng China. Nasa pagitan ng Turkey at Rusya ang Black Sea at nasa
pagitan ng Saudi Arabia at baybaying ng Aprika ang Red Sea..
Ilog
Maraming ilog sa Asya. Ang mga Ilog Lena at Ob ay nagsisimula sa kabundukan,
umaagos sa Rusya sa Hilagang Asya attumutuloy sa Karagatang Arktiko. Dumadaloy sa
India Pakistan, at Bangladesh ang mga ilog sa Indus, Ganges at Brahmarupta. Ang
Huang Ho o Yellow River, Ilog Yangtze at Ilog Amur ang malalaking ilog sa China. Ang
ilog Yangtze ang pinakamahaba sa Asya at umaabot ito sa 5,590 kilometro.
Mulas a talampas ng Tibet may ilang ilog sa Timog-Silangang Asya. Ang ilog
Mekong na may habang 4,166 kilometro ay dumadaloy sa tangway ng Inditsina
hanggang Timog Tsina, ang Ilog Chao Phraya sa Thailand, ang mga ilog Irrawaddy at

DCHS, INC.
Araling Panlipunan 7 Dao Catholic High School, Inc .
6
Salween sa Myanmar ang tumutuloy sa dagat Andaman. Sa Pilipinass , ang ilog
Cagayan sa Luzon ang pinakamalaki. Sa Korea, pinakamalaki naman ang ilog Yalu. Ang
mg ilog naman sa Kanlurang Asya ay ang Tigris-Euphrates at Jordan.
Lawa
Matatagpuan din sa Asya ang pinakamalaking lawa sa buong daigdig, ang Caspian
Sea na may lawak na 394,299 kilometro kwadrado at ang pinakamalalim na lawa sa
buong mundo, ang Lawa ng Baikal. Nagmula ang pangalan ng Caspian Sea sa Mare
Caspium dahil sa pag-aakala ng mga Romano na ito ay isang dagat.
Sa hilagang Asya, pinakamalaki ang Lawang Aral sa Rusya na may sukat na 64,
740 kilometro kwadrado. Ang mga lawa sa gitnang Asya ay ay ang Balkash at Baikal.
Ang Lawa Van sa Turkey ay tinaguriang Lawang Asin dahil sa tindi ng alat ng tubig. Ang
pampang ng lawa ay pinagkukunan ng asin. Sa Timog-Silangang Asya, ang Lawa ng
Laguna de Bay sa Pilipinas ay malaking anyo ng tubig-tabang.
Ang Dead Sea ay ang pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa buong
daigdig at ito rin ang pinakamababaw na bahagi ng sea level sa daigdig
Golpo
Isa sa mahalagang golpo sa Asya ay ang Golpo ng Persia na dinaraanan ng mga
tanker ng langis. Malaki rin ang Golpo ng Siam at Golpo ng Tonkin. Golpo ng
Lingayen at Golpo ng Davao ang pinakamalaking Golpo sa Pilipinas.
Look
Sa mga look naman, ang Look ng Bengal ang pinakamalaki sa rehiyon. Ang Look ng
Maynila sa Pilipinas ay isang likas na daungan. Matatagpuan dito ang dalawa sa
pinakamalaking daungan sa daigdig - ang North at South Harbor.

Gawain: Talahanayan
Pagkatapos basahin ang teksto sa itaas, punan ang talahanayan sa
ibaba. Magbigay ng halimbawa ng mga nabanggit na Anyong Lupa at Anyong
Tubig. Itala ang mga katangian nito at lokasyon.

Mga Anyong Lupa at Katangian Lokasyon


Anyong Tubig sa Asya
 Pinakatanyag na bulubundukin sa Hilaga ng Nepal at
Halimbawa:
Asya India at karugtong
Himalayas
 Pinakamataas na hanay ng ang talampas ng
kabundukan sa mundo. Tibet
Bulubundukin

Bundok

Bulkan

Kapatagan

Lambak

DCHS, INC.
Araling Panlipunan 7 Dao Catholic High School, Inc .
7
Disyerto

Kapuluan

Pulo

Tangway

Karagatan

Dagat

Ilog

Lawa

Golpo

Look

GAWAIN: Conceptual Matrix


Sa ibaba ay makikita ang isang Conceptual Matrix na kung saan magiging
pangunahing gabay mo upang masubaybayan ang daloy ng pagbabago ng iyong
natutunan. Sa pagkakataong ito, sasagutin mo lamang ang unang kahon, samantalang
ang iba pang kahon ay sa susunod na mga gawin.
Isusulat ang iyong mga natuklasan tungkol sa Asya sa ikalawang kolumn. Isulat
sa ikatlong kolumn kung paano mo maipapakita ang iyong natutunan.
(My Beginning (My New Ideas) (My Application)
Ideas)

DCHS, INC.
Araling Panlipunan 7 Dao Catholic High School, Inc .
8
Sa aking palagay ang Natuklasan ko na ang Asya Maipapakita ko ang aking
Asya ay…. ay…. natutunan sa pamamagitan
ng paggawa ng mga
sumusunod:
1. Sa Sarili…

2. Sa Bahay…

3. Sa Paaralan…

4. Sa Komunidad /
Simbahan…

5.

Suriin
ang
mga

larawan sa ibaba at sagutan ang mga tanong.

DCHS, INC.
Araling Panlipunan 7 Dao Catholic High School, Inc .
9
Anong uri ng Anong uri ng
Anong uri ng pangkabuhayan
pangkabuhayan ang pangkabuhayan ang
ang makikita sa larawan?
makikita sa larawan? makikita sa larawan?

Anong anyong lupa o Anong anyong lupa o


Anong anyong lupa o anyong
anyong tubig ang anyong tubig ang
tubig ang nakaapekto sa uri ng
nakaapekto sa uri ng nakaapekto sa uri ng
pangkabuhayan na makikita sa
pangkabuhayan na pangkabuhayan na makikita
larawan?
makikita sa larawan? sa larawan?

Paano nakakaapekto ang mga anyong lupa at anyong tubig sa pamumuhay ng Asyano?

Tukuyin ang mga anyong lupa o anyong tubig na inilalarawan ng mga


pangungusap. Isulat kung saang rehiyon sa Asya ito matatagpuan.
Mt. Everest
1. Ito ang pinaamataas na bundok sa daigdig na matatagpuan sa
Rehiyon: kabundukan ng Himalayas.
Timog Asya

2. Ito ay ang pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig.


Rehiyon:

3. Ito ang pinakamahabang ilog sa Asya.


Rehiyon:

4. Ito ang pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas.


Rehiyon:

5. Ito ang pinakatanyag na bulkan sa Japan.


Rehiyon:

Gumawa ng
photocollage na nagpapakita ng kahalagahan ng mga anyong lupa at tubig sa
pamumuhay ng mga Asyano.

DCHS, INC.
Araling Panlipunan 7 Dao Catholic High School, Inc .
10

You might also like