You are on page 1of 155

Tall, Dark and Arrogant

A Novel by Jamille Fumah


Tall, Dark and Arrogant
A novel by Jamille Fumah
Montemayor Saga : third generation
© Jamille Fumah Stories 2013
1
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Tall, Dark and Arrogant is the "only" book of JF that has softcopy. This
is the first time
we are distributing this e-book, yet the last time. Other softcopies that
could be
downloaded on other websites and Facebook pages are illegal. It may not
be written by
JF and not a legit JFstories, as another author is using JF's pen name
and story titles
and ideas, and selling it on their "Facebook group of paid and free
softcopies". If you
happen to see one, you might wanna report it immediately.
Another example of illegal softcopy is "Aviona's story: His Indecent
Proposal". The
Prologue to Chapter 12 is the original part of the story, but the rest
chapters were just
forged and falsified by this unknown author. The story was not 100%
written by JF, so be
warned and don't be confused.
If you want to read JFstories, you may read them for free on Wattpad.
Thank you.
2
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Chapter 1
FIRST CLASS namin. Sana wala si Ma’am Recare. Hindi ko pa kasi tapos
iyong
assignment na pinagawa niya kahapon.
“Phia? May assignment ka sa Math?” kalabit sa akin ni Helga.
“Wala, eh.”
“Aleck Sophia Magtibay!”
Tumaas ang tingin ko sa babaeng papalapit sa kinauupuan naming bench ni
Helga.
“Hello.” Nginitian ko ito.
Ilag ang lahat ng estudyante rito, ako lang yata ang naglakas ng loob na
kausapin ito.
Mabait din kasi ito sa akin.
“Hi to you.” Ni hindi ibinalik ang ngiti ko. Nasa mukha nito ang
katarayan ngunit hindi ko
pa naman iyon nararanasan.
Nakangiti pa rin ako. “Tapos na pala iyong project mo sa Science.”
Doon na ito ngumiti. Tipid na ngiti.
Napakaganda talaga ng hugis pusong mukha nito. Sana palagi na lang itong
nakangiti,
mas maganda kasi ang babae kapag ganitong maaliwalas ang mukha at hindi
nakakunot
ang makinis na noo.
“Oo tapos ko na. Si-simplehan ko na lang ang paglagay sa table mo
mamaya.”
“Good.” May kinuha ito mula sa mamahaling bag. “Here.”
Namilog ang mga mata ko sa nakatuping buong limang-daang piso na inaabot
nito sa akin.
Dalawa pa nga yatang papel iyon.
“Naku, wag na!” Tanggi ko.
“Take it.” Sumeryoso ang mukha ng babae.
3
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Napilitan na rin akong abutin ang pera. Hindi kasi magandang
tinatanggihan ito, mabilis
mag-init ang ulo.
Nang umalis na ang babae ay siniko ako ni Helga.
“Uy, ano yon, ha?”
“Wala…” ngingiti-ngiting sagot ko. Hindi pa rin ako maka-move on, grabe
ang ganda
talaga ng mukha ni Kiana Louise Montenegro. Parang anghel.
“Ikaw ang gumagawa ng projects ni Kia?”
“Wag kang maingay diyan, Helga!”
“Kaya di mo nagagawa iyong assignments mo kasi may iba ka palang
ginagawa!”
Tumayo na ako. Sinipat ko ang oras sa luma kong relo, thirty minutes pa
naman bago ang
bell. Saka mukhang wala talaga si Ma’am Recare ngayon kaya kahit mamaya
ko na lang
gawin iyong assignment sa Math.
“Uy, Phia!”
Hinila ko sa kamay si Helga. “Canteen muna tayo, maaga pa naman. Di pa
ako nagaalmusal, eh.”
“Ay, naku!” Kakamot-kamot siya ng ulo.
“Lika na!”
Sa bungad ng canteen palang ay naaamoy ko na ang mababangong pagkain sa
loob. Lalo
tuloy kumalam ang sikmura ko. Wala pa man ay naglalaway na ako sa maaari
kong mabili
rito sa perang ibinayad sa akin ni Kia.
“Honey, what do you think?”
Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng canteen. Walang masyadong estudyante
ron.
Sabagay, naroon kasi si Kia at ang boyfriend nito. Ilag nga kasi ang
ibang mag-aaral sa
kanila. Nahihiyang dumikit sa kanila.
Napakaganda ng ngiti ni Kia habang nakatingala ito sa lalaking tila
walang pakialam sa
mundo. Ni walang emosyon ang perpekto nitong mukha. Ito si Leonardo D.
Saavedra.
4
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Ikinibit ko ang aking balikat ng umalis na ang lalaki. Naiwan si Kia sa
mesa nito. Ngunit
ilang saglit lang ay may naglakas na ng loob na tumabi rito.
Si Dipen Psyche Saavedra, freshman na kapatid ni Leonardo. Ah, kaya pala
malakas ang
loob na tabihan si Kiana.
“Hi, beautiful!”
Tumayo si Kia at inirapan ang lalaki. “Tse!”
Muntik na akong matawa, mabuti na lang at napigil ko. Tumingin sa gawi ko
si Kia.
Mabuti na lang talaga hindi ako tumawa.
“Aleck Sophia!”
Nginitian ko ito. Kunwari na lang hindi ko nakita iyong kanina. Nakakaawa
tuloy si Dipen
Psyche, kakamot-kamot ito ng ulo at parang nalugi ang mukha.
“May inilagay pala ako sa table mo.” Umpisa ni Kia. “Iyong project sa
Araling Panlipunan.
Ikaw ng bahala, ha?”
“Sige.” Mabilis akong tumango.
“Dalawa iyon. Tag-isa kami ni Leon.” Sabi nito bago tumalikod at umalis.
“Sige-sige!” Ang lawak-lawak ng ngisi ko.
Pati pala ang project ni Leonardo ay ako ang gagawa! Ang saya!
Napapitlag ako ng kalabitin ako ni Helga.
“Hindi ko maintindihan. Matatalino naman sila. Bakit kailangan pa nilang
magpagawa
sa’yo? Tamad lang?”
“Shhh…” saway ko sa kanya.
“Naku, ewan ko sa’yo, Phia!”
Para di na mainis si Helga ay inilibre ko na lang siya ng breakfast.
5
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah

THE NEXT DAY ay dala ko na ang mga projects namin. Iyong sa akin, kay Kia
at kay
Leonardo. After lunch ang subject na pagpapasahan ng project. Hindi ko na
naabutan si
Kia kasi nagmamadali ito. Nahiya naman akong tawagin ito dahil baka
magtaka ang
ibang kaklase namin.
Wala rin ito sa canteen kaya naglakas loob na akong pumunta sa Math Club.
Dito kasi
madalas maglagi si Kia kung wala man siya sa Judo Room o Gym. President
siya ng club
at active din siya sa mga sports like Taekwondo. Parehas sila ni Leonardo
na sakitan ang
gustong sports. Judo naman kasi si Leonardo pero balita ko ay brown belt
na ito sa
Taekwondo.
“Hello po?” Bati ko sa lalaking nasa Math Club.
Nag-iisa lang ito ron at nagbabasa ng libro na kasing kapal yata ng
Dictionary. Kung hindi
ako nagkakamali ay ito si Conrad Legazpi Deogracia, pinsan ni Leonardo.
Ngumiti ito sa akin. “Yes?”
“Ah, pasensiya na po sa istorbo. Hinahanap ko po kasi si Kiana Louise
Montenegro…”
nahihiyang sabi ko.
Tumayo ito, nakangiti pa rin. “Ah, si Kia? Nasa Judo Room.”
“Ah, okay po! Thanks!” Tumalikod na ako bago pa makapagsalita pa ulit si
Conrad
Deogracia.
Mabilis ang mga hakbang ko patungo sa Judo Room. Nasa second floor lang
iyon ng
building na ito.
Nang marating ko ang pinto ng Judo Room ay natigilan ako. Para kasing
wala namang
tao. Patay ang ilaw at tahimik. Sinubukan kong kumatok habang nakasilip
sa maliit na
salamin sa pinto. Wala akong natamong tugon. Mukha ngang walang tao.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na pumasok sa loob ng malaman
kong hindi
naman nakalock ang knob.
Tahimik at walang bakas na may nagpa-practice dito.
6
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Sarado ang mga sliding window kaya madilim. Ang liwanag lamang ay ang
ilaw na
nagmumula sa salamin ng pinto. Aalis na sana ako ng makarinig ako ng tila
bumagsak na
bagay.
“May tao ba diyan?”
Walang sagot.
Sinilip ko ang likuran ng mga locker. Sa bench na naroon ay may itim na
duffle bag. May
puting tuwalya rin at bote ng Mineral Water na sa tabi ay itim na G-Shock
watch.
“Kia?”
Napatuwid ako ng tayo nang marinig ko ang buo at matigas na boses na mula
sa likuran
ko. Parang nanigas ang leeg ko at nanlambot ang mga tuhod ko.
Dahan-dahan akong lumingon. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makilala ko
ang
matangkad na lalaki na nakatayo na ngayon sa harapan ko.
“L-Leonardo…”
Kumunot ang noo niya. Pawisan siya at namumutla. Puting pajama ang suot
niya at puti
ring T-shirt na may naka-print sa gawing dibdib, bold letters na bumubuo
sa salitang:
MONTEMAYOR. Iyon ang apelyido ng mga pinsan niya. Bahagi siya ng angkan
na iyon.
Bahagi siya ng isang kilala at isa sa pinakamayamang angkan sa buong
Asya.
Napalunok ako nang humagod sa kabuuhan ko ang kanyang nakakailang na
titig. Mainit
ang mga mata at parang hinuhubad pati ang aking kaluluwa.
Bumuka ang mga labi ng lalaki. “What are you doing here?”
Humakbang si Leonardo. Ngumiwi ang mga labi at gumewang sa pagkakatayo.
Natigilan ako ng mapatingin ako sa paanan niya. May nakataling benda sa
kaliwa niyang
paa. At parang hirap niyang itapak iyon.
“May pilay ka…” nanulas sa mga labi ko. Nang umangat muli sa perpektong
mukha niya
ang mga mata ko ay natulala ako sa kalamigan ng emosyong nakikita ko
roon.
Umiwas ng mga mata sa akin si Leonardo Saavedra. “It’s nothing.”
7
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Ha?” Tama ba ang narinig ko? Kinakausap niya ako?!
Muli siyang napangiwi nang humakbang siya ulit. Butil-butil ang pawis sa
gilid ng sintido
niya. Isang hakbang pa ulit ay gumewang na si Leonardo.
Aalalay sana ako. Pero bago ko siya mahawakan ay sinalubong ako ng mala
lawin niyang
mga mata.
Napaurong ako. “Ah, eh…”
Kagat ni Leonardo ang pang-ibabang labi habang pinipilit na tumayo nang
matuwid.
Itinaas ko ang isang kamay ko. Ilang beses akong lumunok bago nagsalita.
“P-puwede ba
kitang hawakan?”
Hindi siya sumagot kaya nilakasan ko na ang loob ko. Inilapat ko ang
likuran ng palad ko
sa kanyang noo.
Nanlaki ang mga mata ko. “M-may sinat ka…”
Mainit siya! Dumagsa ang pag-aalala sa aking dibdib.
“Baka dahil sa pilay mo iyan!” Nagpa-panic na saad ko. “Kailangan kang
madala sa clinic!
Alam na ba ito ni Kia? Dapat maagapan ang—“
Nahinto ang pagsa-salita ko nang biglang siyang yumakap sa akin. Natulala
ako at hindi
agad nakapag-isip.
Ilang minuto ang lumipas subalit nakayakap pa rin sa akin ang lalaking ni
sa panaginip
ay hindi ko naisip na mahahawakan ko maski ang mga daliri. Ang lalaki na
noon ay
hanggang tanaw ko lang.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin habang bumabaon ang kanyang mukha
sa aking
leeg. May kung anong mainit na bagay ang tila humaplos sa puso ko habang
magkalapat
ang aming mga katawan.
Kusang pumikit ang aking mga mata habang ang mga braso ko ay tila may
sariling buhay
na gumanti ng yakap sa kanya.
“Leonardo…”
8
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Chapter 2
“BAYANG DALISAY… aking mahal. Laging patnubay ng maykapal. Sa yakap mo ay
langit ang buhay at laging makulay…”
“Si Leon.” Bulong ng BFF kong si Helga. Nasa likuran ko lang siya sa
pila.
Nahinto ako sa pag-awit. Nasa pila kami, flag ceremony at kasalukuyang
kumakanta ng
Dalisay Hymn. Umikot agad ang paningin ko.
“Ayun.”
Sinundan ko ang inginunguso niya.
“Papasok na ulit siya?” Napakurap ako ng makita ko na si Leonardo
Saavedra. Naglalakad
ito sa hallway patungo sa fourth year building. Ni hindi man lang sini-
sita ng ibang
teachers at mga guards kung bakit ito late at bakit wala ito sa pila.
Ang akala ko ay hindi pa nito kayang pumasok. Maga ang pilay nito at
ilang araw ding
trinangkaso ang lalaki.
“Magtibay!”
Napatuwid ako sa pagkakatayo nang marinig ang boses ng adviser namin.
Narinig ko na
lang ang mahinang hagikhik ni Helga sa likuran ko.
Hay, bakit ba kasi hindi ako pinapatahimik ng alaala namin ni Leon sa
Judo Room last
week? Isang alaala na ako lang ang nakakaalam.

