You are on page 1of 5

Department of Education

Region III
Division of City Schools

ANGELES CITY SENIOR HIGH SCHOOL


Sta. Rita Street, San Ignacio Subd, Pandan, Angeles City e-mail
Address: angeles cityseniorh@gmail.com / Tel. No. (045) 304-4199
___________________________________________________________________________
GAWAING PAGKATUTO
FILIPINO SA PILING LARANG- TEKNIKAL-BOKASYUNAL

Pangalan: Pancho, John Patrick A. Lebel: Grade 12


Seksiyon: 12-Lourrence Petsa: Oct. 28, 2020

GAWAING PAGKATUTO
Panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t
ibang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal
(Ikaapat na Lingo)

PANIMULA

SUSING KONSEPTO
Ang pagsulat ay kabilang sa mga kasanayan ng komunikasyon. Ang mga kaisipang
mahirap bigkasin ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng pagsulat. Subalit ang
kasanayang ito ay hindi madaling matutuhan, kailangang may pormal na pagsasanay
ang sinuman sa loob ng paaralan. Sa modyul na ito tutulungan ka na magtamo ng
mga tiyak na kasanayang kaugnay ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin. Huhubugin ang
mabisang pakikipagugnayan mo sa pamamagitan ng panulat gamit ang wikang Filipino.
Magagamit mo nang lubos ang kakayahang matututuhan dito sa pagharap mo sa
larangang nais mong tahakin sa mga susunod na panahon.

Kasanayang Pagkatuto at Koda MGA LAYUNIN (MELCS)

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang :


Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal
CS_FTV11/12EP-0d-f-42
PAMAMARAAN
1

Panuto: (Mapanuring Pag-iisip)


Pag e
Ngayon, balikan natin sandali ang natutuhan mo sa Teknikal-Bokasyonal na
Pagsulat, pag-isipan natin ang kahalagahan nito sa panahong
kinapapamuhayan natin sa kasalukuyan.

Ang Teknikal-Bokasyonal na Sulatin


Ang teknikal- bokasyonal na sulatin ay nangangailangan ng masusing paghahanda at
pananaliksik upang maipahayag ito nang mabisa ayon sa pangangailangan ng
mambabasa. Ang pagsulat ay isa sa mga kasanayang sumusukat ng kahusayan sa
paggamit ng wika. Ito ay pormal na natututuhan sa paaralan sa patnubay ng mga guro.
Ang sulating teknikal ay isang obhektibong paraan ng pagpapahayag ng kaisipan. Ang
salitang Ingles na technical ay mula sa wikang Griyego na techne na ang katumbas ay
sining at kasanayan.
Ang sulating teknikal ay nagpapahayag sa isang paksa na nangangailangan ng
direksyon, pagtuturo at pagpapaliwanag sa mabisang paraan. Ito rin ay nagpapahayag
nang tuwiran, nagpapaliwanag sa pinakamadali at epektibong paraan ng pagtuturo at
paano ito maisasagawa. Ito ay pasulat na pakikipag-ugnayan na nakatutok sa
pangunawa ng mga mambabasa sa halip na kasiyahan sa pagbabasa sa pamamagitan
ng malinaw at tiyak na pananalita. Gumagamit ito ng kumbensyonal na istilo at may
sinusunod na anyo. Dinesenyo upang itala at ipaliwanag sa pinakamadaling paraan
ang paggamit ng isang kasangkapan. Ang sulating teknikal ay mabisang instrumento
sa paghahatid ng isang ideya, pananaw, obserbasyon, instruksyon at mungkahi sa
pamamagitan ng lohikal at teknikal na paraan.
(

Gawain 1. Panuto: PANIMULANG PANANALIKSIK: Magsasagawa ng panimulang


pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
teknikal- bokasyunal : Manwal, Liham- Pangnegosyo, Promo Materials, at Flyers/
leaflets

Anyo ng sulating teknikal-bokasyunal

Sulatin ukol sa isang produkto

Nasaliksik

Manwal

Ang manwal o manual sa ingles ay isang babasahin o manipis na aklat na kalimitang


pinagkakalooban ng mga hakbang upang gawin ng tama ang isang bagay.

