You are on page 1of 10

GAWAING PAMPAGKATUTONG PAPEL

(LEARNING ACTIVITY SHEET)


FILIPINO 5
Ikalawang Markahan: Ikawalong Linggo

PAMAGAT: PANGKALAHATANG SANGGUNIAN

PANIMULA:

Mahilig ka bang magbasa ng iba’t-ibang babasahin? Minsan ba ay nahihirapan


kang intindihin ang binabasang teksto? Bakit? Sinubukan mo bang gumamit ng iba’t
ibang sanggunian upang matulungan kang unawain ang nasa teksto? Ano-ano ang
mga sangguniang ito? Sa gawaing papel na ito ay makikilala mo ang mga sangguniang
makatutulong upang mas lalo mong maunawaan ang iyong binabasa. Handa ka na ba?

(FILIPINO 5 MELC, QUARTER 2 WEEK 8)

1. Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang


impormasyon tungkol sa isang isyu.
2. Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto.

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pangkalahatang sanggunian MALIBAN


sa isa?
A. Atlas
B. Kalendaryo
C. Diksiyonaryo
D. Encyclopedia

2. Anong aklat o mga aklat na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa iba’t


ibang paksa. Makikita rin dito ang mga artikulo tungkol sa mga katotohanan sa
isang bagay, tao, pook, o pangyayari?
A. Atlas
B. Almanac
C. Diksiyonaryo
D. Encyclopedia

3. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng encyclopedia?


A. World Atlas
B. The World Almanac
C. Webster’s Dictionary
D. World Book Encyclopedia

1
4. Anong aklat ang naglalaman ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya, at
lokasyon ng mga lugar, nagpapakita ng mga anyong-lupa at anyong-tubig na
matatagpuan sa isang lugar at nakaayos ayon sa pagkakahating pampulitika,
rehiyon, o estado?
A. Almanac
B. Atlas
C. Diksiyonaryo
D. Encyclopedia

5. Alin sa sumusunod ang nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa


mga punto ng kawilihan, mga pangyayari sa isang bansa, palakasan, relihiyon,
pulitika, at iba pa?
A. Atlas
B. Almanac
C. Encyclopedia
D. Pahayagan o diyaryo

6. Anong aklat ang pinagkukunan ng kahulugan, baybay o ispeling, at pagpapantig


ng mga salita; bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng salita; at nakaayos ito
nang paalpabeto?
A. Almanac
B. Atlas
C. Diksiyonaryo
D. Encyclopedia

Para sa bilang 7 – 10.

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at


MALI kung hindi wasto ang ipinanahayag ng pangungusap.
__________ 7. Para higit na maunawaan ang iyong binabasa, kailangang kilalanin ang
mahahalagang kaisipang taglay ng teksto.
__________ 8. Ang pagtatala ng mahahalagang detalye ay makatutulong upang lalong
maintindihan ang binabasang teksto.
__________ 9. Makabubuti na gawing tuloy-tuloy ang pagbasa ng isang mahahabang
teksto.
__________ 10. Makatutulong ang pagtatala o pagkilala sa paksang pangungusap at
mga detalyeng sumusuporta rito.

Ang isang batang tulad mo ay may pagkakataong hindi lubos nauunawaan ang
binabasa. Maraming posibleng dahilan sa pangyayaring ito. Maaaring may mahihirap
na salitang hindi mo alam ang kahulugan o ibig sabihin, o kaya’y may mga salitang
hindi mo maiugnay sa sariling karanasan ang binabasa, at iba pa. Pwede mo bang
pangalanan ang mga pangkalahatang sanggunian nakalarawan sa ibaba na
makatutulong upang lubos mong maintindihan ang iyong binabasa? Sige simulan mo
na!
2. 3. 4. 5.
1.

2
Ano-ano bang uri ng impormasyon ang makukuha sa mga pangkalahatang
sangguniang ito? Halika, iyong basahin at alamin.

Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian

Paggamit ng Diksyunaryo

Sa bawat araling ating tinatalakay ay palaging may ipinakikilalang bagong


talasalitaan. Aling aklat ang makatutulong upang malaman mo ang kasingkahulugan
ng mga salitang ito? Sabihin kung ano ito ______________.

