You are on page 1of 1

Darlene B.

Suetos

MMLS 2-4

“Ang Naidudulot ng Lockdown sa isang Komunidad”

Sa panahon ng pandemya marami ang dapat na isa alang-alang para sa ikakabuti ng lahat.
Ang ating kalusugan ay dapat nating ingatan dahil hindi biro ang nangyayari sa atin ngayon. Ang
bagong birus na Covid-19 ay lumaganap sa buong bansa kaya tayo ay dapat na maging handa sa
mga posibilidad na mangyari. Maraming panuntunan ang nadagdag upang maiwasan ang
pagkakaroon nito katulad na lamang ng pagsusuot ng face shield at face mask, pagdadala ng
alcohol at pagkakaroon ng lockdown kapag dumadami na naman ang nagpopositibo ng Covid-19.

Lockdown sa isang solusyon upang maiwasan pa ang paglaganap ng birus sa ibang parte
ng bansa. May maganda at masamang dulot ang lockdown sa atin at uunahin ko na muna ang
magandang dulot nito. Una rito ay pagkakaroon ng oras sa pamilya. Noong panahon na malaya pa
ang lahat madami sa atin na tila ba na uubusan na ng oras para sa pamilya. Iba ay may trabaho,
nagaaral, gumagala, kaibigan at kung ano ano pa. Simula noong nagkaroon ng lockdown
nagkaroon tayo ng mas madaming oras sa isa't-isa. Pangalawa ay pagkakaroon ng sapat na pahinga
ang mga tao. Sa araw-araw na ginagawa natin nakakalimutan natin ang magkaroon ng sapat na
pahinga. Pangatlo ay pagkakaroon ng mga bagong hilig or libangan. Ang panghuli ay ang
pagkakaroon ng tinatawag na “self- reflection” o ang makilala pa ang sarili natin. Lalo natin na
kilala ang ating sarili. Na sisimulan na natin matuklasan at ating sarili. Sunod naman ay ang
masamang dulot niyo sa atin, maraming mga bawal katulad na lamang ng pag-alis alis sa buhay.
Isang tao lamang ang dapat na lumabas upang bumili ng kailangan sa bahay. Pagkawala ng trabaho
dahil na din sa pagsara ng ibang mga establisyemento. Ito ay ilan lamang sa mga bagay na
naidudulot ng lockdown sa ating komunidad. Ingatan ang ating kalusugan at higit sa lahat ay
sumunod sa mga tinatag na batas upang sabay sabay natin na malabanan ang Covid-19.

You might also like