Professional Documents
Culture Documents
Filipino: Unang Markahan - Modyul 2
Filipino: Unang Markahan - Modyul 2
Department of Education
Division of Pagadian City
FILIPINO
Unang Markahan - Modyul 2
Panitikan sa Panahon ng
Katutubong Pilipino ALAMAT
Name:
Year Level:
Grade & Section:
DO_Q1_FILIPINO8_ Module 2
Filipino 8
Unang Markahan – Modyul 2
Panitikan sa Panahon ng Katutubong Pilipino
ALAMAT
Alamin
Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang sumusunod na kasanayang
pampagkatuto:
*Naibibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag sa alamat
*Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/ di-makatotohanan ng mga
puntong binibigyang diin sa napakingggan
*Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa akda batay sa:
- pagiging totoo o hindi totoo
- may batayan o kathang isip lamang
*Nasusuri ang pagkabuo ng alamat batay sa mga elemento nito
*Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na alamat sa binasang alamat
Panimulan
I. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A.Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
II. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung ito ay totoo o hindi, isulat ang
Makatotohanan kapag ito ay totoo at Di-Makatotohanan kapag hindi ito totoo. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
_______________11. Marami na ang namatay dahil sa COVID-19.
_______________12. May tumubong bulkan sa harap ng bahay.
_______________13. Ayon sa ulat, ang COVID-19 ay nakakahawa sa pamamagitan ng pagbahing sa taong
positibo nito.
_______________14. Maraming mga manggagawang nahinto sa trabaho dahil sa Covid-19.
_______________15. Pinapalawig ng pangulo ang Enhanced Community Quarantine sa mga lugar na marami
na ang nagpositibo sa Covid-19.
i
III. Para sa bilang 16-20. Tukuyin ang mga kahulugan sa mga salitang halaw mula sa Kung Bakit Nasa Ilalim
ng Lupa ang Ginto. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
_____16. Cañao a. takpan
_____17. sinagilahan b. pagdiriwang
_____18. pantas c. pagkainggit
_____19. sukluban d. kinabahan
_____20. pag-iimbutan e. matanda
IV.Panuto:Basahin at unawain ang mga pahayag.Pilin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
21. Ito ay kwentong bayan na nagsasaad kung paano nabuo at ano ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
mundo.
a. Alamat b.Balagtasan c. Tula d. Maikling Kwento
22. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay buhay sa kuwento?
a. Tagpuan b. Tauhan c. Suliranin d. Tunggalian
Alamin
Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang sumusunod na
kasanayang pampagkatuto:
Nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga na ginamit sa alamat.
ii
Subukin
Gawain 1: Pagtatapatin
Panuto: Hanapin ang kahulugan ng mga salitang nasa hanay A sa hanay B. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
Tuklasin
Panuto: Basahin ang alamat na nasa ibaba
Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto
Isang Alamat mula sa Lungsod ng Baguio
Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan
ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya’t
siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik. Maibigin sila sa kapwa at may takot
sila sa kanilang bathala. Taon-taon ay nagdaraos sila ng cañao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong
panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.
Kung nagdaraos sila ng cañao ay naghahanda sila linggo-linggo. Pumapatay sila ng baboy na iniaalay
sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang
nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kaniyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon
sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kakaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang
may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan
si Kunto. Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang
ibig sabihin ng kaniyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kaniyang pangangaso. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa
matatandang pantas. Sabi ng isang matanda,“Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala
sa atin nadapat tayong magdaos ng cañao.”
“Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng cañao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang cañao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang
ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang
iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang
nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay-
lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga
mata sa kanilang nakita. Natakot sila.
iii
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika ng ganito: “Mga anak,magsilapit kayo. Huwag
kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong
kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.”
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi.Pagkatapos sukluban ninyo ako
ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong cañao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo
rito sa pook na ito.
Makikita ninyo ang isang punongkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o
makikita magpakailanman. Ang bunga, dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay
huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda. Ipinagpatuloy nilaang kanilang pista.
Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook napinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya
ng sinabi ngmatanda, nakita nila ang isang punongkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw—lantay
na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitangdahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punongkahoy at
pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa
sa mga tao.Bawat isa ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang dati nilang matahimik na
pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan.Ang punongkahoy naman ay patuloy sa pagtaas
hanggang sa ang mga dulonito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, sabi ng isang mamamayan, “Kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon
ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-
hatian natin.” Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga
nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat. Nang malapit nang mabuwal
ang punongkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubod-lakas at parang pinagsaklob ang lupa
at langit.
Nabuwal ang punongkahoy. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar nakinabagsakan ng puno. Isang tinig
ang narinig ng mga tao. “Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan: ang punong-ginto, upang
maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan, kasakiman ang naghari sa
inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-
tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang
kinabuwalan. Mula nga noon, nakukuha lamang ang ginto sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.
Suriin
Gawain 2: Sagot sa kahon. Panuto: Hanapin ang kahulugan ng salita sa loob ng kahon. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
___1. Maibigin ___2. Nagdaraos ___3. Tuminag ___4. Sukluban ___5. Tinutunton
Pagyamanin
Gawain 3: Kahon ko! Punan Mo!
Balikan ang alamat na binasa. Kopyahin ang mga salitang may salungguhit at isulat ang kaisipan nais
nitong ipabatid sa sagutang papel.
iv
Pamagat
__________________
Isaisip
__________
Ang matalinghagang salita ay mga salitang may malalim na kahulugan. Ito ay kadalasang binubuo ng
tambalang salita na ang kahulugan ay naiiba sa kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal. Ito ay bukang
bibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay na dapat gawin sa buhay. Binubuo ng isa o
dalawang taludtod na may sukat at tugma.
Halimbawa: Balat sibuyas – sensitibo, Isang kahig, isang tuka – naghihirap,Alog na ang baba - matanda na
Isagawa
Panuto: Gumawa ng 5 hugot o pick up lines na ginagamitan ng matalinghagang salita. Isulat sa sagutang papel
ang iyong nabuong sagot.
1. __________________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________________
Tayahin
Gawain : Pagtatapat
Panuto: Hanapin ang kahulugan ng mga salitang nasa hanay A sa hanay B. Isulat ang titik sa tamang
sagot sa sagutang papel.
v
Aralin 2.2 Makatotohanan/ Di-Makatotohanang Pahayag
Alamin
Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang sumusunod na kasanayang
pampagkatuto:
• Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan / di-makatotohanan ng mga
puntong binibigyang diin sa napakinggan.
• Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa akda batay
sa; pagiging totoo o hindi totoo; at may batayan o kathang isip lamang.
vi
Pagyamanin. Gawain 2: Halimbawa mo, Isulat mo!
Panuto: Gumawa ng tiglilimang tanong na masasagutan ng katotohanan at di makatotohanan. Isulat sa
sagutang papel.
1- 5 (katotohanan) 6-10 (di-makatotohanan)
Isagawa . Panuto: Gumawa ng poster islogan na kakitaan ng makatotohanan at di makatotohanang
detalye. Iguhit sa sagutang papel. Gawing gabay ang rubriks na nasa ibaba.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap na nasa ibaba. Alamin kung ito ba ay totoo o hindi.
Isulat ang M kung ito ay totoo at D kung di-totoo. Isulat sa sagutang papel.
__________1. Mas gusto ng mga bata na maglaro kaysa tumulong sa gawaing bahay.
__________2. Lumakas ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa COVID-19.
__________3. Dahil sa pandemya ng COVID-19, mas nabigyan ng oras ng mga magulang ang kanilang mga
anak.
