You are on page 1of 1

Assignment Blg.

Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

1. Ano ang pagpapakahulugan ng Filipinolohiya? Talakayin.

Ayon sa bidyong handog ng PUP CreaTV at ni Propesor Christo Rey Albason, ang Filipinolohiya ay
pilosopiya o pag-aaral tungkol sa kasaysayan, wika at kultura ng bansang Pilipinas na makatutulong sa
paglawak ng kaalaman at pagunlad ng bansa. Dito rin napag-aaralan ang kahalagahan at tamang
paggamit ng mga kaalaman. Sa Filipinolohiya rin natin malalaman ang sistema ng lipunan na mayroon
tayo noon at kung pano ito nabago nang sakupin ng mga bansang Espanya at Amerika ang Pilipinas. Sa
Filipinolohiya tayo mamumulat sa totoong kalagayan ng lipunang Filipino.

2. Paano maiuugnay ang konsepto ng Filipinolohiya sa pambansang kaunlaran? Talakayin.

Sa pagunawa ng konsepto ng Filipinolohiya mauunawaan kung paano ba magagamit ang ating mga
natutunan upang mapaunlad ang kabuhayan, pulitika at kultura ng bansa. Sa pagintindi ng katotohanan
malalaman kung ano ang dapat baguhin o ano ang dapat gawin upang mapaunlad ang ating sistemang
panlipunan. Sa pag-aaral din ng Filipinolohiya malilinang ang talino, agham at sining ng mga Pilipino
upang magkaroon ng matiwasay at maunlad na pamumuhay.

You might also like