Sa mga bulubundukin ng Timog Cotabato ay naninirahan ang
isang pangkat- etnikong kung tawagin ay T’boli. Mapayapa sila at di mapaghinala sa mga dayuhan. Sila ay may sariling kalinangan at paraan ng pamumuhay. Mapalamuti at makulay ang kanilang kasuotan. Ang hikaw, kuwintas, at makulay na make-up ay pahiyas ng kanilang katauhan. Sa lahat ng mga tribu sa Pilipinas, ang T’boli ay maaaring hirangin bilang isa sa may pinakamakulay sa kasuotan at hiyas at katawan. Mga Katanungan: 1. Ano ang layon ng tekstong binasa? 2. Kung ikaw ang magsusuri sa tekstong binasa, ano ang katangian o nilalaman ang meron sa teksto? 3. Ano-ano ang mga kaisipang nakapaloob at nais ipahiwatig ng teksto? 4. Bakit mahalaga ang halimbawang ito ng tekstong deskiptibo sa sarili at sa daigdig? 5. Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa teksto? Paano mo ito nasabi? 6. Ibigay ang espesipiko at eksaktong paksa ng teksto. (Suportahan ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagpapaliwanag.) 7. Anong aral ang gusto mong maipahayag sa mga kabataan, base sa katangian na meron ang T’boli tribe?