You are on page 1of 27

University of Perpetual Help System Laguna

City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024


(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

SEX EDUCATION SA BAGONG HENERASYON

Iniharap ang

Pananaliksik na ito sa

Mga guro ng Senior High School

ng University of Perpetual Help System Laguna

Sto. Niño, Biñan City, Laguna

Sa bahagyang Katuparan

Sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsusurisa

nina:

Marso 2019
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Sa kabanatang ito ng pananaliksik ay ilalahad ang introduksyon ng pag-aaral, konseptwal na

balangkas, operasyonal na balangkas, mga suliranin, mga hypothesis, saklaw at limitasyon,

kahalagahan sapag-aaral, at mga depenisyon ng mga terminolohiya.

Introduksyon

Ang Sex Education ay pag-aaral sa sekswalidad ng tao, sekswalidad na aktibidad, at iba

pa. Ito ay pinakamataas na pag-aaral at pagtuturo tungkol sa malawak ma sakop ng depinisyon

ukol sa sex at sekswalidad, pagsasaliksik g mga nakaugalian at paniniwala tungkol sa pag-aaral

na ito na pwedeng magkaroon pa ng mas matibay na kakayanan na kinakailangan natin sa

pagpapatatag ng relasyon at upang alamin ang iyong sariling kalusugang sekswal. Maaaring

ang pagtuturo ng Sex Education ay mangyari sa eskwelahan sa komunidad at online. Ang

pagkakaroon ng kaalaman sa sex education ay malaking tulong sa isang indibidwal, ito ay

maaaring tignan bilang proteksyon sa bawat persona.

Ayon kay Sanoff 2015, mahabang oras ang ginugol ng mga aktibista upang magkaroon

ng pahintulot tungkol sa pagkakaroon ng Sex Educationsa mga paaralan. Dumami rin ang mga

balitang may kinalaman sa panggagahasa sa mga estudyante sa hayskul sa iba’t ibang bansa

gaya na lamang ng Texas. Ang kakulangan ng Sex Education ang naging isa sa mga dahilan

kung bakit mabilis na kumalat ang STD. Ito ang nagtulak sa mga nasangkot at nakaligtas dito

na magkaroon ng Sex Education bilang karahasang sekswal na sinasabing pagkukulang ng

suporta mula sa mga taumbayan. Dahil dito, ang Teach Safe Relationship Acts ng 2015 ay

nabuo na pumapatungkol sa karahasang domestic at programa para sa sexual education at sa

seguridad ng emosyon ng mga estudyante. Mayroon ding organisasyong nabuo sa Boston.

Massachucetts na nagngangalang Partner in Sex Education na sumasakop naman sa kaalaman

tungkol sa sex education na kinakailangan sa mga pampublikong paaralan na siyudad. Ang mga

guro na may sapat na karanasan at kaalaman ditto ang iminumungkahing tutulong upang

maisagawa ito.
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Ayon sa DepEd 2018, makakatulong upang maiwasan ang pag-angat ng bilang ng mga

kababaihang maagang nabubuntis, nagkakaroon ng Human Immuno-deficiency Virus (HIV) at

karahasang sekswal na maaaring pagsimulan sa paaralan sa tulong ng Comprehensive Sexuality

Education na inilathala at binuo ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay naglalayong pangalagaan

ang sekswalidad at kabuuan ng ga kabataang Pilipino pati na rin ang pangangailangang

pangkalusugan at proteksyon. Sinasabi pa na ang CSE ay kaagad na kinakailangan sapagkat

nasa bingit ang henerasyon ngayon kung kaya naman ay marapat lamang na ito ay pahintulutan

upang makatulong din sa pagdedesisyon sa buhay na nakabase sa wastong kaalaman at

pagkakaunawa sa kalusugang reproduksyon. Patungkol dito, kinakailangan ang pagkakaroon

ng iisang pagkakaintindi sa CSE para sa mga magtuturo nito nang masigurado ang angkop na

mensahe at kaalamang ihahatid sa mga paaralang pampubliko at pampribado. Maaari itong

isama sa mga asignatura gaya ng Health, Physical Education, Edukasyon sa Pagpapkatao at

Aralig Panlipunan.

Ayon kay Perez (2018), ang populasyonngPilipinas ay tataas ng 1.8 milyonna may 1.69

pursyentosapagtataposngtaong 2018. Angibigsabihinnito ay 4,965 Pilipino kadaaraw, o 206

kadaorassa 2018 ang madadagdag. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nanatiling

mataas ang pursyento ng mga kabataan na nabubuntis. Ang kabuuang bilang mga mga babeng

nabubuntis kada taon ay 200,000 at sa ang mga kabataan ang nasa taong 15 hanggang 19 ang

may pinakamataas na may bilang na 130,000.

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay nagkakaroon ng magandang pagkakamulat

sa mga kabataan o estudyante na ngakakaroon ng pagka-mausisa sa pag-aaral na ito. Mas

maganda ng magkaroon ka ng kaalaman tungkol sa Sex Educationbago ka magkaroon ng unang

pagtatalik o “sexual intercourse” kung tawagin, itong pag-aaral na ito ay hindi hinihikayat ang

mga kabataan na magtalik, ang ginagawa nito ay ang kabaliktaran na nagpapalawak ng

kaalaman tungkol dito. Nakakatulong din ito upang magkaroon ka ng motibasyon na

magkaroon ng maayos na desisyon tungkol sa pagtatalik o sekswalidad. Kailangan talaga itong

mapag-usapan lalo na sa mga estudyante upang magkaroon sila ng konektadong relasyon sa

mga taong malapit sa kanila. Pag-aaral sa mga bagay katulad ng paggamit ng condom o

contraceptives, at sa kaganapang hindi pa sila handa.


University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang tulungan ang mga kabataan na maintindihan

ang istrakturang pangangatawan ng babae at lalaki at magtamo ng kaalaman tungkol sa

kapanganakan. Layunin din nito na turuan ang kabataan na hubugin at tanggapin ang papel at

responsibilidad nila bilang isang lalaki at babae sa pamamagitan ng paglikom ng kaalaman

tungkol sa kasarian. Isa din sa mga layunin nito na turuan ang isang indibidwal tungkol sa

pagtanggap sa sarili at ang saloobin at kasanayan ng interpersonal na relasyon. Tinutulungan din

nito ang isang indibidwal na linangin ang kahulugan ng responsibilidad sa iba pati narin sa sarili.

Konseptwal na Balangkas

Ang pagsasakatuparan ng sex education bilang isang asignaturang panibagong ituturo ng

mga guro ay maaaring ibase sa Constructivism ni Piaget. Ito ay isang teoraya ng kaalaman kung

saan saklaw nito ang pangkalahatang kaalaman ng tao pati na rin ang mga pinagdadaanan nito.