__________4. Ang prutas at gulay ay nakatutulong sa paglaki ng ating katawan.
__________5. Ang mga kabataan ngayon ay mahilig sa social media.
__________6. Ang isang sakit ay nakukuha dahil sa hindi pag-alaga sa ating katawan.
__________7. Ang ina ay ang haligi ng tahanan.
__________8. Sa kasalukuyan, tayo ay naninibago sa bagong new normal na pinatupad ng ating pamahalaan.
__________9. Ang ibon ay lumilipad.
_________10. Kailangan nating uminom ng dalawang basong tubig araw-araw
vii
Aralin 2.3 Elemento ng Alamat
Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang sumusunod na kasanayang
Alamin pampagkatuto:
Subukin
Panuto: Alamin kung anong elemento ang ipinapahayag sa bawat bilang. Hanapin sa loob ng kahon ang
tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
A. Simula B. Gitna C. Wakas
______1. tauhan ______4. saglit na kasiglahan ______7. Kalakasan ______9. bida
______2. tagpuan ______5. tunggalian ______8. katapusan ______10. sa loob ng silid
______3. suliranin ______6. Kasukdulan ______
Tuklasin Basahin muli ang alamat na “Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto” sa nakaraang
talakayan.
A. Pagtatalakay
➢ Ang binasang akda ay naglalahad ng pinagmulan.
➢ Ang lahat ng bagay ay may pinagmulan, ito ay tinatawag na alamat.
➢ Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay- bagay sa daigdig, Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong bayan.
➢ Mahalaga ito dahil sumasalamin ito sa kultura ng ating mga nnuno at ditto natin mababatid kung saan
at ano ang pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan.
➢ Isa rin itong pang-aliw at higit sa lahat pinagkukunan ng aral.
➢ Nagbibigay ito ng talino at kaisipan sa atin.
Elemento ng Alamat:
1. Simula
a. Tauhan – karakter sa kuwento
b. Tagpuan – lugar na pinangyayarihan ng mga eksena
c. Suliranin – problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan.
2. Gitna
a. Saglit na kasiglahan- kasiglahan sa kuwento ngunit biglang papawiin ng isang masamang
pangyayari.
b. Tunggalian- paghaharap o pag-aaway ng mga karakter
c. Kasukdulan- pinakamagandang parte o bahagi ng istorya
3. Wakas
a. Kakalasan- unti-unting pagbuti ng kwento o papalapit sa katapusan
b. Katapusan- kung saan nagtatapos ang isang kwento
Suriin
Gawain 1: Pagtatapatin
Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A. Piliin at isulat ang titik
viiisagutang papel..
ng iyong sagot sa
Hanay A Hanay B
____1. Tauhan a. kung saan nagtatapos ang isang kuwento
____2. Tagpuan b. karakter sa kuwento
____3. Suliranin c. paghaharap o pag-aaway ng mga karakter
____4. Tunggalian d. lugar na pinangyayarihan ng mga eksena
____5. Katapusan e. problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan.
Pagyamanin
Panuto: Pagkatapos nabasa ang alamat na pinamagatang, ‘Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa
Ginto’. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel.
1. Isa-isahing ilarawan ang mga tauhan. Ano- ano kaya ang kanilang motibasyon sa kung bakit
ganoon ang kanilang ikinilos?
2. Makatarungan ba ang naging parusa ng bathala sa inasal ng mga tao?
Bakit o bakit hindi?
3. Sa iyong palagay, bakit masaya ang isang alamat tungkol sa kung bakit nasa ilalim ng lupa ang
ginto?
4. Ano kaya ang silbi ng alamat sa ating mga ninunong katutubo?
Isaisip
Alam mo na ba...
➢ Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng
mga bagay- bagay sa daigdig, kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong bayan.
Tauhan
SIMULA Tagpuan
Suliranin
WAKAS Kakalasan
Katapusan
Isagawa Palawakin natin: Sagutan ang graphic organizer batay sa alamat na nasa ibaba. Isulat ang
sagot sa sagutang papel..
