You are on page 1of 21

St.

Dominic De Guzman School


Caypombo, Santa Maria, Bulacan
Tel. nos. (044) 7984294 / 0922 291 0776
Gov’t Recognition no. E-077 S.2008; S-034 S. 2010 ; SHS Permit No. 336 S.2015

MISA NG BANAL NA ESPIRITU

Tagpagpaliwanag: Magandang umaga po sa inyong lahat. Ating ipagdiriwang


ang Sakramento Banal na Eukaristiya sa karangalan ng Espiritu Santo.
Hinihiling natin ang liwanag at paggabay ng Espiritu Santo sa ating mga gawin
sa kabuuan ng taong pampaaralan. Hilingin natin sa Diyos na ipagkaloob sa atin
ang mga biyayang kaloob ng Kanyang Espiritu.

Ang mga Kaloob ng Banal na Espiritu

Kaalaman. Ang kaalaman ay biyayang nagdudulot na ating masuri at


matandaan ang impormasyon na ating nababasa, naririnig, o dumadaan sa iba pa
nating pandamdam. Kaalaman ang nagpaphintulot natin na makilala ang mabuti
sa masama, at lalongmakilala ang siyang tunay na mabuti: Walang iba kundi
ang Diyos. Dumalangin tayo sa Espirtu Santo na bigyan tayo ng kaalaman at
tunay na pagkakilala sa Diyos.

Karunungan. Ang karunungan ay biyaya na tumutuwang sa atin upang ang


ating nailalaman ay lubos nating maisabuhay, para sa ating kabutihan, at para sa
ikabubuti ng ating kapwa. Hilingin natin sa Espiritu Santo na palagi at patuloy
tayong bigyan ng karunungan na laing gumawa ng mabuti at tama.

Pag-unawa. Ipinagkakaloob sa atin ng biyaya ng pagkaunawa na matanggap


natin ang ating kahinaan, gayundin ang kahinaan at pagkukulang ng ating
kapwa, at maisabuhay ang diwa ng habag at awa. Ipanalangin natin na bigyan
tayo ng Espiritu Santo ng maunawain at mahabaging puso.

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
1
Mabuting pagpapasya. Ang mabuting pag papasya ay kaloob na gumagabay
sa atin upang mas makita ng maliwanag  ang ating mga pinagpipilian gayundin
ang mga magiging dulot ng ating pasya, upang ang ating mga desisyon at
pagkilos ay maging naayon sa kalooban ng Diyos. Hilingin natin sa Espiritu
Santo nalagi tayong liwanagan sa mga panhong kinakailangan natin, lalo na sa
mga importanteng desisyon sa ating buhay. 

Kabanalan. Ang kabanalan ay ang nag-uudyok at nagpapalalim sa ating buhay


panalangin. Binibigyan tayo nito ng pagnanasa na mapalalim pa ang ating
ugnayan sa Diyos, ang Siya ay mas makilala, at manatili sa Kaniyang piing sa
pamamagitan ng buhay na puno ng palagian at taimtim na pananalangin.
Hilingin natin sa Espiritu Santo na turuan tayong magdasal palagi na may bukas
na puso.

Katatagan. Katatagan ang ipinagkakaloob sa atin ng Espiritu Santo upang


lumakas ang ating loob na ipahayag at panindigan ang mga bagay na mabuti at
tama na ipinahahayag sa atin ng ating pananampalataya. Hilingin natin sa
Espiritu Santo na bigyan tayo ng katatagan ng loob na magin tunay ngang mga
kawal ni Kristo.

Ang Banal na takot sa Diyos. Ito ay hindi totoong takot, bagkus ito ay ang
pagkakaroon ng labis at malalim na paggalang at pagmamahal sa Diyos. Dulot
ng pagmamahal na ito, ang ating ikinatatakot ay ang masaktan natin ang
Kanyang damdamin, at malabag natin ang Kanyang kalooban dahil sa ating
kasalanan. Hilingin natin sa Espiritu Santo na akayin tayo upang tunay na
igalang at ibigin ang Diyos, nang buo nating puso, buong isip, at buong lakas.

