You are on page 1of 3

13th Sunday Ordinary Time Year C Luke 9:51-62

2006-2019 13 years ago since I responded to Christ invitation to the life of priesthood.
Following Jesus is an invitation, and that’s why we follow. Giving and receiving.
Background:
Gospel- events in the last period of Christ’s life (panahong inakyat si Jesus sa langit)
On the way to Jerusalem, passing Samaria
Samaritan territory before Jesus’ time- partly Jewish, partly Gentile
Invaded by Assyrians-deported Israelites, intermarries, adopted their
religion- pagan gods.
Children= impure, unaccepted by Jerusalem
Split----cycle of hate bet. Jews and Samaritans

In the Gospel:

Jesus is showing us--- Many wants to serve the Lord or serve in the church for the wrong
reasons.
So Jesus---shows us the virtues necessary for the apostolate- to serve the
Lord/the Church

We can see the hesitation of the apostles to pass the Samaritan territory…but Jesus is
determined to do the will of His Father….to redeem us from death and sin…the fulfillment
of Gods love to humanity.

Ipinapakita sa ebanghelyo at mga pagbasa kung paano ang maging tagasunod ni Kristo…
kung paano sumunod sa paanyaya ng Dios na maglingkod sa kapwa…

Unang Pagbasa….Ang walang pag aalinlangan pagsunod ni Eliseo sa tawag sa kanya ng


Dios upang pumalit kay Elian na maging propeta.

1. Walang pag aalinlangan---“Obey first before you complain”…”Obey first, and


learn..”
Kung tinatawag ka ni Lord…sa anu man pamamaraan, never think twice. See it as
an opportunity to serve Him…na ipakita ang pagmamahal sa Kanya.
Sa Samaria, habang naglalakad si Hesus at mga apostoles, may nagsabi “Susunod
po ako sa inyo Panginoon kahit saan kayo pumunta”
Walang garantiya na magigigng madali and daan…hindi magigigng komportable ang
ating pagdadaanan sa pagsunod sa Kanya.
“May lungga ang asong gubat at may pugad ang ibon ngunit ang Anak ng Tao’y
wala man lang matuluyan.”
2. Huwag nang ipagpaliban--- Do not delay the work of God sa pamamagitan mo.
Sabi sa ebanghelyo, let the dead bury the dead…not literal--- hindi po ipinababawal
ni Hesus ang pagtupad ng ating tunkulin s ating pamilya.
Ipinapakita lamang na ang tungkulin natin sa Dios ay higit sa alinmang Gawain.
Good example: Finding of Jesus at the temple.

3. Katapatan o faithfulness--- ang sino man nais sumunod sa Dios…sa kanyang mga
utos o Gawain, ay dapat na faithful sa kanyang pangako…sa Dios o sa paglilingkod
sa simbahan.
Sabi nga…ang sino man nag aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa
paghahari ng Dios…ang mga nanghihinayang sa mga bagay o tao na isasakripisyo…

Kung tayo ay nangako sa Dios na iiwas….


Kung tayo ay nanumpa na makikilahok sa gawaing pang komunidad at pang
simbahan…
Kung kayo ay nangako sa Dios sa paglilingkod sa simbahan…

Nararapat na maging handa sa mga sakripisyoat pagsubok…na maaring maging


sanhi ng panghihina ng loob o panlalamig sa ating pagtugon…

Gaya ng nababanggit sa ikalawang pagbasa…pinalaya tayo ni Kristo upang maging


manatilin Malaya…
Malaya tayo sa pagsunod at pagtugon sa gawaing iniaatas sa atin ng Dios…at ito ay
hindi natin dapat balewalain…

At ano naman ang ating mapapala kung susundin natin ang itinuturo s ani Hesus
sa ebanghelyo???

ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN na ating inaasam kaya tayo ay napaparirito at


patuloy na nagmamahal sa Dios!

Ang mga pagsubok at sakripisyo na ipinapabatid sa atin mula sa ebanghelyo ay


hindi natin maaring icompare sa mga sakripisyo na ginawa na ng ating panginoong
Hesuskristo.

Itinuturo na po sa atin ni Hesus ang daan patungo sa Kanyang Ama…ipanalangin po


natin sa Santa misang ito na ang bawa’t isa ay tumalima sa Kanyang panawagan…
na mahalin ang Dios at ating kapwa. Amen.
Rev. Randy Leonardo
Diocese of Kalookan
June 30, 2019

You might also like