IBINALIBAG ni Kiana Louise Montenegro ang malaking libro sa mesa ng Math
Club.
“Stupid!” Nanlilisik ang bughaw na mga mata sa isang partikular na tao.
Kay Dipen
Psyche Saavedra, nakababatang kapatid ni Leon. Bata lang nang ilang taon
pero
kamukhang-kamukha ng kapatid.
Dinuro naman ng lalaki si Kia. “Ikaw ang stupid. Bahala ka sa buhay mo!
Buwiset kang
babae ka!”
Namangha ako. Ito palang ang bukod tangi na nakapagsalita nang ganoon kay
Kia.
9
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Nang makaalis si Dipsy, short ng ‘Dipen Psyche’ ay saka lang nagbago ang
ekspresyon ng
mukha ni Kia. Ang galit na mukha ay muling pumormal, sumeryoso at nawalan
ng
emosyon. Na-curious tuloy ako kung ano ang pinag-awayan nilang dalawa.
“Aleck Sophia.” Napatingin siya sa gawi ko.
“Hi, Kia!” Nagkunwari ako na kararating lang, na hindi ko nakita ang
pagpapatayan nila
ni Dipsy kanina.
Kinuha niya ang bag at kumuha ng pera mula sa loob para iabot sa akin.
Nakagat ko ang
ibabang labi ko ng makitang lilibuhin iyon.
“Bayad ko sa last project na gawa mo. Doble yan. And thank you for
bringing my boyfriend
to the clinic last week.”
Ngumisi ako. “Hala, wala iyon.”
Kung alam lang ni Kia na bago ko madala sa clinic si Leonardo ay inubos
ko muna ang
bango nito sa kakasinghot ko. Saka ilang minuto rin muna akong nag-enjoy
sa yakapan
naming dalawa.
“Tara.”
“Ha?”
Maliit na ngumiti si Kia. “Ililibre kita sa canteen.”
Umiling ako. “Naku, wag na, nakakahiya naman sa’yo kasi binayaran mo na
nga ako. Pero
sige na nga.”
Nahawi agad ang mga estudyante ng dumating kami sa canteen. Dahil break
time ay
maraming tao ron. At dahil kinangingilagan si Kia ay walang humarang sa
pila na
pinilahan namin.
“Anong gusto mo?” Tanong niya sa akin na hindi ako tinitingnan.
“Nakakahiya kasi.”
“C’mon!”
10
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Sige. Dalawang fried chicken saka extra rice. Soda na rin.”
“Okay.”
“Saka kung di talaga nakakahiya, ibili mo na rin ako ng coffee jelly. Di
pa ako
nakakatikim non, eh.”
“No problem.” Binayaran niya lahat ng inorder ko.
“Thank you!” Ako na ang bumitbit ng tray na kinalalagyan ng mga pagkain
ko. Hindi
naman kasi umorder si Kia ng para sa kanya. Ang balita ko nga ay
nandidiri siya sa mga
pagkain dito sa school.
Bakit nga ba dito nagsisiksikan ang mga mayayamang tulad nila? Public
lang ang Dalisay
Highschool. Iyon nga lang ay sikat dahil nag-iisa ito sa pinakamalaki at
pinakamaayos na
public school dito sa probinsiya. At halos lahat ng building dito ay
donated ng mga
mayayamang pamilya, kabilang ang pamilya ni Kia. At iisa lang ang
nakikita kong
dahilan kaya dito siya nag-aaral, dahil nandito nag-aaral si Leonardo.
Elementary palang kasi ay nakabuntot na siya sa lalaki. Destiny nga kasi
sila.
“Why?” Nakataas ang isang kilay na tanong niya nang mapansing nakatitig
ako sa
kanyang mukha habang kinakagat ko ang friedchicken ko.
Ngumiti ako. “Ang ganda-ganda kasi ng mga mata mo. Parang karagatan sa
pagkabughaw.” Half American kasi ang tatay niyang ubod ng yaman.
“Thanks.”
Lalong lumawak ang pagkaka-ngiti ko. “Saka iyong kutis mo, Kia. Ang
kinis-kinis. Wala
ka sigurong peklat kahit kagat ng lamok, ano?”
Hindi na siya nagsalita muli. Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na
rin siya,
babalik daw siya sa Math Club.
“Thank you ulit, Kia!”
Hindi niya na ako nilingon pa. Pero masaya ako. May two thousand pesos
ako ‘tapos libre
pa iyong lunch ko.
“Anong napakain mo ron, Sophie? Bakit nakakasama mo iyon?”
11
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Mabait naman siya.” Lingon ko kay Helga. Kanina pa pala siya nakatingin
at nag-aabang
lang na malapitan ako. Pati ang iba naming babaeng kaklase ay hindi
makapaniwala
habang nakatingin sa akin.
“Parang hindi naman. Nakakatakot kaya siya.” Sabi ni Ivy, isa sa mga
kaklase namin na
nasa canteen din.
“Mabait iyon, ano ka ba!”
“Sus! Anong mabait. Kaya nga kahit crush ng campus si Leonardo Saavedra
ay walang
makapagpa-cute don kasi natatakot diyan kay Kia. Kakatakot kaya siya.
Tingin palang
nakamamatay na.”

ANG SUMUNOD kong target ay ang pagpunta sa Judo Room.
“Leon!” Sakto. Walang tao, siya lang.
Kumunot ang noo ko nang makitang naka-uniporme siya ng pang-judo.
Magaling na ba
talaga siya at mukhang nagpa-practice na siya?
Tuloy-tuloy ako sa loob. Sinalubong ako ng malamig na titig mula sa mga
mata niya.
Parang gustong manghina bigla ng mga tuhod ko sa kaba. Pero ngumiti pa
rin ako sa
kanya.
“Hi! Ako iyong nagdala sa’yo sa clinic last week. Okay ka na ba?”
Naaalala mo bang
niyakap mo ako? Pero siyempre hindi ko na idinugtong iyon sa tanong ko.
Hindi siya sumagot. Tahimik lang siya habang tinatalian ng benda ang
isang paa.
Ngumiti pa rin ako kahit na-deadma ako. “Sabi ko na nga okay ka na.”
Wala pa rin siyang sagot. Deadma again.
“Sige! Napadaan lang naman ako. Ingat ka, ha?”
Wala pa rin.
12
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Wag kang magpapaka-pagod kasi baka mag-worry si Kia.” Patalikod na ako
nang bigla
siyang magsalita.
“What?”
Lumundag ang puso ko nang marinig ko ang boses niya. “Anong what?”
Umiling siya at tumitig sa mukha ko. “You are so talkative.”
Napanganga ako. Napahiya. “Ha? Naku! Ano, sorry. Kasi naman…”
“Are you friend with Kiana Louise?” Salubong ang kilay na tanong ni
Leonardo sa akin.
“Ha? Ahm, yes! I’m her friend!” Nagpa-panic kong sagot. Tinatanong niya
ako, kinakausap
ako ni Leon kahit hindi siya nagde-deliryo sa sakit. Kinakausap niya ako!
Hindi ako alam
pero ang saya ko!
Lalong nagdikit ang may kakapalang kilay niya. Parang hindi niya
naintindihan ang
sinabi ko kaya nagsalita ulit ako.
“Yes, we are friends!” Itinaas ko ang mga kamay ko at pinagdikit ang
aking mga hintuturo.
“Like this. Friends. I am friend of your girlfriend, you know! Friends.
Ha-ha.” Shet, ang
hirap pala makipagsabayan ng englishan sa kanya!
“She’s not my girlfriend.”
“Ha?” Ano raw?
“Leave.” Parang iritadong sabi niya.
Saglit akong napatulala. Nang ma-absorb ng utak ko iyong super cold na
one word na
binitawan niya ay saka lang ako kumilos. “Sige, I’ll leave na. Bye! I’m
leaving!”
“Wait!”
“What?” Lingon ko ulit. Ang gulo ni koya, oh!
“Mag itatanong ako.”
Sa wakas nagtagalog din. “Ano iyon?”
13
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Matagal bago nagsalita si Leon, waring tinitimbang ang bawat salitang
palalabasin sa
mapupula at nakakatakam na mga labi.
“Anong tanong mo?”
Nakita ko ang paglunok niya, tensionado si koya.
“Magkaklase tayo?”
Napangisi ako, iyon lang pala. “Oo, kaklase mo ako. Hindi mo lang ako
napapansin. Ano
kasi, patay na bata ako. Shy type. Ganon.”
“Okay.”
Gusto ko sanang sabihin na ako ang gumagawa ng mga projects niya kaya
lang mukhang
hindi naman siya interesado.
“What’s your name?”
“Ha? My name?” Tinatanong niya ang pangalan ko?!
“Yeah, your name.” May kalakip na iritasyong ulit niya.
Siguro akala niya ang boba ko, mahirap maka-gets. Pwes nagkakamali siya,
biba ako!
Medyo na-off guard lang sa tanong niya ano!
Ngitian ko siya nang ubod nang tamis. “I’m Aleck Sophia Magtibay. Sophie
or Phia for
short. Wag ‘Aleck’ kasi name ng nanay ko iyon. Idinugtong lang kasi iyon
sa pangalan ko
kaya naging Aleck Sophi—“
“Okay.” Itinaas niya ang kamay, pinapatigil ako sa pagsa-salita.
“Okay.” Ang gulo talaga.
Tinalikuran niya na ako kaya tinalikuran ko na rin siya. Nagtalikuran
kami.
“Sige, alis na ako, ha? Ingat ka!” Saka ako nagmamadaling lumabas ng Judo
Room. May
mens yata si koya, ang sungit.
“Ay, palakang green!”
14
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Saktong paglabas ko ay bumangga ang mukha ko sa matigas na bagay. Matigas
at
mabangong bagay!
“Hi!”
Namilog ang mga mata ko ng mukha ni Conrad Legazpi Deogracia ang nakita
ko sa aking
pagtingala. At ang dibdib niya pala ang matigas at mabangong bagay na
aking nabangga.
Alanganin akong ngumiti. “H-hello. Pasensiya ka na.”
Bahagya siyang umatras. Nakapaskil pa rin sa mga labi ang pala-kaibigang
ngiti. “No.
Pasensiya ka na. Nagulat yata kasi kita.”
“Sige, alis na ako.”
“Ikaw iyong sa Math Club na nagtanong kay Kia, hindi ba?”
“Ako nga. Ikaw kilala kita. Isa ka sa mga kilalang estudyante rito sa
Bayan Ng Dalisay
High School.”
Nakangiti lang siya sa akin, pati ang mga mata ni Conrad ay parang
nakangiti rin. Mukha
talaga siyang mabait.
“Sige, alis na ako.” Paalam ko. Pumasok na rin siya sa loob ng Judo Room.
Pero ang totoo ay hindi pa talaga ako tuluyang umalis. Idinikit ako ang
tainga ko sa pinto,
sa gilid ng salamin.
“Himala. May ibang babae ka ng kinakausap ngayon.” Boses ni Conrad.
Mukhang kanina
pa nakikinig sa amin ang loko.
“She’s nothing.” Napapitlag ako sa sagot ni Leonardo kay Conrad.
“Dapat lang. Kung ayaw mong paghaluin ni Kia ang balat sa tinalupan.”
Walang sagot.
Narinig ko ang maiksing tawa ni Conrad. “Just kidding, ‘couz.”
Wala pa ring sagot.
15
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Oh, I’m sorry. Hindi ka nga pala marunong makipagbiruan.”
Parang nakikipag-usap sa hangin si Conrad. Hindi kasi sumasagot si Leon.
“Anyway, she’s one hot babe.”
“What?” Doon palang sumagot si Leon, at patanong pa.
“That Aleck Sophia Magtibay. I heard it ng magpakilala siya sa’yo.
Mukhang hindi siya
boring.”
“Spare her, asshole.” May bahid ng inis ang boses na iyon.
Umalis na ako sa pinto dahil baka lumabas na si Conrad. Nagmamadali kong
tinungo ang
hagdanan. Pero hindi mawala sa isip ko ang usapan ng magpinsan.
‘One hot babe?’ First time kong matawag ng ganon. Wala sa loob na nakapa
ko ang ulo ko.
Sabi ko na nga ba, hot ang Hello Kitty headband.
Saka bakit parang galit si Leon na napansin ako ni Conrad? Hindi kaya? Ay
naku, wag
naman. Ayaw kong maghalo ang balat sa tinalupan!
Chapter 3
‘BALANG ARAW, Anak… yayaman din ang pamilya natin.’ Sabi ni Tatay dati.
Hindi na yata iyon mangyayari.
TATO and ALECK. Sina Nanay at Tatay. Masaya ang mga ito sa kuwadradong
larawan na
nakasabit sa sala ng bahay namin.
Malungkot akong ngumiti. Wala na si Tatay. Dead on arrival matapos dalhin
sa ospital. Si
Nanay naman ay nabulag. Dahil lang lahat iyon sa isang aksidente sa daan.
Nabangga ang owner type jeep na sinasakyan nila. Isang itim na van ang
nakabangga,
hindi nakita ang nagma-maneho niyon, tinakbuhan ang mga magulang ko ng
walanghiya!
Sa ngayon ay nabubuhay kaming mag-ina sa pension ni Tatay at sa pension
ni Nanay.
Iyon lang. May sarili kaming bahay kaya hindi problema ang upa. Pero
nagigipit pa rin.
