Professional Documents
Culture Documents
3rd Change Unedited
3rd Change Unedited
"Mas maganda kung nandito ka tsaka pumayag naman ‘yung mga amo ko eh." Sagot
niya. Inilapag niya ‘yung malaki kong bag at binuksan ‘yung malaking pinto ng
mansyon na ito.3
Lumaki ang mga mata ko pagbukas nung pinto. Grabe ang ganda sa loob, mukhang
lahat ng gamit ay mamahalin.
Ipinasok ni nanay ‘yung bag ko sa loob pero ako nakatayo pa rin sa labas.
"Ikaw talagang bata ka! Halika na't pumasok baka maabutan ka pa ng mga bisita nila
ma’am diyan sa labas!" Pukaw sa akin ni nanay. Dahan-dahan akong humakbang
papasok. Natatakot ako kasi baka makasira ako.
"Oh nanay Linda, siya ba si Lana?" Narinig kong may nagtanong kay nanay kaya
pareho kaming napalingon. Nakakita ako ng isang lalaking gwapo.
"Opo Sir Jackson, si Lana, anak ko." Pakilala ni nanay sa akin at pinalapit ako sa
kaniya.
"Hello po, ako nga po pala si Lana." Pakilala ko ulit tsaka nag bow. Ngumiti naman
siya ay lumapit sa akin tapos ginulo ‘yung buhok ko.
"You're cute. By the way, una na po ako nanay Linda may klase pa po ako eh and
Lana, enjoy your stay." Paalam niya tapos naglakad na siya palabas.
Muli akong nagmasid sa loob habang papunta kami ni nanay sa kwarto niya.
"Ma’am Jaira." Tawag ko sa kaniya sabay ngiti. Ngumiti rin siya sa akin tapos
nilapitan ako.
"Ok naman po." Sagot ko. Inakay niya ako papunta sa salas ng bahay nila. Pinaupo
niya ako sa sofa at umupo rin siya.
"Ok naman po, medyo nagaadjust lang." Sagot ko. Mas lumawak ‘yung ngiti niya.
"Really? That's good." Sabi niya tapos biglang nagring ‘yung cellphone niya kaya
umalis muna siya. Sinamantala ko naman ‘yun para puntahan si nanay sa kwarto niya.
"Nay ako na po." Sabi ko tapos kinuha sa kaniya ‘yung mga damit ko. Ibinigay naman
niya sa akin tapos tumayo siya.
"Ang init!" Sigaw ko tapos pinagpag ko ‘yung kamay ko na para bang mawawala
‘yung sakit kapag ginawa ko ‘yun.
"Oww sorry, sorry!" Sabi nung nagsalita kanina at lumapit siya sa akin tapos tinignan
‘yung kamay kong napaso.
"Hey! I'm asking you, does it hurts?" Ulit nya. Binawi ko naman ‘yung kamay ko.
"No, it's not ok. Come I'll put some ointment on it." Alok niya tapos hinawakan niya
‘yung kabilang braso ko.3
"Naku ‘wag na po, ok lang po talaga tsaka baka masunog po ‘yung niluluto ko
eh." Pagtanggi ko, pero nagpuppy eyes siya. ‘Wag mong gagawin ‘yan please.
"No, I insist, nanay just take care of what Lana is cooking. Napaso po siya dahil sa
akin kaya gagamutin ko lang." Paalam niya kay nanay na kakarating lang. ‘Wag
nanay, ‘wag kang papayag.
"Oh sige bahala ka." Sagot ni nanay kaya hinila na niya ako palabas ng kusina.
Habang papunta kami sa kung saan ay nakasalubong namin ‘yung isa pang katulong
nila.1
"Nandiyan na kanina pa, akala ko nagkita kayo dumiretso kanina sa kusina ha, ‘di ba
nandun ka rin?" Paliwanag nito. Tumango naman ‘tong si Kuya.
"Is that so? Ok thank you manang!" Paalam niya tapos muli akong hinila paatas.
Pumasok kami sa isang kwarto sa second floor ng bahay. Pinaupo niya ako sa kama at
kumuha siya ng first-aid kit tapos pinahiran niya ng ointment ‘yung kamay kong
napaso kanina.
"Hahaha I don't want you to call me kuya." Sabi niya na ipinagtaka ko. Bakit?
"Eh mukha pong mas matanda kayo sa akin eh." Nahihiyang sabi ko na mas
nagpalakas ng tawa niya.
"I know, but I feel weird when you call me kuya." Katwiran niya.
"Hehe I'll call you nalang po na kuya Jackson." Alok ko. Ayaw niya pa sana pero sa
huli pumayag rin siya.
Paglabas ko ng kwarto niya ay may napansin akong isang kwarto na parang kakaiba
sa lahat ng kwarto na nandito.