Kung diksyunaryo ang sagot mo ay tama ka! Ito ay isang mahalagang


pangkalahatang sanggunian lalo ng isang taong nag-aaral ng wika tulad mo. Makikita
sa diksyunaryo ang iba’t ibang impormasyon kaugnay ng salita tulad ng tamang
baybay, katuturan o kasingkahulugan, kasalungat, tamang bigkas, salitang ugat at
panlaping bumubuo sa salita, at bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng bawat
salita rito. Mahalagang sanggunian ang diksyunaryo sa pagpapanayam ng talasalitaan,
gayundin sa pagsulat, at sa pag-aaral ng wika. Ang mga salitang ito ay nakaayos nang
paalpabeto.

Halimbawa:
Webster’s Dictionary, Oxford English Dictionary, English-Filipino Dictionary
Maliban sa diksyunaryo na una na nating nabanggit bilang isang mahalagang
sanggunian lalo na sa mga nag-aaral ng wika ay marami pang pangkalahatang
sangguniang maaaring magamit sa pananaliksik o pag-aaral tulad ng almanac, atlas,
encyclopedia, at diyaryo o pahayagan. Ang mga sangguniang ito’y maaaring
nakalimbag (printed) at maaari rin naming Mabasa online o madownload bilang isang
application sa Internet para sa mga tablet, laptop, o computer.

Almanac

Taglay nito ang mga impormasyon at mahahalagang datos para sa buong isang
taon. Mababasa sa almanac ang mga impormasyon o datos tulad ng nakakalendaryong
lagay ng panahon, oras ng pagsikat at paglubog ng araw, mga pangyayaring
pampanahon tulad ng petsa kung kalian magkakaroon ng kabilugan ng buwan,
eclipse, meteor shower, mga araw kung kalian mabuting magtanim, gayundin ang mga
datos tulad ng populasyon, world record, at iba pa. Mababasa rin sa almanac and iba’t
3
iba pang inaasahang mangyayari sa buong isang taon tulad ng mga prediksiyon sa
magiging usong gadget, kulay, kasuotan, pagkain, at iba pa para sa taon.
Halimbawa:
The World Almanac

Atlas

Isang aklat na kakikitaan ng mga impormasyong pang-heograpiya tulad ng


koleksiyon ng mga mapa ng iba’t ibang bansa at kontinente sa mundo. Sa panahon ng
makabagong teknolohiya ay popular na nagagamit ang mga interaktibong mapa tulad
ng Google Map o Google Earth kung saan makikita hindi lang ang mga direksiyon
kundi ang eksaktong itsura ng lugar kasama ang mga tunay na gusali, anyong-lupa,
anyong-tubig, at iba pang kalagayan ng lugar. Naituturo rin nito sa mga tao ang daan
papunta sa mga lugar.

Halimbawa:
World Atlas

Encyclopedia

Aklat o mga aklat na kakikitaan ng mga detalyadong impormasyon tungkol sa


iba’t ibang paksa. Ang mga paksa ay nakaayos nang paalpabeto. Kung noo’y tanging
mga nakalimbag na encyclopedia lang ang nagagamit na sanggunian, ngayo’y
makakukuha na ng impormasyon sa mga online encyclopedia at ang kabutihan nito’y
na-a-update nang madalas ang online kaya mas bago ang mga impormasyong taglay
nito.

Halimbawa:
World Book Encyclopedia, Collier’s Encyclopedia

Pahayagan o Diyaryo

Isa ring mabuting pangkalahatang sanggunian ang mga pahayagan o diyaryo


dahil dito mababasa ang mga pinakasariwang balita at impormasyon. Araw-araw kasi
ang paglalathala ng mga diyaryo kaya’t mabilis na niuulat ang mga pangyayari sa
kapaligiran. Tulad ng iba pang pangkalahatang sanggunian, may online version na rin
ang mga diyaryo na mababasa kung ikaw ay may koneksiyon sa Internet.

