Isang mapagpalang araw ang aking bati sa lahat, ako si Jerald P. Talimudao na naglalayong gamitin ang oportunidad na ito para talakayin ang mga paraan upang mailigtas ang bayan sa pandemya.
Tahimik ang nagpapahingang mundo ngunit sa likod ng katahimikan maririnig
ang hinaing ng karamihan. Maraming buhay na ang binawian, lahat ay nababahala lahat ay nangangahamba, lahat ay nagtatago saka lamang nagkikita. Nakasanayang mundo’y pilit na ibinabalik. Ang nakasanayang naging delekado na at mas piniling pintuan at bintana ay isara para mailigtas ang buhay natin sa mundong malaki ang pinagbago. “Maging matatag, maniwala sa kung sino ka; maging matatag, maniwala sa nararamdaman mo” ito ay katagang mula kay Melisa Ethcridge. Tayo’y maging matatag ngayon sa ating kinakaharap na pandemya, maging positibo sa lahat ng bagay na sa panahong ito ay malalampasan din natin ang pagsubok na ibinigay sa ating buhay. Ako, ikaw, tayo, bilang isang kabataan at mamamayan ay tayo ang unang naaapektuhan ng epidemyang kinakatakutan ng ating bayan. Gusto ko sanang ilahad sa inyo na mahalaga ang pagsunod sa mga awtoridad dahil sila ang may mas alam ng mga bagay-bagay ngayong may pandemya. Mahalaga and pagsunod sa mga patakaran dahil malaki ang maitutulong nito upang maibaba at maiwasan ang bilang ng mga positibo sa Covid-19. At sa mga nagrereklamo at lumalabag sa mga kautusan, naway malaman ninyo ang mga karampatang parusa sa paglabag. Kaya mas piliin nating sumunod sa ating mga awtoridad sapagkat pinag-aralan nila ang kanilang gawain at ipanatutupad na mga patakaran upang mailigtas ang ating buhay sa pandemya. Gusto ko rin sanang sabihin na irespeto at igalang ang bawat isa. Bigyang pansin ang mga taong nangangailangan sa pamamagitan ng simpleng pagtulong man lamang. Sakasalukuyan ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga natatamaan ng nasabing pandemya. Paano ba ito maiiwasan at mapapanatiling buhay tayo sa panahon ito? Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang karamdaman ay dapat iwasan na malantad sa virus na ito. Magsanay ng simpleng kalinisan. Ugaliin din na maghugas ng iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo. Iwasan ang maraming tao at ang mga lugar na walang gaanong bentilasyon. Iwasan ang malapit na pakikipag-ugnay o magkaroon ng 5 hanggang 6 na talampakan ang layo sa mga taong iyong nakakasalamuha at kahit na hindi sila mukhang may sakit. Ang ilang mga tao na walang sintomas ay maaaring maikalat ang coronavirus kaya’t magsuot po tayo ng facemask at pananatili sa loob ng bahay na ipinaiigting na protocol ng pamahalaan. Malaki din ang maitutulong sa pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine upang maiwasan ang pagkakaroon ng malubhang sakit kahit na magkaroon ka man ng Covid-19. Nais ko iparating sa inyo na ang ating buhay ay napakahalaga. Sana ay magtatak sa inyong isipan ang mga patakaran at ang ating kaligtasan. Kahit sa hirap ng buhay ay isipin nating malalampasan nating ito at inyong bigyang pansin ang ating karapatan na hindi ito malabag sa mga pagpapatupad ng mga polisiya. Naway magkaisa tayo at iangat ang mga kapwang nahihirapan sa sitwasyong hindi natin inaasahan.