You are on page 1of 1

Department of Education

Division of La Union
Parasapas National High School
Parasapas Rosario La Union

Cabutotan, Paul C. 12- HUMSS September 19, 2021

Filipino Sa Piling Larang Akademik


Performance Task
(Replektibong Sanaysay)
“Kinapateg Ti Adal: Ang Edukasyong Pamana ni Ama at Ina”

Agadal ka nga nalaing…


Aglippas ka, andattoy kami nakasuporta…
Pamana mi a saan maagaw ti sabali kenka…
Mulat na ako sa katotohanang iyan, noong ako ay bata pa., musmos at
nagsimulang mangarap kasama ng buong pamilya. Lubos na mahalaga ang
edukasyon na noon pa man ay patuloy na nagsisilbing sandata na kahit sino man
ay walang kakayahang agawin o angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit
na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nangangarap, nabubuhay,
Ilang taon narin ang nakalilipas ng unti- unting nadaragdagan, siksik, liglig,
na kaalaman sa kasalukuyan dahil sa edukasyon. Hindi ganoon kadali, sapagkat
nakaranas din ako ng mga pagsubok na kailanma’y hinding hindi ko
makakalimutan. Ang edukasyon ang siya ring naging susi sa tuluyan kong
pagladlad at pagtanggap sa kung sino at ano ako ngayon. Subalit gaya nga ng
sinabi ko ay hindi naging madali, nagkaroon ako ng mga iba’t ibang negatibong
ideya na sumubok sa aking katatagan na kalaunay aking napagtagumpayan dahil
pursigido akong mas makatutulong ito sa pag- abot ko ng aking mga pangarap.
Kahit gaano kahirap ang buhay, hindi tumitigil ang aking in at ama upang
ipagpatuloy ang aking edukasyon. Niyakap at hinagkan ko ng buong puso ang
natatanging pamana na ito ng aking mga magulang. Madami na rin akong
napagdaanan at wala sa bokabularyo ko ang salitang “pagsuko”. Kaisa ko ang
aking pamilya pati ang mga gurong patuloy na sumusuporta at gumagabay sa
aking pag- aaral. Sa masaya o mapait mang karanasan, tatayo ako, magpapatuloy
at lalaban,

“agyamanak daddy, mama, kakabsat, gaggayem, mamaestro, mamaestra!

You might also like