You are on page 1of 4

NOONG TAONG 1955 sa NAYON NG QUEZON, nakatira si Rosana

na kinahuhumalingan ng mga kalalakihan marahil sa taglay nitong


ganda sa panlabas at nakakapukaw din ng atensyon ng karamihan
ang kaniyang kulay pulang buhok. Kapag may dumadalaw sa kaniya
na binata ay agad niya itong inaayawan, SINISIGAWAN at TINATARAYAN
niya ang mga ito. Tuwing may nanghaharana SA TAPAT NG KANILANG
BAHAY ay pinapatigil niya ito. Sadyang kakaiba ang kagandahan ni
Rosana kaya kahit na hindi maganda ang kaniyang pag-uugali ay
iniidolo pa rin siya ng ilang kababaihan at mga binata sa kanilang
lugar. Sikat din si Rosana sa kanilang lugar dahil siya ang anak ng
sobrang bait at matulungin na kapitan sa kanilang BARANGGAY na si
Kapitan Robert.

ISANG ARAW, si Rosana ay pinapunta ng kaniyang tatay


SA BALON upang kumuha ng tubig panligo at pang-hugas ng pinggan.
Sa hindi kalayuan ay natanaw ni Rosana ang isang lalaking madungis,
marumi, at uugod ugod maglakad. Nang makalapit ang lalaki sa
kaniya ay agad na napangiwi si Rosana dahil sa masangsang nitong
amoy. Nais lamang manghingi ng lalaki ng maiinom sapagkat siya'y
nauuhaw ngunit pilit siyang itinaboy at sinigawan nang MALAKAS ni
Rosana, “Ang panget panget mo, ang baho baho mo, mandiri ka nga sa
sarili mo". Nadismaya ang lalaki dahil sa inasal ni Rosana kaya
umalis ito at MAYA MAYA lamang ay bumalik ito kay Rosana na iba na
ang anyo. NANLAKI ANG MATA ni Rosana dahil sa gulat na may diwata
sakaniyang harap at akala niya siya ay nanaginip "Rosana, ikaw ay
inaalisan ko ng karapatan bilang isang maging tao at isunusumpa ko
na maging isang bulaklak. Ang iyong pisikal na kagandahan ay
magiging parang isang rosas, sing puti ng iyong kutis, sing kalimbahin
(pink) ng iyong labi, sing pula ng iyong buhok. Subalit ang kapalit
nito'y malupit, may tinik na siyang nakapaligid sa iyong katawan,
simbolo ng kasamaan ng iyong kalooban, ika'y iibigin sa malayuan
ngunit ikaw ay aayawan sa malapitan." ani ng diwata sa MALALIM at
nakakatakot na boses.

DAHAN DAHANG naging isang bulaklak si Rosana. Nawala si


Rosana kaya siya ay hinanap ng kaniyang mga magulang. Pagkaraan
ng ISANG LINGGO ay mayroon silang nakitang isang mapula at
magandang bulaklak SA TABI NG KANILANG BAHAY. Malakas ang
paniniwala ng mga magulang ni Rosana na siya ay naging bulaklak.
Labis na nalungkot ang mga magulang ni Rosana kaya inalagaan nila
ang bulaklak na ito sa pamamagitan ng ARAW-ARAW na PAGDIDILIG.
Pinangalan nila ang bulaklak na Rosana ngunit sa PAGLIPAS NG
PANAHON ang pagsalit-salit sa pangalan nito ay ang naging
katawagan na dito ay "ROSAS".
ARAL NG KUWENTO: Huwag agad husgahan ang taong nasa paligid mo dahil lahat ng
sinasabi mo ay maaaring bumalik sayo. Laging tumulong nang bukal sa damdamin,
magbigay nang ayon sa kakayahan, pakainin ang mga nagugutom, at bigyan ng inumin
ang mga nauuhaw dahil ang kagandahan at kabutihan ng puso ay hindi mahihigitan ng
pisikal na kagandahan.

MGA PANG-ABAY NA GINAMIT


PANG-ABAY NA PAMARAAN:
SINISIGAWAN
TINATARAYAN
MALAKAS
NANLAKI ANG MATA
MALALIM
DAHAN DAHANG
PAGDIDILIG

PANG ABAY NA PAMANAHON:


NOONG TAONG 1955
ISANG ARAW
ISANG LINGGO
PAGLIPAS NG PANAHON
MAYA MAYA
ARAW ARAW

PANLUNAN
SA NAYON NG QUEZON
SA BALON
SA TABI NG KANILANG BAHAY
SA TAPAT NG KANILANG BAHAY
BARANGGAY

You might also like