You are on page 1of 1

Gawain 2:

Ang mga magaaral ay aatasan na maghanap ng tatlong meme na tungkol sa tsismisan. Matapos na
makapaghanap ng meme, bibigyang kahalugan ng mga mag-aaral ang naturang meme. Kasama sa
pagpapakahulugan ng mag-aaral maaring mabuti at masamang dulot nito sa mga mambabasa. Ang
awtput ng mga mag-aaral ay isusumite sa Google Classroom ng klase.

Picture 1: Kalimitan sa atin ay pinangungunahan ang


pangyayari kahit hindi pa alam ang buong katotohanan. Isa
ito sa ikinagagalit ng nakararami dahil bago pa nila
maipaliwanag ang lahat sa taong iyon, meron na agad na
konklusyong pinaniniwalaan na kung saan ay nagiging
sanhi ng awayan.

Gayunpaman, mali rin na maniwala tayo agad at husgahan


natin yung tao. Lahat tayo ay pagkakataon na itama ang
mga pagkakamali natin sa pamamagitan ng pagiging
makatao at tapat sa kapwa natin.

Picture 2: Minsan napapatanong tayo sa ating mga sarili,


“Bakit nakakaya ng ibang tao na pagtsimisan ka kahit wala
ka naman ginagawang masama sa kanila?”

Maraming posibilidad na maging sagot depende sa


sitwasyon pero malinaw sa atin na ang ugat nang ito ay
nagsimula sa inggit. Sa panahon natin, hindi maiiwasan ang
mga ganitong tao sapagkat may iba’t-iba tayong kinagisnan
at kinalakihan. Mahirap magbigay ng espesipikong rason
kung bakit sila nagsasayang ng oras sa ibang tao kung
pwede naman nilang gamitin ito sa maayos na paraan. Ang
tangi lang na magagawa natin ay tumahimik at magobserba
kung paano natin sila pakikitunguan. Kung hindi kaya ng
mga taong iyon ikrontol at pigilan ang kanilang sarili, tayo
na lang ang mag-adjust ng sa ganun ay mapalayo tayo sa
gulo.
Picture 3: Sa kabila ng paspasan na pagaabot ng kaalaman
patungkol sa estado ng ating bansa sa kalagitnaan ng
pandemya, hindi pa rin maikakaila na karamihan sa atin ay
hindi matiis ang pagiging pasaway at hindi masunurin sa
mga protocol na maaring makaapekto sa resultang pagtaas
nang kaso sa COVID 19.

Ang pagtsi-tsimisan ay marami nang “platforms” na pwede


mong gamitin sa paraan na hindi ka na makakadagdag sa
problema ng ating bansa. Hindi na nga maganda yung ideya
ng “tsismis” yung sumunod na lang at making, isang
malaking tulong para makapagkontibute ka sa mga
frontliner na lubos na nagsasakripisyo para lang mataguyod
at matapos ang mga ito.

You might also like