You are on page 1of 3

Department of Education

Division of La Union
Parasapas National High School
Parasapas Rosario La Union

Cabutotan, Paul C. 12- HUMSS September 19, 2021

Filipino Sa Piling Larang Akademik


Performance Task

“Imulat ang mga Mata sa Katotohanan”

Natututo nga ba ang mga kabataan sa bagong sistema ng pag-aaral sa gitna ng pandemya?

O baka nama’y, ito’y nagdulot ng isang madilim na bangungot na tila mas nagpahirap sa bawat
isa?

Isang taon na ang nakalilipas ng tayo ay sumailalim sa community quarantine dahil sa


banta ng covid-19. Ang kahit na sino ay hindi naging handa sa pangyayaring ito. Ang lahat ay
nabahala at nagulat. at tiyak ang kaganapang itong ating kinakaharap ay magiging parte na ng
ating kasaysayan. Madami ang naapektuhan ng mapaminsalang dulot ng pandemyang ito at isa
na nga rito ang edukasyon. Naging madilim ang bawat silid, kisaming pinamahayan ng lawa, at
mga libro’t upuan na nabalot na ng alikabok. Mga silid-aralang natengga at wala ng
nagpapakadalubhasa ang maaaring pumasok upang palalimin pa ang pag-aaral. Madaming
naging agam-agam at naging usap-usapan ang lipunan sa kung paano sisimulan at isasagawa
ang bagong sistema ng pag-aaral. At isa nga ang nakitang solusyon upang maipagpatuloy ang
edukasyon sa likod ng pandemya ay ang Online learning kung saan gagamitin ang teknolohiya
at internet upang makatulong sa bawat talakayan. Oo nga’t maipagpapatuloy ang pag-aaral ,
subalit napakasakit isipin ang katotohanang maaaring marami ang mapag iiwanan sa
pamamaraang ito ng edukasyon. Tuluyan nga bang masusulosyunan ng online learning ang
suliraning ito? o mistulang isang pasakit ito sa mga mag-aaral maging sa mga guro? HATI-
HATIIN, HIMAY-HIMAYIN NATIN ANG APAT NA KATOTOHANANG AKING BABANGGITIN kung
paano at ano ang naging sitwasyon ng edukasyon sa loob ng halos isang taong pagkakabilanggo
sa kasinungaling natuto ako sa pamamarang ito.

Una, isang hindi maipagkakailang sitwasyon ang kakulangan ng gamit na teknolohiya at


kawalan ng access sa internet ng bawat mag-aaral. “Paano ako makasasabay sa klase, walang
internet sa bahay”, “Ate, kuya pahiram ng selpon, wala akong gagamitin”. “Ma, Pa! penge po
panload, wala pong load ang wifi”.”Maam, sir, pasensiya na po nakikihiram lang po ako ng
gamit”. Ilan sa palaging sambit ng mga mag-aaral na nagkukumahog makasabay sa bawat
talakayan. Ang katotohanang ito ay siyang nagpahina sa bisa ng online learning. Hindi lahat ng
mga mag-aaral ay nabibigyan ng pribelehiyong makagamit ng teknolohiya sa kanilang pag-aaral.
Paano nalamang ang mga mahihirap at walang kakayahang makabili ng mga kaasangkapang
ito? Hindi ba’t napakalaking dagok ang kanilang kakaharaapin upang maipagpatuloy at makamit
ang kahusayan at pagkatuto?

Pangalawa, ang nakakatawa subalit nakababahalang dulot ng masyadong pagkatutok at


pagkatambad ng bawat mag-aaral sa internet. Hindi lingid sa kaaalaman ng karamihan na
imbes ang mga takdang-aralin o ang mga gawain sa klase ang aatupagin ng mga mag-aaral aay
natutukso silang magpunta sa social media at doon nalang ibubuhos ang oras hanggang sa
tuluyan na silang walang nagawa. May pa “Promise, promise pa ngang nalalaman minsan ang
mga kabataan. “Saglit lang check ko lamang kung may nagreact sa post ko sa FB, hanggang hindi
na nagawa ang gawain sa klase.” “Manonood ng tutorial sa youtube para mas maunawaan ang
aralin, ngunit napupunta sa mga youtube channel nina zeinab harake, at maging ng Jamill”.
“Ma, pa, teka lang muna, may PE pa kami, subalit, Aba! TikTOK pa more teh”. At ang Malala,
pag tinawag sa recitation sa klase , ang lakas ng loob na sabihing “Request Back up, Initiate
RETREAT” Aba! Matindi! Buti hindi ka ma TRIPPLE KILL sa nanay mo pag nalamang naubos ang
data ng wifi niyo. Ang malala baka ma-defeat ang final grade mo sa klase. Ilan lamang iyan sa
nakakatawa at nakakabahalang epekto at sagabal sa online na paraan ng pag-aaral.