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
2
COMM.: Ang mangunguna sa ating banal na pagdiriwang ay ang kura paroko
ng quasi parish ng San Isidro Labrador, Partida, Norzagaray, Reberendo Padre
Irvin Hizon. Magsitayo ang lahat at maki-isa sa pag awit.

Pambungad na Awit

PARI: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

BAYAN: Amen.

PARI: Ang pagpapala n gating Panginoong Hesukristo, ang pag ibig ng


Diyos at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo, nawa’y sumainyong
lahat.

BAYAN: At sumaiyo rin.

PARI: Sa pasimula ng ating pag-aaral sa natatanging taon na ito, kai ay


malugod naming tinatanggap. Nawa’y gabayantayo ng Espiritu
Santo sa lahat ng ating mga gawa at balakin,lalo na ang mga
namamahala sa ting paaralan, mga guro at mga mag-aaral.
Tulungan nawa niya tayo at ingatan lalo na sa mga oras ng pag –
aalinlangan at pangamba dulot ng pandemyang laganap ngayon sa
buong mundo.

Mapasaatin nawa ang kapayapaan at pagkakaunawaan, at ang


Diyos sa kanyang kabutihan ay lagi tayong lukuban ng kanyang
kalinga at pagmamahal.

Upang maging marapat tayo sa ating pagdidiriwang, pagsisihan


natin ang ating mga kasalanan.

(Sandaling katahimikan)

PAGSISISI SA KASALANAN

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
3
PARI: Panginoong Hesus, ipinakilala Mo sa amin ang Ama at ang Banal
na Espiritu, Panginoon, kaawaan Mo kami.

Bayan: Panginoon, kaawaan Mo kami.

PARI: Hesukristo, nakaluklok ka sa kanan ng Ama at namamagitan para


sa amin, Kristo, kaawaan Mo kami.

Bayan: Kristo, kaawan Mo kami.

PARI: Panginoong Hesus, bibigyan mo kami ng buhay sa Espiritu,


Panginoon, kaawaan Mo kami.

Bayan: Panginoon, kaawaan Mo kami.

PARI: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa


ating mga kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na walang
hanggan.

Bayan: Amen

PARI: PAPURI/GLORIA (Aawitin ng Koro)

Papuri sa Diyos sa kaitaasan

BAYAN: At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya…

PANALANGING PAMBUNGAD

PARI:Manalangin tayo…

Ama naming makapangyarihan, sa Iyong Espiritu, kami ay Iyong


pinaghaharian at sa Iyong pagkupkop kami ay pinangangalagaan.

Paratingin Mo sa amin ang Iyong awa at pagmamahal at paunlakan


Mo ang among mga kahilingan upang sa Iyong tulong, ang mga
nananalig ay lagging mapatnubayan sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
4
BAYAN: Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS / LITURHIYA NG SALITA

COMM: Maupo po ang lahat at pakinggan natin ang salita ng Diyos.

UNANG PAGBASA

Ang Salita ng Diyos mula sa Gawa ng mga Apostol (2: 1-11)

Nang sumapit ang araw ng Pentekostes, nagkatipon silang lahat sa isang lugar.
At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo’y hagunot ng malakas
na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang
wari’y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay
napuspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa
ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. May mga Judiong buhat sa iba’t-ibang
bansa, na naninirahan noon sa Jerusalem, mga taong palasamba sa Diyos. Nang
marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila
sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila. Sa kanilang pagtataka ay
kanilang nasabi, “Hindi ba Galileo silang lahat? Bakit ang atin-ating katutubong
wika ang naririnig natin sa kanila? Tayo’y mga taga-Partia, mga taga-Media,
mga taga-Elam; mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at sa Capadocia sa
Ponto, at sa Asia. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Panfilia, Egipto at sa mga
saklaw ng Libia na sakop ng Cirene, at mga nakikipanirahan mula sa Roma,
maging mga Judio at mga naakit sa Judaismo. May mga taga-Creta at Arabia pa
rito. Paano sila nakapagsasalita sa ating-ating wika tungkol sa mga kahanga-
hangang gawa ng Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
5
SAMONG TUGUNAN (aawitin)
Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34
Tugon: Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Pinupuri ka Poong Diyos nitong aking kaluluwa,


