You are on page 1of 1

Kay raming nag bago at nagulantang sa pagdating ng pandemyang Covid-19.

Bago pa man
magsimula ang COVID-19, nakakapasok ako o tayosa eskwelahan, nagagawa ng maayos ang lahat ng
mga dapat gawin at mas madaling gumalaw o pumunta sa kung saan saan ng walang oras kang iniintindi
at walang pinagbabawal. Subalit ng dumating ang pandemyang ito hindi ko maitatanggi sa aking sarili na
sobrang hirap nangpatinginag daan na ang dating masaya, maayos na nakakalabas o nakakagalaw, at
nakakapasok sa eskwelahan ay nagbago dahil nanatili na lamang ako o tayo sa bahay at nag karoon na
ng limitasyon at naging kontrolado na.

Ako po si Maria Divine F. Divino, 14 na taong gulang at nakatira sa Zone 4 Brgy. Fort Bonifacio
Taguig City. Ang mga naging karanasan o nagbago nang magkaroon ng dumating ang pandemya na ito
dahil sa sakit na kumakalat ngayon maraming nagbago sa ating mundo kagaya namin bilang isang mag
aaral ay nagbago ang sistema ng pagpasok sa paaralan hindi gaya ng dati na maagang gigising para
maghanda papuntang eskuwelahan na hindi gaya sa ngayon na gigising ng maaga para maghanda sa
bagong pamamaraan ng pag aaral gaya ng pagpasok sa makabagong teknolohiya na gagamitan ng
internet connection o mas kilalang tinatawag na online class madaming bata ang hindi nakakasabay sa
makabagong teknolohiya ngayon dahil sa kakulangan sa pang load sa araw araw na pagpasok at sa
mahinang signal. Ngayong pandemya maraming nawalan ng buhay ng dahil sa sakit na kumakalat sa
ating mundo at maraming tao ang nawalan ng trabaho dahil ang mga kumpanya ay unti unting
nagbabawas ng mga empleyado sa kadahilanan na wala na pang sahod o kakulangan sa pagbigay ng
sahod. Sa ngayon maraming tao na ang nahihirapan o hindi na nakakain ng 3 beses sa isang araw dahil
hindi na sapat ang kanilang kinikita pera o maliit lamang ito kaya pinagkakasya na lamang ang maliit at
kakulangan sa pera pambili ng makakain sa pang araw-araw. Dahil sa kasalukuyang kumikitil at
mapamuksang kumakalat na sakit ngayon maraming nagbago sa takbo ng ating buhay ang dating
masaya ay nabahiran ng matinding kalungkutan. Dahil dito ang dating hilig o makagawian na nating
gawin ay hindi na natin magagawa sa kadahilanan na kailangan sumunod sa mga protokol na kanilang
pinapairal ngayon malungkot man pero kailangan natin itong sundin at gawin dahil para rin ito sa ating
kabutihan o kaligtasan. Simula ng ipatupad ang enhance community quarantine(ECQ) pinagbawalan ang
mga batang may edad 18 pababa sa paglabas ng bahay dahil delikado at baka madapuan ng sakit na
kumakalat Kaya ako bilang hindi kasali sa edad na nabinggit syempre nakakalungkot isipin na ganun na
sa halip ineenjoy ko ang pagiging isang dalaga hindi na iyon mangyayari. Siguro maeenjoy ko man siya
pero sa paraang teknolohiya, o panaginip ko nalang siya makikita, maabot o mararanasan. Sa madaling
salita hanggang pangarap nalang. NNgayonsa makabagong henerasyon ipinapatupad ang pag suot ng
facemask at faceshield sa tuwing lalabas at aalis ng bahay ng hindi gaya ng dati na malayang lumabas
ang mga tao na walang suot ng kung ano ano pero ipinatupad and pagsuot nito ay upang maging ligtas
at iwas sa sakit. Dahil sa pademyang bumalot ng takot at pangamba sa lahat ng mga mamayan sa buong
mundo na nag pamulat sa atin sa kahalagan ng buhay at pamilya sa panahon na hinaharap ng buong
mundo ang nakakatakot at nakakamatay na sakit na walang pinipiling estado ng buhay at edad ng tao.
Dahil sa banta ng panganib na dala ng pandemya kinakailangang maglockdown ng mga lugar upang
mapigilan ang pagkalat ng virus. Pero sa kabila ng lahat ng ito huwag nating gawing hadlang para
mtupad ang ating mga pangarap. Sabi ko nga sa sarili ko, Patuloy tayong lumaban para sa ating
magandang kinabukasan.

You might also like