Hamon sa Buhay
Ang isang batang nasa mababang antas ng buhay ay nangangarap na maging matagumpay siya ay si
Ana, nakatira sa isang barong-barong at pinalibutan ng malawak na lupain na nasa tuktok ng bundok. Hindi
ix
lingid sa kanyang mga magulang ang matayog na pangarap ni Ana. Kaya nagsikap silang magtanim ng prutas
at gulay upang sila ay makaipon ng pera.
Isang gabi nagkaroon ng matinding bagyo na naging dahilan ng pagkawasak ng kanilang mga panani
at nasira pati ang kanilang bahay. Ngunit sa kabila ng ganitong pangyayari, bumangon muli ang kanyang
pamilya at mas lalo nilang pinadami ang kanilang pananim at nadagdagan pa ang kanilang kita. Hanggang sa
naging distributor ang buong pamilya ng prutas at gulay na nagging dahilan ng kanilang pag-asenso sa buhay.
SIMULA
Tauhan, tagpuan, suliranin
GITNA
Saglit na kasiglahan, tunggalian, kasukdulan
WAKAS
Kakalasan, katapusan
Tayahin
Panuto: Alamin kung anong elemento ang ipinapahayag sa bawat bilang. Hanapin sa loob ng kahon ang
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
A. Simula B. Gitna C. Wakas
______1. Bida ______6. Tagpuan
______2. Kasukdulan ______7. Tunggalian
______3. Sa loob ng silid ______8. Saglit na Kasiglahan
______4. Katapusan ______9. Tauhan
______5. Kalakasan ______10. Suliranin
Subukin
Gawain 1. Tama o Mali
Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at titik M kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
_______1. Mas nakawiwili ang isang kuwento kapag ito ay pinanood.
_______2. Kailangan ng laptop o tv kapag nagbabasa.
_______3. Sa pagbasa ng kwento kailangan mo ng radyo.
_______4. Mas konkreto ang pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng panonood.
_______5. Mas binigyang prayoridad ng gobyerno ang pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang telebisyon.
_______6. Sa panonood kailangan mo ng makabagong teknolohiya gaya ng telebisyon.
x
Pinagkukunan ng Impormasyon Pagkakatulad Pagkakaiba
Diyaryo
Telebisyon
_______7. Sa panahon ngayon hindi na epektibo ang pagbabasa ng mga aklat sa pagkatuto ng mga bata.
_______8. Ang pagbasa sa isang akda ay isang kasanayang nangangailangan ng masusing pag- uunawa sa
buong akda.
_______9. Ang paglalahad ng akda sa pamamagitan ng panonood at pagbabasa ay may pagkapareho.
_______10. Mas nabibigyan ng masusi at aktwal na paglalahad ang panonood ng akda dahil sa mas nasasagap
ng ating paningin.
Tuklasin
Basahin muli ang alamat na “Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto” sa nakaraang talakayan at
panoorin ang alamat sa http:www.megatoontv.com/store
A. Pagtatalakay
➢ Ang paglalahad ng akda sa pamamagitan ng panonood at pagbabasa ay may pagkakaiba
➢ Ang panonood ay ang kasanayang pinakamadaling gamitin sa larangan ng komunikasyon.
Pinanood na akda Binasang akda
- ay mas nabibigyan ng masusi at aktwal na - ay isang kasanayang nangangailangan ng
paglalahad dahil sa mas nasasagap ng ating masusing pag- uunawa sa buong akda.
paningin, mga nakikita, Nangangailanagn ito ng pag –uunawa sa
tinitingnan,napagmamasdan, sinasalamin ng bawat detalyeng nakalahad sa loob ng teksto
ating mga mata ang bukal nating pagkatao at upang sa gayon ito ay mas naikikintal sa
kamalayan sa ating paligid. isipan ng bawat mambabasa.