O Panginoong Diyos, kay dakila mong talaga!
Sa daigdig ikaw roon, kay raming iyong likha.
Sa daming nilikha mo’y nalaganapan ang lupa.
Tugon: Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Natatakot mangamatay kung kitlin mo ang hininga;


Mauuwi sa alabok, pagkat doon mula sila.
Taglay mo ang Espiritu upang buhay ay ibalik,
bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.
Tugon: Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Sana ang ‘yong karangala’y manatili kailanman,


sa lahat ng iyong likha ang madama’y kagalakan.
Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan,
habang aking inaawit ang papuri sa Maykapal.
Tugon: Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong baguhin.

IKALAWANG PAGBASA

Ang Salita ng Diyos mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-
Corinto (12:3b-7, 12-13)
Mga kapatid, hindi masasabi ninuman, “Panginoon si Hesus,” kung hindi siya
pinapatnubayan ng Espiritu Santo.

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
6
Iba’t iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito.
Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong
pinaglilingkuran. Iba’t iba ang mga gawain ngunit iisa lamang ang Diyos na
sumasalahat at ng taong gumagawa ng mga iyon. Ang bawat isa’y binigyan ng
kaloob na naghahayag na sumasakanya ang Espiritu, para sa ikabubuti ng lahat.

Sapagkat si Kristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi; bagamat


binubuo ng iba’t ibang bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio
o Griego, alipin man o malaya, ay bininyagan sa iisang Espiritu upang maging
isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

BAYAN: Salamat sa Diyos

(Aawitin ng Koro)
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Espiritung aming Tanglaw,
kami’y iyong liwanagan
sa ningas ng pagmamahal.
Aleluya! Aleluya!

PARI: Sumainyo ang Panginoon

BAYAN: At sumaiyo rin.

PARI: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan (20:19-
23)

BAYAN: +Papuri sa iyo, Panginoon.

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
7
Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon.
Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot
nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang
kapayapaan!” sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay
at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang
Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung
paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos,
sila’y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang
patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawag na nga; ang hindi
ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

BAYAN: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo


COMM: Maupo po ang lahat.

HOMILYA

COMM: (Pagkatapos ng homlya) Tumayo ang lahat.

PARI: Ipahayag natin ang ating pananampalataya

PARI at Bayan: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang


makapangyarihan sa lahat…

PANALANGIN NG BAYAN

PARI: Dumalangin tayo sa Diyos upang ang Espiritu ng Ama at ng Anak


ay mamuhay sa atin at sabuong simbahan sa panimula ng taong
pampaaralang ito. Sa bawat panalangin, an gating itutugon:

Panginoon, dinggin ang iyong bayan.

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
8
Namumuno: Para sa mg namumuno sa ating Simbahan, nawa’y
pagkalooban sila ng Espiritu Santo ng biyaya ng pagpapayo upang
buong lakas loob nilang masunod at makagawa sila ng mga desisiyon
na naaayon sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo sa Panginoon:
PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG BAYAN

Namumuno: Para sa bansang Pilipinas at lahat ng mga bansa sa


buong mundo, nawa’y ipagkaloob sa kanila ng Espiritu Santo ang
biyaya ng banal na pagkatakot sa Diyos at ikintal sa mga namumuno
sa bawat pamahalaan ang malalim na paggalang sa Diyos, sa mga
mamamayan at kalikasan. Panalangin tayo sa Panginoon:
PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG BAYAN

Namumuno: Para sa ating mga guro, kawani at katuwang sa


paglilingkod, gayundin ang lahat ng patuloy na nag – aalay ng
kanilang sarili para sa ating kaligtasan, nawa’y ipagkaloob sa kanila
ng banal na Espiritu ang biyaya ng kabanalan nang makita nila ang
Diyos bilang Diyos na mapagmahal at maibahagi nila ang Kanyang
pag- ibig sa paglilingkod nila sa mga dukha, mga may sakit at mga
nangangailangan, kung paano sila patuloy na minamahal ng Diyos.
Manalangin tayo sa Panginoon:
PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG BAYAN

