You are on page 1of 2

Serrano, Sofia Andrei O.

GED0115 – Section 6 Subsec 2


Formative Assessment 1

Ayon kay Mas, ang wika ay isang materyales na ginagamit upang makapag usap at
makausap ang ibang tao. Ito ay isang bagay na masasabi nating talagang mahalaga sa isang
bansa. Ginagamit ito ng lahat ng tao sa mundo, kanya kanyang wika kada bansa. Sa
pamamagitan ng wika, tayo ay nagkakaintindihan, nasasabi natin ang ating mga ideya,
nararamdaman, at opinion upang maibahagi ito sa ibang tao. Masasabi ko rin na ang wika ay
nakakapagpabago ng buhay ng isang tao. Sa tulong ng wika ay may kakayanan tayog itama ang
mga mali, ipaliwanag ang saluobin, at baguhin ang maling perspektibo ng ibang tao tungkol sa
isang sitwasyon o isyu. Kaya’t talagang masasabi ko na ang wika ay hindi lamang bastang wika,
ito ay isang armas na dala dala natin simula bata hanggang sa pagtanda upang makatulong hindi
lamang para sa sariling pangangailangan, kundi para mapabuti at mapaunlad ang ating bansa.

Ang Kultura ay isang terminolohiya na sumasaklaw sa pamumuhay at kagawian ng isang


buong komunidad. Nabibilang dito ang mga tradisyon, kaugalian, paniniwala, selebrasyon,
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Ayon sa ipinahayag ni Ginoong Galletes ng UP Baguio,
ang wika at kultura ay hindi maaraming paghiwalayin dahil silang dalawa ay magkaugnay at
itinuturing na kambal kuno. Ang dalawang ito ay hindi lamang bastang nag”coexist” kundi sila
ay magkatambalan sa buhay ng mga tao. Isang halimbawa ay ang kasalukuyang kultura ng mga
taong naninirahan sa maynila, particular ang mga estudyante. Nakabuo sila ng iba’t ibang mga
uri ng pananalita, paraan ng pagsasalita, at pagkakabuo ng kanilang mga sinasalita na kung
tawagin natin ay “Conyo Language”. Maaaring ang ibang tao ay hindi maiintindihan ang “Conyo
Language” dahil hindi ito parte ng kanilang kultura. Isa pang halimawa ay ang mga taga
probinsya o mga etnikong grupo. Sila ay may sarili nilang wika at kultura na hindi natin
madaling maiintindihan dahil hindi ito atin. Hindi madali para sa atin na intindihin ang kanilang
wika dahil hindi natin ito nakasanayan, gayun din sa kanila, dahil tayo ay magkaiba ng kultura at
wika.
Ayon kay Ginoong Tupas, ang mga lenguahe ng Pilipinas ay dapat tawaging lenguahe at
hindi dialekto. Ako ay hindi sumasang ayon sa puntong ito sapagkat ang diyalekto ay isang
terminolohiyang ginagamit na nangangahulugang barayti ng wika or lenguahe. Ang Pilipinas ay
nagtataglay ng maraming wika dahil sa archipelago nito. Dulot ng pagkakawatak-watak ng mga
isla, iba iba ang kultura at wika ng mga naninirahan sa ating bansa. Batay sa mga salaysay,
mahigit 180 ang kabuuang bilang ng wika sa Pilipinas. Ngunit dapat ay ating tandaan na ang
diyalekto ay isa lamang sangay ng wika. Bukod pa rito ay masasabi rin natin na ang diyalekto ay
nanggaling lamang sa wika dahil ang wika ay isinasaayos na mga tunog sa paraan ng
pinagkasunduan ng mga tao sa isang lugar na kanilang binigyan na ng sariling kahulugan. Ang
diyalekto naman ay ang iba-ibang pagkakaayos at gamit ng mga tunog na ito.

SANGGUNIAN:
Ki. October 9, 2020. Pagkakaiba Ng Wika At Diyalekto – Halimbawa At Paliwanag. Retrieved
from: https://philnews.ph/2020/10/09/pagkakaiba-ng-wika-at-diyalekto-halimbawa-at-paliwanag/

TVUP (2019, August 7). UP Talks| Wika at Kultura [Video]. https://youtu.be/dj6R04h3lq4

Alamat (2021, March 4). Philippine Languages Comparison | Tagalog, Bisaya, Kapampangan,
Ilocano, Waray, Bikol, Hiligaynon [Video]. https://youtu.be/5CeeA6A4BCE

You might also like