You are on page 1of 3

FILIPINO READING ASSESSMENT

Grade 4

Basahin nang may pangunawa ang kuwento. Pagkatapos, basahin ang


tanong, isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

A.

Ang Regalo Kay Lea

May biglang sumigaw sa labas ng bahay nina Lea. Narinig niya ang
malakas na ungol ni Dagul, ang alaga niyang tuta. Dumungaw si Lea sa
bintana. Nakita niya ang kanyang tuta sa daan. Nakahiga ay may dugo ito sa
mukha. Tumakbo siya sa labas. “Patay na si Dagul. Nasagasaan siya ng
dyip,” malungkot na sabi ng kanyang kapatid na si Bong. “May bibilhin ako
sa tindahan. Sumunod siya sa akin,” paliwanag ni Bong. Bumalik si Lea sa
bahay. Ayaw niyang kumain at maglaro. Naiisip niya si Dagul. Kinabukasan
ay Pasko na! Nagising si Lea sa ingay. Sa tabi niya ay may basket na may
kard. Nakasulat sa kard ang “Para kay Lea, mula kina Daddy at Mommy”.
Inalis ni Lea ang takip ng basket. Nakita niya ang isang magandang tuta. Ito
ay katulad na katulad ni Dagul. Inakap ni Lea ang tuta!

Bilang ng mga salita: 145

1. Ano ang nangyari kay Dagul?


a. nasagasaan ng dyip
b. nabundol ng kotse
c. natapakan ng bata
d. nawala habang namamasyal
2. Nasaan si Lea nang maaksidente ang tuta?
a. pumunta sa tindahan
b. nakasakay sa dyip
c. nasa loob ng bahay
d. nasa paaralan
3. Ano ang naramdaman ni Lea nang pumasok siya sa bahay?
a. nagalit sa nangyari
b. natakot sa nangyari
c. nalungkot sa nangyari
d. nangamba sa nangyari

4. Kailan nangyari ang aksidente?


a. sa araw ng Pasko
b. pagkatapos ng Pasko
c. sa araw ng Bagong Taon
d. isang araw bago mag-Pasko
B.
Dalawang Langgam

Isang gabing umuulan, walang makain si Itim na Langgam. Ang pagkain


niya ay natangay ng baha.Lumapit siya kay Pulang Langgam.“Kaibigang
Langgam, pahingi ng kaunting pagkain.” “Hindi kita kaibigan,”sabi ni Pulang
Langgam“Sa iba ka nalang humingi.”Gumapang siya papunta sa ibang
lugar.May dalawang batang naglalaro.Nakita ng bata si Itim na Langgam.“May
itim na langgam!”sabi niya.“Huwag mo siyang galawin. Mabait ang itim na
langgam.Hindi iyan nangangagat,” sabi ng isa pang bata. Si Itim na Langgam
ay hindi nga sinaktan ng bata. Gumapang siya nang gumapang. Nakakita siya
ng tirang pagkain ng dalawang bata. Kumain siya nang kumain.Busog na
busog siya. Mayamaya narinig niyang muli ang dalawang bata. “Patayin natin
ito,” “Oo nga. Masakit mangagat ang pulang langgam,” sabi ng bata. Narinig
ni Itim na Langgam ang isang padyak. Pagkatapos nakita niya si Pulang
Langgam. Hindi na ito gumagalaw. Bilang ng salita 154

5. Bakit kaya niregaluhan pa si Lea ng isa pang tuta?


a. dahil mahilig si Lea sa tuta
b. para hindi siya mawalan ng tuta
c. dahil wala silang regalo kay Lea
d. para makalimutan na ni Lea ang nangyari

6. Sino ang walang makain sa kuwento?


a. si Tipaklong
b. si Itim na Langgam
c. si Pulang Langgam
d. ang dalawang bata
7. Bakit walang siyang makain?
a. hindi siya naghanap ng pagkain
b. natangay ng baha ang pagkain niya
c. tinamad siyang maghanap ng pagkain
d. nagkasakit siya at di nakakuha ng pagkain

8. Anong ugali ang ipinakita ni Pulang Langgam?


a. madamot
b. malungkutin
c. mapagbigay
d. tamad

9. Paano pinatay ng mga bata si Pulang Langgam?


a. inipit nila
b. kinurot nila
c. nilunod nila
d. tinapakan nila

10. Bakit nila pinatay ng dalawang bata si Pulang Langgam?


a. ayaw nila ng insekto
b. natatakot silang makagat
c. gusto nila itong paglaruan
d. ayaw nilang langgamin ang pagkain nila

You might also like