Namumuno: Para sa mga namumuno sa ating paaralan, nawa’y


pagkalooban sila ng banal na Espiritu ng biyaya ng pang unawa
upang anumang pagpapasya ang kanilang gawin, lalo na sa
panahong ito ng pandemya, ay lagging naka ayo sa paggabay at
inspirasyon ng ating Panginoon. Manalangin tayo sa Panginoon:
PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG BAYAN
S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
9
Namumuno: Para sa atying mga kapatid na may karamdaman at
ang mga nagdurusa, lalo na ang mga dinapuan ng COVID at ang
kanilang mga mahal sa buhay, nawa’y aluin sila ng Espitiu Santo at
pag kalooban ng biyaya ng katatagan, tibany ng loob at diwang hindi
natitinag sa harap ng suliranin at mga pagsubok. Manalangin tayo sa
Panginoon:
PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG BAYAN

Namumuno: Para sa ating mga mag – aaral, nawa’y pagkalooban


sila ng banal na Espiritu ng biyaya ng kaalamang kaakibat ay
katapatan, upang kanilang higit na maunawaan na ang tunay na
diwa ng kanilang pagsusumikap sa pag -aaral ay ang mapalapit sa
Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaalaman. Manalangin tayo sa
Panginoon:
PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG BAYAN

Namumuno: Para sa mga kapatid nating namayapa, nawa’y


makamit nila ang kapayapang walang hanggan kapiling ng mga
banal sa kalangitan. Manalangin tayo sa Panginoon:
PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG BAYAN

PARI: O Diyos, tinuruan at pinagpanibago Mo ang puso ng mga apostol


sa pamamagitan ng liwanag ng Espiritu Santo; ipagkaloob Mo,
isinasamo naming sa Iyo, na sa pamamagitan din ng Espiritu Santo
kami’y lagging lumago sa karunungan at maging kalugud-lugod sa
Iyo. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon.

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
10
BAYAN: Amen.

COMM.: Maupo po ang lahat at maki –isa sa pag- awit sa pag-aalay.

LITURHIYA NG EUKARISTIYA

PARI: (Maaaring laktawan ng Pari)

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong

kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at


bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing
nagbibigay- buhay.

BAYAN: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

PARI: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng
ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging
inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

BAYAN: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

(Patayuin ang mga nagsisimba pagkaraan ng paghuhugas ng kamay ng Pari)

COMM: Tumayo po ang lahat.

PARI: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay


kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

BAYAN: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga


kamay sa kapurihan Niya at karangalan sa ating
kapakinabangan at sa buong Sambayanan Niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
11
PARI: Ama naming Lumikha, ang mga alay na sa harap Mo’y nakahanda
ay pakabanalin nawa ng ningas ng Espiritung dakila na nagpaalab
sa loobing ng mga apostol ng Iyong Anak sa pamamagitan Niya
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

PANALANGIN NG PAGPURI AT PAGPAPASALAMAT


(EUCHARISTIC PRAYER)

PARI: Sumainyo ang Panginoon.

BAYAN: At sumaiyo rin.

PARI: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

BAYAN: Itinaas na naming sa Panginoon.

PARI: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

BAYAN: Marapat na Siya ay pasalamatan.

PARI: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na Ikaw ay


aming pasalamatan. Ikaw ang nagtaguyod sa tanan at sa maraming
paraa’y iyong pinapatnubayan ang Iyong tinipong sambayanan.
Ang Iyong Espiritu Santo ay lagi kapiling ng sambayanang
kinabibilangan namin upang Ikaw ay sundin naming at mahalin.

Siya ang dumadalangin sa Iyo upang ang dasal namin’y dinggin


Mo sa paghiling naming sa Iyo ng saklolo. Siya rin ang naglahad
ng lubos sa pasasalamat naming at utang na loob sa ligaya naming
nakamit sa Iyong tulong sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
12
Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa Iyo nang
walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa Iyong
kadakilaan:

BAYAN: (Aawitin ng Koro) Santo, santo, santo

COMM: Lumuhod po ang lahat.

