You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education


Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

VISION
A center of human I. KURSO: Filipino 102- Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
development committed to the
pursuit of wisdom, truth, justice, II. PAKSANG ARALIN: Aralin 8- Ang Paksa at Pamagat-Pampananaliksik
pride, dignity, and local/global
competitiveness via a quality but III. LAYUNIN: Natutukoy ang mga konsiderasyon sa pagpili ng paksa.
free education for all qualified
clients. IV. PAKIKIPAGPALIHAN:
MISSION
Establish and maintain an
academic environment promoting
the pursuit of excellence and the
total development of its students ANG PAKSA AT PAMAGAT-PAMPANANALIKSIK
as human beings, with fear of God
and love of country and fellowmen. Sa akademya, ang pananaliksik ay isang mahalagang gawain na
hindi maiiwasan ng sinumang mag-aaral. Sa antas-kolehiyo, ang pagpapagawa
GOALS
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa aims ng mga pamanahong-papel sa iba't ibang asignatura bilang isa sa mga
to: pangangailangang pang-akademiko. Ilan pa sa mga halimbawa ng ng papel-
1. foster the spiritual, intellectual, pampananaliksik ay ang tisis ng mga kumukuha ng kursong masteral at ang
social, moral, and creative life of its disertasyon ng mga kumukuha naman ng kursong doktoral.
client via affordable but quality
tertiary education; Sa kasalukuyan, hindi na dapat maging problema ang pagsisimula ng
2. provide the clients with reach pananaliksik para sa mga mag-aaral dahil sa marami na ngayong mapagpipiliang
and substantial, relevant, wide paksa. Maiuugnay rin ito sa pag-unlad ng teknolohiya na nagpapagaang sa mga
range of academic disciplines, gawaing kaugnay ng pananaliksik.
expose them to varied curricular
and co-curricular experiences 8.1 Mga Hanguan ng Paksa
which nurture and enhance their
personal dedications and Ilan sa mga maaaring paghanguan ng paksang-pampananaliksik ay ang
commitments to social, moral, mga sumusunod:
cultural, and economic
transformations. a. Sarili. Maaaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan, mga
nabasa, napakinggan, napag-aralan at natutuhan. Nangangahulugan ito na
3. work with the government and
the community and the pursuit of maaaring simulan sa sarili ang pagiisip ng mga paksang pagpipilian.
achieving national developmental
goals; and b. Dyaryo at Magasin. Maaaring paghanguan ng paksa ang mga
napapanahong isyu sa mga pamukhang pahina ng mga dyaryo at magasin o sa
4. develop deserving and qualified mga kolum, liham sa editor at iba pang seksyon ng mga dyaryo at magasin tulad
clients with different skills of life ng lokal na balita, bisnes, entertainment at isports.
existence and prepare them for
local and global competitiveness. c. Radyo, TV at Cable TV. Maraming uri ng programa sa radyo at tv ang
mapagkukunan ng paksa. Marami na ring bahay, hindi lamang sa Metro
Manila, kundi maging sa mga probinsiya, ang may cable tv. Mas
maraming programa sa cable dahil sa 24 na oras na balita, isports at mga
programang edukasyunal.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

d. Mga Awtoridad, Kaibigan at Guro. Sa pamamagitan ng pagtanung-tanong sa ibang tao, maaaring makakuha
ng mga ideya upang mapaghanguan ng paksang-pampananaliksik. Makatutulong ito upang makakuha ng paksang
hindi lamang napapanahon kundi kawiwilihan din ng ibang tao.

e. Internet. Isa ito sa pinakamadali, mabilis, malawak at sopistikadong paraan ng paghahanap ng paksa.
Maraming mga web sites sa internet na tumutugon sa iba-ibang interes at pangangailangan ng iba't ibang uri ng
tao.

f. Aklatan. Bagama't tradisyunal na hanguan ito ng paksa, hindi pa rin mapasusubalian ang yaman ng mga
paksang maaaring mahango sa aklatan. Sa aklatan matatagpuan ang iba't ibang paksang nauugnay sa anumang
larangang pang-akademya.

Sa puntong ito, kapaki-pakinabang marahil na pansinin ang naging obserbasyon nina Atienza, et al.
(1996):

Madalas, kapag nag-isip na ang mananaliksik ng kanyang susulatin, papasok na ang aborsyon,
prostitusyon, paninigarilyo, drug addiction, faith healing, fiesta at marami pang gasgas at gastado nang
mga paksa. Bakit nga ba ordinaryo at paboritong paksain ang mga ito? Dahil mga karaniwang problema,
pangyayari at elementong panlipunan ang mga ito. Madalas ding talakayin ang mga paksang ganito sa
akademya at sa midya.