Mabuti na lang at nakaka-diskarte ako. Minsan taga-gawa ng projects ng
diyosang si Kia.
Minsan naman ay taga-walis sa library ng Dalisay Highschool.
16
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Nanay, hindi ba puwedeng makapasok sa Hacienda Montemayor?”
Umangat ang mukha ni Nanay mula sa pagkakayuko sa tumba-tumba. “Bakit
naman
gusto mong pumasok don?”
“Eh, kasi sabi ng mga kaklase ko ay maganda raw don. Parang paraiso.”
Ano nga kayang itsura ng malawak na lupain ng mga Montemayor?
Ngumiti si Nanay. Inabot niya at in-off ang katabing radyo. “Puwede naman
makapasok
don, Phia. Hindi naman madamot ang mga Montemayor.”
“Talaga po?”
“Oo pero bawal don sa villa mismo.”
“Sa Villa Montemayor?” Gusto ko pa rin naman sanang makarating doon.
Gusto kong
makita ang mga mala-palasyong bahay na nakatirik doon.
“Oo. Super private na ron. Puro guwardiya. Naroon kasi ang mga mansion ng
angkan
nila.”
“Astig.”
“Anong astig ka diyan?”
“`Nay gusto kong tumira ron.”
Marahang tumawa si Nanay. “Gusto mong mag-apply na helper sa mga
Montemayor?”
“Hindi, `Nay!” Pumadyak ako.
“Eh, paano ka titira ron? Maliban na lang kung ang makakatuluyan mo ay
isa sa angkan
nila. Iyon tiyak, sigurado na ang pagtira mo ron. Kada isang apo, anak ng
isang
Montemayor ay may lupa sa loob ng villa na maaring patayuan ng mansion
nila.”
Nagliwanag ang mukha ko. “Astig, `Nay!”
Kung magkakaroon ako ng bahay sa villa ay super astig talaga!
17
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“At sino naman ang aasawahin mong Montemayor, aber?” Nakataas ang kilay
ni Nanay,
subalit blangko ang mga mata na hindi na nakakakita.
“Si…” impit akong napangisi.
“Sino?”
“Si Conrad Deogracia, `Nay!”
“Ano kamo?!”
“Iyong anak ho nong dating model na si Ayeza Montemayor-Legazpi.”
“Abay, sigurado ka, anak?”
“Tingin ko may crush sa akin iyon. Naku, kung papalarin, hindi lang sa
Villa Montemayor
ako makakarating. Pati na rin sa Hacienda Deogracia sa karatig bayan! At
makakapunta
na rin tayo sa Isla Deogracia sakay ng Montemayor Cruise!”
“Anak…” bumaha ang pag-aalala sa mukha ng inay.
Lumapit ako sa kinauupuan niya at inabot ang isa niyang kamay. Marahan ko
iyong
pinisil. “Kasi, `Nay. Hindi talaga tayo yayaman ng ganito lang. Ang hirap
ng buhay.”
“Kaya nga kita pinag-aaral. Mangarap ka nang higit pa sa makapangasawa ng
mayaman.
Ikaw ang mag-ahon sa sarili mo sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.”
Tumulis ang nguso ko. “`Nay, hindi ko naman po papabayaan ang pag-aaral
ko.”
Ah, basta! Matutupad pa rin ang pangako noon ni Tatay! Yayaman din ang
pamilya
namin.
Tay, kung nasaan ka man, kayo na ang bahala sa akin.

MATH CLUB
“Hi!”
18
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Tiniyak kong mabangong-mabango ako. Maayos ang buhok na naiipit sa kulay
pink kong
headband na may disenyong Mickey Mouse. Baka kasi sawa na sa Hello Kitty
si Conrad
Deogracia.
Ngumiti agad ito nang makita ako.
Itinapat ko sa ganitong oras ang pagpunta sa Math Club. Ganitong oras
kasi ang nalaman
kong naroon si Conrad, at madalas na nag-iisa.
“You’re looking for Kiana Louise again?”
“Ah, no. I mean, yes.” Tinamisan ko ang pagkakangiti ko sa kanya.
“Tuloy ka. Parating na iyon.”
“Sige.”
“Nice headband.”
Nag-init ang magkabilang pisngi ko. “Thank you.”
“Would you like some drinks? May juice at soda sa ref.”
“Naku, ‘wag na. Ayos na ako rito.”
Ngumiti lang ang lalaki at muling bumalik sa binabasang libro. Masipag
talaga ang baby
ko.
Tumikhim ako. “Ahm, baka magselos ang GF mo pag nadatnan ako rito. Tayo
lang kasing
dalawa rito. Alam mo na…”
Ngumiti na naman ito. “I don’t have a girlfriend.”
“Oh…” kulang na lang ay mapa-palakpak ako.
“One year na.”
“Ah, ganon ba? Ah, I see…” ginandahan ko pa lalo ang pagkakangiti ko.
“Conrad.”
19
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Anak ng tinapa! May istorbo!
Biglang tayo sa upuan si Conrad. “Leon.”
Nang lumingon ako ay nakatayo na pala si Leonardo Saavedra sa likuran ko.
Seryoso na
naman ang mukha. Nakapasok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng
pantalon.
“Hinahanap ka ni Mr. Fuentes.” Aniya.
Alanganing ngumiti sa akin si Conrad. “Sige, Phia. Alis muna ako.”
Nang makaalis na si Conrad ay tumayo na rin ako. Akma akong susunod
palabas ng pinto
pero pinigilan ako sa braso ni Leon. Daig ko pa ang nakuryente ng
magdikit muli ang amin
mga balat.
“What are you doing here?”
“Ha?” Nanigas ang katawan ko nang magtama ang mga mata namin.
“Are you flirting with my cousin?” Matalim ang titig na tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko. “Flirting? What? Flirting?!”
“Yes, flirting.” Mariin niyang sabi.
“H-hindi ah… wag ka ngang judgemental!”
“Lumayo ka sa kanya.”
Nagpanting ang tainga ko. Sandali kong nakalimutan kung sino siya. “At
sino ka para
utusan ako?!”
Lumarawan naman ang pagkagulat sa guwapo bagamat nakakailang na mukha ni
Leon.
“Hindi ka natatakot sa akin?” Tanong niyang namamangha.
Napalunok ako. “At bakit ako m-matatakot sa’yo? Hindi ka naman multo!”
Matagal na naghinang ang mga mata namin. Tiniis ko ang bigat ng mga titig
niya kahit
para akong nilulusaw nito. Sa huli ay ipinagpasalamat ko na siya na rin
ang naunang
magbawi ng tingin.
20
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Stop it.” Mahinang sabi niya.
“Stop ang alin?”
“Ang ano mang binabalak mo.” Binitiwan niya ang braso ko at muling
inilagay ang mga
kamay sa kanyang bulsa. Diretso siyang nakatayo sa gilid ng pinto.
“H-hindi kita maintindihan…”
“Hindi ka niya magugustuhan.”
Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng pagtutubig ng mga
mata pero
hindi ko iyon pinansin. Tinatagan ko pa rin ang boses ko. “Ano kamo?
Pakiulit.”
Tiningnan niya ako at muling tumingin sa ibang direksyon.
“Hindi niya ako magugustuhan? Bakit, Leon? Dahil hindi ako kasing-yaman
niyo?”
“Hindi.”
“Eh, ano?!”
“Dahil hindi puwede.”
Napaawang ang mga labi ko.
Chapter 4
KAILANGAN KO NG HANGIN.
Bigla akong pinangapusan ng hininga habang walang kurap ang aking mga
mata sa
pagtitig sa mukha ni Leonardo Saavedra. Ano bang sinasabi niya?
Bakit hindi puwedeng magkagusto ako sa pinsan niyang si Conrad Deogracia?
Bakit
pakiramdam ko ay dapat akong magtatalon sa kilig at hindi magalit dahil
minamaliit niya
ako.
Tumaas ang sulok ng kanyang bibig saka siya umiling. Sa pag-iling ng ulo
niya ay tila ako
hibang na nakasunod lang ng tingin sa kanya. Sa malalantik niyang pilik-
mata, sa
napakatangos na ilong at makipot at mamula-mulang labi.
21
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Hey!” Ipinitik niya ang mga daliri sa harapan ng mukha ko.
“Ha?”
“See? Kaya ayaw kong makipaglapit ka kay Conrad.” Bakas ang disgusto sa
mga mata
niya.
“Ha?” Ano bang sinasabi niya?
“Layuan mo ang pinsan ko. Believe me. This is for your own good.” Saka
siya tumalikod.
Nakapamulsa na humahakbang na palayo sa kinatatyuan ko.
“Teka lang, Leon! Ano bang sinasabi mo diyan?!” Nang bumalik sa akin ang
huwisyo ay
hinabol ko siya.
Hindi ko siya maintindihan. Kanina ay pinaramdam niya sa akin na hindi
ako nababagay
sa pinsan niyang si Conrad. Gusto kong isipin na baka siya ang may
pagtingin sa akin
kahit pa mukhang imposible.
Hello? Si Aleck Sophia na hindi naman ganoon kaganda ay pag-aagawan? Take
note! Nang
magpinsang Leonardo Saavedra at Conrad Deogracia? Wow just wow! Mabuti pa
ay
magising na agad ako ngayon sa katotohanan.
Pero ang mga binti ko, patuloy pa rin sa paghakbang. Hanggang sa huminto
siya at ako
naman ay masubsob sa kanyang malapad at matigas na likuran.
“Aw!” Sapo ko ang ilong ko na sumubsob sa likod niya. “Ano ba?! Bakit ka
biglang
humihinto?!”
Nang lumingon siya ay hindi ko na naman mabasa ang naglalaro sa isip
niya. Nakatingin
lang siya sa akin.
Patuloy ang mga daliri ko sa paghaplos sa nayupi ko yatang ilong.
“Kainis! Pag natanggal
‘tong ilong ko hindi kita mapapatawad! Kahit Saavedra slash Montemayor ka
pa!”
Humakbang siya palapit sa akin. “You’re really something.”
“Ha?” Anak ng tokwa! Kaharap ko na naman si Lion King. Oo, mas bagay sa
kanya maging
leon. Nakakatakot kasi siya. Kung noon parang misteryoso siya, ngayon
dangerous na.
Hindi ko alam pero bigla akong tinubuan ng takot para sa lalaking ito.
22
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Napaatras ako nang muli siyang humakbang.
Napakalapit na naman niya. Sa sobrang lapit, amoy ko na ang naman ang
mabango
niyang hininga. Tumungo siya at nagulat ako ng idikit niya ang noo sa
akin.
May warning bells na biglang nagtunugan sa utak ko. Alam kong imposible
na naman
itong naiisip ko na baka halikan ako ni Leonardo pero ano ba? Masama bang
mangarap
ako?
Teka, paano si Conrad Deogracia?
“You don’t like him.” Mariin niyang bitaw.
Oo nga, kasi ikaw na ang like ko. Nadaan mo ako sa tingin. Char!
“Hindi mo gusto ang pinsan ko.” Ulit niya. “Ako ang gusto mo.”
Napanganga ako. Nabasa ba niya ang tumatakbo sa isip ko?
“Kung gusto mo siya, wala sana akong ganitong epekto sa’yo.”
Wait! Nakaka-turn off bigla ang lakas ng hangin.
“Mas gusto mo ako sa kanya.” Inulit pa, o!
“There you are!”
Sabay kaming natigilan nang biglang sumulpot out of nowhere si Kia.
“Kiana Louise!” Namilog ang mga mata ko. Narinig niya kaya? Malamang,
hindi. Kasi
kung narinig niya ay baka wala na akong buhok ngayon. Malamang kinakalbo
niya na ako
at patuloy na kakalbuhin hanggang mapagod siya at lumuwa na ang utak ko
sa ulo.
“Hobby mo ng pagtaguan ako!” Deretso siya sa nakakunot noong si Leonardo.
“I’ve missed
you!”
“Oh, please!” Lumayo si Leonardo sa kanya.
“Leon, naman.” Akmang lalapit ulit pero humarang na ang braso ni Leon sa
mukha ng
babae.
23
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Kia, stop it.”
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Dapat ume-exit na ako, pero heto at
nanonood
ako sa kanilang dalawa. Sa mag-jowang may L.Q. yata. And wait, hindi ko
dapat
magustuhan si Leon! Napakawalang kwenta ko namang kaibigan para kay Kia
kapag
nagkataon. Wait, wait again? Kaibigan? Kaibigan ko ba talaga si Kia? O
kaibigan niya
lang ako kapag may kailangan siya? At kaibigan ko lang siya kapag
kailangan ko ang
bayad sa mga pinapagawa niya?
“Leon, wala ka sa tabi ko maghapon. What do you expect? Mapanatag ako?”
“Tigilan mo na ang pagpapalaganap ng maling impormasyon. You aren’t my
girlfriend.”
Mariing turan ni Leonardo na nagpa-nganga sa aming dalawa ni Kia. Malinaw
ang
pagkakasabi, pero bakit hindi pa rin lubusang maunawaan ng kukote ko?
“Oh, aalis na ako...” sa wakas ay nangibabaw ang hiya sa katawan ko.
“No! Stay!” Tila kulog ang boses ni Leon. First time ko siyang makitang
magalit. Oo at lagi
siyang seryoso, pero hindi ganito na nagliliyab ang mga mata niya.
“What’s the problem with you?!” Halos mangiyak-ngiyak na si Kia.
Muli itong hinarap ni Leon. “Dahil hindi talaga tayo! Hindi ako trophy!