Pangatlo, paano masasabing naging mabisa ang online learning sa paghubog sa


kahusayan at karunungan ng mga mag-aaral? Halimbawa ng katotohanang paano matututunan
ng isang medical student ang tamang paggamit ng mga basikong pangmedikal na kasangkapan
gaya ng sphygmomanometer at stethoscope? Paano ang tamang pagturok ng injection? Kung
paano kumuha ng dugo? O anumang medical na proseso? Maging ang mga mag-aaral na
kumukuha ng kursong pagiging

inhenyero? Sa tingin niyo paano nila maipatatayo ang isang konkereto at matibay na gusali o
imprastaktura ng hindi ito nagigiba? Ganun din sa ibang kursong nangangailangan sana ng
pisikal na pag-aaral upang mas maituro ang kaangkupan at tamang proseso ng kanilang
magiging gawain pagkatapos mag-aral? Hindi ba’t itoy nakababahala?

At ang panghuli, pano nakatitiyak na sa pamamagitan ng online learning ay talaga ngang


mayoong natututuhan ang mga mag-aaral? wag na tayong magbulagbulagan sa katotohanang
hindi tayo natuto at natututo sa sistemang ito. Unahin natin ang bulok at hindi maitatangging
sistemang BIGAY ACTIVITY AT DEADLINE lamang. Magbibigay ang isang guro ng kaliwa’t-kanan
at patung-patong na modyul o babasahin ni hindi man lang nagbigay ng pagpapaliwanag
tungkol sa mga nakasaad sa mga aralin nito. Ni pagsagot sa mga katanungan ng mga mag-aaral
na nararapat lamang para sa kanilang hilaw na kaisipan ay hindi pa nila nagagawa? Wala tuloy
magawa ang mga estudyante kundi magbase nalamang sa mga online sources na kadalasan
hindi akma at walang kasiguraduhan kung tama. Nagbabase nalamang sila sa kung paano nila
naintidihan ang kanilang nabasa. Ni walang pamatnubay ng ilang mga guro sa mga
impormasyong dapat sana ay matutunan ng mga mag-aaral. Aminin man natin sa hindi, parang
deadline nalang ang hinahabol ng mga estudyante at hindi ang kaalamang dapat sana ay
kanilang matututunan. Ganun din naman ang nakakasawang ugali ng mga mag-aaral na gagawa
lamang ng activity sa mismong araw ng deadline. Katamaran ika-nga nila. Isa pa ang
katotohanang paano nakatitiyak ang mga guro na ang bawat ipinapasang activity o awtput ng
estudyante ay sila mismo ang may gawa? Paano nalamang kung, ipinagawa lamang ito sa iba?
Bakit hindi nalang bigyan ng medalya at mga karangalan ang mga totoong gumawa ng mga
activity nito? First honor, Mama, SECOND HONOR kuYA. Nkakatawa subalit nakababahala. Ang
tanong natuto ka ba? Marahil oo, mayroon, subalit kakaunti lamang.

Dahil sa nag-ibang sistema ng edukasyon, dekalidad na edukasyon ay nabawasan. Ang dapat


sanang matutunan sa loob na apat na sulok ng eskwelahan ay tuluyang nauwi sa mundo ng
teknolohiya at sa loob ng bawat tahanan. Ang halos isang taon ng pagkakabilanggo at
pakikipagbaka sa piitan ng kamangmangan sa pagkawala ng mahusay na kahusayan at
kaalaman ay hindi nangangahulugang ito’y atin ng susukuan. Napakahalagang ipagpatuloy ang
pag-aaral sa gitna ng pandemya sa kahit anumang paraan mapa modular man, blended o online
dahil bilang mag-aaaral na may malaking pagpapahalaga sa edukasyon ay tinitignan lamang ito
bilang isang pagsubok upang makamit ang rurok ng tagumpay. Magtiwala ka sa kahit anumang
paraang ibinibigay upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa pagkat wala itong ibang hangarin
kundi ang ilayo ka sa kamang-mangan. Oo nakakapanghina, nakalulungkot at nakababahala na
hindi lamang ang dulot ng pandemyang ito ang ating nilalabanan kundi pati narin ang mga
pangarap nating maaaring mawala. Ngunit Sa ganang akin, matibay ang paninindigan at Malaki
ang paniniwala kong anumang pagsubok ang hahamon sa ating buhay, ay patuloy parin tayong
titindig at lalaban para sa pangarap nating pinaka-inaasam. Magtiwala ka! Malalagpasan mo din
iyan.

You might also like