Sa pagsulat ng manwal, mahalaga ang panatilihing tiyak sa kung para kanino ang manwal, sa
kung sino-sino ang gagamit nito.
2Page

https://www.coursehero.com/file/53826065/TEKNIKAL-BOKASYUNAL-NA-PAGSULATdocx
Anyo ng sulating teknikal-bokasyunal

Sulating interpersonal o Inter-Institusyonal

Nasaliksik

Liham pang negosyo

Ang liham pang-negosyo o “business letter ” sa english ay ang liham na nagmumula sa mga kompanya
tungo sa iba, o sa pagitan ng mga umiiral na organisasyon sa kanilang mga kliente.
Kahulugan:
Ang liham pang negosyo ay dapat tiyal, maikli ngunit buong-buo, malinaw at magalang, isaalang-alang ang
kapakanan ng kapwa at wasto ang gramatika

https://www.scribd.com/document/384397814/Handout-3-Liham-Pangnegosyo

Sulatin pabatid-publiko at sulating promosyonal

Flyers/Leaflets

Anyo ng sulating teknikal-bokasyunal

Sulatin pabatid-publiko at sulating promosyonal


3

Nasaliksik
Pag e

Promo material
Ginagamit ito bilang pabatid sa mga okasyon o bilang talaan ng mga impormasyon tungkol sa isang
bagong kainan, pasyalan o produkto, at ibang patalastas

Sigurado ang mga impormasyon at may direktang patutunguhan ang bawat salita, Hindi maligoy, May
katanungan at kasagutan, Ang mga biswal ay may ibat ibang hugis at desinyo at Makulay
https://www.scribd.com/presentation/327377301/Flyers-Leaflets-At-Promotional-Materials

Ang mga flyer/leaflet ay kadalasang inililimbag saisang pahina lamang. Kalimitang


ginagamit ang mga ito bilang Handout, ipinamimigay upang maipakilala ang isang produkto
o taong ikinakampanya.

Sigurado ang mga impormasyon at may direktang patutunguhan ang bawat salita.

https://www.scribd.com/presentation/327377301/Flyers-Leaflets-At-Promotional-
Materials

Gawain 2. Panuto: PAG-ARALAN ANG GINAWANG PANIMULANG PANANALIKSIK SA


ANYO NG SULATING TEKNIKAL-BOKASYUNAL: Sa iyong nagawang panimulang
pananaliksik tungkol sa mga anyo. Alin dito ng sulating teknikal-bokasyunal sa palagay
mong kadalasang ginagawa ng mga mag-aaral. Bakit?

Sa tingin ko ay ang kadalasang ginagamit ng mga mag aaral ay ang manwal dahil sa pag gamit ng
bagay bagay ay ginagamit ang manwal upang malaman kung ano ang mga pinagkakalooban ng mga
hakbang upang gawin ng tama ang isang bagay.

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Paano makatutulong sa iyong napiling strand ang kaalaman mo sa katangian ng
teknikal-bokasyunal na sulatin, anyo at target na gagamit nito? Sagutin sa kwaderno
ang tanong.
Makakatulong ang aking mga natutunan dito sa aking strand dahil nagdagdagan ang
aking kaalaman ukol sa mga anyo ng teknikal-bokasyonal na sulatin gaya manwal,
liham pang negosyo, promo material at flyers/leaflets.
Sanggunian
https://slideplayer.com/slide/6357625/ https://slideplayer.com/slide/5676262/ Madrid, M.M.M.
(May 3, 2012). Retrieved on May 26, 2020 from
https://www.slideshare.net/MariaMarthaManetteMadrid/technical-writing12786836. Taylan,
Dolores R., et. al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Manila: Rex Book Store. (Oct. 26, 2018). Best Uses of Technical Writing. Retrieved on May
26, 2020 from Acadecraft Inc. https://www.acadecraft.com/blog/uses-of- technical-writing/.
(June 26,
2017). Teknikal Bokasyonal na Sulatin. Retrieved on May 26, 2020 from
https://teknikalbokasyonalnasulatin.wordpress.com/2017/06/26/first-blogpost/.
4
Pag e
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jeriny G. Dacanay
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD
Tagaguhit: Jamil Q. Carvajal
Tagalapat: Lorena S. Club Tagapamahala: Maria Magdalena M.
Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod Aida
H. Rondilla,
Puno ng CID Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay
sa ADM

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1 . Iba-iba ang mga nasaliksik sa mga anyo ng teknikal-bokasyunal
Gawain 2 . Iba-iba ang sagot
REPLEKSYON.Iba-iba ang masusulat na repleksyon sa pananliksik

5
Pag e

You might also like