Hindi mo ako
puwedeng ipagyabang na boyfriend mo dahil hindi iyon totoo.”
“I love you!”
“No! Hindi pagmamahal iyan. Nababaliw ka lang!”
“Hala!” Bulalas ko. Ang harsh.
Inis namang umalis si Kia. Ang lagutok ng takong ng sapatos nito ay dinig
na dinig ko,
parang sadyang itinutoktok sa sahig.
“Women!” Napasandal si Leonardo sa dingding. “Napakahirap intindihin!”
ILANG minuto na walang pag-uusap. Nakatingin lang ako sa kanya habang
tahimik din
siyang nakatingin sa akin. Para kaming sira na nagti-tinginan lang. Wala
na si Kia, wala
na ang tensyon. Parang biglang panatag na ang loob ko, gayun din ang
paghinga ni Leon
na kanina ay mararahas, kalmado na siya. Mukhang na-stress talaga siya
kay Kia.
24
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Grabe naman iyong ginawa mo.” Basag ko sa katahimikan.
“Anong ginawa?” Patay-malisya si Lion King.
“Kay Kia... pinahiya mo siya.” Nakangusong saad ko. Nakisandal na ako sa
dingding na
sinasandalan niya. Bigla akong nangawit kakatayo, eh.
“Gusto ko lang matauhan siya.” Flat ang tono na sabi niya.
“Nasaktan mo siya... mahal ka nong tao.”
“Hindi pagmamahal iyon.” Bat ganito ba siya magsalita? Walang kagana-
gana?
“Eh, ano?” Pasulyap-sulyap ako sa kanya. Seryoso siya habang nakatingin
sa isang
direksyon, nagsawa na yata sa mukha ko. “Paano mo nasabing di ka niya
mahal? Bat mo
hinuhusgahan iyong feelings niya sa’yo? Mula elementary, halos di na iyon
humiwalay
sa’yo. Buong buhay niya kulang na lang maglagay siya ng karatula sa noo
niya na
nagsasabing pag-aari mo siya.”
Tumaas ang balikat ni Leon. “Mali. Kung kakayanin niya, baka ako ang
lagyan niya ng
karatula sa noo na nagsasabing pag-aari niya ako.”
Doon na nagtagal ang tingin ko sa mukha niya. Hanep ang ilong, ang ganda
ng view sa
pagkaka-side view. Kahit nakaharap, guwapo. Nakatagilid, guwapo pa rin.
Walang tapon.
Hindi ko akalaing makakausap ko ng ganito ang taong ito. Nang ganito
kalapit. Na ganito
katagal. At ganito kalalim na topic. Tuluyan ng nawala sa sistema ko si
Conrad Deogracia.
“You think so?” Pagpapahaba ko sa usapan naming dalawa. I’m enjoying
this!
“Yeah.” Pagpapaunlak niya sa tanong ko. “Kung masasaktan man siya, pride
niya lang.
Hindi puso. Hindi pagmamahal iyong nararamdaman niya. Binulag niya kasi
ang sarili
niya na ako lang ang lalaking nababagay sa kanya.”
“Ang cool mo rin, noh?” Di ko napigilang ibulalas.
“Cool?” Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin.
“Oo. Kasi alam mo kung kelan mahal o gusto ng babae ang lalaki. Parang si
Kia, alam mo
na hindi ka niya mahal. ‘Tapos sa akin, alam mo na hindi ko gusto si
Conrad. Iyong totoo,
manghuhula ka ba?”
25
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Dahil alam ko lang.” Iritable pero hindi naman galit na saad niya.
“Iyong sa feelings ni Kia, ikaw ang bahala. Ramdam mo naman siguro kung
totoo o hindi.
Pero iyong akin, paano mo nasabing tama ka?”
Saglit siyang natigilan. Mayamaya ay umayos ng tayo. “It’s my birthday
next week. I want
you to come.” Imbes na sagutin ang tanong ko ay wika niya.
Muli ay kusa na namang ngumanga ang bibig ko. Kahit hindi niya na sagutin
ang tanong
ko, keri na!
But, wait! Is this for real? Oh, God! Is he really inviting me?!
At saan pa nga ba gaganapin ang birthday niya? Eh, di sa Hacienda
Montemayor! Ang
lugar na pangarap kong mapasok noon pa man. Nakakalula na si Leonardo
Saavedra pa
mismo ang nag-imbita sa akin!
“Sige, pupunta ako!” Sagot ko agad bago pa magbago ang isip niya. Ubod
tamis ang
pagkakangiti ko. It was if I am possesed.
He smiled back. And anak ng tokwa! That’s the sweetes smile I’ve ever
seen! Mas sweet pa
sa smile ni Conrad Deogracia!
Chapter 5
HALOS di ako makatulog sa kakaisip. Anong isusuot ko sa birthday niya?
Manghiram
kaya ako sa friend kong si Helga? Pero nakakahiya naman dahil baka sumama
pa siya.
Wala naman akong balak magsama, nakakahiya na magsama gayung inimbitahan
lang
din ako.
Sa huli ay isang bestida ang napili kong isuot. Hindi naman na siguro
alangan iyon kahit
naka-gown pa ang ibang imbitadong bisita. Isang kulay murang asul na
bestida, may
kaunting bulaklakin sa ibaba pero sa kabuuhan ay simple lang. Siguro
ikukulot ko na lang
ang laylayan ng buhok ko tapos kaunting make up ay puwede na! Sa sandals
naman ay
may bago naman akong sandals. Iyong binili ko noong pinilit ako ni Nanay
na bumili ng
bago kong gamit nang dumating ang pensyon ni Tatay. Mumurahin lang pero
maganda
ang itsura, nasa pagdadala na lang talaga.
Nang dumating ang mismong gabi ng birthday ni Leonardo ay problemadong-
problemado
ako. Paano ako pupunta sa villa gayung wala akong service? Hanggang sa
bukana lang ng
hacienda puwede ang tricycle. Papasok sa villa ay dapat may service na.
Isa sa pinakasikat
26
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
at pinakamalaking hacienda sa Dalisay ang Hacienda Montemayor. Sa loob ng
malawak
na berdeng lupain ay ang marangyang villa. The Villa Montemayor. Sa
sobrang sabik kong
matuloy lang ang pagpunta ay nilakad ko na lang pagkababa ko ng tricycle.
Hindi naman
na ganoon kalayo, iyon nga lang at ilang beses akong nausukan mula sa mga
magagarang
sasakyan na nakakasabay ko sa daan.
Bago ako makarating sa gate ng villa ay hulas na ang make up ko. Mabait
iyong guard sa
villa, itinuro sa akin ang pinakamalapit na banyo para makapag-retouch
ako. Sinamahan
ako ng isang ladyguard. Ilang minuto lang ay ready na akong pumasok sa
loob. Nagniningning ang mga mata ko sa kagandahan ng lugar. Sa tapat ng
isa sa malalaking
mansyon sa loob ng villa ang party. Dito rin nakatira si Leon, ang mga
kapatid niya at
magulang. Dito idinaraos ang kaarawan ni Leonardo D. Saavedra.
Nakakalula ang mga tao na nakakasalubong ko. Lahat ay mukhang may sinabi
sa buhay.
Lahat ay parang nagmumura ang mga alahas na suot. Kabaliktaran ko na ang
tanging
aksesorya ay ang gintong hikaw na minana ko pa sa nanay ng nanay ko at
ang friendship
bracelet namin ni Helga.
May mga mayayamang kaklase akong nakakasalubong. Iyong iba ay tila hindi
makapaniwala na nakikita nila akong pahara-hara dito sa party. Iyong iba
naman ay
mukhang galing sa ibang pribadong paaralan ng Dalisay.
Hinanap ng mga mata ko si Leonardo. Kanina pa nag-umpisa ang party.
Malamang ay
naipakilala na siya at tapos na ang ilang programa. Sa dami ng tao ay
nahirapan akong
makita siya. Ngunit tadhana yata talaga na makita ko siya. Sa isang
lingon ko ay nahuli
agad siya ng aking paningin.
He was there. Nasa tabi malaking fountain, may hawak na kopita ng alak.
Nakatayo at ni
wala man lang nakapaskil na ngiti sa madamot na mga labi. Ganoon pa man,
Leonardo
looked very handsome sa suot niyang pares na abong amerikana. Binatang-
binata na ang
tikas at itsura, kahit na baby face dahil hindi naman nakangiti.
Nakaramdam ako ng init sa loob ng aking dibdib. Tila napawi ang lahat ng
hirap ko
makarating lang dito. Wala akong regalo pero ipagdadasal ko na lang siya.
Sana ay
maging successful siya sa buhay at maging masaya. Kung materyal naman
kasing bagay
ay mukhang wala na akong puwedeng ibigay pa sa kanya, nasa kanya na halos
ang lahat.
Nagkasya na lamang ako sa panonood sa bawat kilos niya. Sa pino at
kalkuladong kilos.
Sa tila propesyunal na pakikiharap sa mga bisita at sa panaka-nakang
pagtango sa mga
tanong at pagbati ng ilang guests sa kanya.
27
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Inilibot ko muli ang paningin sa paligid. Sa karangyaan ng lugar. Nakita
ko na rin ang iba
pa niyang mga kapatid. Lahat naman ay mukhang masayahin, maliban sa kanya
at sa
bunso na tila mas enjoy sa gadget na nilalaro kesa makisalamuha sa mga
guests.
Nang may lumapit sa aking waiter ay hindi ako tumanggi sa dinudulot
nitong wine.
Tangan ko ang kopita habang naglilibot-libot sa paligid. Aliw na aliw ako
sa
nagtatayugang mansyon at sa magandang sahig ng villa. Para akong nasa
ibang bansa.
Para akong namamasyal sa isang mamahalin at napakarangyang lugar. Feel na
feel ko
ang pagmamasid habang pasimsim-simsim sa dala kong glass of wine. Sosyal
na sosyal
ang pakiramdam ko.
Nang mapagod ay naghanap ako ng mauupuan. Kumain ng mga dishes na ngayon
ko lang
natikman. Ang sasarap kahit kaunti lang ang bawat serving. Ganoon daw
kapag sosyal na
pagkain, ‘a little piece of this and a little piece of that’ lang. Nag-
refill ako ng wine. Muling
naglakad-lakad, tinablan na ako ng hilo pero sige pa rin. Masaya ang
pakiramdam ko
ngayon.
Sana mamaya ay maari ko ng lapitan ang birthday celebrant para mabati man
lang.
Malaman man lang niya na dumalo ako sa kaarawan niya. Sa isiping iyon ay
tila may
nanulay na kilig mula sa gulugod ko. Para akong hibang na ngumingiti mag-
isa.
Pabalik na ulit ako sa iniwan kong mesa nang makita ko si Conrad
Deogracia. Sayang,
siya ang unang gusto ko. Akala ko siya ang magiging susi para makapasok
ako rito. Mali
pala. Si Leonardo pala talaga ang tadhana ko. Sukat sa naisip kong iyon
ay kinilig na
naman ako.
Natukso akong makinig sa pakikipag-usap ni Conrad sa isa sa mga pinsan
nito.
“Who? The lady in light blue dress?” Nakangisi ang lalaki na halos kasing
laki nito. Si
Borgy Montemayor. “Yes, she was attractive. But very far from being
stunning.”
Tumango-tango si Conrad. “Sophia is nice though.”
Ako? Ako ang pinag-uusapan nilang hindi stunning?!
“Yes she is. Mas nice siguro kung wala na siyang suot na damit.”
Humalakhak si Borgy.
Nanalim naman ang mga mata ni Conrad.
“Hey, cousin! I was just kidding!” Ani Borgy saka tumikhim. “Ang gusto ko
talagang
sabihin ay hindi kasi bagay ang suot niya. Siya lang ang mukhang basahan
dito.”
28
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Tipid na ngumiti na lamang si Conrad. Mabilis akong umalis sa
kinatatayuan ko bago pa
nila maisipang lumingon. Ayaw kong makita nila ang epekto ng mga narinig
ko. Ni hindi
ko magawang ibalik ang mga ngiti ko kanina. Tila inilipad ng malamig na
hanging
panggabi ang lahat ng kumpiyansa ko kanina. Maski ang lapitan si Leonardo
mamaya ay
parang hindi ko na maaatim na gawin.
Basahan. Cheap. Ano ako para magpantasya? Kung si Conrad nga mismo na
mabait ay tila
sang-ayon na ganoon nga ako, ano pa kaya si Leonardo? Baka mapahiya lang
siya sa mga
bisita niya kapag nilapitan ko siya.
Oo nga naman. Ang damit ko na hindi naman mamahalin. How can I look
expensive if I
am wearing cheap clothes? Mukhang basahan. Cheap.
Si Leonardo... sa paghahanap ng mga mata ko ay napako ang paningin ko sa
isang
magkapareha na halos magyakapan na. It was Leonardo and Kia! Parehang may
hawak na
kopita ng alak, napapalibutan ng iba pang sosyal na nanunukso sa kanila.
Namigat ang mga talukap ko at bahagyang nanlabo ang aking paningin. My
eyes became
teary, lumayo ako bago pa may makapansin na malapit na akong magdrama
dito.
I am a mess!
Hindi naman kasi ako bagay dito. Bakit ba ipinagsisiksikan ko pa ang
sarili ko? I’m no
Cinderella! Si Cinderella may pag-asa pa kasi maganda! Ako wala! Cheap na
nga hindi pa
stunning! Wala! Wala akong pag-asa!
