You are on page 1of 2

AUDREY BRENTH C.

RAMILO

BSC-1103
Corona Virus

Ang sakit na Coronavirus (COVID-19) ay isang nakakahawang sakit na sanhi ng isang


bagong natuklasang coronavirus. Karamihan sa mga taong nahawahan ng COVID-19 na virus ay
makakaranas ng banayad hanggang katamtamang hirap sa paghinga at gagaling nang hindi na
nangangailangan ng espesyal na paggamot. Ang mga matatanda, at ang mga may problemang
medikal tulad ng sakit sa puso, diyabetes, malalang sakit sa baga, at cancer ay mas maaari na
magkaroon ng malubhang karamdaman. Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan at
mapabagal na pagkalat ay mabigyan ang iba ng kaalaman tungkol sa COVID-19 na virus, ang sakit
na sanhi nito at kung paano ito kumakalat. Protektahan ang iyong sarili at ang iba pa mula sa
impeksyon sa pamamagitan ng paghuhugas ng iyong mga kamay o paggamit ng alkohol at kuskusin
ng maayos at wag hawakan ang iyong mukha. Mas kumakalat ang virus ng COVID-19 sa
pamamagitan ng mga patak ng laway o paglabas mula sa ilong kapag ang isang taong nahawahan
at ito ay umuubo o bumahing sa iyo, kaya't mahalaga na magsanay ka rin ng etiquette sa pagbahing
halimbawa, sa pamamagitan ng pag-ubo sa isang baluktot na siko. Sa paraang ito ay hindi ka
makakatalsik ng iyong laway sa iba kung ikaw man ay meron ng virus.

Ang kadalasang sintomas ng virus na ito ay lagnat, ubong walang plema o dry cough, at
pagod. Ang mga hindi naman gaanong karaniwang sintomas ay ang mga pananakit ng parte ng
katawan, pagsakit ng lalamunan, pagtatae, pamumula ng mata, pananakit ng ulo, kawalan ng
panlasa o pang-amoy, at pagkakaroon ng pantal o kawalan ng kulay ng daliri sa kamay o daliri sa
paa. Ang mga malubhang sintomas naman nito ay kahirapan sa paghinga o paghabol sa hininga,
sumasakit ang dibdib, at pagkawalang abilidad gumalaw o makapagsalita. Mas mainam na tumawag
agad sa ospital o pumunta sa ospital kung ikaw ay nakakaranas ng malubhang sintomas upang
masuri kung positibo ka nga sa virus na ito at maagapan agad ito. Para naman sa mga taong
nakakaranas ng karaniwang sintomas nito ay mas mabuting idistansya muna ang sarili sa mga
nakapaligid sa kanya at panatilihin ang sarili na malusog upang malabanan ang virus at hindi na
lumala pa ito. Upang malaman na ang isang tao nga ay positibo sa virus na ito ay aabutin ng 14 na
araw bago Makita ang resulta kung ito ng aba ay nagpositibo sa nasabing virus. Kung lumalala
naman ang mga sintomas sa loob ng 14 araw na ito ay dalhin agad ito sa ospital.

Para maiwasan ang inpeksyon o ang mabilis na pagkalat ng virus ay mainam na sundin
ang payo ng Department of Health. Ugaliing linisin ang kamay ng tubig at sabon tsaka maglagay ng
alcohol. Panatilihin ang pagdistansyang isang metro sa ibang tao kung ikaw ay nasa mataong lugar.
Iwasan ang palaging paghawak sa iyong mukha. Takpan ang bibig at ilong kung ikaw ay
nababahing. Manatili sa bahay kung hindi maayos ang iyong pakiramdam. Iwasan din ang mga
bagay na maaaring maging dahilan ng pagkahina ng iyong baga. Pagkauwi galling sa labas ay
maligo kaagad at magpalit ng damit. Ang mga ito ay malaking bagay na upang maiwasan ang
pagkalat ng virus.

You might also like