Sanaysay

You might also like

You are on page 1of 1

Cristine Joy De Leon

BSBA FM - 2102

Mahalagang marunong tayo sa pagpili mula sa samo't saring batis sapagkat sa


ating kasalukuyang panahon ngayon kung kailan laganap ang kultura ng mga
pangmadlang midya at virtual na impormasyon, mas madali ang pagkalat ng
tinatawag nating disinformation o fake news. Mas maging mapanuri tayo sa mga
impormasyong nakukuha at makukuha sa harapang pakikipag-usap natin sa ibang
tao. Sa bawat impormasyon nating makukuha meron silang pinagmumulan
katulad na lang ng primaryang batis at sekondaryang batis. Ang Primaryang Batis
ay naglalaman ng mga impormasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag-
uusapan sa kasaysayan, samantalang ang Sekondaryang Batis ay mula sa hindi
direktang nakaranas o kaya ay nakaobserba tungkol sa isang pangyayari. Sa buhay
natin marami talaga tayong tanong sa buhay dahil sa marami pa talaga tayong
hindi alam sa mundo natin kaya sa pagtatanong-tanong, pakikipagkuwentuhan,
paggawa ng panayam o interbyu, umpukan, at pagbabahay-bahay ay makakakuha
tayo ng mga impormasyon na magagamit natin. Diba nga at may mga
pagkakataon kung minsan ay ang impormasyon ay sadyang ipinapahayag o
ipinapakalat ng ibang tao upang bigyan ng maling impormasyon o linlangin ang
mga tao. Sa pagpili natin ng maayos na impormasyon lalo na sa pakikipag-usap sa
ibang tao, sa pagpili sa primaryang batis at sekondaryang batis ay dapat mas
maging mautak tayo para mas maiiwasan ang mga maling kaalaman at
interpretasyon natin sa impormasyong nakalap.

You might also like