Nagtago ako sa malawak na hardin. Nilibang ko ang sarili sa magagandang
halaman at
bulaklak. Walang tao, nag-iisa lang ako. Bagamat may mga ilaw sa paligid
ay may mga
parte sa hardin na hindi naabot ng liwanag.
Naupo ako sa isang pahabang bato na inukit para maging upuan. Sa tabi
niyon ay mga
orchids na hindi ko matiyak ang kulay dahil hindi na abot ng ilaw.
Natupad na ang pangarap ko na makapasok dito, pero ganito naman ang
pakiramdam ko.
Di ba dapat ay masaya ako? Pero heto at nagmumukmok ako. Ano bang
problema ko? Eh,
ano kung pinag-uusapan ako ng ibang bisita ni Leonardo? Hindi sila
importante, hindi
naman sila ang nag-imbita sa akin dito.
29
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Pero nasaan nga ba iyong nag-imbita sa akin dito? Wala! Nandoon kasama ni
Kia na hindi
niya raw jowa pero sila ang kanina pa magkadikit na dalawa! Tse! Magulo
raw ang mga
babae! Mas magulo kaya ang mga lalaki. Mas mahirap ispelingin ang mga
ugali.
Inubos ko ang halos kalahating minuto ng pagmumukmok sa hardin nang
makarinig ako
ng kaluskos.
“S-sino iyan?”
Walang tugon.
Tinutop ko ang bibig ko. Hindi pala ako dapat lumikha ng ingay. Baka kung
sino ang
kasama ko rito ngayon. Baka lasing na mula sa party o kaya naman couple
na gumagawa
ng milagro. Pero bakit dito? Marami namang kuwarto sa mga mansyon dito?
Nahigit ko ang paghinga ko nang may matangkad na bulto ang huminto sa
harapan ko.
Against the light siya kaya di ko makita kung sino. At baka di rin niya
ako makita kasi
nakasiksik ako sa halamanan.
Nang makalapit siya ay saka ko lang napansin na lalaki siya, lalaking may
mabangong
amoy... parang kay...
Kung kanina ay tumigil ang paghinga ko, ngayon naman ay sunod-sunod ang
pag-hahanap
ko ng hangin. Tila kinakapos habang lumalapit ang lalaki sa akin. At nang
gahibla na
lamang ang pagitan naming dalawa ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga
mata ko ng
tumungo siya at halikan ako.
Sinikap kong kumawala ngunit malakas ang mga kamay niya at matitigas ang
mga braso.
Pilit pa rin akong nanlalaban lalo nang maramdaman ko ang paghila niya sa
akin patungo
sa kaninang inuupuan kong bato.
Mainit ang halik niya. Para sa isang tulad ko na banyaga sa ganito ay
para akong nahihilo.
Natatangay sa kung saan. Nalulunod ako sa ekpertong pag-angkin ng mga
labi niya sa
mga labi ko. Ni hindi ko namalayan na naihiga niya na pala ako sa batong
inukit para
maging pahingahan sa hardin. Sa madilim na bahagi ng hardin.
Hindi tama. Mali ang nangyayari ngunit wala ng lakas maging ang isip ko.
Napaiyak na
lamang ako nang marinig ang pagkapunit ng suot kong bestida. Katapusan ko
na talaga.
Chapter 6
30
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
TULALA ako habang naglalakad patungo sa bahay namin. Ni hindi ko magawang
maampat ng mga luha ko. Patuloy iyon sa pag-agos mula sa aking mga mata.
Mabuti ang madilim na ang kalsada, wala ng katao-tao. Maging ang tindahan
sa harapan
ng bahay namin ay sarado na. Tanging kahol ng mga aso sa kalayuan na lang
ang
maririnig. Walang makakaalam na may isang magarang kotse na naghatid sa
akin mula
sa di kalayuan.
“Nanay…” muli akong napahikbi ng makita sa bintana ng bahay ang nanay ko.
Nakadungaw siya, malayo ang tingin bagamat nakangiti.
May kirot sa loob ng dibdib ko. Mas makirot pa sa mga paa ko na halos
magsugat na sa
paltos. Gusto kong pumalahaw ng iyak ngunit hindi puwede. Hindi puwedeng
malaman ni
Nanay ang nangyari.
Nang tumuloy na ako sa bahay namin ay saka lang umalis ang magarang
sasakyan. Agad
na lumingon si Nanay, nakangiti pa rin.
“Anak?! Ano? Kumusta ang party?” Masaya siya, kakapa-kapa patungo sa
kinatatayuan
ko. “Nag-enjoy ka ba? Ano? Maganda ba ron?”
Ito ang unang pagkakataon na nais kong ipagpasalamat na hindi siya
nakakakita. Na
hindi niya makikita kung gaano ako ka-miserable ngayon. Gula-gulanit ang
damit ko, sira
ang sandalyas, hulas ang make up at gusot ang buhok. Ang isang malaki,
mamahalin at
mabangong jacket ang tanging tumatakip na lang sa nasira kong bestida.
Ngunit sinikap kong ngumiti upang maging maganda ang tunog ng sagot ko.
“Oo, `Nay. Masaya po. Sa wakas, nakapasok na rin ako sa Hacienda
Montemayor. Hindi
lamang doon, doon pa mismo sa villa. Napakarangya, `Nay.”
Lalong lumapad ang ngiti ni Nanay. “Kakain ka pa ba niyan?”
“Hindi na po. Maraming pagkain doon… nabusog po ako. Gusto ko na lang
pong
magpahinga. Matulog na rin po kayo.”
“O, siya, sige.”
Pagpasok ko sa sa kuwarto ko ay hinubad ko agad ang suot kong jacket.
Matagal ko iyong
pinagmasdan bago tumulo muli ang mga luha ko. Hindi ko alam kung paano ko
haharapin
ang nangyari sa akin sa villa… sa ngayon ay hindi ko pa alam, at wala pa
akong plano.
31
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah

NANG dumating ang Lunes ay hindi ako pumasok. Unang beses na lumiban ako
sa klase.
Masama pa rin ang pakiramdam ko. Nananakit ang buong katawan ko, dagdag
pa na
nagkasipon ako at masakit ang ulo ko sa kakaiyak. Nagka-sinat ako nang
nakaraang gabi.
Mabuti na lang at naniwala si Nanay na masyado lang akong napagod sa
party.
Gayunpaman ay malungkot ako dahil napag-alala ko siya.
“Hoy, ano?! Di ka pumasok! May assignment! Hinahanap ka ni Kia.”
Nang marinig ko ang pangalan ni Kiana Louise Montenegro ay kusang pumait
ang panlasa
ko. Nasa tindahan ako ngayon, sa payphone na nagkakahalaga ng limang piso
kada
tatlong minuto. Tinawagan ko ang kaibigan at kaklase kong si Helga para
makibalita.
“Ano? Papasok ka na ba bukas? Aba, chikahan mo naman ako! Anyare sa
party? Anong
itsura ng villa? Heaven ba?”
Heaven? Gusto kong biglang magmura.
“Uy, ako may chikaness!”
Nanatili akong nakikinig, hindi pa naman tapos ang time ko sa payphone.
“Sophia, si Conrad Deogracia! Pagala-gala kanina sa labas ng room natin.
At ito pa, huh?
Aba’y sa gawi ng upuan mo nakapako ang mga mata! Pabalik-balik, hindi
mapakali.
Kulang na nga lang pumasok sa room natin at puntahan iyong upuan mo.
Anong ibig
sabihin non?”
Hindi ako umimik.
“May isa pa! Si Leonardo, hindi rin mapakali sa upuan niya. Hindi ako
puwedeng
magkamali, ang sama ng tinginan ng magpinsan. Kung siguro nga walang
teacher ay baka
nagsuntukan na iyong dalawa. Aba, lahat ay nagtataka! Knowing Conrad na
super bait at
Leonardo na super misteryosong-seryoso!”
“Balik na ako sa bahay… baka hinahanap na ako ni Nanay.”
“Ay, KJ mo! Eh, ano ba kasing nangyari sa villa, huh? Si Kia din mukhang
badtrip. Alam
mo iyong babaeng iyon? Lahat ng nakaharang sa daan niya sinisigawan! Ang
weird nila!
Ganon ba ang mayayaman?”
32
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Sige na, baka mabinat na ako. Saka wala akong alam sa trip ng mga iyon…
sige na, bye.
Pakopya na lang ng assignment bukas, ha?”
“Sureness!”
Binayaran ko na ang oras sa tindahan, bumalik na ako sa bahay namin. Nasa
sala si
Nanay, nakaupo at nakikinig sa AM radio. Pumasok na ako sa kuwarto ko at
saka
namaluktot sa higaan. Bukas ay kailangan ko ng pumasok… kailangan ko ng
harapin ang
taong dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
“Tatay, sorry… Tatay… Nanay…”
Parang tukso na bumabalik sa isipan ko ang nangyari sa hardin ng gabing
iyon… ang
gabing malaki ang nawala sa akin.
Pangahas iyong lalaki. Inililis niya ang suot kong bestida. Sinira niya
ang suot kong
underwear. Napakabilis ng kilos niya, parang nagmamadali. Mainit ang mga
labi niya sa
balat ko, gusto kong sisihin ang sarili ko dahil kahit tumututol ang isip
ko ay nadadarang
ako.
Nalulunod ako sa napakabangong amoy niya, lalaking-lalaki. Sa malambot
niyang mga
labi, sa malalaking kamay na humahagod sa katawan ko. Saktong sumigaw ako
ay ang
paglakas ng tugtog sa kasiyahan, nilamon ng ingay sa party ang mga hikbi
at daing ko. Ni
wala na akong lakas para manlaban. Doble ang lakas niya kesa sa akin.
“You want this, right?” Paos ang boses niya. “You want this… as much as I
want this…”
Napapikit na lang ako ng isampay niya ang mga binti ko sa kanyang
balikat. Naibaba niya
na ang suot na pantalon. Nagawa niya na ang gusto niya. Wala ng nagawa
ang pag-iyak
ko.
Iyong party na kinasabikan kong daluhan, ay ang party na hinding-hindi ko
makakalimutan. Doon na natapos ang aking ka-inosentehan, may bahid na ako
at hindi na
buo.
Napabalikwas ako ng bangon ng katukin ni Nanay ang pinto ng kuwarto ko.
“`Nay, bakit po? May kailangan kayo?”
Blangko ang ekpresyon niya nang pagbuksan ko siya.
33
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“May naghahanap sa’yo sa sala…”
“Ho?” Sino? Wala naman kaming usapan ni Helga.
“Labasin mo na… mag-uusap tayo mamaya…” kataka-taka ang lamig sa boses ni
Nanay
kaya agad akong kinabahan.
“S-sino ho?”
“Nobyo mo raw… sige na at baka naiinip na sa sala.”
Napalunok ako kasabay ng pagragasa ng kaba sa dibdib ko. Ni hindi ko na
nagawang magayos. Dahil sa kaliitan ng bahay namin ay natanaw ko agad ang
lalaking sinasabi ni
Nanay na nobyo ko raw. Nakaupo ito sa kahoy na upuan sa maliit naming
sala, nakatungo
ngunit mabilis ko pa ring nakilala.
Si Conrad Deogracia!
Chapter 7
SI CONRAD DEOGRACIA!
“A-anong ginagawa mo rito?” Nanginig ang mga kamay ko, sinulyapan ko si
Nanay,
papasok ito ng kuwarto.
“Para pala sa’yo.” Itinuro niya ang dalang basket ng prutas, nasa ibabaw
iyon ng lamesita
namin. “Saka ito.” Tatlong piraso ng puting rosas.
Tinanggap ko iyon at inutusan siyang maupo muli.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?”
“M-may… may nasabi ka ba kay Nanay?” Mahina at kabado kong tanong. Muli
kong
sinulyapan ang saradong pinto ng kuwarto na pinasukan ni Nanay.
Umiling si Conrad at ngumiti. “Wala.”
“Ang sabi mo ay nobyo kita!” Sumbat ko.
Nawala ang ngiti sa mga labi niya, tumungo at nag-iwas ng tingin. “Mas
okay na ganon…”
34
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“B-bakit?”
“Para may dahilan na ako na palaging magpunta rito.”
“Bakit?”
“Gusto ko.”
“Bakit?”
“Gusto ko na ihatid ka, sunduin at madalaw rito sa bahay niyo. Sa school
ay palagi ka na
ring sasabay sa akin.”
“Conrad…”
“Wag mo na akong tanungin kung bakit, okay?”
“P-pero…”
“Wala kang dapat ipag-alala, Sophia. Hindi kita papabayaan.”
Umusod siya sa tabi ko.
“Umuwi ka na, Conrad.”
“Bukas, susunduin kita, ha?”
Hindi ako kumibo.
“Sabay na tayo papasok sa school starting tomorrow. Ako na rin ang
maghahatid sa’yo
pauwi. Sa tingin ko matutuwa si Nanay dahil may makakasama ka na. Hindi
na siya magaalala na gagabihin ka sa daan.”
Napatingin ako sa guwapong mukha ni Conrad. Nakangiti siya.
“Aalis na ako. Magpahinga ka na, Phia.”
“S-sige…”
35
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Inihatid ko siya hanggang sa kahoy na gate ng bahay namin. Hindi ako
nakahuma nang
tumungo siya at hagkan ako sa pisngi. Napatulala lang ako.
“Bye, Phia! See you tomorrow.”