Para maiwasan na ang inilahad na obserbasyon, kailangang maghanap at mag-isip ng mga paksang wika nga nina
Atienza ay hindi gasgas at gastado na na hango sa alin man sa mga natukoy nang hanguan. Upang lalo pang
matiyak ito, iminumungkahi naming pumili ng paksa na kaugnay ng disiplina o kursong inyong
pinagpapakadalubhasaan.

8.2 Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa

Ilang konsiderasyon din ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksang-pampananaliksik, gaya ng mga
sumusunod:

a. Kasapatan ng Datos. Kailangang may sapat nang literatura hinggil sa paksang pipiliin. Magiging labis
na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang mga abeylabol na datos hinggil doon.

b. Limitasyon ng Panahon. Tandaan, ang kursong ito ay para sa isang semestre lamang. Magiging
konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga paksa na mangangailangan ng mahabang
panahon, higit pa sa isang semestre, upang maisakatuparan.

c. Kakayahang Pinansyal. Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga paksang mangangailangan
ng malaking gastusin, na kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik. Samakatwid,
kailangang pumili ng paksang naaayon sa kakayahang pinansyal ng mananaliksik.

d. Kabuluhan ng Paksa. Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan ay
humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan. Samakatwid, kailangang pumili ng paksang hindi
lamang napapanahon, kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba pang tao.

e. Interes ng Mananaliksik. Magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng mga datos
kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya kailangang pilitin pa ang sarili sa
pananaliksik kung ang ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

8.3 Paglilimita ng Paksa

Matapos makapamili ng paksa, kailangan iyong limitahan upang maiwasan ang masaklaw na pag-aaral.
Sa pamamagitan ng paglilimita ng paksa, mabibigyan ng direksyon at pokus ang pananaliksik at maiiwasan ang
padamput-dampot o sabog na pagtatalakay sa paksa. Maaaring gamiting batayan sa paglilimita ng paksa ang mga
sumusunod:

a. Panahon f. Propesyon o Grupong Kinabibilangan

b. Edad g. Anyo o uri

c. Kasarian h. Partikular na Halimbawa o Kaso

d. Perspektib i. Kumbinasyon ng dalawa o higit

e. Lugar pang batayan

Pansinin sa kasunod na pahina kung paano nilimita ang iba't ibang ayon sa mga nabanggit na batayan.

8.4 Pagdidisenyo ng Pamagat-Pampananaliksik

Ang pamagat-pampananaliksik ay kaiba sa pamagat ng mga akdang pampanitikan. Kaiba ito sa pamagat ng mga
kwento, nobela, sanaysay at dula. Pansinin ang mga kasunod na pamagat ng mga sumusunod na akda:

a. Sa Kabataang Pilipino (Tula)

b. Sa Kadawagan ng Pilik-mata (Kwento)

c. Bata...Bata...Paano ka Ginawa? (Nobela)

d. Sino si Bill Gates? (Sanaysay)

e. Ang Paglilitis ni Mang Serapio (Dula)

Ang mga ganitong pamagat ay hindi maaaring gamitin sa pananaliksik. Bagama't makatawag-pansin ang
mga pamagat na 'yon at nagbibigay ng ideya kung tungkol saan ang paksa, masyadong literari ang dating ng mga
nabanggit na pamagat.

Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa


a. Panahon Karapatan ng Kababaihan Karapatan ng Kababaihan sa
Panahon ng Komonwelt
b. Edad Mga Imbentor na Pilipino at ang Mga Batag Imbentor sa Pilipino
Hinaharap ng Teknolohiya ng (Edad 13-17) at ang Hinaharap ng
Pilipinas Teknolohiya ng Pilipinas
c. Kasarian Ang mga NGO Bilang Tagapuno ng Ang Papel ng Kababaihan sa NGO
Kakulangan sa Serbisyo ng Bilang Tagapuno ng Kakulangan sa
Pamahalaan Serbisyo ng Pamahalaan

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

d. Perspektib Epekto ng Globalisasyon sa Epekto ng Globalisasyon sa


Lipunang Pilipino Ispiritwal na Pamumuhay ng mga
Pilipino
e. Lugar Mga Naiibang Tradisyon Mga Naiibang Tradisyon
Pangkapistahan sa Katagalugan Pangkapistahan sa Malolos,
Bulacan
f. Propesyon o Grupong Pag-aaral ng Wika ng mga Bakla Pag-aaral ng Wika ng mga Baklang
Kinabibilangan Parlorista
g. Anyo o uri Persepsyon sa Kababaihan sa Persepsyon sa Kababaihan sa
Larangan ng Panitikang Ilokano Larangan ng Panulaang Ilokano
h. Partikular na Halimbawa o Kaso Epektong Pangkapaligiran ng Epektong pangkapaligiran sa mga
Turismo sa Pilipinas Beach Resorts sa Pilipinas: Kaso ng
Puerto Galera
i. Kumbinasyon 1. Preperensya ng mga
1. Perspektib Atityud ng mga Estudyante sa mga Estudyante…
2. Uri Programang Kultural 2. Preperensya ng mga
3. Lugar Estudyanteng Nasa Unang Taon
4. Anyo 3. Preperensya ng mga
Estudyanteng Nasa Unang Taon sa
Unibersidad ng Makati
4. Preperensya ng mga
Estudyanteng Nasa Unang Taon sa
Unibersidad ng Makati sa mga
Dulang Panteatro sa Kampus