PARI: Ama naming banal, dapat Kang purihin ng tanang kinapal


sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Anak na aming Panginoong
Hesukristo at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang lahat ay
binigyan Mo ng buhay at kabanalan.

Walang sawa Mong tinipon ang Iyong sambayanan upang mula sa


pagsikat hanggang sa paglubog ng araw maihandog naming ang
malinis na alay para sambahin ang Iyong ngalan.

Ama, isinasmo namin pakabanalin Mo sa kapangyarihan ng Banal


na Espiritu ang mga kaloob na ito na aming inilalaan sa Iyo.

Ito nawa ay maging Katawan at Dugo+ ng Iyong Anak at aming


Panginoong Hesukristo na nag – utos ipagdiwang ang misteryong
ito.

Noong gabing ipinagkanulo Siya, hinawakan Niya ang tinapay,


pinasalamatan Ka Niya, pinaghati-hati Niya iyon, iniabot sa
Kanyang mga alagad at sinabi:

“Tanggapin ninyo itong lahat at kanin: Ito ang aking


katawan na ihahandog para sa inyo.”

Gayon din naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan niya


ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa
kanyang mga alagad at sinabi:

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
13
“Tanggapin ninyong lahat ito at kanin: Ito ang kalis ng aking
dugo ng bago at walang hanggang tipan. Ang aking dugo na
ibubuhos para sa inyo at para sa lahat. Gawin ninyo ito sa
pag-alaala sa akin.”

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

COMM: Tumayo po ang lahat

BAYAN: (Aawitin ng Koro)

Si Kristo’y namatay!

Si Kristo’y nabuhay!

Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

PARI: Ama, ginugunita namin ang pagkamatay ng Iyong Anak na sa


ami’y nagligtas, gayundin ang Kanyang muling pagkabuhay at
pag-akyat sa kalangitan samantalang ang kanyang pagbabalik ay
pinananabikan, kaya bilang pasasalamat ngayp’y aming iniaalay sa
Iyo ang buhay at banal na paghahaing ito.

Tunghayan mo ang handog na ito ng iyong Simbahan. Masdan mo


ang iyong Anak na nag-alay ng kanyang buhay upang kami ay
ipakipagkasundo sa iyo. Loobin mong kaming magsasalu-salo sa
kanyang Katawan at Dugo ay mapuspos ng Espiritu Santo at
maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.

Kami nawa ay gawin niyang handog na habang panahong


nakatalaga sa iyo. Tulungan nawa niya kaming magkamit ng iyong
pamana kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria, ng
kabiyak ng puso niyang si San Jose, kaisa ng mga Apostol, mga
martir, at kaisa ng lahat ng lahat ng mga Banal na aming
inaasahang laging nakikiusap para sa aming kapakanan.
S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
14
Ama, ang handog na ito ng aming pakikipagkasundo sa iyo ay
magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan para sa buong
daigdig.

Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig ang iyong Simbahang


naglalakbay sa lupa, kasama ng iyong lingkod na si Papa
FRANCISCO, ang aming Obispo DENNIS, ng tanang mga Obispo
at buong kaparian at ng iyong piniling sambayanan. Dinggin mo
ang kahilingan ng iyong angkan na ngayo'y tinipon mo sa iyong
harapan.