Kumaway pa siya bago sumakay sa kotse niya. Ang mga kapitbahay namin ay
nakatingin
lahat sa kanya, marahil ay mga nagtataka. Bihira lang kasi na may maligaw
na magarang
kotse rito sa kalye namin.
Nang umabante na ang mamahaling sasakyan ay natutop ko ang aking bibig.
Ang plaka
ng kotse, may tatak na simbulo ng mga Montemayor. Nang tingnan ko ang mga
kapitbahay namin ay kakaiba ang kanilang tingin paukol sa akin. Nagsimula
na ring
magbulungan ang iilan. Sigurado ako na magiging paksa na ako ng tsismisan
pagkatapos
ng araw na ito.
Si Aling Tess na bantay ng tindahan sa tapat ay di nakatiis. Lumapit ito
sa akin at agad
akong nginisihan.
“Ineng, sino iyon? Nobyo mo?”
“Po?”
“Aba’y, wag mo ng pakawalan! Montemayor iyon, ano? Sa kutis at pananamit
palang, ke
gandang lalaki. Hindi iyon driver lang! Tiyak ko na Montemayor iyon.”
Napatungo ako. “Isa po siyang Deogracia…”
“Ay, tinamaan ka ng magaling!” Napa-palakpak ang ginang. “Jackpot pa rin!
Jackpot na
jackpot!”
“Pero oho, may dugo siyang Montemayor… sa villa sa loob ng hacienda siya
nakatira.”
Tumalikod na ako at bumalik sa bahay namin.
“Pag sinu-suwerte nga naman! Pag inanyayahan ka sa hacienda, isama mo
iyong anak
kong dalaga! Malay mo makasilo rin ng Montemayor o kahit Deogracia o
Saavedra!” Dinig
na dinig ko pa ang boses ni Aling Tess kahit naisarado ko na ang pinto
namin.
“Nakaalis na ba ang bisita mo?”
Napapitlag ako sa gulat. “`Nay…”
36
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Kakalabas lang ng kuwarto ni Nanay. “Maari na ba tayong mag-usap,
Sophia?”
“Opo, Nanay…” madali akong lumapit sa kanya upang alalayan siyang makaupo
sa silya.
“Iyon si Conrad Deogracia, di ba? Iyong sinasabi mo?”
“Opo…”
“Kailan pa kayo naging magnobyo? Noong party ba? Bakit hindi mo man lang
nabanggit sa
akin ito? Hindi kita huhusgahan, Sophia. Pero aaminin ko, nagdadamdam
ako.”
“Patawad, `Nay…”
“Alangan namang hindi kita mapatawad? Tayo na lang sa mundong ito ang
magkamaganak. Matitiis ba kita? Pero kung buhay ang tatay mo ay baka
sini-sinturon ka na ngayon.
Masyado ka pang bata para magnobyo. Kahit sabihing graduating ka na ng
hayskul.”
“Nanay…”
“Pero may tiwala ako sa’yo. Responsible kang bata. At si Conrad, kahit
ngayon ko lang
nakaharap. Kahit hindi ko siya nakikita at hindi pa gaanong kilala ay
mukhang mabait
naman. Magalang na bata. Sana hindi ako nagkakamali na mabuti siyang tao.
Pero
humahanga ako at pumunta siya rito, kinausap ako nang maayos.”
“Ano pong napag-usapan niyo?”
“Humingi lang ng pahintulot. Ang sabi ay di ka raw papabayaan.”

“ANONG CHIKA?!” Salubong sa akin ni Helga. Sakto lang ang dating ko sa
school. “Bakit
nakita kong sa kotse ka ni Conrad bumaba, ha?!”
“Wag kang maingay, Helga!”
“Eh, ano kung marinig nila? Kakalat din ito sa buong campus, makita mo!”
Sa hallway ay naka-puwesto ang iba naming kaklase, busy sa
pakikipaghuntahan, hindi
pa kasi bell.
37
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“The eff! I can’t imagine!” Wika ng isa sa mga babaeng estudyante na
nakatayo habang
dumudut-dot sa hawak na mamahaling cellular phone.
“Look at Kia, she’s so upset.” Sagot naman ng isa sa mga kasama nito.
Kinabahan ako nang sumunod ang tingin ko kay Kiana Louise Montenegro,
nakasimangot
ito habang nakaupo sa mahabang bench. Ito ang pinag-uusapan ng mga
kaklase namin.
Iyong mga babae na um-attend sa party ni Leonardo sa Villa Montemayor.
Hindi ko alam
kung ano ang pinag-uusapan nila ngunit malakas ang kabog ng dibdib ko.
Ni hindi ko magawang lumakad, tulala lamang ako. Sari-saring konklusyon
ang gumigiit
sa isip ko. Mabuti at hinila na ako ni Helga patungo sa classroom namin.

PAGKATAPOS ng klase ay hindi agad ako tumayo sa upuan ko. Nakaalis na ang
ibang
estudyante maging si Helga pero nagpapanggap pa rin akong busy sa
paghalukay ng bag
ko. Nang matiyak kong wala na ngang ibang tao ay saka lang ako tumayo.
Saktong pagtayo ko ay nagtama ang mga mata namin ni Leonardo Saavedra.
Nasa room
pa rin pala siya. Nakatayo siya sa pinto at nakasandal doon habang ang
mga kamay ay
nakapaloob sa magkabilang bulsa.
Bakit ganoon siya makatingin sa akin? At bakit naririto pa siya?
Nanginig ang mga tuhod ko. Ni hindi ko magawang humakbang. Dinig ko rin
ang malakas
na tahip ng aking dibdib.
“Sophia!”
Napalingon ako sa bintana ng room, naroon si Conrad. Hindi nakangiti.
Masama ang
tingin nito kay Leonardo.
Mabilis lang na nakalampas ito kay Leon, diretso si Conrad sa upuan ko.
Dinampot nito
agad ang bag at iba pang gamit ko. “Ako na magdadala nito.”
“Conrad…”
“Tara na, ihahatid na kita sa inyo.”
38
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“S-sige…” nakatungo ako nang dumaan kami sa tapat ni Leonardo. Ni hindi
naman ito
pinansin ni Conrad.
“Okay ka lang?” Tanong ni Conrad sa akin nang naglalakad na kami palabas
ng
eskwelahan.
Marahan akong tumango. Hindi pa rin nawawala ang mabilis na sasal ng
dibdib ko.
Nagulat ako ng akbayan ako ni Conrad. Hindi pa siya nakontento ay
hinagkan niya pa ako
sa ulo. Lahat ng kasabay naming estudyante ay literal na napanganga.
Easy at cool lang ang paglalakad niya, gustuhin ko mang manakbo ay
mahigpit ang kapit
ng kamay niya sa balikat ko. Tila nais niya rin na nakikita kami ng mga
tao.
Tumataas naman ang kilay ng ilang nakakakilala sa akin. Bitbit lang naman
ni Conrad
Deogracia ang mumurahin kong bag at naka-akbay pa siya sa akin. Malamang
na marami
ang lalapit sa akin upang magtanong kung anong gayuma ang ginamit ko.
Si Helga na pasakay ng tricycle ay bigla ring natigilan ng magawi ang
paningin sa amin.
Napatungo na lang ako.
Inakay ako ni Conrad sa nakaparada niyang kotse. Hindi niya agad
pinaandar ang
sasakyan. Namayani pa ang katahimikan bago siya lumingon sa akin, ginagap
niya ang
isang kamay ko.
“Okay ka lang?”
Marahan akong tumango.
“Si Leon? Ginugulo ka ba niya?”
Sunod-sunod akong umiling.
“Good.” Hinalikan niya ang likod ng palad ko.
Pasimpleng hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. “Tara na… baka
naghihintay na ang
Nanay.”
“Bili tayo ng pasalubong.” Kumindat siya sa akin.
39
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Sa Montemayor Restaurant sa bayan ng Dalisay kami nagtungo. Um-order ng
masasarap
na putahe si Conrad at iyon ang dinala namin pauwi sa bahay. Kandahaba na
naman ang
leeg ng mga kapitbahay namin ng bumaba kami ni Conrad mula sa sasakyan.
Nagmano rin siya kay Nanay. Magkatulong naming inayos ang mga pinamili
niya.
“Nay, upo na po kayo…” inalalayan ko si Nanay.
“Hindi ba sobra ito?” ang tinatanong ni Nanay ay si Conrad. Kinapa ni
Nanay ang mga
plastic tupperware na pinaglalagyan ng mga pagkain.
“Hindi, `Nay. Sige po, kain po tayo.” Ako na ang sumagot.
Napailing na lang ako. Ni walang kaarte-arte si Conrad na nakisalo sa
amin ni Nanay sa
hapag. Lahat ng tanong ni Nanay tungkol sa pamilya niya ay sinasagot
niya. Magiliw
niyang kinakausap ang Nanay. At kahit ng una ay ilag si Nanay sa kanya ay
unti-unti
niya na ring nakuha ang loob nito.
Matapos ang pagkain namin ay hinatid ko na si Nanay sa silid niya. Naiwan
kami ni
Conrad na naglilinis ng hapag.
“Ako na…” nahihiyang sabi ko ng pati sa lababo ay nakikiligpit siya.
“Hey? Bakit di ka makatingin sa akin?” Tudyo niya.
“Conrad, sobra na kasi…”
“Sobra ang alin?”
Hindi ako makasagot.
“Nasaan pala iyong Hello Kitty at Mickey Mouse mong headband? Nami-miss
ko na iyon.”
Nakangisi siya. “Ang cute-cute mo ron, alam mo ba?” Hinaplos niya ang
pisngi ko.
Napangiti na rin ako. “Nakakainis ka.”
Nang sumeryoso siya ay napalis ang ngiti ko. Nakatitig sa akin ang mga
mata ni Conrad
at hindi ko na magawang mag-iwas ng tingin.
“I really like you a lot, Phia.”
40
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“H-hindi mo kailangang…”
“Sshhh…” ngumiti siya muli at idinikit ang noo sa akin.
“Conrad…”
“Kung sakali man… kung sakali na magbunga ang nangyari. Makakaasa ka,
Phia,
papanagutan kita. Hindi kita papabayaan.”
Napahikbi ako. Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. Ibinuhos ko ang
mga luha ko sa
dibdib niya habang patuloy sa paghaplos ang kamay niya sa buhok ko.
Chapter 8
PARTY
MY ATTENTION was caught by the two ladies chatting behind the villa’s
fountain. If I am
not mistaken ay mga kaibigan sila ni Kia, hindi ganoon kalapit ngunit
kaibigan ng babae.
Kaklase rin namin.
“C’mon! This is fun!” The lady in a blue mermaid gown said. Pakumpas-
kumpas ang isang
kamay sa ere. Sa isang kamay ay tangan ang isang goblet na may lamang
alak.
“Yari tayo ‘pag nalaman ni—“
“Pasasalamatan pa nga niya tayo ‘pag nagkataon!”
“Are you really sure about this?” The lady in a bob cut hair asked. The
tension evident in
her voice.
“Yup! One hundred percent! You’ll see magiging matalik niya tayong
kaibigan after this!
Tatanawin niya itong malaking utang na loob!”
“Okay!”
Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang mapansin ang presensiya ko.
Sandaling natutulala
ang may maiksing buhok ngunit ang kasama nito ay napangiti nang maluwag.
“Hey!” Naglakad ito patungo sa kinatatayuan ko. “Kanina ka pa?”
Umiling ako.
41
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Drinks?” Alok niya sa akin ng goblet.
“No thanks.” I politely refused.
Lumabi ang babae. “Sige na. Ito lang, malinis ‘to ano ka ba? Kakabigay
lang nong waiter.
And besides, I wont take ‘no’ from you tonight! C’mon! Please?”
Naiiling na tinanggap ko ang inumin.
“Bottoms up, handsome!”
“Fine.” The woman smiled sweetly nang maubos ko na ang laman ng goblet.
Ibinalik ko
iyon sa kanya saka ko sila tinalikuran.
Nangangalahati na ang kasiyahan ng makita ko ang mga magulang ko.
Nakakunot ang
noo ni Dad habang hinahabol si Mommy, mukhang nagkatampuhan na naman ang
dalawa. Lumigid ako sa kabilang mansyon, bigla ay nakaramdam ako ng init.
Kakaibang init.
Inalis ko ang suot kong coat saka nagbalik sa party. Maalinsangan ang
pakiramdam ko,
hindi ako makahinga.
Kailan ba matatapos ang kasiyahang ito? I’m starting to get bored. Kanya-
kanya na ang
mga guests at wala na rin sa mood ang mga magulang ko.
Inabutan ako ng isang waiter ng inumin pero tinanggihan ko. Pupunta na
lang ako sa
kuwarto ko. I think I need to take a shower, a cold one. At matutulog na
ako pagkatapos.
Hinanap muna ng mga mata ko ang isang mukha. Hindi ko alam kung bakit
gusto ko
siyang makita bago man lang ako pumasok sa mansyon. Umaasa ako na
nakarating siya,
na pumunta siya ngayong gabi. Ngunit ni dulo ng buhok niya ay hindi ko pa
nasisilayan
mula kanina.
Naagaw ng tilian ang atensyon ko. Karamihan sa mga sumasayaw na imbitado
sa party ay
mga kaklase ko, nagsasayawan na ang mga ito.
Napanganga ako nang makaramdam ng kakaiba sa katawan ko. My pants felt
tighter and
heat was rushing through my veins. I don’t know how or why, but I am
effing sure that
something is wrong!
