You are on page 1of 1

“For the Lord your God is He that goeth with you, to fight for you against your enemies,

to save you”

Deutoronomy 20:4

August 10, 2021 nagpositive po ako sa COVID19, gusto ko sanang mg Home Quarantine pero sa takot ko
na mahawaan ko ang pamilya ko, pumayag na akong madala sa Quarantine Facility. August 14, inilipat
ako sa Echague District Hospital dahil hirap na akong huminga at bumaba ang oxygen level, inuubo at
nilalagnat kaya nagdesisyon na silang ilipat ako doon. Namalagi ako doon ng 13 days. Natakot ako hindi
lamang para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko. Wala akong magawa kundi manalangin, inumin ang
mga gamot at sundin ang bawat sasabihin ng doctor at nurses. Sa awa ng Diyos dininig nya an aking
panalangin at nanumbalik ang sigla at lakas ng aming katawan.

Nagpapasalamat ako sa Diyos sa panibagong buhay na inalay nya sa akin, sa aking pamilya, mga kamag-
anak at mga kaibigan. Kayo ang naging sandigan ko upang labanan ang mapanirang virus na dumapo sa
aking katawan. Kayo ang naging lakas ko upang lumaban at mabuhay. Hindi lamang pisikal na katawan
ang apektado kapag nakapitan ng Virus na ito, maging emosyonal at spiritwal na bahagi ng ating buhay
kay’t ibayong lakas at tibay ag kinakailangan.

Maraming salamat sa aking mga magulang, kapatid at mga pamangkin sa lubos na pag aalala at sa mga
panalangin na ako’y agarang gumaling.

Sa aking mga kaibigan

You might also like