Amang maawain, kupkupin mo't pag-isahin ang lahat ng iyong


mga anak sa bawat panig at sulok ng daigdig. + Kaawaan mo't
patuluyin sa iyong kaharian ang mga kapatid naming yumao at ang
lahat ng lumisan na sa mundong ito na nagtataglay ng pag-ibig sa
iyo. Kami ay umaasang makakarating sa iyong piling at
samasamang magtatamasa ng iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan ang iyong kagandahan

(Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.)

sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo na siyang


pinagdaraanan ng bawat kaloob mo sa aming kabutihan. (+
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at kalis na kapwa
niya itataas habang kanyang ipinahahayag:)

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa kanya ang lahat ng


parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
15
BAYAN: Amen. (Aawitin ng Koro)

ANG PAKIKINABANG

PARI: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon nating Diyos, ipahayag natin nang lakas-loob:

AMA NAMIN (Aawitin ng Koro)

PARI: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban


ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng
kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang
araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

BAYAN: (Aawitin ng Koro) Sapagkat Iyo ang kaharian…

PARI: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol:


“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang
ibinigay ko sa inyo.”

Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming


mga pagkaksala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at
pagkakaisa ayon sa iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

PARI: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

BAYAN: At sumaiyo rin.

PARI: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

PAGHAHATI NG TINAPAY

BAYAN: KORDERO (Aawitin ng Koro)

COMM: Lumuhod po ang lahat.

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
16
PARI: Mga kapatid, narito si Kristo, ang Kordero ng Diyos na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan
sa Kanyang banal na piging.

BAYAN: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa Iyo,


ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako.

PARI: Ingatan nawa tayo ng katawan at dugo ni Kristo hanggang sa


buhay na walang hanggan.

BAYAN: Amen.

PANGWAKAS

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

PARI: Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal, sa tinanggap naming banal na


pakikinabang kami nawa’y maging maalab sa Espiritu ng
kabanalan gaya ng Iyong ibinigay sa mga apostol na hirang sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalalang hanggan.

BAYAN: Amen.

COMM.: Magsiupo ang lahat. Mangyaring tumayo ang mga mag –aaral
na magtatalaga ng sarili.

PAGTATALAGA NG MGA MAG – AARAL, PAMUMUMPA AT


PAGHAYO NG MGA GURO AT KAWANI NG PAARALAN

COMM.: Itaas ang kanang kamay sa ayos ng panunumpa.

Ako si _________________________________,
___________________________________

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
17
(banggitin ang iyong pangalan at posisyon) (banggitin ang Taon at
Pangkat o Samahan)
ng St. Dominic de Guzman School / ay nangangako na buong-pusong
gagampanan ang aking tungkulin ayon sa Pananaw at Misyon ng ating
Paaralang Katoliko. / Ako din ay nangangako sa pagtupad ng disiplina sa
sarili / at sa pagpapatibay ng mga pagpapahalagang moral at espiritwal.
Upang higit na mapagyaman at mapagbuti ang magandang relasyon bilang
isang komunidad. Aking ipakikilala ang pagkakaisa at pagtulong sa bawat
gawain na kasama ang mga magulang, guro, at mga mag-aaral / upang
makatulong sa paghubog ng isang Kristiyanong Pamayanan. / Bilang tugon
sa layuning apostolado ng St. Dominic de Guzman School
Kaisahan nawa ako ng Poong Maylikha.
COMM.: Maraming salamat mga mag-aaral.
Ngayon naman po ay magsitayo ang mga guro at kawani ng
paaralan para sa isasagawang panunumpa ng katapatan at
pagpapahayo. Inaanyayahan po an gating punong guro, Sr.
Emmarie Sarmiento, OP.

Punong guro: Itaas po natin ang ating kanang kamay at ilagay ang
kaliwang kamay sa Banal na Kasulatan.

(Please repeat after the leader.)

Ako si (banggitin ang Pangalan), guro/kawani ng St. Dominic de Guzman


School /ay nangangako /na sa aking mga salita at mga kilos /ay palagi kong
isasaalang-alang /ang aking pakikipag-isa sa Simbahang Katoliko.

Sa aking pagmamalasakit at katapatan /ay isasagawa ko /ang mga tungkuling


iniatas sa akin ng Simbahan,/ sa pamamagitan ng misyon ng paaralan /kung
saan ako ay tinawag na maglingkod.

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
18
Sa pagtupad /sa tungkuling ipinagkatiwala sa akin /sa ngalan ng Simbahan,/
mananatili akong matatag /sa pananampalataya; /matapat at patuloy kong pag-
aaralan, /isasabuhay /at ibabahagi ito sa mga kabataang hinuhubog /at
pinaglilingkuran ko/ at iiwasan /ang anumang mga katuruang/ salungat dito.

