You are on page 1of 4

De Guzman, Jomel M.

| BS in Applied Mathematics I Setyembre 19, 2021


Wika 1 – 4 | Modyul 1 Gawain 1

Gamit ang online platforms (FB, Twitter, IG, atbp.), magsasagawa ng survey sa
sampung (10) dating mga kaklase sa high school o mga kaibigan sa labas ng ating
klase. Itanong ang mga sumusunod:

1. Ano ang wikang pambansa ng Pilipinas?

Filipino Tagalog
8 2

Sa unang tanong: Ano ang wikang pambansa ng Pilipinas? Walo (8) ang
sumagot ng Filipino at dalawa (2) ang sumagot ng Tagalog. Marahil ang
pagsagot ng aking dalawang dating kaklase ng Tagalog ay dala ng pagtawag
ng mga kanilang nakasalamuha sa Filipino bilang Tagalog na madalas ko ring
naobserbahan noong ako ay nasa junior high pa lamang kung saan hindi pa
natalakay ang asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino na siyang itinuturo lamang pagtapak ng senior high, at hindi
pagkabatid na ang Tagalog ay isang katutubong wika.
2. Ano ang wikang ginagamit sa mga tanggapan ng pamahalaan sa inyong
lugar?
Sa bahaging ito, lahat ay sumagot na Filipino ang wikang ginagamit sa kani-
kanilang tanggapan ng pamahalaan. Ayon sa Konstitusyon ng Republika ng
Pilipinas, 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7, sa komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles; at nakasaad naman sa Memorandum Sirkular
Blg. 384, s. 1970, na hanggat maari ay wikang Filipino ang gamitin sa
anumang komunikasyon at transaksiyon na gagawin ng pamahalaan. Dagdag
pa rito, hindi inaasahan na ang bawat mamamayan ng isang bayan ay
makakapagsalita ng kanilang wikang panrehyon sapagkat ang iba ay lumaki
sa ibang bayan at iba ang nakagisnan na wika.
3. Batay sa iyong mga nakuhang sabjek mula elementarya hanggang kolehiyo,
ano ang ginagamit na wika ng guro sa pagtuturo?
Muli, lahat ng aking mga dating kaklase ay pareho ang sagot. Ayon sa kanila,
Filipino at Ingles ang pangunahing ginagamit sa klase, depende sa
De Guzman, Jomel M. | BS in Applied Mathematics I Setyembre 19, 2021
Wika 1 – 4 | Modyul 1 Gawain 1

asignatura. Madalas ay parehong ginagamit ang Filipino at Ingles upang


maibahagi ng mga guro ang leksiyon ng mas madali. At dahil nakatira kami sa
Ilocos Region, ginagamit rin ang Pangasinan at Ilocano na nagsisilbi bilang
wikang pantulong sa Filipino at Ingles.
4. Kapag may kausap kang Pilipino na hindi mo katulad ang unang wika, anong
wika ang ginagamit ninyo upang magkaintindihan?
Ang Filipino ang pangunahing ginagamit ng aking sampung dating kamag-aral
upang makipag-usap sa iba na hindi nila katulad ang unang wika. Sa dami ng
wika sa Pilipinas, susi ang Filipino, ang wikang pambansa, upang magkaroon
ng pagkakaintindihan ang kapwa Filipino, saanmang lupalop ng Pilipinas sila
mapunta.
5. Sa iyong palagay ano ang pinakamainam na gamitin na wika sa pamahalaan?
sa paaralan? sa pakikipag-ugnayan sa kapwa Pilipino?

Pakikipag-
Pamahalaan Paaralan ugnayan sa
kapwa
Filipino 10 10 10
Ingles 10
Panrehyong 2 4 10
wika

Base sa mga resulta, sampu (10) ang sumagot ng Filipino at dalawa (2) sa
parenhyong wika bilang pinakamainam na gamitin na wika sa pamahalaan,
sampu (10) ang sumagot Filipino at Ingles at apat (4) ang nagsabing
pinakamainam na gamitin ang panrehyong wika sa mga paaralan, at sampu
(10) Filipino at Panrehyong wika sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Muli,
nakasaad sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987, Artikulo XIV,
Seksyon 7, na sa komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles;
at nakasaad naman sa Memorandum Sirkular Blg. 384, s. 1970, na hanggat
maari ay wikang Filipino ang gamitin sa anumang komunikasyon at
transaksiyon na gagawin ng pamahalaan.
De Guzman, Jomel M. | BS in Applied Mathematics I Setyembre 19, 2021
Wika 1 – 4 | Modyul 1 Gawain 1

