You are on page 1of 2

Marami ng unos ang dumaan ngunit hindi tayo nagpatinag sa hamon ng buhay,

patuloy natin itong nilabanan at nilalabanan, sadyang ang bagsik ng mga pangyayaring tila mga
kadenang sumapot sa bawat nating leeg at tila baga’y parang mga patalim na itinatarak sa ating
mga puso na tumatagos hanggang kaluluwa na sa bawat nating pagtangis at pagpatak ng mga
luha ay mas lumalala……. mas naghihirap ang sitwasyon, kung minsa’y pagsuko na lamang ang
nakikita mong dahilan dubalit hindi naman doon magtatapos ito kundi magsisimula parin
lamang.

Taranta… balais ang katawan buhat ng umuwi sa basaysay mula sa pagkakaputok ng


bulkan, anu na naman raw itong problemang kinakaharap ng buong mundo na nagdadala ng sakit
at nakapagdudulot ng kamatayan, sakit na buhat sa ibang bansa na tila’y turista nating niyakap
kaya ganoon na lamang karami ang nahawaan, napasahan at kalauna’y namatay, sadya ngang iba
na ang mundo….

Tuliro…. Ang lahat at hindi alam ang gagawin mga pulso’t tibok ng puso’y di
mabilang sa bilis at mga suhestyon sa isip ay nagkakagulo, di malaman ang gagawin, ano kaya
itong mas dapat kong uunahin?? Nababaliw! Kinakabahan! Teka!. agad akong namili ng pagkain
ng pang-matagalan, nag-unahan, pandalasan, nagkaubusan, taranta ang lahat at hindi
magkandamayaw, sadya ngang iba na ang mundo….

Gumising ng isang umaga na tila nagbago na ang lahat ang dating masaya ay nabalot
ng lungkot, ang mala peryang pusyo ng aliw noon ay tila mala libingan na nakakakilabot na mga
hugong na balita ngayon, anu itong sinasalaksak ang ilong at lalamunan upang ikaw ay
maingatan sa sakit, bakit ang mga tao ay tila mga pintuang sarado mga naka mask, face shield at
ang lalayo na ng mga agwat ng mga ito wala na ang apir, ang beso, ang halik ang yapoooosss
ang yaakaaapp…. Tila nakakainip narin hindi ang oras, araw o lingo kundi ang buwan na bilang
ng panahon na ikaw ay bilanggo sa banta ng nakamamatay na sakit na nagpasakit at
nagpapasakit sa lahat ng tao, bata man o matanda, sadya ngang iba na ang mundo…

Idagdag mo pang si Alfredo na asawa ni aling Rosita na isang konstruksyon worker


ay natanggal pa sa trabaho paano na lamang niya pakakainin nito ang kanyang mga anak gayong
may sakit pa ang isa rito. Mabigat at masakit na dagok ito para sa lahat lalo na sa pamilya ni
Tatay Alfredo ngunit may awa ang Diyos, at alam kong ginagabayan tayo nito. Sunod sunod na
pagpanaw at pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit, sino? Ang makakatulong ng mahimbing sa
mga pagkakataong ganyan, ang mga tao ay ikinulong sa mga telepono, laptop at mga salawin na
siyang tulay upang mag kamustahan at magkakwentuhan miski panandalian at pansamantala
lamang. Lahat ay nabago, lahat ay umikot sa teknolohiya ang pamimili, ang pag-aaral, ang
trabaho at marami pang iba ngunit hindi parin natin maisasantabi na sadya ngang iba na ang
mundo, dahil natin at dahil natin, dahil nating mga tao.

You might also like