Susundin ko /ang disiplina at mga alituntunin/ ng buong Simbahan. Kaakibat


ang maka-Kristiyanong pagsunod /ay tutuparin ko/ ang ipinahahayag ng mga
Obispo,/ bilang tunay na mga doctor/ at guro ng pananampalataya /at bilang
mga tagapamahala sa Santa Iglesya./ Matapat din akong tutulong/ sa mga
gawaing pang - Simbahan.

Tulungan nawa ako ng Diyos, /sa pamamagitan ng Banal na Ebanghelyo, /kung


saan inilalagay ko ang aking kamay.

(Ibibigay ng Pari sa mga guro ang blessed mission cross, at mananalangin…)

PANALANGIN SA PAGHAYO NG MGA GURO

PARI: Panginoon naming Diyos, sa Iyong karunungan at pag ibig ay


pinagkalooban Mo kami ng biyayang aming kinakailangan sa araw
– araw. Sa mga nakalipas na panahon, isinugo mo ang mga propeta
upang ituro ang Iyong mga aral at maging saksi sa walang
hanggang pagmamahal. Isinugo mo rin ang Iyong Anak na si
Hesukristo upang turuan kami sa pamamagitan ng kanyang
mabuting halimbawa ng mga salita at gawang kalugud-lugod sa
Iyo. Ipadala Mo ang Iyong Espiritu sa mga guro ng St. Dominic de
Guzman School at puspusin Mo po sila ng biyaya ng karunungan.
Ipagkaloob mo po na sa taong pampaaralan na ito ay maitalaga nila
ang kanilang sarili sa pagtuturo sa mga mag –aaral hindi lamang ng
mga aralin lalo’t higit ng kabutihang asal upang maging
responsableng mamamayan ng ating bayan ay mabubuting
Kristiyano. Nawa ang kanilang propesyon sa pagtuturo ay ituring

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
19
nilang bokasyon at misyon na mula sa Iyo upang magampanan nila
ito ng buong puso at katapatan. Sa kanilang pagtanggap ng Krus ng
Misyon, sa pagdiriwang ng ika-500 taong ng Kristiyanismo sa
ating bansa, nawa’y yakapin nila ang kaakibat na hamon ng
pagtuturo sa modernong panahon at mapalakas ng Iyong awa at
kabutihan ang kanilang paglilingkod. Hinihiling naming ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan: Amen.

COMM: Magsiupo ang lahat. (Pagpapahayag ng pasasalamat)

Inaanyayahan pong muli ang ating Punong guro.

PAGPAPAHAYO (FINAL BLESSING)

PARI: Magsiyuko kayo habang iginagawad ang maringal na pagbabasbas.

Ang Diyos Ama ng kaliwanagan ay nagkaloob ngayon ng tanglaw


sa kalooban ng mga alagad na pinuspos Niya ng Espiritu Santo.

Pagpalain nawa kayo ng mga kaloob ng Espiritu Santo ngayon at


magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

PARI: Dilang apoy, na lumapag sa tanang mga alagad, nawa’y tumupok


sa lahat ng masamang paghahangad kapag lubos na sumikat ang
liwanag na magpasawalang hanggan.

BAYAN: Amen.

PARI: Ang Diyos na nagbibigay kakayanan sa mga tao upang ipahayag


ng sabay sabay sa iba’t ibang wika ang pananampalataya ang Siya
nawang magpanatiling kayo’y nananampalataya at magdulot ng

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
20
katuparan sa pananabik na makaharap Siya sa buhay na walang
hanggan.

BAYAN: Amen.

PARI: Pagpapalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama, Anak at


Espiritu Santo.

BAYAN: Amen.

PARI: Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay


mahalin at paglingkuran.

BAYAN: Salamat sa Diyos.

S.D.G.S. Center for Integral Evangelization Office – Rite for the Mass of the Holy Spirit 2021 - 2022
21

You might also like