You are on page 1of 4

"Nay, ‘di ba sabi ko naman sa inyo ok na ako sa dun sa bahay nila Tita Mercy, bakit

pinapunta niyo pa ako rito?" Tanong ko sa nanay ko habang pinapasok ‘yung mga


gamit ko sa loob ng mansyon. Sad to say ‘di sa amin ‘yung mansyon, mahirap lang
kami no. Itong mansyon na ito ay doon sa pinagtatrabahuhan ni nanay. Sabi ko kasi sa
kanya doon na lang ako sa probinsya namin mag-aral kaso ayaw niya kaya heto nasa
Maynila ako.

"Mas maganda kung nandito ka tsaka pumayag naman ‘yung mga amo ko eh." Sagot
niya. Inilapag niya ‘yung malaki kong bag at binuksan ‘yung malaking pinto ng
mansyon na ito.3

Lumaki ang mga mata ko pagbukas nung pinto. Grabe ang ganda sa loob, mukhang
lahat ng gamit ay mamahalin.

Ipinasok ni nanay ‘yung bag ko sa loob pero ako nakatayo pa rin sa labas.

"Ikaw talagang bata ka! Halika na't pumasok baka maabutan ka pa ng mga bisita nila
ma’am diyan sa labas!" Pukaw sa akin ni nanay. Dahan-dahan akong humakbang
papasok. Natatakot ako kasi baka makasira ako.

"Aba'y bilisan mo!" Ulit ni nanay.

"Oh nanay Linda, siya ba si Lana?" Narinig kong may nagtanong kay nanay kaya
pareho kaming napalingon. Nakakita ako ng isang lalaking gwapo.

"Opo Sir Jackson, si Lana, anak ko." Pakilala ni nanay sa akin at pinalapit ako sa
kaniya.

"Hello po, ako nga po pala si Lana." Pakilala ko ulit tsaka nag bow. Ngumiti naman
siya ay lumapit sa akin tapos ginulo ‘yung buhok ko.

"You're cute. By the way, una na po ako nanay Linda may klase pa po ako eh and
Lana, enjoy your stay." Paalam niya tapos naglakad na siya palabas.
Muli akong nagmasid sa loob habang papunta kami ni nanay sa kwarto niya.

"Nanay, where's Lana?" Napatigil kami ni nanay sa paglalakad ng may makasalubong


kaming isang magandang babae. ‘Yung totoo nasa Mt. Olympus ba ako? Bakit parang
puro diyos at diyosa ang nakatira sa mansyon na ito.

"Nandito sa likuran ko, napakabagal talaga maglakad." Sagot ni nanay tapos tumingin


sa akin ‘yung babae kaya napatigil din ako.

"Ma’am Jaira." Tawag ko sa kaniya sabay ngiti. Ngumiti rin siya sa akin tapos
nilapitan ako.

"Lana! How's your day?" Tanong niya sa akin.

"Ok naman po." Sagot ko. Inakay niya ako papunta sa salas ng bahay nila. Pinaupo
niya ako sa sofa at umupo rin siya.

"How's school?" Tanong niya sa akin habang nakatingin kaya nakaramdam ako ng


pagkailang.

"Ok naman po, medyo nagaadjust lang." Sagot ko. Mas lumawak ‘yung ngiti niya.

"Really? That's good." Sabi niya tapos biglang nagring ‘yung cellphone niya kaya
umalis muna siya. Sinamantala ko naman ‘yun para puntahan si nanay sa kwarto niya.

Pagdating ko dun ay inaayos na nya ‘yung mga gamit ko.

"Nay ako na po." Sabi ko tapos kinuha sa kaniya ‘yung mga damit ko. Ibinigay naman
niya sa akin tapos tumayo siya.

"Pagkatapos mo diyan ay magbihis ka na ng pambahay, tapos sumunod ka sa akin sa


labas, magluluto na ako ng hapunan." Paalala niya. Tumango naman ako bilang sagot
tapos lumabas na siya.

Pagkatapos ko ay agad akong lumabas ng kwarto at pumuntang kusina. Medyo


naligaw pa nga ako dahil ang laki-laki ng bahay na ito.
"Hey Lana, ikaw nagluluto?" Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko kaya
napadikit ‘yung kamay ko sa kalderong nilulutuan ko.

"Ang init!" Sigaw ko tapos pinagpag ko ‘yung kamay ko na para bang mawawala
‘yung sakit kapag ginawa ko ‘yun.

"Oww sorry, sorry!" Sabi nung nagsalita kanina at lumapit siya sa akin tapos tinignan
‘yung kamay kong napaso.

"Does it hurts?" Tanong niya. Inangat ko ‘yung tingin ko at nakita ko ‘yung lalaking


gumulo sa buhok ko kanina. Ano nga ba ulit pangalan niya? 9

"Hey! I'm asking you, does it hurts?" Ulit nya. Binawi ko naman ‘yung kamay ko.

"Opo ok lang, salamat." Sagot ko tapos ibinalik ko ‘yung tingin ko sa niluluto ko at


muli itong hinalo.

"No, it's not ok. Come I'll put some ointment on it." Alok niya tapos hinawakan niya
‘yung kabilang braso ko.3

"Naku ‘wag na po, ok lang po talaga tsaka baka masunog po ‘yung niluluto ko
eh." Pagtanggi ko, pero nagpuppy eyes siya. ‘Wag mong gagawin ‘yan please.

"No, I insist, nanay just take care of what Lana is cooking. Napaso po siya dahil sa
akin kaya gagamutin ko lang." Paalam niya kay nanay na kakarating lang. ‘Wag
nanay, ‘wag kang papayag.

"Oh sige bahala ka." Sagot ni nanay kaya hinila na niya ako palabas ng kusina.
Habang papunta kami sa kung saan ay nakasalubong namin ‘yung isa pang katulong
nila.1

"Manang is Jonathan around?" Tanong niya dito. Nag-isip naman ‘yung matanda. 13

"Nandiyan na kanina pa, akala ko nagkita kayo dumiretso kanina sa kusina ha, ‘di ba
nandun ka rin?" Paliwanag nito. Tumango naman ‘tong si Kuya.
"Is that so? Ok thank you manang!" Paalam niya tapos muli akong hinila paatas.

Pumasok kami sa isang kwarto sa second floor ng bahay. Pinaupo niya ako sa kama at
kumuha siya ng first-aid kit tapos pinahiran niya ng ointment ‘yung kamay kong
napaso kanina.

"Ayan, gagaling na ‘yan!" Masaya niyang sabi kaya ngumiti na lang ako.

"Salamat po kuya." Sabi ko tapos tumawa siya.

"Hahaha I don't want you to call me kuya." Sabi niya na ipinagtaka ko. Bakit?

"I want you to call me Jackson." Dagdag niya.18

"Eh mukha pong mas matanda kayo sa akin eh." Nahihiyang sabi ko na mas
nagpalakas ng tawa niya.

"I know, but I feel weird when you call me kuya." Katwiran niya.

"Hehe I'll call you nalang po na kuya Jackson." Alok ko. Ayaw niya pa sana pero sa
huli pumayag rin siya.

Paglabas ko ng kwarto niya ay may napansin akong isang kwarto na parang kakaiba
sa lahat ng kwarto na nandito.

You might also like