You are on page 1of 12

MGA BARAYTI

NGWIKA
ANO ANG REGISTER?

q Ito ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga


salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng
ibat-ibang kahulugan sa iba’t-ibang larangan o
disiplina.

q Ang isang salita o termino ay maaring magkaroon ng


ibat-ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang
pinaggamitan nito.

q Estilo ng pananalita ng isang nagsasalita


MGA HALIMBAWA NG REGISTER
q Ang text sa cell phone ay tumutukoy sa mensaheng
ipinadala patungo sa iba pang cell phone.
Samantalang sa literatura, ang text ay tumutukoy
sa anumang nakasulat na akda gaya ng tula,
sanaysay, maikling kuwento at iba pa.

q Sa propesyon naman, iba ang register ng wika ng


guro sa abogado. Iba rin ang sa inhinyero, computer
programmer, game designer, negosyante at iba pa.
MGA HALIMBAWA NG REGISTER
q Iba ang register ng guro kapag kausap niya ang
punongguro, iba rin ang gamit niyang register kapag
kausap niya ang mga kasamahang guro at lalong
naiiba ang register niya kung kaharap ang kaniyang
mga mag-aaral.
HEOGRAPIKAL NA BARAYTI NG WIKA

q Isang salita ngunit magkaiba ng kahulugan sa


dalawang magkaibang wika.
q Nagiging salik ang heograpiya o lugar ng
nagsasalita sa pagkakaroon ng varayti ng wika.
Dahil ang pilipinas ay isang archipelago na
nahahati ng katubigan at kapatagan,
napaghihiwalay ng mga pulo at kabundukan hindi
maiiwasang makalikha ng sariling kultura o paraan
ng pamumuhay ang mga taong sama-samang
naninirahan sa isang particular na pulo o lugar.”
HEOGRAPIKAL NA BARAYTI NG WIKA
Halimbawa:

v Salita: Ibon
Filipino – ibon
Sinugbuanong Binisaya – langgam
v Salita: Amo
Filipino – pinagsisilbihang tao
Maranao – unggoy
MORPOLOHIKAL NA BARAYTI NG WIKA

q Iba’t-ibang paraan ng pagbuo ng salita ng mga taong


kabilang sa iba’t-ibang kultura ay naging salik din sa
varayti ng wika.

Basahin ang mga pahayag:

A. napatak ang mga dahon


B. nasuray ang dyipni
C. mapurol ang ulo
MORPOLOHIKAL NA BARAYTI NG WIKA
q Pansinin ang pagbuo ng mga salitang “napatak” at
“nasuray”. Sa ilang lalawigang Tagalog gaya ng
Batangas, ang pandiwa (verb) o salitang
nagpapakita ng aksiyon o kilos ay nakabanghay sa
unlaping /na/ tulad ng naiyak, naulan, nakanta at
natakbo. Sa maynila, ang pandiwa ay nakabanghay
sa gitlaping /um/ gaya ng umiiyak, umuulan,
kumakanta at tumatakbo.
MORPOLOHIKAL NA BARAYTI NG WIKA
Halimbawa:

Batangas: Napatak ang buko.


Maynila: Pumapatak ang ulan.
PONOLOHIKAL NA BARAYTI NG WIKA

q Ang pagkakaroo ng pagbabago sa bigkas at tunog ng


mga salita ayon sa pangkat ng mga taong gumagamit
nito.

q Sa paglikha ng magkakaibang wika, hindi


maiiwasang malikha rin ang pagkakaibang tunog at
bigkas ng mga salita. Nagkaroon ng kani-kaniyang
dialect accent ang bawat lugar.
PONOLOHIKAL NA BARAYTI NG WIKA

q Halimbawa sa Bisaya, nagkakapalitan ang bigkas ng


/e/ at /i/ at ng /o/ at /u/. Maaring ang maging bigkas ng
isang bisaya sa “pera” ay “pira”, ang “pitaka” ay
“petaka”, ang “kuya” ay “koya” at ang “bola” ay “bula”.
Mali ba ang ganitong pagbigkas? Ang sagot at hindi,
sapagkat ang nagsasalita ay bumibigkas ayon sa
kanyang dialectal accent.”
Tandaan:

Sa heograpikal na barayti, nasa katawagan


at kahulugan ng salita ang pagkakaiba. Sa
morpolohikal na barayti, ang pagkakaiba ay
nasa anyo at ispeling ng salita at hindi sa
taglay na kahulugan nito. Samantala, sa
ponolohikal na barayti, nasa bigkas at tunog
ng salita ang pagkakaiba.

You might also like