Ayon kay Piaget (1963), sa pamamagitan ng asimilasyon, repleksyon at paglalaman, ang isang

indibidwal ay makabubuo ng panibagong kaalaman dahil sa kanyang mga pinagdaanan. Ang

teorya ng Constructivist Learning ay mayroon malawak na sakop sa mga teorya ng kaalaman at

mga paraan sa pagtuturo sa edukasyon at ito rin ang temang pinagbabatayan ng pagpapabuti ng

paggalaw ng edukasyon. Ayon sa teoryang ito, ang paglalaman ay isang paraan ng muling

paglikha ng mentalidad ng isang indibidwal upang maipasok ang panibagong kaalaman na

maaring maging dahilan upang mas mapabuti ang kanyang pananaw sa isang bagay. Kapag

sinimulan ng isang indibidwal ang pag-aasimilasyon, nagagawa niyang iugnay ang mga bagong

karanasan sa dati na niyang kaalaman na hindi na kinakailangan pang baguhin. Nangyayari

lamang ito kung ang mga pinagdadaanan ng tao ay may kinalaman sa paraan kung paano nila

tingnan at bigyang batayan ang mga nangyayari sa kaniyang paligid ngunit maaari ring hindi

magingmatagumpay ang pagbabago dahil sa isang maling pagkakaintindi; halimbawa, maaring

may mga pangyayaring hindi nabibigyang pansin, maling interpretasyon saginagawa

atipinakikita ng iba, o hindi naman kaya ay isang pangyayaring hindi naman pinagplanuhan

ngunit nangyari nang hindi inaasahan at walang kaugnayan bilang impormasyon tungkol sa

mundo. Sa kabilang banda, kung ang mga pinagdadaanan ng isang indibidwal ay hindi naaayon

sa kanyang kinakatawan, maaari niya itong baguhin.


University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Operasyonal na Balangkas

Malayang BaryabolMalayang/Hindi malayang Baryabol Hindi malayang baryabol

Antas ng kaalaman Antas ng pagpigil sa Kagustuhan na

tungkol sa Sex pagpapatupad nito maipatupad ito

Education sa mga Paaralan sa mga Paaralan

Pigura 1. Ugnayan ng mga Baryabol sa Pagaaral

Ang pag aaral na ito ay nakatuon sa paghahanap ng kaugnayan ng bawat


kaalaman ng mga guro sa unibersidad ng University of Perpetual Help System Laguna tungkol sa
Sex education at kung ano ang antas ng kaalaman ng mga guro sa aralin na ito. Tutukuyin din ng
mga mananaliksik ang kaugnayan ng pagpigil ng pamahalaan na ipatupad ito sa mga Paaralan sa
pilipinas. Tutukuyin din ang antas ng kagustuhan ng mga guro na maipatupad ang aralin tungkol
sa Sex education sa bawat paaralan. At sa huli tutukuyin din ng mananaliksik ang mahalagang
ugnayan ng pagpigil ng pamahalaan sa pagpapatupad nito at ang kagustuhan ng bawat guro na
maipatupad ito.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondente batay sa :

1.1 edad

1.2 kasarian

1.3 antas ng pamumuhay

2. Ano ang antas ng kaalaman ng mga respondente tungkol sa sex education?

3. Mayroon bang makabuluhang ugnayan ang demograpikong propayl ng mga respondente

hinggil sa antas ng kaalaman tungkol sa sex education?

Paglalahad ng Haypotesis

Ang pag-aaral na ito ay nakabase sa mga haypotesis na:

Ho1. Walang mahalagang ugnayan ang kaalaman ng mga respondente sa Sex education sa
kanilang antas ng pagpipigil sa pagpapatupad nito.

Ho2. Walang mahalagang ugnayan ng pagpipigil sa pagpapatupad ng Sex education sa kanilanv


mga trabaho at responsibilidad.
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Saklaw at Limitasyon

Ang pagsasaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusulong na maipatatag ang


pagkakaroon ng pag aaral patungkol sa Sex Education mula sa mga guro ng SHS sa University
of Perpetual Help System Laguna. Nililimitahang limang (5) mga guro ang mga reresponde sa
pag aaral na ito. Ang pag aaral na ito gagawin sa loob ng Taong Panuruan 2018-2019.

Ang pagsusulong na ipatatag ang pagkakaroon ng pag aaral patungkol sa Sex


Education mula sa ibang mga instutisyon ay hindi sakop ng pag aaral na ito.

Kahalagahan ng Pagaaral

Ang pag-aaral na ito ay kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Isa sa mga makikinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante sapagkat sila ang saklaw ng
curriculum ng sex education kung ito ay maisakatutuparan.

Makikinabang ang mga magulang sa pag-aaral na ito sapagkat makatutulong ito upang
mabigyan sila ng kalinawan sa maaaring maging benepisyo ng sex education lalo na sa panahon
ngayon kung saan hindi gaanong malapit sa kanila ang mga anak.

Para sa bansa, ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay maaaring maging basehan kung
ito ba ay patuloy ng pahihintulutan na ng Kagawaran ng Edukasyon para tuluyan ng aprubahan
ang sex education.

Para sa mga mananaliksik, ang makakalap na mga datos ay maaaring karagdagang


impormasyon at kaalaman sa kanila sa kanila at magkakaroon ng pananaw at karunungang
malakaw tungkol sa sex education.

At para sa mga susunod na mananaliksik, ang pag-aral na ito ay maaaring maging kagamitan
nila upang makabuo ulit nga isang panibagong pananaliksik. Maaari itong balikan para
makakuha at magkaroon sila ng ideya na makatutulong sa kanilang bagong pag-aaral.

Depinisyon ng Terminolohiya

Ang sumusunod na mga terminolohiya ay binigyang-kahulugan sa operasyonal


at kontekstwal na paraan.

SEKSWALIDAD - ay ang kabuuang katauhan ngisang indibidwal, ang pagpapahayag ng tao sa


kanyang pisikal, emosyonal, sosyal, at espiritwal na pag-uugali at nararamdaman.

RELASYON -ang tawag sa komunikasyon o interaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga
tao.

SEXUAL INTERCOURSE - ito ay ang pagtatalik o pagsisiping na isang pamamaraan ng isang


babae at ng isang lalaki upang makabuo ng kanilang magiging supling sa pamamagitan ng
kanilang mga ari.

CONTRACEPTIVES-ito ay ang pagpigil sa pag-aanak. Ang kusang pagtaban at pagtitimpi ng


tao sa kanyang kakayahang magkaroon ng anak. Wikipedia org
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

SEX o SEKSWALIDAD ay tumutukoy sa biyolohikal (biological) na katangian ng tao.


Maaaring ang tao ay may pisikal na katangian ng babae o lalake katulad ng kaibahan sa ari at iba
pang genetikong pagkakaiba.

EDUCATION ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang


bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman,
mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag
ang kultura sa mga susunod na salinlahi.

SEXUALLY TRANSMITTED DISEASE (STD) ay sakit na puwedeng makuha sa


pamamagitan ng pakikipagtalik sa isang tayong mayroon nito.

Human Immunodeficiency Virus (HIV) ay isang napakaliit na mikrobyo, na tinatawag na


virus, na hindi nakikita ng mata.

COMPREHENSIVE SEXUALITY EDUCATION (CSE) ay ang pagbibigay ng impormasyon


at gabay tungkol sa pisikal at emosyonal na aspekto ng pag tanda at pagsisimula ng relasyon.
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Kabanata 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Makikita sa bahaging ito ang mga publikasyong may kinalaman sa pag-aaral na ito.

Kasama na ang mga pahayagan, aklat at web page, gayundin ang ibang mga kaugnay na pag-

aaral.

