You are on page 1of 2

Munting Kagamitan, Malaking Kapakinabangan

KISHA NICOLE R. ENANORIA

Ating halungkatin at isa-isahin,


Laman ng bag na aking paboritong gamitin,
Mga gamit na parating kasama,
Matuturing kong may halaga,
Ito man ay simple sa paningin ng iba,
Ngunit para sa akin ito ay naging parte na,

Munting kwaderno sa munting bag


Ang unang tatambad,
Binubuo ito ng mga salitang di mababasa agad,
Mga salitang mahirap intindihin,
Ating suriin at tuklasin,
Mensahe man ay masumpungan,
Sapat na sa hangad nitong kalayaan,

Sa bag ng mga kababaihan,


Gamit pampaganda’y di makakalimutan,
Lalong lalo na ang tintang nilalagay sa labi,
Naghahangad na makapagbigay sayo ng ngiti,
Gaano man kapatay ang buhay,
Siya’y paniguradong may hatid na kulay,

Selpon na laging kasa-kasama,


Saang lugar man magpunta,
Di makakaligtas maging sa banyo,
Basta ipatong lang sa kahit anong espasyo,
Palaging naririyan,
Anumang oras kailangan,
Kahit di gaanong kagandahan,
Para sa akin ito pa rin ang pinakamaasahan,

Mga iilang piraso ng kendi,


Ang makikita sa bulsa palagi,
Nakabalot at di pa nabubuksan,
Nag aabang sa maaaring kahihinatnan,
Sa maduming lapag ba ang bagsak?
O ang tamis ba ay makakapaghatid ng galak?

You might also like