4
Halimbawa:
Manila Bulletin, Philippine Star, Periodico

*Iba pang maaaring pagkunan ng impormasyong at kaalaman

Internet – isang teknolohiyang maaaring pagkunan ng maraming kaalaman sa tulong


ng network ng mga kompyuter sa buong mundo.

Mapa – isang palapad na drowing ng mundo o bahagi nito

Globo – isang replika ng mundo

Pagkuha ng Mahahalagang Tala o Impormasyon Buhat sa


Binasang Teksto
Mahalagang maunawaan ng isang bata ang kanyang binabasa dahil mula rito’y
maaari siyang makakuha ng mahahalagang tala. Makatutulong sa isang batang tulad
mo ang pagsasagawa ng sumusunod para higit mong maunawaan ang binabasa:

1. Kilalanin ang mahahalagang kaisipang taglay ng binabasa. Karaniwang ang


bawat talata ay may tinatawag na paksang pangungusap. Ito ang
pangungusap na nagbubuod sa mahalagang kaisipang taglay ng binabasa.
Ang iba pang pangungusap sa talata ay mga detalye o suporta sa paksang
pangungusap. Makatutulong ang pagtatala o pagkilala sa paksang
pangungusap at mga detalyeng sumusuporta rito.

2. Huwag gawing tuloy-tuloy ang pagbasa ng isang mahabang teksto.


Makabubuti kung hati-hatiin ito sa mas maliliit na bahagi. Pagkabasa ng
isang bahagi ay huminto sandal at tiyaking naunawaan mo at malinaw na sa
iyo ang bahaging binasa mo. Ibuod ang binasang bahagi sa sarili mong salita
upang mapatunayang nauunawaan mo ang nilalaman nito.

3. Ang isa pang dapat mong itala ay ang mga salitang ginamit sa binasa na
hindi mo lubos na naunawaan. Makatutulong ang paggamit ng diksiyonaryo
para malaman ang ibig sabihin ng mga salitang ito. Kung may internet
connection ay maaari rin itong magamit sa pagkuha ng kahulugan ng salita.

4. Kung akdang pampanitikan ang binabasa ay makatutulong ang pagtatala ng


mahahalagang detalye tulad ng kung sino-sino ang mga tauhan, saan at
kalian ang tagpuan, kailan nagsimula ang akda, anong suliranin o problema
ang hinarap at nilutas ng bida, at kung paano nagwakas ang akda.

5. Kung isang balita o artikulo naman ang binabasa ay makatutulong din ang
pagtala ng mga sagot sa 5W’s and H o mga tanong na sino (who), ano (what),
kailan (when), saan (where), bakit (why), at paano (how).

5
Gawain 1: Nakagagamit ng pangkalahatang sanggunian ayon sa pangangailangan

Panuto: May takdang-aralin ka o naghahanda ka para sa isang ulat para sa iba’t ibang
asignatura sa paaralan. Alin sa mga pangkalahatang sanggunian ang
gagamitin mo upang makatulong sa iyong ginagawa? Piliin ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Takdang-aralin mo ang tungkol sa pagkilala sa lahat ng bansang nasa


ekwador. Anong sanggunian ang gagamitin mo?
A. Atlas
B. almanac
C. diksiyonaryo
D. diyaryo o pahayagan

2. Gusto mong malaman ang petsa kung kailan magkakaroon ng meteor shower
sa taong ito dahil idadagdag mo ito sa ulat na binubuo mo. Anong
sanggunian ang gagamitin mo?
A. Atlas
B. Almanac
C. Encyclopedia
D. Pahayagan o diyaryo

3. Kailangan mong malaman ang mga pangunahing balita para sa isang


balitaang isasagawa ninyo sa paaralan bukas. Anong sanggunian ang
gagamitin mo?
A. Almanac
B. Diksiyonaryo
C. Diyaryo
D. Encyclopedia

4. Kailangan mong manaliksik ukol sa buhay at mga obra-maestra ng mga


dakilang pintor sa mundo. Anong sanggunian ang gagamitin mo?
A. Atlas
B. Diyaryo
C. Diksiyonaryo
D. Encyclopedia

5. Bahagi ng aralin ninyo ang mga kontinente. Kailangan mong malaman kung
alin sa mga ito ang pinakamalawak at kung alin-aling bansa ang nasasakop
nito. Anong sanggunian ang gagamitin mo?
A. Atlas
B. Almanac
C. Diksiyonaryo
D. Encyclopedia

6
Gawain 2: Antas ng Iyong Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang balita tungkol sa isang kabataang Pilipinong
nagtagumpay sa pinili niyang isport sa kabila ng isang hadlang.