Sex education sa iba’t-ibang paaralan

Noong taong 1970’s, nagsimulang baguhin ang pagtuturo ng sex education sa

mga paaralan, mas naging makabuluhan ito at walang duda sa kalakhan bilang tugon sa

mahusay na mga pagbabago ng lipunan. Ang mga kamakailang programa sa edukasyon sa sex

sa mga paaralan ay may iba’t ibang layunin na nais mabatid. Ang sex education ay bihirang

matatagpuan a UK ngunit ito ay mahusay na pinondohan at kalat na kalat sa USA. Ang

kasalukuyang gobyerno ng UK ay mas naging positibo kaysa sa mga konserbatibong

predecessors nito tungkol sa pagtatangka upang ipakilala ang isang mas malawak na kaalaman

sa sex education. Nagsimula itong magbigay ng patnubay sa mga paaralan kung paano

haharapin ang homophobicna pang-aapi habang sinusuportahan pa ang pang-aasawa, sinubukan

na itayo ang sarili mula sa posisyon na pinalaki ang mga bata sa tahanan kung saan ang mga

magulang ay hindi kasal, gayunpaman ang kaso ng mga pamilya na naninirahan sa

pangalawang antas ng lipunan ay nangangailangan din ng wastong patnubay. (The Open

University, 2005)

Kaya naman dahil sa mga positibong epektong naidulot nito nagkaroon din ito

ng importansya lalo na sa mga kabataan. Ang mga kabataan ay nagkakaroon ng pagbabago

mula sa puberty hanggang sa adolescence kung saan kinakailangan nilang maging pamilyar at

kalaunan ay mapag-aralan kung paano haharapin ang mga pagbabagong pisyologikal at

sikolohikal. (Department of Health 2010) Ang pagkaroon ng sex education sa mga paaralan ay

hindi lamang isang payak at madaling ituro na bagay sapagkat ang mga napapanahong

kalagayan ng mga kabataan gaya na lamang ng maagang pagkabuntis at ang paglaganap ng

sexually transmitted diseases ang nagiging bunga nito dahil sa kasalatan sa kaalaman (STD).

Ito ay hindi maaaring matalos lamang sa isang turuan bagkus ito ay pang-matagalang

edukasyon na dapat ay hanggang tahanan din. (Boskey 2018)


University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Malaki ang sakop ng moralidad sa kahalagahan ng sex education sapagkat dito

natututunan kung paano mas isipin ang kanilang kapakanan sa bawat desisyon na ginagawa nila

at ang pagtuturo at pag-unawa sa mga hindi makataong aspekto. Dahil dito, malaki ang

posibilidad na mabawasan ang mga kabataang nasasangkot sa maagang pagkabuntis, premarital

sex, aborsyon at pagkakaroon ng STDs. Maaari rin itong magbunga ng pagbabago sa

mentalidad at pagkatao ng isang kabataan sapagkat makatutulong ito upang malaman kung

paano makabubuo ng mas epektibong desisyon at magkaroon ng mas magandang direksyon sa

buhay. Higit sa lahat, ang kahalagahan nito ay ang pagbibigay paalala at pagtukoy tungkol sa

pagkakakilanlan sa kasarian, responsibilidad sa pamilya, at ang pakikipagpalagayang-loob ng

kabataan. (Only My Health, 2017)

Mayroon din ilang benepisyong dulot ang pagkakaroon nito, ang pagkakaroon

ng kaalaman sa sex education ay makatutulong sa mga kabataan na maintindihan kung ano nga

ba ang gagampanan ng sex sa kanilang pamumuhay. Pumapaloob sa sex education ang mga

sagot kung bakit nagbabago ang hubog ng pangangatawan. Makatutulong ang sex education

upang maintindihan ang pagkakaiba at sa kung paanong paraan nila kokontrolin ang kanilang

paghahangad sa mga ganitong karanasan. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa sex education ay

magsisilbi ding kamalayan kung ano ang kaibahan ng tama at mali lalo na kung siya ay inaabuso

na ng isang tao. Ang pagtuturo ng sex education ay mas mabuting pamamaraan kumpara sa

matutunan ito sa ibang paraan tulad ng pornograpiya at kung ano pa upang malaman ang mga

ganitong aktibidad. Ang sex education ay magsisilbi ding kamalayan patungkol sa pagbubuntis

at tsansa sa pagkakaroon ng mga sakit tulad ng STD o HIV. Ito ay maaari ding makatulong

upang maging isang responsableng indibidwal pagdating sa mga sekswal na aktibidad. (Arpita

De, 2015)

Lingid ditto mayroon din mga kapinsalaang dulot ang pagpapatupad nito, Ayon

kay (De, 2015), mayroong kapinsalaan na naidudulot ang sex education. Kung magkaroon ng sex

education, may mga guro na hindi sapat ang kaalaman kaya maaaring hindi maging malinaw ang

pagtuturo sa mga estudyante. Kapag ang mga guro ay nakapagbigay ng maling impormasyon,

ang estudyante ay pwedeng gawin ito sa pag-aakalang nasa tama ang kanilang ginagawa at
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

magdulot pa ito ng hindi magandang kinalalabasan. Ang mga estudyante din ay maaaring malito

tungkol sa mga kaalamang kanyang nalalaman sa sex education. Pwedeng ito ang magtulak sa

kanya upang gawin ang bagay na ito at magdulot ng hindi maganda. Kung ang mga estudyante

ay nalilito, dito na pumapasok ang kanilang pagiging makuryosidad pagdating sa bagay na

patungkol sa sex. Kaya ito ay nakapinsala pa dahil ang kanilang natututunan ay maaaring gawin

o gamitin sa hindi tama at hindi naaayon sa kanilang edad.

Ang layunin ng komprehensibong paksang ito ay mag bigay sa kabataan ng

sapat na kaalaman, abilidad na tutulong upang magkaroon ka ng ligtas at masayang relasyon

lalong lalo na para magkaroon ka ng lakas na loob sa responsibilidad na dapat mong makuha

para sa sekswal na katauhan. Nais nitong magambag ng pagbabago tungo sa pakikitungo,

kasama na dito ang pag babawas sa hindi kagustuhang pagtatalik at pakakamit ng sekswal na

kasamaan gayon na ang pagaabuso at pang-gagahasa. (FamilyPlanning.org N.D)

Ang karagdagang layunin nitong pagaaral ay para mas matulungan pa din ang

mga kabataan sa eskwelahan na mahubog ang kanilang pundasyon tungkol sa pagtatalik na

kinakailangan upang magkaroon ng kaliwanagan sa kanilang mga isip hanggang sakanilang

pagtanda at para makapag bigay ng opurtunidad na madagdagan pa ang kanilang pagkakaunawa.

(SIECUS N.D)

Unang pananaw ng Lipunan tungkol sa sex education

Ang sekswalidad ay isang mahalagang sangkap ng isang masaganang pag-unlad

para sa mga kabataan. Parehong binigyang diin ng World Health Organization at isang ulat mula

sa 1994 International Conference on Population and Development ang importansya ang isang

ligtas na seksuwal na pag-unlad sa mental at pisikal na kagalingan. Noong 2001, isinaad ni U.S

Surgeon General David Satcher na ang sekswalidad ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng tao

at ang sekswal na kalusugan ay impossibleng alisin ito sa pisikal aypt mental na kalusugan. Sa

kabila ng pagtanggap ng importansya ng sex education ay nanatiling sensitibo at kontrobersyal

ito na isyu. Pinagbabatayan nito ang mga panlipunang problema na nakabatay sa mga programa

patungkol sa sex education tulad nalang ng hindi pagkakasundo tungkol sa papel ng pamahakaan

sa buhay ng pamilya at edukasyon sa sekswalidad; kontrol ng magulang sa nilalaman ng


University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

edukasyon sa sex; ang mga dapat isaalang-alang na isama sa edukasyon sa sex, tulad nga lamang

ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at personal na pananagutan at kung ano ang angkop na

pag-uugali ng sekswal na kabataan. (Guttmacher Institute, 2007)

Ang sex ay hindi bagay na itinuturo bagkus ito ay natural na sa lahat gayun

narin sa mga hayop. Dahil sa kultura ng ating bansa, itinuturing na hindi kaaya-aya ang salitang

"sex education" kaya't marahil ay tutol ang Katolikong Obispo sa Department of Education na

isama sa pag aaral ang araling ito. Ngunit kung tutuusin ang ganitong usapin ay marapat na

imulat sa mga kabataan ang kahalagahan nito, marapat na malapatan ng tamang impormasyon

ang mga kabataan ukol sa usapingna siyang magsisilbi sa kanilang gabay. Kailangang matutunan

ng mga kabataan ang mga hindi magandang maidudulot nito kung ito ay hindi pag iisipan ng

mabuti na siyang maaaring maging sanhi ng HIV-AIDS at STD o Sexually Transmitted Disease.