42
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Daig ko pa ang sinisilihan.
I shook my head when I started to have a boner just by looking at my lady
classmates. And
I couldn’t stop the sudden rush of lustful thoughts in my mind. Damn it
to hell!
I swallowed hard. Mabilis ang pagpapawis ng mga kamay ko nang may humawak
sa aking
balikat. Agad akong tumingin dito.
“Hi!” The lady in a mermaid dress again. She was grinning this time,
looking so amused.
“Parang may hinahanap ka yata?”
“My... father.” Though I am not really looking for dad, hindi ko alam
kung bakit mas
lumala ang nararamdaman ko nang maamoy ang mabangong pabango ng babae.
“Oh, I think I saw him sa garden ng villa.” Nagkibit ito ng balikat. “Bad
mood yata, nakita
ko inaway ng Mommy mo, eh. Baka nagpapalamig. Puntahan mo na lang. Bye!”
Mabilis ang mga paa ko papunta sa Dorcas Garden. Sa pinakadulo ng lawn
ako tumuloy.
Madilim at malayo na sa tapat ng mansyon namin.
Nanlalabo na ang paningin ko, nanginginig ang kalamnan ko at nakakaramdam
ako ng
matinding pagka-uhaw. Parang may bara na sa isip ko at hindi ko na
makuhang mag-isip
ng tama.
I gritted my teeth as my male part kept aching inside my pants. What the
hell is really
happening?! Goddamnit!
Ilang beses akong nagpakawala ng malulutong na mura. I knew it, my whole
body was
raging for a good fuck. I was drugged. Hindi ako magkakaganito nang
ganoon na lang.
Natigil ako sa paghakbang nang makita ko ang isang pigura sa dilim.
Isang balingkinitang babae, natatamaan ng kaunting liwanag ang katawan
niya. Pino ang
balat, makinis ngunit hindi ko matiyak kung morena ba siya o mestiza. And
her hair, it
was messy in a sexy way.
Unti-unting nag sink in sa akin ang lahat. Someone planned this. Ang
drugs na nainom ko,
ang pagpunta ko sa lugar na ito at ang babaeng ito na tila kanina pa
naghihintay sa
pagdating ko.
43
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Mabilis na nawala ang pagitan sa aming dalawa. The woman’s sweet, fresh
and clean scent
filled the space between us. Napaungol ako. She smells so good. Not bad
for a ‘birthday
gift’.
I raised my left hand to feel her skin. I touched her face, skimming the
edge of it. Hindi ko
na alam kung may sinabi ba siya o ano, basta ang malinaw sa isip ko ay
ang malambot
niyang mga labi na ngayon ay inaangkin ko. She was pushing me, yes. But I
don’t give a
damn anymore.
Siguro pakana na mga pinsan ko. This woman was a soft invitation to
madness.
She gasped and arched her back when I gripped her ass. I laid her down on
the rock bench.
I pushed her dress all the way up to her belly as I brushed my lips
across her bare shoulder
down to the valley of her breasts. Muling napasinghap ang babae. The
woman felt smooth
and soft. So, I went on tasting her. Inalis ko ang hook ng suot niyang
brassiere at
pinakawalan ang kanyang dibdib.
Kasunod na nalaglag sa sa damuhang sahig and manipis niyang panloob. I
touched her
between her thighs. A jolt of hot pleasure sizzled through me when I felt
her sensitive soft
flesh against my palm.
Bumaba ang ulo ko at muling hinalikan ang kanyang dibdib na ngayon ay
wala ng ano
mang nakatakip. My mouth took possession of her buds, feasting on both.
And darn! I was
enjoying the sounds coming from her. Her moans and cries was feeding my
libido.
Isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang leeg. I unbuttoned my pants and
pushed it down to
my hips together with my boxers and briefs. I’m taking her now. Now.
Ni hindi ko alintana na nanginginig ang katawan ng babaeng nasa ilalim
ko. And with a
groan I pushed myself into her.
Chapter 9
“SOPHIA?!”
Nag-angat ako ng paningin mula sa pagkakalugmok ko sa pinong damo sa lawn
ng villa.
“C-Conrad...”
44
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“God! What happened to you?!” Mabilis na lumuhod sa harapan ko si Conrad
Deogracia.
Mula sa liwanag ng lamp post ay nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
Sinubukan niya akong itayo ngunit nalugmok lang ako ulit. Nanghihina ang
mga tuhod ko
at nanlalabo sa luha ang mga mata ko. Kung kanina ay nagmamadali akong
umalis sa
gitna ng hardin ay ngayon ay ni tumayo ay di ko na magawa.
Naramdaman ko ang pag-angat ko mula sa damuhan. Pinangko ako ng mga braso
ni
Conrad. Sa madilim na parte ng villa kami dumaan. Mahina lang akong
umiiyak sa dibdib
niya hanggang sa ilapag niya na ulit ako.
Nasa likuran kami ng tila clubhouse. Maliwanag dito ngunit walang ibang
tao maliban sa
amin. Inupo niya ako sa isang wooden chair na naroon.
“Shit!” Mura niya.
Tumungo ako at niyakap ang sarili ko. Alam kong nakatitig siya sa akin
ngayon. Dito sa
maliwanag na puwesto ay mas malinaw niyang makikita ang kalunos-lunos na
ayos ko.
Sira-sira ang damit ko, may dugo sa binti ko at basa ng luha ang mukha
ko. Nahihiya ako
sa ayos ko, hindi sa ganitong itsura ko nais na makita ni Conrad.
Pakiramdam ko ay pati
talampakan ko ay namumula sa hiya. Sa ilalim ng sira kong bestida ay wala
na akong suot
na panloob, ni hindi ko makita kung saan napunta ang bra ko at hindi ko
na rin maisusuot
pa ang undies ko na sira na.
“Wear this.” Tinig ni Conrad.
Ipinatong niya sa balikat ko ang jacket niya, amoy mamahalin iyon.
Huminto ako sa pagiyak at tumingala sa kanya. Nakita ko ang galit at pag-
aalala sa kanyang mukha.
Tumungo siya at binuhat muli ako.
“S-saan mo ako dadalhin?” Napakapit ako sa wooden chair kaya wala siyang
choice kundi
ilapag ulit ako ron.
“Sa clinic ng villa.”
“Wag!”
“Bakit wag? Kailangan kang matingnan—“
45
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Okay lang ako.” Napaiyak na ako habang umiiling. “Ayoko!”
“But you’re bleeding!” Tumaas ang tinig ni Conrad.
“Conrad, hindi! W-wala akong sugat... I...”
“What?!”
“Itong dugo... d-dugo ng nawala kong... virginity...”
“Damn it! Sino ang may gawa nito sa’yo?!” Namula ang mukha ng lalaki at
sunod-sunod na
nagpakawala ng mura. Ngayon ko lamang siya nakita na ganito.
Hinila ko siya sa braso. “Conrad! Parang awa mo na! Makinig ka! Hindi ‘to
puwedeng
malaman ng kahit sino! Mangako ka sa akin, please?”
Napahagulhol na ako.
“Please! Hindi ko kakayaning masaktan si Nanay. Ayaw kong pag-usapan kami
ng mga
tao. Hindi malabong mangyari iyon kapag nalaman ng lahat ang—“
“Pero ang gumawa nito sa’yo...” pigil ang galit sa boses niya. “Dapat
siyang magbayad!”
“Please?” Pagsusumamo ko. Mataman siyang nakatingin sa akin.
“Sophia...”
“Kasalanan ko rin ito. Hindi ako dapat pumunta sa hardin nang nag-iisa.
Madilim doon,
hindi ko alam na may iba pang tao... iyong lalaking iyon, lasing siya...
h-hindi niya alam
na...”
“Bullshit! No! I will find him! I will make him pay for this!” Mariin
niyang bitaw.
“Conrad...” lumamlam ang mga ni Conrad.
“Hindi niya dapat ginawa iyon! And damn it! Dito pa sa Villa Montemayor!
Hindi niya na
iginalang ang villa. Kung sino man siya, hahanapin ko siya, Phia!”
Lalo akong napaiyak nang hilahin niya ako at yakapin nang mahigpit.
46
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Sophia...” Garalgal ang boses na tawag niya sa pangalan ko. “H-hindi
niya dapat ‘to
ginawa sa’yo... hindi ka kung sino lang na babae... hindi, Phia...”
...
“ANYARE SA’YO?”
“Helga!” Napaunat ako sa pagkakaupo nang may humampas ng libro sa desk
ko. Gulat
akong napatingin kay Helga.
“Sino pa ba? Huy, kanina ka pa tulalers. Anong nangyari?” Nakatawang
tumabi sa akin
ang babae. “Day dreaming, `teh?!”
Vacant time, parating palang ang susunod naming teacher. At katulad ng
mga nakaraang
araw kapag walang ginagawa ay natutulala na naman ako. Hindi ko
maintindihan, pilit ko
ng kinakalimutan ang nangyari noong nakaraang linggo pero patuloy pa rin
iyong
sumisingit sa isip ko. Katulad ngayon, naaalala ko na naman ang mga
nangyari.
Mariin akong napapikit, kung may maganda mang nangyari ng gabing iyon ay
ang oras na
natagpuan ako ni Conrad. Kung wala si Conrad ay baka sa kangkungan na ako
pinulot.
Baka alam na ng buong bayan ng Dalisay ang sinapit ko.
“Saka, teka, huh! Hindi mo pa ichini-chika sa akin, bessy! Kayo na ni Mr.
Nice Guy!”
“Mr. Nice Guy?” Tumingin ako kay Helga, nakangisi siya sa akin.
“Sino pa? Si Conrad Deogracia!” Pumitik pa siya at saka humalakhak. “At
least, hindi si
Mr. Arrogant, di ba? Happy talaga ako, bess! You’re so lucky!”
Iyong ‘Mr. Arrogant’ na tinutukoy niya ay si Leonardo. Palibhasa
masyadong seryoso at
tahimik kaya arogante ang dating niya sa ibang estudyante.
“Wag kang maingay, Helga!”
“Anong ‘wag maingay? Alam na ng lahat, noh?!” Tumawa ulit si Helga. “Ikaw
ba naman
magka-jowa na super showy! Megosh! Ang haba ng hair mo!”
Napailing na lang ako.
“Ang sweet niya, noh?!” Inilapit niya ang bibig sa tainga ko at saka
bumulong. “Bessy,
nagkiss na kayo?”
47
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Helga!”
“`To naman pa-virgin!”
Inis ko siyang kinurot sa braso.
Tatawa-tawa lang siya. “Kung ganon ang jowa ko baka hindi niya pa
sinasabi ay
nakabuka—“
“Helga, hindi ka nakakatuwa!” Hindi ako pa-virgin, oo hindi na ako
malinis pero hindi ko
pa rin kayang pag-usapan ang ganoong bagay! Bata pa kami. Ni hindi pa nga
kami gumagraduate ng highschool.
Si Helga ay open sa mga usapang pakikipag-nobyo, pero hindi pa naman
nagkaka-nobyo
ang babae. Hindi ko alam kung saan napupulot ni Helga ang mga ideya,
siguro dahil sa
hilig niya sa mga romance pocketbooks at movies.
“Joke lang naman!” Humalukipkip siya. “Pero, bessy, payo lang, ha?”
“Ano naman iyon?”
“Alam kong nakakabulag ang pag-ibig, at kung talagang guwapo si guy hindi
imposible na
agad kang bumigay. Pero sana, utak pa rin ang paganahin. Hindi pa rin
kasi natin
masasabi kung hanggang saan ang relasyon niyo, babae ka pa rin. Wag mong
isuko ang
bataan, para kung ano man ang mangyari, sa huli hindi ka dehado.”
“A-anong ibig mong sabihin?” Kinakabahan kong tanong.
“Baka lang naman, bessy. Kahit naman Mr. Nice Guy si Conrad, hindi pa rin
natin sure
kung beastmode siya sa ‘action’, di ba? Malakas pa naman dugo ng mga
Deogracia, alam
mo naman ang pamilya niya, di ba? Sanga-sanga ang lahi. Malay mo,
malahian ka. As in,
malahian lang pero hindi naman panagutan!”
Napalunok ako nang mariin.
“Pero mukhang love ka naman niya e, kaya sige go lang! Instant donya ka
na! Balato, ah?”
Hindi ako makapagsalita. Kung sana nga si Conrad na lang... pero hindi.
Dahil hindi siya.
Kung sakali mang tuparin niya ang pangako niyang siya ang bahala sa akin,
ay napakaunfair niyon sa kanyang pamilya. Aako sila ng hindi nila kalahi.
48
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Uy, charot lang, bessy! Galit ka ba? Sorry na!”
“Magba-banyo lang ako.” Tumayo ako.
“Balik ka, ah?!”
Inis kong nilingon si Helga. “Alangang hindi? May klase pa tayo!”
Napahagikhik si Helga. Tumuloy na ako palabas ng classroom. Hindi ko
napansin na sa
paglabas ko ay kasunod ko pala si Leonardo.
Matagal akong nakatitig sa salamin sa banyo ng building namin, sa ladies’
room.
Hindi tamang i-asa ko kay Conrad kung sakali mang magbunga ang nangyari.
Pero paano ako? Paano ang pag-aaral ko? Paano si Nanay? Paano ang
sasabihin ng mga
tao? Paano na ang pangarap ni Tatay?
