You are on page 1of 1

Pangalan:Ticsay, Kianna louis B.

Pangkat: HUMSS 11-PROMETHEUS

Petsa: January 28,2021

Panimulang pagbati: Dear Mama

Hi ma Nais ko pong sabihin sayo na salamat. Salamat dahil kahit gaano man po
kahirap malayo samen kinakaya mo po. Ma salamat sa lahat ng pag mamahal at sa
lahat ng pag hihirap mo samen para samen mag kakapatid alam ko naman po na
walang perpektong magulang at wala din pong perpektong anak nais ko pong humingi
ng tawad sayo alam ko naman po na madami po akong nagawang kasalanan
dumating na po sa point na masasagot kita kahit alam ko po na ako ang mali pero
sana ma mapatawad mo po ako sa mga pag kakamali ko hindi man po kita
nakasamang sa aking pag tanda pero lagi mo pong tatandaan na proud ako sayo na
ikaw po ang aking mama at lagi mo pong tatandaan ma mahal na mahal kita kahit
may hindi man po tayo pag kakaunawaan hindi padin po maalis saken na ikaw mama
ko sana ma maging proud ka po saken na kahit hindi mo naman po sabihin saken
ramdam ko naman po na mahal moko ramdam ko maman po na proud ka po saken
ma patawad po sa lahat kung madalas hindi ako nakikinig sayo kung madalas po na
pasaway ako ma ginagawa ko po best ko para balang araw masuklian ko lahat ng pag
hihirap niyo tutuparin ko po lahat ng pangako at panggarap mo para saken magiging
doctor po ako balang araw balang araw po masasabi ko na din sainyo na “Ma hindi
mo na po kailangan mag trabaho dahil tapos na ako sa akong pag aaral” Masasabi ko
din po sayo na “Ma eto po diploma ko para sainyo po lahat ng to” alam ko po ma
maraki ka po panggarap para samen mag kakapatid nais ko pong sabihin sayo na
susuklian ko lahat ng iyo nag papasalamat po ako sayo dahil kahit gaano man
kahirap ay kinakaya mo pasensya na po talaga ma kung napapasakit ko man po ang
iyong ulo minsan at kung napaka pasaway ko po na bata balang araw ma
makakasaka din po kita hindi mo na po kelangan mag pakalayo upang mapag aral mo
po kame proud na proud po ako sayo sobra mahal na mahal na mahal kita ma hindi
po ako mag sasawang sabihin yan sayo.

Bating Pangwakas:
Nag mamahal anak mong pasaway/Sakit sa ulo
Kianna Louis Ticsay(Future PH.D)

You might also like