(Pedroche, 2010)

Ayon kay Dr. Linberg (2006), kanilang naanalisa ang mga datos ng mga 15-19

na taong gulang noong 2006-2010 at 2011-2013, para sa Prevention National Surevey For

Family Growth at Center Disease Control. Sa kanilang pagsisiyasat ng mga taong ito ay ang

proporsyon ng mga kabataan na nakakatanggap ng edukasyon ukol sa birth control o sex

education ay bumaba ng 70% hanggang 60% sa babae at 61% hanggang 55% sa lalaki.

Pangkalahatan, noong 2011-2013 mayroong 43% na babae at 57% na lalaki ang hindi

nakakatanggap ng sapat na impormasyon ukol sa pagaaral na ito bago sila magkaroon ng

pagtatalik sa unang pagkakataon. Sa kabila ng lahat ng pagkakansela sa mga pormal na

edukasyon, walang pagbabago sa proporsyon ng mga kabataan na napaguusapan ang sex

education kasama ang kanilang mga magulang. Isa sa limang babae at isa sa talong lalaki ang

hindi nakakakuha ng sapat na pagtuturo tungkol sa birth control. Ang pagaaral na ito ay

natagpuang ang mga babae at lalaki na galing sa rural na lugar na kung saan ay mas nakakansela

ang pagaaral tungkol sa sex education ay mas nadadagdagan. Nagtala si Dr. Lindberg na

problema ito di katulad sa mga taong nasa urban, mga kabataan na galing sa rural na lugar ay

mas madalas makaranas ng negatibong sekswal na kalayagan.


University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Tinawag ng Panginoon ang simbahan upang bumuo ng mga disipulo, turuan

silang sumunod sa lahat ng Kanyang ipag-uutos (Matthew 18:19-20). Para sa pagsunod sa

kagustuhan ng Diyos na turuan ang mga anak ng bawat pamilya sa pamamagitan ng pakikipag-

usap sa kanila, sinasabing ang mga magulang ang siyang dapat na nagpapaliwanag at nagbibigay

kaalaman na may kinalaman sa sex education at hindi ang simbahan. (Kohl 2006) Ayon kay

Pope Pius XI at Pope Piux XII, ang sex education ay ang hindi dapat na unang matutunan bagkus

ay ang pagpapasakatao ng moralidad pati na rin ang pagtuturo ng ika-anim at ika-siyam n autos.

Kung magkakaroon man ng Catholic Sex Education, ang edukasyon sa kalinisang-puri na

maaring ibigay ng mga magulang nag magiging saklaw nito. (Whitedhead 1996) Sinasabi ni

Bishop Honesto Otiongco na kailanman ay hindi tumutol ang Simbahan para sa Sex Education

ngunit nais niyang isagawa iyon ng naaayos sa pananaw ng mga Katoliko at naaangkop sae dad

ng mga estudyante dahil ito ang nararapat. Magiging maganda rin kung ikokonsulta ng

Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) and iba pang sector ng lipunan sapagkat hindi lamang

Simbahang Katoliko ang may kaugnayan dito. (Cantos at Leyson 2009) Ngunit sa kabila nito ay

may ilan pa ring samahan sa Simbahang tutol dito gaya na lamang ng Catholic Bishops’

Conference of the Philippines (CBCP). Sinasabing ang pagtuturo at pagbubukas sa mga isipan ng

kabataan tungkol sa sekswalidad ay ang bagay na makasisira lamang sa kanilang moral values.

(Garcia D. at Garcia G. 2010)

Ang Reproductive Health Bill (RHBill) ay ang naglunsad ng pagtuturo

Adolescent Sexual and Reproductive Health sa mga klase at pati na rin ang paggamit ng condom

kasama na ang iba pang contraceptives. Sinasabi na kasalanan ang paggamit ng mga

contraceptives dahil ito ay nagiging dahilan upang hindi mabuhay nag isang bata. Marami ang

humadlang sa pagpasa ng RH Bill dahil ang mga kabataan na may kaalaman na tungkol sa

paggamit ng mga contraceptives ay Malaya nang gumamit nito sa pag-aakalang tama ito at hindi

nalalaman na isang bata ang pinagkakaitan nila ng buhay. Ngunit ang ibang kabataan ay pabor na

pabor dito dahil maaari silang makipagtalik nang hindi nagkakaroon ng responsibilidad. At kung

sakali mang walang contraceptives na ginagamit may mga batang napaparusahan dahil hindi

ginusto ng taong nakipagtalik sa isa’t isa na sila ay mabuo at magkaroon ng responsibilidad sa

murang edad (Callueng 2012).


University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Pananaw ng Guro sa Sex education

Ang mga guro ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagtuturo

sa mga estudyante dahil sila ang humuhubog sa personalidad ng mga estudyante sa panahon na

ginugugol ng mga ito sa paaralan na makakaapekto sa kanilang pag-unlad sa hinaharap (Veena

S. Algur, 2013). Isinaad ng ilang guro na kulang ang kanilang naging paghahanda para sa

pagtuturo ng edukasyon sa sekswalidadad, isinasaad nila na kinakailangan ng isang malawak na

kaalaman at karanasan sa pagtuturo ng sex sducation at mahabang preparasyon dahil iba ang

isang lisensyadong guro sa larangan ng edukasyon sa kalusugan sa ibang asignatura. Ang

karamihan ng guro ay nagsasaad na gusto nila makakuha ng pagkakataon upang paunlarin ang

kanilang kaalaman patungkol sa seksuwalidad at iba pang mga sakop nito (The Birds & Bees

Project, 2009)

Ang sex education ay ang pinakabagong asignatura sa kurikulum.

Sinasabing ang mga guro sa Thailand ay walang pormal na pag aaral patungkol sa sex education.

Ayon sa pagsusuri, 54% ng mga guro ay sang ayon sa usaping ito. (Kay, Jones &

Jantaraweragul, 2010) May mga gurong hindi sang-ayon sa pagkakaroon ng sex education na

ituturo sa mga estudyante. Ayon kina (Kay, Jones & Jantaraweragul, 2010) ang bilang ng mga

gurong naninirahan sa Thailand na hindi sumang-ayon sa pagtuturo ng sex education sa mga

estudyante ay nasa 70%. Madami ang mga hindi sumang ayon dahil sa punto ng mga guro ay

magkakaroon ng negatibong pag-uugali ang mga estudyante tungkol sa mga nalalaman sa sex

education. Maaaring magdulot ito ng maganda at ikasama sa isang estudyanteng indibidwal.