Ang mga sagot na nakuha ay hindi dahil lamang sa kaalaman sa mga


polisiyang ipinatupad ng pamahalaan, alam ng bawat isa sa atin na dahil sa
matinding kahirapan na nararanasan ng mga mamamayang Filipino, hindi
lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makatuntong sa paaralan. Dahil dito,
maraming Filipino, kabilang na ang mga matatanda ay mahina o hindi kaya ay
walang kakayahang magsalita at umintindi ng Ingles. Isa ring dahilan ang
kahirapan kung bakit ang ilan sa mga Filipino, lalo na ang mga katutubong
Filipino ay walang kakayahang magsalita ng Filipino ngunit may kakayahang
gamitin ang kani-kanilang panrehyong wika. Ang wikang Filipino, para sa mga
katutubong Filipino ay pangunahing matutunan sa paaralan at minimal ay sa
pamamagitan ng panoood ng telebisyon. Ngunit paano nila matutunan ang
wikang pambansa kung wala silang kakayahang makapag-aral at magkaroon
ng telebisyon?

Ang Pilipinas ay isang heterogenous society o ethnically heterogenous, kung


saan ang bawat etnikong pangkat ay may kani-kaniyang wika. Marahil
instrumento nga ang wikang pambansa sa pagkakaintindihan, ngunit mainam
pa rin na gamitin ang panrehyong wika sa pamahalaan, paaralan, at
pakikipag-ugnayan sa kapwa sapagkat hindi lahat ay may kakayahang
magsalita ng Ingles at Filipino.

Pagmumuni-muni
Para sa mga mag-aaral, lalo na sa mga hindi Filipino ang unang wika, ang
paaralan ang nagsisilbing pangunahing daan upang matutunan nila ang
wikang Filipino. Ang kakayahang gamitin ang wikang Filipino ay nararapat na
malinang ng bawat mag-aaral dahil ito ang magsisilbing instrumento upang
magkaroon sila ng komunikasyon at makapagbuklod sa ibang mamamayang
Filipino. Kung paano itinuturo ang wika sa paaralan, kung pinagtutuunan bai
to ng pansin ay may malaking epekto sa kakayahan ng isang Filipino na
makipagtalastasan sa kapwa Filipino. Kung mainam na maituturop, ang mga
mag-aaral ay maasahang lalaking may pang-unawa sa maraming bagay
tungkol sa ating mga Filipino, makakaya nilang intindihin ang mga nakalimbag
na akda, mga palabas at balita na ineere sa telebisyon, at pag-uugatan ng
De Guzman, Jomel M. | BS in Applied Mathematics I Setyembre 19, 2021
Wika 1 – 4 | Modyul 1 Gawain 1

damdaming makabayan na siyang mahalaga dahil ang kabataan ang pag-asa


ng bayan; kami ang magpapakita sa susunod na henerasyon at sa buong
mundo kung gaano kayaman ang ating wika at kultura.

Sa kasalukuyan, ang wikang Filipino ay nagkukumahos na yumabong,


hayaan niyo akong pangibabawan ko ang pahayag na ito sa pagpapaalalang
higit apatnapung taon tayong pinamahalaan ng mga Amerikano, at
magpahanggang ngayon ay naiwan pa rin ang kanilang impluwensiya sa atin
lalo na sa sistema ng edukasyon ng ating bansa. Ang pagiging matatas sa
paggamit ng Ingles ay tila isa nang kakailanganin ng isang Filipino. Kung
ating papansinin, uunti na lamang ang gumagamit ng Filipino sa internet, at
sa mga pormal at pang-akademikong talastasan. Dagdag pa rito ang pag-alis
sa Filipino at Panitikan bilang core subject sa kolehiyo na siyang inalmahan
ng nakararami dahil isa raw itong paglabag sa konstitusyonal na mandato na
naghayag sa Filipino bilang wikang pambansa. Ngunit naniniwala ako na
yayabong ang wikang Filipino dahil ang wika ay dinamiko, at kung susuriin,
ang pagbabago sa wika ay kaakibat na at hindi resulta o bunga ng
pagbabago ng lipunan sa sarili nito. Kaya inaasahang ang pagbabago sa wika
ay makapagdadala ng magandang resulta sa kung paano ito gagamitin sa
kinabibilangan nitong lipunan na may bagong kultura.

You might also like