Michael Christian Martinez,


Nag-iisang Pinoy na Kalahok sa 2014 Winter Olympics

Si Michael Martinez, labingwalong taong gulang at tubong Paranaque City ay


ang kaisa-isang kalahok mula sa Timog-Silangang Asya sa 2014 Winter Olympics na
ginanap sa Soschi, Russia noong Pebrero 7-23, 2014. Si Michael ay nagtanghal
kasama ang iba pang skater mula sa 21 bansa sa mundo. Nagtapos siya sa
panlabinsiyam na puwesto, isang malaking karangalan para sa isang kalahok na
nagmula sa isang bansang tropical o bansang walang niyebe.
Nagsimula sa isport na figure skating si Michael noong siya’y siyam na taong
gulang. Ito lang kasi ang isport na sa tingin niya’y kakayanin ng isang batang may
asthma na tulad niya. Noong una’y sinusumpong pa rin siya ng kanyang asthma dahil
sa lamig ng rink subalit pagkalipas ng isang taon ay napansin niyang bumubuti na ang
lagay ng kanyang kalusugan at bihira na siyang sumpungin ng asthma. Dahil dito’y
sinuportahan na siya nang todo ng kanyang nanay dahil para sa kanya’y mas mabuti
na raw na gastusin ang pera sa figure skating kaysa sa ospital.

Panuto: Kumuha ng tala mula sa binasa para masagot ang sumusunod na mga
tanong.

1. Sino ang tinutukoy ng balita?


____________________________________________________________

2. Ano ang sinasabi ng balita tungkol sa kanya?


____________________________________________________________

3. Kailan ito nangyari? ________________________________________

4. Saan ito nangyari? _________________________________________

5. Bakit maituturing na isang malaking tagumpay ang nangyari kay Michael?


____________________________________________________
______________________________________________________________

6. Paano niya napagtagumpayan ang kalagayang pangkalusugan na noong una’y


tila hadlang sa kanyang pangarap?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

7
I. Panuto: Upang matiyak ang iyong pang-unawa sa teksto, basahin ang isang
pangyayari at sagutin ang mga kasunod na tanong sa iyong sagutang papel.

Usong-uso sa lugar ni Waren ang tayaan ng iba’t ibang laro. Talagang ayaw
niyang tumaya. Hindi niya gusto ang anumang bisyo. Bukod sa masamang ugali para
sa kanya ang pagsusugal, lagi niya pang naaalala ang pangaral ng kanyang mga
magulang. Ngunit ng sunod-sunod na ang nanalo sa kanyang mga kaibigan, parang
natutukso na ring siyang tumaya.

Kahit niyayaya siya ng kanyang mga kaibigan ay hindi siya nagpatinag.


Iniwasan niya na lang ang kanyang mga kaibigan kapag sila ay tumataya. Binaling ni
Waren ang kanyang atensyon sa ibang makabuluhang bagay at sa pag-aaral sapagkat
alam niyang ang pera ay kailangang pagsumikapan para makuha.

Mga tanong:
1. Ano ang naging libangan ng mga tao sa pangyayaring iyong binasa?
A. pagsisimba
B. pagtatanim
C. paglalaro ng basketball
D. tayaan ng iba’t ibang laro

2. Anong ugali meron ang kanyang mga kaibigan?


A. mahilig mag-aral
B. mahilig sa pagsusugal
C. mahilig makipag-away
D. mahilig sa paglalaro ng online games

3. Ano ang pagsusugal para kay Waren?


A. Masamang bisyo
B. Masarap na bisyo.
C. Marangal na gawain
D. Napakainam na bisyo.

4. Anong klaseng bata si Waren?


A. tamad mag-aral
B. suwail at pasaway
C. may sariling desisyon
D. sumusunod sa pangaral ng magulang

5. Kung kayo si Waren, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?


A. Oo, sapagkat iyon ang tama.
B. Oo, kapag binibigyan ako ng balato.
C. Oo, para ako ang bida sa mata ng lahat.
D. Hindi, dahil gusto kong magkapera agad.