Ang edukasyon ay makakatulong sa mga kabataan na mabawasan ang

panganib na maaring magdulot ng mga negatibong resulta, kagaya ng hindi inaasahang

pagbubuntis at mga sekswal na sakit na maaring makuha. Makakatulong ito sa kabataan na

madagdagan ang kalidad na kanilang relasyon at pataasin ang kanilang pagdedesiyon na pang

sarili na magkakaroon ng magandang idudulot sa kanilang buhay. Ang simpleng batas

pangkatauhan na ito ay magiging malaking kaganapan sa bawat buhay ng isang kabataan o

indibidwal na makakaranas nito. Malamang, ito ay tinuturo sa paaralan, Maraming mga

magulang ang ayaw na ang kanilang anak ay maturuan nito sa eskwelahan, katulad narin ng
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

ibang mga guro na hindi kagustuhan na ituro ito. Sa kabilang banda may mga guro at magulang

na gustong imulat o ituro sa kabataan ang mga ito, mapaeskwelahan man o bahay dahil ang

pagaaral na ito ay hinding hindi natin matatakasan. Ang pag-iisip tungkol sa pag-aaral na ito ay

nagpapahiwatig ng lahat ng mga hindi komportable na sandali bilang isang kabataan kapag

kinailangan naming umupo sa aming mga mesa at makinig sa aming mga guro tungkol sa

pagaaral na ito, makipag-usap tungkol sa mga bagay na aming pinag-tatawanan tungkol sa mga

kaibigan ngunit hindi kailanman nais na magkaroon ng pag-uusap tungkol sa mga may sapat na

gulang. (DeWitt, 2015)

Ang sex education ay may pakinabang sa mga guro na makapagbibigay

ng tulong upang maintindihan kung ano ba ang dala mg sex sa buhay dahil sila ang may angkop

na responsibilidad na magbigay ng impormasyon ukol sa mga magaganda at masasamang dulot

nito. (OnMyHealth 2015) Dahil dito, ang Future of Sex Education (n.d.) ay buo ng National

Teacher Preparation Standards for Sex Education bilang isang programa na huhubog at sasanay

sa mga kaguruang magtuturo ng sex education. Ayon sa kanila, ang mga pamantayan ay ang mga

sumusunod: (1) Kaugaliang Propesyonal na nagpapakita ng dedikasyon, silakbo ng damdamin, at

kaginhawaan sa pagtuturo nito. (2) Pagkakaiba-iba at Pagkakapantay-pantay na nagpapakita ng

respeto sa lipunan kabilang ang pamilya, kultura at indibidwal pati na rin ang mga

pinagdadaanan nilang may kaugnayan sa sex education. (3) Sapat na Kaalaman na

makapagbibigay ng kaalaman at makatutugon sa mga katanungang may kinalaman dito. (4)

Legal at Propesyonal na Moralidad na makatutulong upanng makabuo ng mga kapasyahang

nakabase sa mga batas, moralidad at regulasyon. (5) Pagpapatupad na kung saan ay gumagamit

ng iba’t-ibang stratehiya sa pagtuturo nito. (6) Pagsasanay na nagpapakita kung ang mga ginamit

na stratehiya ay nakatulong sa mga estudyante.

Pananaw ng Magulang at Interaksyon nito

Ayon sa pag-aaral, halos 93 pursyento ng magulang ay suportado ang

pagtuturo ng sex education sa mga estudyante. Ayon sa pag-aaral na ito, ang mga magulang na

nakilala bilang isang Demokratiko ay mas sumusuporta sa pagtuturo ng mga paksa patungkol sa

relasyon, birth control, STDs at sekswal na oryentasyon sa mga paaralan kaysa sa mga
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Republikanong magulang. Karamihan ng mga magulang ay malaki ang supporta para sa

pagtuturo ng sex education sa mga paaralan, samantalang kakaunti naman ang mga magulang

tutol sa pagtuturo nito. Gayunpaman, ang mga magulang ay nagsasaad ng kanilang reklamo na

malaki ang agwat sa pagitan ng kanilang nais ituro sa kanilang mga anak sa inaalok sa paaralan

(Kantor, Levitz, 2017)

Sa kabila ng lahat, Magulang parin ang unang paaralan ng bawat

kabataan. Sa katunayan, may mga nagmumungkahi na ang mga magulang ay mas

nakakaimpluwensiya kaysa sa guro. Kung paano naiimpluwensiyahan ng magulang ang kanilang

anak ay nagiging resulta ng edukasyon ng kanilang anak sa iba't ibang antas. Mas maganda na ito

ay pagusapan hindi sa malawak o panghalahatang paraan para may isa na magtuturo kung ano

ang kinagandang idudulot ng parental involvement. Mayroong mga programa na maaring sumali

ang magulang para edukasyon ng kanilang anak. Motibasyon ang susi sa magandang pagaaral.

Ang mga kabataan ay mas na nahihikayat na mag aral mabuti o manatiling nasa eskuwelahan.

Ang Parental Involvement ay maaring magkaroon ng iba't ibang pagkaunawa sa mga programa

na kanilang sasalihan sa mga samahan na mayroong sapat na batas. Ito ay mahalaga na mag

tumuon sa bilang ng paraan na maapektuhan ang pagaaral ng kanilang anak para magkaroon ng

karagdagang pananaw na maaring magamit para sa ikakaayos ng kanilang mga anak. Ito ay

hindi nakakagulat dahil natural na lang ang nagiging hangad ng magulang para sa kanyang anak,

ito ay may malaking papel sa pag-aaral ng motibasyon. Ang mas nakakagulat ay may mga

magulang na walang hangad para sa kanilang mga anak. (Williams et.al, 2014)

Kaya naman may gampanin din ang magulang tungkol sa pagtuturo ng

sex education sa kanilang mga anak upang mayroong dagdag kaalaman. Ayon kina (Irala, et al.,

2009), ang pagkakaroon ng ugnayan ng magulang sa kanilang anak ay nakakatulong. Mas

mabuti kung may komunikasyon ang mga magulang sa anak dahil mas nalalaman nila ang mga

saloobin nito at nagagabayan nila ito. Natututukan nila ang kanilang mga anak at nabibigyan

nang dagdag kaalaman upang hindi mapaaga ang pagbubuntis o hindi makabuntis agad.

Nakabase din sa mga ituturo nila kung ano ang magiging sexual behavior ng kanilang anak.
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Kung ito ay nagdulot ng maganda mas nakakabuti ngunit kung ito ay nagdulot ng hindi

maganda, maaaring maitama pa ito at ipaintindi ng maayos ang mga kaalaman.

At sa iba't ibang paraan mapapakinibangan ng mga magulang ang

pagkakaroon ng sex education. Isa na rito ang pagkakaroon ng mga magulang ng oportunidad

upang palakihin ang patungkol sa usapin kasama ang kanilang mga anak kasama ang mga

kaugalian ng kanilang pamilya. Ito rin isang malaking tulong upang makumbinsi ang kanilang

mga anak na mapag aralan ang patungkol sa sex education na kanila ding natutunan at naging

daan upang mas mapabuti ang relasyon ng kanilang pamilya. Ang pagkakaroon ng sex education

ay malaking tulong sa mga magulang bilang ito matututunan sa mas malinaw at legal na

pamamaraan. Ito rin ay makatutulong upang maiwasang malagay sa panganib ang kanilang mga

anak sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman patungkol sa nasabing usapin. (Dyson, 2010)

Dahil sa sex education, may mga kapakinabangan ito sa mga magulang.

Ayon kay (Kirby 2007; Family Planning Queensland 2009), ang mga anak ng bawat magulang

ay mas nagiging maganda at komportable sa kanilang mga pangangatawan at nabibigyang

kahalagahan at pag-unawa ang kanilang mga kasarian. Kaugnay dito, kaya nilang sabayan at

unawain ang mga pagbabago sa kanilang pisikal at emosyonal na kaanyuan. Iba pang dulot nito

sa mga magulang ay ang pagkakatuto kung paano tanggapin ang mga pagkakaiba-iba ng bawat

isa. Nagigung maganda rin ang pakikitungo ng kanilang mga anak lalo na sa pagiging bukas ng

mga ito. Nakararamdamn din ng kaginhawaan ang mga magulang dahil ang mga anak nila ay

malalayo sa sekswalidad at sa mga masasamang impluwensya na makatutulong upang makaiwas

din ang mga ito sa maagang pagkabuntis at pagkakaroon ng Sexually Transmitter Diseases

(STD) gaya ng AIDS.