Suriin
Gawain 2
Panuto: Paghambingin ang tradisyunal na pinagkukunan ng impormasyon gaya ng magasin sa
makabagong teknolohiya na telebisyon. Ano ang kanilang pagkakaiba at pagkakatulad? Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
Pagyamanin
Gawain 3: Tsart
Panuto: Itala ang mga detalye gamit ang tsart ng alamat na napanood at nababasa. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Pamagat ng Alamat
xi
Isaisip
Gawain 4: Tapatan
Lalaki Babae
Isagawa
Panuto: Itala ang mga pakakaiba at pagkakatulad ng alamat na napanood at alamat na nabasa sa
pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba.
napanood nabasa
pagkakaiba pagkakaiba
pagkakatulad
Tayahin
xii
_______9. Kailangan ng laptop o tv kapag nagbabasa.
_______10. Sa panonood kailangan mo ng makabagong teknolohiya gaya ng telebisyon.
Lagumang Pagsusulit
Aralin 2.5
Alamin Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang sumusunod na kasanayang
pampagkatuto:
• Naibibigay ang kahulugan ng matalinghagangnpahayag sa alamat
• Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/di-makatotohanan ng mga
puntong binibigyang diin sa napakingggan
• Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa akda batay
sa:
- pagiging totoo o hindi totoo
- may batayan o kathang isip lamang
• Nasusuri ang pagkabuo ng alamat batay sa mga elemento nito
• Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na alamat sa binasang alamat
Tayahin
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay kwentong bayan na nagsasaad kung paano nabuo at ano ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
mundo.
a. Alamat b. Balagtasan
c. Tula d.Maikling Kwento
2. Elemento ng alamat na nagpapakita ng problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan.
a. Katapusan b. Kakalasan
c. kasukdulan d. Suliranin
3. Elemento ng alamat na nagpapakita ng pag-aaway ng mga karakter.
a .Saglit na kasiglahan b. Tunggalian
c. kasukdulan d. Kakalasan
4. Ang mga sumusunod ay bahagi ng elemento ng alamat maliban sa isa.
a. simula b. gitna
c. wakas d. buod
5. Elemento ng alamat na nagpapakita ng pinakamagandang parte o bahagi ng istorya.
a. Saglit na kasiglahan b. Tunggalian
c. kasukdulan d. Kakalasan
6. Alin sa sumusunod ang nagbibigay buhay sa kuwento?
a. Tagpuan b. Tauhan
c. Suliranin d. Tunggalian
7. Elemento ng alamat na nagpapakita ng unti-unting pagbuti ng kuwento o papalapit sa katapusan.
a. Saglit na kasiglahan b. Tunggalian
c. kasukdulan d. Kakalasan
8. Ito ay ang lugar na pinangyayarihan ng mga eksena.
a. Tauhan b. Kasukdulan
c. Tagpuan d. Kakalasan
9. Elemento ng alamat kung saan nagtatapos ang isang kuwento.
xiii
a. Tunggalian b. kasukdulan
c. Kakalasan d. Katapusan
10. Elemento ng alamat na nagpapakita ng kasiglahan sa kuwento ngunit biglang papawiin ng iisang
masamang pangyayari.
a. Saglit ng kasiglahan b. Tauhan
c. Tagpuan d. Suliranin
II. Para sa bilang 11-15, tukuyin ang mga kahulugan sa mga salitang halaw mula sa Kung Bakit Nasa Ilalim
ng Lupa ang Ginto. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
III. Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung ito ay totoo o hindi, isulat ang
Makatotohanan kapag ito ay totoo at Di-Makatotohanan kapag hindi ito totoo. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
______16. Pinapalawig ng pangulo ang Enhanced Community Quarantine sa mga lugar na marami na ang
nagpositibo sa Covid-19.
______17. Marami na ang namatay dahil sa COVID-19.
______18. Maraming manggagawa ang natigil sa trabaho dahil sa Covid-19.
______19. Ayon sa ulat, ang COVID-19 ay nakakahawa gamit ang laway ng nagpositibo rito.
______20. May tumubong bulkan sa harap ng bahay.
IV. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng salitang nasa Hanay A. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
xiv