8
II. Panuto: Basahin ang mga tanong at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
6. Anong aklat o babasahin na karaniwang unang binabasa upang makakalap ng
mahahalagang detalye tungkol sa isang paksa?
A. Aklat
B. Internet
C. Sanggunian
D. Talahanayan

7. Ang sanggunian ay gumaganap sa mga sumusunod na tungkulin MALIBAN sa isa.


Ano ito?
A. Nagbibigay ng mga karagdagang impormasyon para sa mambabasa na
nagnanais na palawakin pa ang isang pananaliksik
B. Nagpapahalaga at nagbibigay ng kredit sa mga pinaghanguan ng mga ideya,
ilustrasyon, mga pahayag na hiniram o mga materyales na hinalaw.
C. Nagbibigay ng oportunidad sa mga mambabasa na alamin kung may
katotohanan ang mga nakalap na impormasyon ng isang mananaliksik
D. Naglalahad ng mga maling impormasyon at limitadong kaalaman, at walang
kredebilidad.

8. Anong aklat ang nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga punto


ng kawilihan, mga pangyayari sa isang bansa, palakasan, relihiyon, pulitika at iba pa?
A. Atlas
B. Almanac
C. Diksiyonaryo
D. Encyclopedia

9. Ano ang tawag sa lipon ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon tungkol
sa mga bagay-bagay at mga artikulo tungkol sa katotohanan? Naglalaman ito ng buod
ng impormasyon mula sa alinman sa lahat ng mga sangay ng kaalaman gaya ng
siyensiya, literatura, kasaysayan at iba pa.
A. Almanac
B. Atlas
C. Encyclopedia
D. Diyaryo

10. Alin sa sumusunod na aklat ang pinagkukunan ng kahulugan, baybay o ispeling,


pagpapantig, bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng salita, at nakaayos ito nang
paalpabeto?
A. Atlas
B. Almanac
C. Diksyunaryo
D. Encyclopedia

9
10
EPS-Filipino Teacher I – SEAG Elem. School
IRENE G. AJOC SHEILAH MARIE A. BUDIONGAN
Sinuri ni: Inihanda ni:
Pinagyamang PLUMA Wika at Pagbasa 6 pahina 77-79.
Pinagyamang PLUMA Wika at Pagbasa 4 pahina 29-31 at pahina 423-425.
Sanggunian:
Pagtataya Gawain 2: Mga posibleng sagot.
1. D 1. Ang tinutukoy ng balita ay si Michael Christian
2. B Martinez.
3. A 2. Siya ay isang pinoy at ang kaisa-isang kalahok
baba
4. D mula sa Timog-Silangang Asya sa ginanap na
5. A 2014 Winter Olympics.
6. C 3. Nangyari ito noong Pebrero 7-23, 2-14.
7. D 4. Ginanap ito sa Sochi, Russia
8. B 5. Malaking tagumpay ang nangyari kay Michael
9. C dahil nagtapos siya sa panlabinsiyam na
10. C puwesto, at hindi madali sa isang kalahok sa
larong skating na nagmula sa isang bansang
tropical o bansang walang niyebe.
6. Kahit na noong una’y sinusumpong siya ng
kanyang asthma dahil sa lamig ng rink,
pinagpatuloy pa rin niya ang paglalaro ng
Gawain 1: skating hanggang paglipas ng isang taon ay
bumuti na ang lagay ng kanyang kalusugan at
bihira na siyang sumpungin ng asthma.
1. A
2. B
3. C Pagganyak (mga
posibleng sagot) Panimulang Pasulit
4. D
5. A 1. Diksyunaryo
1. B 6. C
2. Atlas
2. D 7. TAMA
3. Almanac
3. D 8. TAMA
4. Encyclopedia
4. B 9. MALI
5. Diyaryo /
5. B 10. TAMA
Pahayagan

You might also like