Teorya ng Constructivism at sakop nito

Ang constructivism ay dapat gamitin ng may pag-iingat dahil ito ay

malawakang ginagamit para sa disiplina. Mahalaga na ating sanayin natin ang ating mga sarili sa

constructivism dahil pinapaliwanag nito ang mga posibleng pakinabang nito sa loob ng silid-

aralan. Ang constructivism ay mayroong iba't ibang depinisyon, maaaring inilalarawan nito ang

mga kaalaman at turo pati narin ang curricula at opinyon. Ang paggamit ng constructivism sa
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

loob ng silid-aralan ang humuhubog sa mga ideya, konsepto at konklusyon habang tinatanggap

ng bukas ang edukasyon (Baker, E.; McGaw, B. & Peterson P, 2007)

Ang teoryang constructivism ay may relasyon sa mga kabataan. Ang

mga estudyante ay natututo sa iba't ibang paraan ng pagtuturo ng isang guro. Ayon kay (Piaget,

2017), ang mga mag-aaral ay mas matututo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga magandang

impluwensya sa kanya kapaligiran at ito ang nagiging daan upang bumuo ng isang kaalaman na

makabuluhan. Ang sabi naman ni (Vygotsky, 2017), ang mga estudyante ay matututo kung

magkakaroon ng collaborative na gawain upang mapagsama-sama ng bawat isa ang kanilang

ideya. Sa pamamagitan nito mas napapalawak ang kanilang isipan at nagkakaroon ng mga

bagong kaalaman o ideya. Ayon naman kay (Bruner, 2017), ang mga karanasan na mayroon ang

mga estudyante ay maaaringmaisagawa ito sa sarili at pati na din sa kapwa. Ito ay makakatulong

upang magsilbing aral sakanila at matututo mula sa mga pagkakamali at maging bukas ang isipan

sa bawat kaalaman na nalalaman.

Ang constructivism ay base sa kung ano ang natututunan ng isang

indibidwal na kung saan ay siyang napagkukumpara sa bagong kaalaman at sa kung ano ang

isang bagay na batid na. Ang constructivism ay nakatutulong upang yumabong ang kaalaman

base sa kung ano ang resulta ng isang bago at lumang impormasyon. Matutulungan ng teoryang

ito ang isang indibidwal upang linangin ang kaisipan ng isang persona. Ito rin ay makatutulong

sa pag linang ng kakayahan sa pakikipag komunikasyon at kasanayan sa lipunan na siyang

makatutulong upang maintindihan ang mga bagay na sakanila nakapaligid. Isa pang kahalagahan

ng teoryang ito ay ang pagkatuto sa pagreresolba ng problema ng isang indibidwal at ang

kakayanan nitong makapag isip sa mas malalim na paraan. Natututo ang isang indibidwal batay

sa kanyang mga karanasan. (Kolb, 2016)

Karamihan ng mga magulang ay malaki ang supporta para sa pagtuturo

ng sex education sa mga paaralan, samantalang kakaunti naman ang mga magulang tutol sa

pagtuturo nito. Gayunpaman, ang mga magulang ay nagsasaad ng kanilang reklamo na malaki

ang agwat sa pagitan ng kanilang nais ituro sa kanilang mga anak sa inaalok sa paaralan (Kantor,

Levitz, 2017). Sa kabilang banda, Magulang ang unang paaralan na bawat kabataan. Sa
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

katunayan, may mga nagmumungkahi na ang mga magulang ay mas nakakaimpluwensiya kaysa

sa guro (Williams et.al, 2014) kaya naman ang pagkakaroon ng sex education ay malaking

tulong sa mga magulang bilang ito matututunan sa mas malinaw at legal na pamamaraan. Ito rin

ay makatutulong upang maiwasang malagay sa panganib ang kanilang mga anak sa pagkakaroon

ng sapat na kaalaman patungkol sa nasabing usapin. (Dyson, 2010)

Ayon kay Chang and Chang (2012), ang mga kabataan at mag-aaral ay

nakararamdamn ng kasiyahan sa tuwing sila ay natututo. Dagdag pa nila, ito ay nagdudulot ng

satispaksyon sa mga mag-aaral na nagiging dahilan upang sila ay mas maenganyong magbigay

ng pagpapahalaga sa pag-aaral. Ang kaugalian o katangian ng isang estudyante sa pag-aaral ay

sinasamahan ng mga nakakamit nila. Ang mga estudyanteng may mahinang partisipasyon sa

paaralan ay pinaniniwalaang may mababa at negatibong pagtingin sa pag-aaral at naniniwalang

ang edukasyon ay hindi makatutulong sa kanila upang marating ang tagumpay sa hinaharap.

(Candeias, Rebelo & Oliveira, 2010). Sinasabi ni na York, Gibson at Rankin (2015), na ang

akademikong pagtatagumpay ay kabilang sa mga nakkamit, natutunang mga bagong

impormasyon, nahahasang mga kakayahan at talento pati rin sa pagpupursige ng isang mag-

aaral. Ayon naman kay Kubiatko (2013), kung ang pag-uugali ng mag-aaral tungo sa

pagkakatuto ay positibo, magkakaroon ng pagbabago o pagkakahasa sa indibidwalidad nila. Ang

mga papuri at motibasyon ng mga guro ay siya ring nagiging daan upang ang mga mag-aaral ay

magkaroon ng maganda at mabungang disposisyon sa buhay na siyang tunay na nakatutulong sa

pakikitungo ng mag-aaral sa pagkakatuto. (Holubkova at Glasova 2011)

Sintesis sa Pag-aaral

Ang sex education ay unti-unting nagbibigay ng malawak na kaalaman at unti-

unti na rin itong lumalaganap sa iba't ibang panig ng mundo at paano ang naging pagtanggap

dito,(The Open University,2005) marami ang naging positibong dulot nito lalo na sa mga

kabataan dahil nagbibigay ito ng tiyak na kaalaman upang iwasan ang mga sakit at

pagkabuntis( Department of Health, 2010) (Boskey, 2018) malaki ang naia-ambag nito sa

moralidad ng kabataan sapagkat nalilinang nila ang tamang pagdedesisyon at pag-unawa sa mga

posibilidad(Only My Health, 2017) marami din ang benepisyon dulot nito tulad na lamang ng
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

pagintindi sa pagkakaiba-iba at paano kontrolin ang kanilang sarili, (Arpita De, 2015) sa

pagpapatupad ng sex education ay mayroon ding kapinsalaang dulot ito tulad na lamang ng hindi

pagkakaroon ng kahandaan at sapat na kaalaman ang mga guro sa pagtuturo nito(Arpita De,

2015) pinakalayunin ng paksang ito ay upang magbigay patnubay at kaalaman sa mga kabataan

at maging responsable sa kanilang desisyon, isa pa sa mga layunin nito ay hubugin ang kaalaman

sa pundasyon ng pakikipagtatalik(FamilyPlanning.org N.D) (SIECUS N.D)

