matandang mangingisda. Siya ay mahirap at umaasa lamang sa kaniyang hanapbuhay sa tubig. Lagi nang kinakapos ng pagkain ang kaniyang asawa at tatlong anak. Araw-araw siya ay nangingisda sa dagat. Siya ay may isang pamahiin, at ito’y paghulog ng lambat nang hindi hihigit sa makaapat sa loob ng isang araw. Isang umaga, madilim-dilim pa, ay lumakad na siya uoang mangisda, Ang nahuli ng kaniyang lambat sa unang paghuhulog ay isang patay na buriko, sa ikalawa ay isang latang puno ng buhangin at sa ikatlo ay mabibigat na bato, kabibi, at burak. Lungkot na Lungkot ang mangingisda. Nagdasal siya at pagkatapos ay hinulog na muli ang lambat. Nagalak siya sapagkat nang binabatak na niya ito ay napansin niyang hindi karaniwan ang bigat. Ipinalagay niya sa sarili na marami siyang huling isda. Nang mailahon niya ang lambat ay Nakita niya ang malaking pasong tanso na may takip na tingga.
“Ipagbibili ko ito sa panday”, ang
natutuwang sinabi niya, “at ang salaping mapagbibilhan ko ay ibibiii ko ng mais para sa aking pamilya”. Kinuha niya ang tansong paso, sinuri niya, at inalog ngunit wala siyang narinig. Sa kaniyang palagay ay may mahalagang laman ito. Kinuha niya ang lanseta at binuksan ang paso. Ilang sandal niyang minasdan ang paso ngunit himala! Bigla siyang napaurong nang makita niyang lumabas ang napakakapal na aso na umabot hanggang sa ulap. Kumalat aso hanggang sa laot at pagkatapos ay unti-unting nabuo. Nagulumihanan ang mangingisda nang makita niyang ang aso ay naging higante. Ang sabi nito sa isang nakakagimbal na tinig, “Lumuhod ka sa harap ko at magmakaawa; kung hindi ay papatayin kita.” Kinilabutan ang mangingisda, ngunit naglakas -loob siyang magsalita: “Sa anong dahilan at ako’y papatayin mo? Hindi mo ba nalalamang ako ang nagpakawala sa iyo, at ako ang nagbigay ng Kalayaan mo?” “Nalalaman ko, ngunit hindi magiging sagabal iyon para sa sakin upang ikaw ay patawarin ko. Bibigyan kita ng isang kahilingan lamang.” “Ano ang kahilingang nais mo sa akin? Ang tanong ng mangingisda sa higante. “ikaw ang pamimiliin ko sa paraan ng iyong pagkamatay. Wala na akong magagawa para sa iyo, at upang maniwala ka sa saking sinasabi ay making ka sa aking kasaysayan.” “Ako ay isang espiritu na naghihimagsik laban sa diyos. Inutusan ako ng haring Solomon anak ni David na propeta, na kilalanin ko ang kaniyang kapangyarihan at sumunod sa mgA utos niya. Ngunit ako ay tumanggi at hindi ko siya sinunod. Bilang parusa ay isinilid ako sa pasong tansong ito at tinakpan ng tingga na may tatak ng pangalan ng diyos. Pagkatapos ay tinapon ako sa dagat” “sa unang dantaon ng aking pagkabilanggo ay isinumpa kong magliligtas sa akin ay hahandugan ko ng kayamanan. Sa ikalawang dantaon ay bibigyan ko ng mahahalagang hiyas. Sa ikatlong dantaon ay ipinangako kong ang humingi sa akin ng tatlong kahilingang nais niya. Ang tatlong dantaon ay nagdaan nang walang nakapagligtas sa akin. Dahil diyan, Sa malaking galit ko ay isinumpa kong sinumang magliligtas at magpalaya sa akin sa pagkabilango ay papatayin ko, at ang tanging maihahando kong kabutihan sa kaniya ay bigyan siya ng karapatang pumili ng sariling kamatayan. Sapagkat ikaw ang nagligtas sa akin, ngayon ay kailangang sabihin mo kung paano kita papatayin.” Ang mangingisda ay nahintakutan. Kinilabutan siya sa malaking takot hindi para sa kaniyang sarili kundi dahil sa maiiwan niyang mga anak at asawang siya lamang inaasahan sa buhay. Ang kaniyang samo,”Mahabag ka sa akin, alalahanin mong ako ang naging dahilan ng iyong kaligtasan. Alamin mong ako ay may apat na kaluluwang mauulila at maaring masawi.” “Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon. Ang lahat ng pangangatwiran mo ay walang halaga para sa akin. Dalian mo. Pumili ka ng gusto mong kamatayan. Hala, isipin mo ang lalong maligayang kamatayang hihilingin mo.” Ang mangingisda ay nag-isip. Nababatid niyang ang higante ay hindi mahahabag sa kaniya dahil sa marahas at matitigas na pangungusap nito. “Sapagkat wala na akong kaligtasan ay hindi na ako tututol sa aking kapalaran. Bago ko sabihin sa iyo ang paraan ng aking kamatayan ay hinihiling ko sa ngalan ng diyos, na sagutin mo lamang ang isang katanungan.” “itanong mo na kahit anong nais mo. Ngunit sandal lamang.” Ang tugon ng higante. “isinusumpa mo ba sa ngalan ng diyos na ikaw ay talagang galing sa pasong ito ay maliit at alam mong ang paa mo lamang ay hindi maaring magkasiya rito. Paanong nagkasya ang buo mong katawan? “Isinumpa ko sa iyo na ako ay talagang galing diyan sa paso. Hindi ka pa ba naniniwala sa aking sinasabi?” “Hindi,” Tugon ng mangingisda. “Hanggang hindi ko nakikitang ikaw ay galling diyan, hindi mo ako mapapaniwala.” “Kung gayon ay tignan mo”, ang sabi ng higante. Ang higante ay mulong nagpaaso at unti-unting pumasok sa paso hanggang sa tuluyang mawala.
Ang ginawa ng mangingisda ay mabilis na
tinakip ang tinga ng paso at ang sigaw: ”Higante, ngayon naman ay ikaw ang humingi ng patawad.” Itatapon kita muli sa dagat at ako ay magtatayo ng bahay sa baybaying ito ng kung ang bilangguan mong paso ay makukuha, itatapon ka muli sa dagat. Iyan ang dapat sa iyo, walang utang na loob!”
Ang lahat ng pagsusumamo ay ginawa ng
higante. Ang mga pangako niyang kayamanan ay hindi dininig ng mangingisda.
“Ikaw ay napakataksil upang aking
paniwalaan. Ang aking buhay ay walang halaga kung pababayan pa kitang makalayang muli,” Ang tugon ng mangingisda. Pagkawika nito ng mangingisda ay muling inihagis ang pasong tanso sa gitna ng dagat, sabay nagwika: “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makakaraing sa patutunguhan.”