Sa pananaliksik, ang pamagat ay kailangang maging malinaw (hindi matalinhaga), tuwiran (hindi maligoy)
at tiyak (hindi masaklaw). Kung tutuusin, ang mga konsiderasyon sa paglilimita ng paksa ay maaari ring isaalang-
alang sa pagdidisenyo ng pamagat upang ito'y maging malinaw, tuwiran at tiyak. Kung tutuusin din, ang
nalimitang paksa, maliban sa kaunting pag-aayos, ay maaari na ring gamitin bilang pamagat-pampananaliksik.

May iminumungkahi rin kaming bilang ng mga salita sa pamagat, hindi kasama ang mga salitang
pangkayarian tulad ng pantukoy, pananda at pang-ugnay. Hangga't maaari, ang mga salita ay hindi kukulangin sa
sampu (10) at hindi hihigit sa dalawampu (20).

Pansinin ang mga kasunod na pamagat-pampananaliksik hinggil sa iba't ibang larangan:

a. Isang Pagsusuri ng mga Pamamaraang Ginamit sa Pagsasalin sa Filipino ng mga Katawagang Legal sa
Bagong Konstitusyon ng Pilipinas

b. Preperensya ng mga Batang Preschooler ng Barangay South Cembo sa Pagpili ng mga Kwentong
Pambata

c. Mga Istratehiya ng Promosyon ng mga Produktong Pabango ng Bench Phils.: Isang Analisis ng
Epektibnes

d. Korelasyon ng mga Piling Baryabol sa Atityud sa Pangekonomikong Pamumuhay ng mga Magulang na


Iskwater sa Bliss Guadalupe
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

e. Pahambing na Pagsusuri sa Preperensya ng mga Kababaihan at Kalalakihang Mag-aaral ng UST sa


Panonood ng mga Telenobela

f. Isang Mungkahing Limang-Taon na Development Plan sa Pagtatatag ng Sentro ng Pananaliksik sa


Unibersidad ng Makati

g. Mga Piling Estudyanteng May Malalang Bayolasyon sa Patakaran ng DLS-CSB: Mga Aral-Kaso

h. Disenyo at Gabay sa Paggamit ng Internet Web Site para sa Mutya Publishing House, Inc.: Isang Project
Proposal

V. AKTIBITI

Pagsasanay 1

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa typewriting na long.
1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Paksa sa Pamagat-Pampananaliksik.

2. Bakit mahalagang sundin ang mga konsiderasyon sa pagpili ng paksa? Magbigay ng halimbawa.

VI. AWTPUT

Pagsasanay 2

PANUTO: Mag-isip ng isang paksa na nauukol ngayon. Pagkatapos ay ilimita ang inyong napiling paksa batay
sa mga tinalakay na batayan sa paglilimita.

Narito ang pamantayan sa pagmamarka:


Nilalaman ------------------------- 50puntos
Wastong gamit ng salita ------------------------- 30puntos
Pagkamalikhain ------------------------- 20puntos
KABUUAN ------------------------- 100 PUNTOS

VII. EBALWASYON

Pagsasanay 3

Panuto: Ilimita ang mga sumusunod na paksa upang makapagdisenyo ng isang mahusay na pamagat-
pampananaliksik.
1. Epekto sa Ekonomiya ng mga Urban Development Projects
2. Preperensya ng mga Estudyante sa Panonood ng Pelikula
3. Pagtutol ng mga Mamamayan sa Relokasyon
4. Ang Kulturang Muslim at ang Kanilang Paniniwala
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

Bernales, Rolando A.,et.al 2008. Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Malabon City, Philippines: Mutya Publishing House,
Inc.

Inihanda:

RAYMOND JOSEPH S. MAKALINTAL, MAEd.


Instruktor 1

KENNETH H. ABANTE, MAEd.


Instruktor 1

Iwinasto:

Department Module Editing Committees

Binigyang-pansin:

DR. BIBIANA JOCELYN D. CUASAY


Pinuno, Editing ng Modyul

DR. AQUILINO D. ARELLANO


Pangalawang Pangulo, Ugnayang Pang-akademiko

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education

You might also like