Ang pananaw naman ng lipunan ay Ayon kay (Guttmatcher Institute, 2017), ang

pagkakaroon ng sex education ay may importansya sa lipunan at estudyante. Marami pa din ang

tutol sa sex education lalo na ang Katolikong Obispo ngunit ang bindi nalalaman ng lahat ay may

maitutulong ito upang makaiwas sa mga sakit katulad ng HIV at iba pa, (Pedroche, 2010). Ayon

naman kay (Dr. Linberg, 2006), taong 2011-2013 bumaba ang porsyento ng mga kabataan na

nagkakaroon ng impormasyon tungkol sa sex education at mas madami ang mga ito sa rural

kaysa sa urban. Ayon kay (Kohl 2006) may sampung utos ang Diyos na kailangan sundin ng

mga tao at isa na dito na ang pamilya o mga magulang ng siyang nagtuturo sa mga anak tungkol

sa sex education. Ayon kay Pope Pius XI at Pope Piux XII, mas nalalaman dapat ng kabataan

ang moralidad na pagsasatao at malaman ang ika-anim at ika-siyam na utos ng

Diyos(Whitedhead 1996). Ayon kay (Cantos at Leyson 2009) , ang simbahan ay hindi tutol sa

pagkakaroon ng sex education ngunit ang mga estudyanteng tuturuan ay nasa tamang edad na at

ito ay sa pagpapahayag ni Bishop Honesto Otiongco. Ayon naman kay (Garcia D. at Garcia G.

2010), may ilang simbahan pa din na hindi sang ayon dahil makakaapekto ito sa moral values ng

kabataan. At ang sabi naman ni (Callueng, 2012), ang mga kabataan na may kinalaman na sa sex

education ay pabor sa pagkakaroon ng contraceptives na pinatupad ng RH Bill.

Habang ang mga pananaw naman ng guro na mula kay (Veena S. Algur, 2013) ay

ang mga guro ay may mahalagang ginagampanan sa buhay ng mga estudyante (The birds & bees

project, 2009) isinasaad ng mga guro na hindi sapat ang kanilang kaalaman sa sex education at

nangangalian ng oras para mapaunlad ito (Kay, Jones &Jantaraweragul, 2010) sinasabing 76%

ng guro sa thailand ay hindi sang ayon sa sex education at 54% ay sang ayon dito gayunpaman

ayaw itong pahintulutan dahil sa maaaring masamang epekto nito (DeWitt, 2015) ang pag aaral
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

na ito ay makakatulong sa kabataang mapaunlad ang pansarili desisyon sa buhay (OnMyHealth,

2015) ang mga guro ay naglalayong makapagbigay ng tamang impormasyon sa mga estudyante.

At ang mga pananaw din ng Karamihan ng mga magulang ay malaki ang supporta

para sa pagtuturo ng sex education sa mga paaralan, samantalang kakaunti naman ang mga

magulang tutol sa pagtuturo nito. Gayunpaman, ang mga magulang ay nagsasaad ng kanilang

reklamo na malaki ang agwat sa pagitan ng kanilang nais ituro sa kanilang mga anak sa inaalok

sa paaralan (Kantor, Levitz, 2017). Sa kabilang banda, Magulang ang unang paaralan na bawat

kabataan. Sa katunayan, may mga nagmumungkahi na ang mga magulang ay mas

nakakaimpluwensiya kaysa sa guro (Williams et.al, 2014) mas mabuti kung may komunikasyon

ang mga magulang sa anak dahil mas nalalaman nila ang mga saloobin nito at nagagabayan nila

ito (Irala, et al., 2009), kaya naman ang pagkakaroon ng sex education ay malaking tulong sa

mga magulang bilang ito matututunan sa mas malinaw at legal na pamamaraan. Ito rin ay

makatutulong upang maiwasang malagay sa panganib ang kanilang mga anak sa pagkakaroon ng

sapat na kaalaman patungkol sa nasabing usapin. (Dyson, 2010) Iba pang dulot nito sa mga

magulang ay ang pagkakatuto kung paano tanggapin ang mga pagkakaiba-iba ng bawat isa.

Nagigung maganda rin ang pakikitungo ng kanilang mga anak lalo na sa pagiging bukas ng mga

ito. (Kirby 2007; Family Planning Queensland 2009)

Ang huli at pinakamahalaga naman ay ang ginamit na teorya sa pag aaral na

Kaugnay sa pagpapatupad ng sex education na makatutulong upang maging bukas sa mga ganito

usapin ang mag-aaral (Ronquillo, 2017) ang paggamit ng constructivism ang humuhubog sa mga

ideya, konsepto at konklusyon sa edukasyon dahil sa mga bagay na kanyang nabatid at nalinang

sa pakikipagkomunikasyon at kasanayan na siyang malawakang ginagamit sa disiplina (Kolb,

2016; Baker, E., McGaw, B. & Peterson P, 2007). Ayon naman kay Chang at Chang (2012),

nakararamdam ang mga mag-aaral ng kasiyahan kapag natututo dahil nagbibigay ito ng

satispaksyong mas nakapagpapahalaga sa pag-aaral at akademikong pagtatagumpay sa tuwing

sila ay positibo (York, Gibson at Rankin 2015; Kubiatko 2013) lalo na kung bumababa ang

tingin ng mga ito sa pagkakatuto (Candeias, Rebelo & Oliveira, 2010). Dahil dito, sinasabi ni

Piaget (2017) at Vygostky (2017) na ang mag-aaral ay mas natututo kung may kolaborasyon at
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

magandang impluwensya sa kanyang kapaligiran dahil sa paglawak ng mga ideya na maari rin

nila isagawa hindi lamang sa kanilang sarili kung hindi ay pati sa kapwa (Bruner 2017).

Mga Puwang na Nagtutulay sa Kasalukuyang Pag-aaral

Base sa mga inilaang rebyu, ang mga sumusunod na puwang ay natuklasan:

1. Pananaw ng guro tungkol sa kagustuhan nila sa pagpapatupad ng Sex education sa mga


paaralan sa Pilipinas.
2. Pag aaral tungkol sa pananaw ng kabataan tungkol sa pangunahing kaalaman nila sa Sex
education.
3. Napunan ang pag aaral tungkol sa pananaw ng simbahan tungkol sa pagpapatupad ng Sex
education sa pilipinas.

Dahil sa nakitang puwang sa pag aaral ang mga mananaliksik ay nagsaliksik


tungkol sa kaalaman ng Lipunan tungkol sa paksang Sex education at ang pagpapatupad nito
sa mga Paaralan sa Pilipinas

Kabanata 3

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, tatalakayin ang paraan na ginamit sa pananaliksik at pangangalap ng

datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamaraang deskriptib-correlational kung saan

tinangkang suriin ang kaalaman ukol sa TRAIN Law, pagpipigil sa pagkonsumo ng sigarilyo,

inuming matamis, at alak, at pamamahalang pinansyal ng mag-aaral na nasa kolehiyo.

Mga Respondente

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na nasa kolehiyo

sa University of Perpetual Help System Laguna sa taong akademiko 2017– 2018. Dahil sa ang

kailangan lamang ay limampung respondente (50), ipinamahagi ang sarbey-katanungan sa

limampung (50) mag-aaral mula sa piling departamento ng University of Perpetual Help System

Laguna. Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng quota sampling upang matukoy ang mga

respondente. Ayon kay Gay (1976, sinipi ni Bermudo, et al., 2014) ang tatlumpung (30)

respondent ay sapat na sa paggawa ng isang deskriptib-correlational na pananaliksik. Subalit

upang higit pang mapatibay ang resulta ng pag-aaral, nagdesisyon ang mga mananaliksik na
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

kumuha ng limampung (50) respondente para sapa g-aaral na ito.

Ang quota sampling ay isang sampling method ng pagkuha ng mga representatib na datos

sa isang grupo. Ito ay isinasagawa upang masiguro na ang sample group ay kumakatawan sa

ilang mga katangian ng isang populasyon na pinili ng mga mananaliksik. Ikinukunsidera ang

quota sampling bilang isang non-probability sampling technique na nakabase sa pagpapasiya ng

mga mananaliksik ang mga gagamitin na variable.

DISTRIBUSYON NG MGA RESPONDENTE

DEPARTAMENTO BILANG NG MGA RESPONDENTE

Mga estudyante sa kolehiyo 50

Kabuuang Bilang 50

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga datos ay kinapapalooban ng mga numero, dami, katotohanan at mga tala na

ginagamit upang maging batayan sa paglikha ng kongklusyon.

Ayon sa depinisyon na ibinigay ni Good, ang kwestyoner o talatanungan ay isang

planadong listahan ng mga pasulat na tanong na nag-uugnay sa isang tiyak na paksa, na

naglalaman ng mga espasyong pagsasagutan sa mga respondente at inihanda para sagutan ng

maraming respondente.

Sa madaling salita, ang kwestsyoner ay balangkas ng mga tanong kung saan kapag ito ay

nasagutan ng may kaayusan at katapatan ng mga napiling respondente ay makakatulong sa

pagdagdag ng mga kinakailangang impormasyon upang makumpleto ang isinasagawang

pananaliksik.

Ang sarbey-kwestyoner ay sumailalim sa proseso ng balidayon. Ito ay ipinrisinta sa guro

ng pananaliksik. Ipinakita din ito sa statistician para sa ilang mga rekomendasyon at pagtutuwid.

Pagtatasa at Pagbibigay Puntos

Para sa antas ng kaalaan sa TRAIN law, ang sumusunod na iskala ang ginamit:
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Puntos Lawak ng mga Puntos Categorical response Verbal interpretation


4 3.51-4.00 Lubos na sumasang ayon Napakataas na antas ng kaalaman
3 2.51-3.50 Sumasang ayon Mataas na antas ng kaalaman
2 1.51-2.50 Hindi sumasang ayon Mababang antas ng kaalaman
1 1.00-1.50 Lubos na di sumasang ayon Napakababang antas ng kaalaman

Para sa antas ng papipigil sa pagkonsumo ng sigarilyo, inuming matamis at alak, ang

sumusunod na iskala ang ginamit:

Punto Lawak ng mga Puntos Categorical response Verbal interpretation

s
4 3.51-4.00 Hindi kailanman Napakataas na antas ng pagpipigil sa

pagkonsumo
3 2.51-3.50 Minsan Mataas na antas ng pagpipigil sa

pagkonsumo
2 1.51-2.50 Madalas Mababang antas ng pagpipigil sa

pagkonsumo
1 1.00-1.50 Lagi Napakababang antas ng pagkonsumo

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga

mananaliksik ay nagbigay ng sarbey-kwestyoner sa mga piling respondente sapagkat ito ang

pinaka madaling paraan upang makapangalap ng impormasyon. Ang mga piling respondente ay

mga mag-aaral at sila ay may sapat na kaalaman sa pagbabasa, pagsulat at pagsagot sa mga

talatanungan na aming pinasasagutan.

Nangolekta din ng mga datos ang mga mananaliksik ng mga impormasyon sa internet at

maging sa mga babasahin.

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang mananaliksik ang mismong kakalap ng mga impormasyon upang lubos na

maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng

ipipresentang datos.

Gagamit ang mga mananaliksik ng talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

mapadali sa mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mga mananaliksik ay

magsasagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at sisiguraduhin ang pagiging

kompidensyal ng mga nakakalap ng datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas

makapagpahayag ang mga sasagot sa tanong. Pagkatapos sagutan ang mga talatanungan ay

kokolektahin ito ng mga mananaliksik. Ita-tally, gagamitan ng istatistika, at iaanalisa ng mga

mananaliksik ang mga datos.

Tritment ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng weighted mean upang malaman ang antas ng

kaalaman ng mga respondente ukol sa TRAIN Law at ang kanilang antas ng pagpipigil sa

pagkonsumo ng sigarilyo, inuming matamis, at alak. Frequency naman ang ginamit upang

malaman pamamahalang pinansyal ng mga respondente. Pearson r ang ginamit upang matukoy

kung mayroong mahalagang ugnayan sa pagitan ng kaalaman ukol sa TRAIN Law ng mga

respondent at antas ng kanilang pagpipigil ng pagkonsumo ng sigarilyo, inuming matamis, at

alak. Ito rin ang ginamit upang matukoy kung mayroong mahalagang ugnayan sa pagitan ng

pagpipigil ng pagkonsumo ng sigarilyo, inuming matamis, at alak ng mga respondente at ng

halaga na kanilang inilalaan sa pagbili ng mga nasabing produkto.

Konsiderasyong Etikal

Nakumpleto ng mga mananaliksik ang pag-aaral na may kinalaman sa etikal na

pagsasaalang-alang lalo na sa mga tuntunin ng pagpapaalam at paghahanap ng pahintulot mula

sa mga namumuno ng paaralan at mga respondente. Una, ay hinangad ang pahintulot sa

instruktor ng pagbasa at pagsususuri ng ibat– ibang teksto tungo sa pananaliksik ng University of

Perpetual Help System Laguna kung saan nag-aaral ang mga mananaliksik upang suriin ang

mapanganib na epekto at panganib ng pag-aaral sa mga respondente. Ang nakasulat na

kunsintimiyento ay makukuha rin mula sa administrasyon ng University of Perpetual Help

System Laguna, Binan Campus. Bago ibigay ang mga katanungan, ang bawat respondente ay

pinasiguraduhan ng pagiging kompidensiyal ng mga datos at hinayaang pirmahan ang nakasulat

na pahintulot na nagpapaalam sa kaniya ng karapatang bawiin mula sa pag-aaral anumang oras.


University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Talasanggunian

Sekswalidad depenisyon Brainy.ph https://brainly.ph/question/547490


University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

Relasyon depenisyon Brainy.ph https://brainly.ph/question/607286

Sexual intercourse depenisyon Wikipedia org https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pagtatalik

Contraceptives depenisyon https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pagpigil_sa_pag-aanak

Sex or sekswalidad depenisyon Brainy.ph https://brainly.ph/question/532305

Education depenisyon Wikipedia https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Edukasyon

Sexually transmitted disease depenisyon ©Gamotsatulo.info 2018 https://gamotsatulo.info/ano-


ang-std/

Human Immunodeficiency virus depenisyon © Copyright 2016 Hesperian Health Center


http://fil.hesperian.org/hhg/Where_Women_Have_No_Doctor:Ano_ang_HIV_at_AIDS
%3F

Comprehensive sexuality education ©Rutgers 2019 https://www.rutgers.international/what-we-


do/comprehensive-sexuality-education/what-comprehensive-sexuality-education

Student Health Service Department of Health 2010 The Objectives and Importance of Sex
Educationhttps://www.studenthealth.gov.hk/english/resources/resources_bl/files/lf_se_fse.pd
f

Gabe L. ND. Why Sex Education is Important. https://stayteen.org/sex-ed/article/why-sex-


education-important

Planned Parenthood Federation Inc. 2019. What is Sex Education?


https://www.plannedparenthood.org/learn/for-educators/what-sex-education

Planned Parenthood Federation Inc. 2019. Facts about Comprehensive Sex Education.
https://www.plannedparenthood.org/learn/for-educators/what-sex-education
University of Perpetual Help System Laguna
City of Biñan, Laguna, Philippines, 4024
(+63)2779-5310 • 544-5150 • 544-5161
www. uphsl.edu.ph

You might also like