Kung may dapat mang sisihin sa nangyari ay walang iba kundi ang
walanghiyang lalaking
iyon. Siya ang dapat pananagutin. Ngunit saan ko siya makikita? At paano
ko siya
makikita?!
At paano kung hindi pala siya mabuting tao? Paano kung hindi pala siya
binata o kung
ano ang kanyang itsura?! At paano kung itanggi niya? Sa huli ako lang ang
kawawa.
Diyos ko, bakit ako? Bakit sa akin pa? Anong gagawin ko?
Pinunasan ko ng panyo ang mga luha sa aking pisngi at saka ako nagsuklay.
Hindi ko
dapat isipin ang magiging bunga, hindi naman siguro mangyayari ang
ganoon. Hindi ako
masamang tao, hindi ako hahayaan ng Diyos na magdusa. Pagkakamali lang
ang lahat,
ang nangyari ay makakalimutan ko rin.
Magiging masaya pa rin ako. Tuloy pa rin ang buhay.
Humanda na ako sa paglabas ng banyo nang biglang bumukas ang pinto.
Napamulagat ako nang pumasok ang isang matangkad na lalaki na may
matangos na
ilong at may makakapal na kilay. Tikom ang natural na mapupulang mga labi
at ang mga
mata ay malalim na nakatitig sa aking mukha.
49
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Leonardo!” Bulalas ko.
Napaigtad ako nang marinig ang tunog ng ini-lock na seradura. Gulat akong
tumingin sa
mga mata niya.
“A-anong ginagawa mo rito? B-banyo ito ng mga babae... sa kabila ang—“
naputol ang
pagsasalita ko nang mas lalong tumiim ang titig niya sa akin. Pakiramdam
ko ay
nanlalambot ang mga tuhod ko sa kaba.
Humakbang siya papalapit hanggang sa masukol niya ako sa lababo ng
Ladies’ Room.
Sinubukan kong lampasan siya ngunit pinigilan niya ang mga balikat ko
gamit ang
malalaki at mainit niyang mga palad. Inilapit niya ang sarili sa akin,
halos matupok ako
ng mga mata niya.
“I told you to stay away from my cousin.” Dama ang gigil sa kanyang
malalim at matigas
na tinig.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi, nangangatog ang buong katawan ko.
Hindi ako
natatakot dahil sa kakaibang titig niya, kundi dahil sa pamilyar na amoy
ng pabango na
ngayon ay naaamoy ko.
Napatulala ako sa guwapo at seryosong mukha ni Leonardo Saavedra. Hindi
ako
puwedeng magkamali. Hindi maaari.
Chapter 10
“ALECK SOPHIA!”
“Huwag mo akong hawakan!” Nanginginig ang mga kamay na itinulak ko sa
dibdib si
Leonardo Saavedra.
Pigil niya pa rin ang mga braso ko, nasa hall na kami kung saan may
mangilan-ngilang
estudyante ang nakakakita sa aming dalawa.
Hindi ko magawang tingnan ang mukha niya, nanatili sa sementadong sahig
ang mga
mata ko. “I-ikaw... ikaw iyon! Ikaw iyong lalaki sa hardin! Ikaw ang...”
“Anong nangyayari rito?”
Napabitaw siya sa pagkakahawak sa akin.
50
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Wala pa ba kayong klase?” Tanong ni Sir Enriquez, teacher namin sa ibang
subject.
Sinamantala ko ang pagkakataon para makawala kay Leon, patakbo akong
bumalik sa
classroom namin. Tinungo ko ang upuan ko at sinimulang samsamin ang mga
gamit ko.
“Phia?” Untag sa akin ni Helga.
“Uuwi na ako, Helga. Masama ang pakiramdam ko.” Bitbit ko ang bag at iba
ko pang
gamit. “Ikaw na ang bahalang magsabi kay Ma’am, ha?”
“P-pero...”
Tuloy-tuloy na akong lumabas ng silid-aralan. Hindi ako puwedeng maabutan
ni Leonardo.
Hindi ko siyang kayang kausapin. Hindi ko kayang marinig ang mga
sasabihin niya.
Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa gate ng Dalisay Higshschool, halos
magkandatali-talisod ako sa pagmamadali. Puno ang isip ko, at nagsisikip
sa kaba ang dibdib ko.
“Sophia!”
Mga tatlong hakbang ng may humila sa akin.
“Conrad!” Napatingala ako sa lalaking may hawak sa magkabila kong
balikat.
“What happened? Kanina pa kita tinatawag pero ni di ka man lang
lumilingon.” Bakas ang
pag-aalala at pagtataka sa magagandang mga mata ng lalaki.
“G-gusto ko ng umuwi...” pigil ko ang paghikbi. Hindi puwedeng malaman ni
Conrad na
ang pinsan niya ang lalaking humalay sa akin sa hardin nila.
“Pero magsisimula palang ang klase, Phia.”
“Gusto ko ng umuwi... k-kasi masama ang pakiramdam ko, Conrad.”
“Okay, okay...” Tumango ito. “Pero ihahatid kita.”
“H-hindi na, ano ka ba? Puwede naman akong mag-tricycle pauwi...”
“Sophia!”
51
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Nanigas ang leeg ko nang marinig ang boses na nagmula sa likuran ko.
Humigpit ang
hawak ko sa strap ng shool bag ko.
“Leon.” Bumitiw sa akin si Conrad.
“Can I have a minute with her?”
“What?” Sumeryoso ang mukha ni Conrad, nagpalipat-lipat ang paningin nito
sa aming
dalawa ni Leonardo.
“Mag-uusap lang kaming dalawa.”
Ako naman ay napakapit sa braso nito. “Conrad, wag... wag mo akong
ibibigay sa kanya.”
Bulong ko, at wala akong pakialam kung narinig man iyon ni Leonardo.
“Sorry, `insan, pero ayaw niyang sumama sa’yo.”
“Mag-uusap kami.” Dumiin at tumigas ang boses niya, nagtagis naman ang
mga ngipin ni
Conrad.
“Ano bang pag-uusapan niyo? Hindi ba puwedeng nandito na lang ako?
Girlfriend ko si
Sophia, siguro naman may karapatan ako na marinig ang kung ano man iyon.”
Napanganga ako. Kailanman ay hindi ko pa nakitang nagkasagutan silang
magpinsan.
Pakiramdam ko ang may dalawang bato na ano mang oras ay magkaka-umpugan
na, at
ako ang maiipit sa gitna ng mga ito.
“Sophia.” May pagbabanta sa boses ni Leonardo.
“Ayaw nga—“
“Wag mong sagarin ang pasyensiya ko, Conrad.” Tumitig siya nang deretso
kay Conrad na
kuyom na rin ngayon ang mga kamao.
Hindi kami puwedeng gumawa ng eksena rito. Sa hilatsa ng pagmumukha ni
Leonardo
ngayon ay walang makakapigil dito para makausap ako, kahit ako mismo.
Nagpakawala ako ng buntung-hininga. “Sige na, Conrad.” Wika ko. Hinila ko
sa kanang
kamay ang lalaki at saka tiningala. “Saglit lang naman kami...”
“Phia?” Nangungunot ang noo na tumingin si Conrad sa mukha ko.
52
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Please?” Sinikap kong ngumiti kahit umaalog na sa kaba ang mga tuhod ko.
“Hintayin mo
ako sa classroom, babalik ako ron.”
“Pero...”
“Okay lang. Pasyensiya ka na...”
“Let’s go, Sophia.” Nang tumalikod na si Leonardo ay sumunod na ako sa
kanya, hindi ko
na muli pang nilingon si Conrad na naiwang nakahabol tingin sa aming
dalawa ng pinsan
niya.
...
SA LOOB ng kotse ni Leonardo sa parking lot ng Dalisay Highschool.
“May nararamdaman ka bang kakaiba?”
Umangat ang paningin ko mula sa keychain ng bag ko na kanina ko pa
nilalaro. Sa
kawalan ng sasabihin at sa kaba na pumupuno sa akin ay hindi ko alam kung
saan
ibabaling ang atensyon ko.
Kanina pa tahimik sa tabi ko si Leonardo. Nakatungo siya sa driver’s
seat. Nakapatong
ang mga siko niya sa manibela habang nasa magkabilang bahagi ng ulo niya
ang kanyang
mga palad. Kung hindi pa siya nagsalita ay iisipin kong baka nakatulog na
siya.
“A-anong kakaiba?” Tanong ko, itinuwid ko ang liuran ko sa sandalan ng
inuupuan ko.
Nakahanda ang isang kamay ko sa bukasan ng pinto ng sasakyan para mabilis
akong
makalabas kung sakali man.
Umalis siya mula sa pagkakasubsob sa manibela at saka inilipat ang
paningin sa akin. “Sa
katawan mo?”
Nag-init ang magkabilang pisngi ko. “Wa-wala...”
“Okay, then.”
“A-ano pa bang kailangan mo sakin? Hindi naman ako magsusumbong, kahit si
Conrad ay
di niya alam. Wala naman akong mapapala kung may pagsasabihan man ako,
pagtatawanan lang nila ako—”
53
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Bakit ka nakikipag-relasyon sa pinsan ko? Sinabihan na kita noon.”
Dumukwang siya at
ikinulong ako sa pagitan niya at ng passenger’s seat.
Sinubukan kong buksan ang pinto ng sasakyan pero naka-automatic lock pala
iyon,
useless lang din pala. Gahibla na lamang ang pagitan ng mukha naming
dalawa ni Leon,
at hindi ko mapigilan ang sarili ko na samyuhin ang halimuyak ng
mamahalin niyang
pabango. Tila iyon nagugustuhan ng pang-amoy ko, parang kasundo ng ilong
ko.
“Hindi mo siya kailangan. At kung sakaling mabuntis man kita, hindi pa
rin siya ang
kailangan mo.”
Napatanga ako. Kalaunan ay naningkit ang aking mga mata.
“Sinasabi mo ba na ikaw nga talaga ang lalaking iyon?!” Magaril ang boses
na tanong ko.
Pilit kong ikinakaila sa sarili ko pero wala ng patutunguhuan kong
itatanggi ko pa ang
katotohanan. Si Leonardo nga ang lalaking lumapastangan sa akin sa hardin
ng Villa
Montemayor!
“I’m sorry...” mahinang wika niya at saka bahagyang lumayo.
“Sorry?” Ulit ko sa mapaklang tono. Kusang kumuyom ang mga kamay ko.
“Sophia, hindi ko iyon ginusto!” Napasabunot siya sa sarili at saka
ibinagsak ang sarili sa
driver’s seat.
“Hindi mo ginusto?! Hindi?!” Gusto ko na siyang lusubin at pagsasa-
sampalin, ngunit
ibinuhos ko sa kawawang keychain ang inis at galit ko. Bakit kahit gusto
kong dukutin
ang mga mata ngayon ni Leonardo ay parang hindi ko kayang gawin? Parang
hindi ko siya
kayang saktan!
Nang muli niya akong tingnan ay malamlam na ang kanyang mga mata. “I want
you to
answer me honestly, Sophia. Palagi ka bang nagugutom? Inaantok? What?”
“Wala kang pakialam sa nararamdaman ko! At wala akong nararamdaman na
kagaya ng
mga pinagsasasabi mo diyan!”
“I didn’t use any protections and you might get—“
“Hindi!” Angil ko. Matalim ang mga titig ko sa guwapong mukha ni
Leonardo. Ano nga
kaya kung magbunga ang nangyari sa amin? Maging kamukha niya kaya ang
magiging
anak namin? Sukat sa isiping iyon ay naipilig ko ang ulo ko at saka siya
tinapunan ng
54
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
masamang tingin. “Hindi ako mabubuntis! Hindi hahayaan ni Lord na tuluyan
akong
mapariwara!”
Tumaas ang sulok ng kanyang bibig. “I am observing your every move.”
Humigpit ang pagkakapiga ko sa keychain ng bag ko. “A-ano?”
“Malalaman ko rin, Sophia. And I’m telling you now, I won’t let another
man father my
child.”
Chapter 11
NASA TABI ko si Conrad.
“Are you sure you’re okay?” Puno ng pag-aalala ang mga mata niya.
“Oo.” Kimi akong ngumiti. Napakabait talaga niya. Ibang-iba kay Leon na
parang
ipinaglihi talaga sa sama ng loob.
“Malapit na ang graduation. Saan mo pala planong mag-college?”
“H-hindi ko pa alam. Baka dito lang din sa Dalisay.” Wala naman din kasi
akong pera para
mag-aral sa Maynila. May college naman dito sa amin, so bakit hindi na
lang dito, di ba?
“Ganon ba?”
“Oo. Alam mo naman, di ko rin puwedeng iwan si Nanay, eh.” Isa pa iyon sa
dahilan.
“Gusto mo bang ipatingin sa espesyalista ang mga mata ng nanay mo?”
“Syempre naman gustung-gusto ko. Plano ko talaga iyon kapag nakatapos na
ako at
nagka-trabaho.”
“I can help—“
Itinaas ko ang isang palad ko. “Ops! Ipapagamot ko si Nanay kapag kaya ko
na.”
Nakakatukso pero alam kong kung sakali man na tutulungan ako ni Conrad ay
hindi
sariling pera niya ang gagamitin niya. Alam kong mula pa rin iyon sa mga
magulang niya.
At nakakahiya. Kahit si Nanay ay hindi gugustuhin iyon.
55
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Sophia...”
Tumayo na ako. “Tara? Libre mo na lang ako. Bigla akong nagutom, eh.”
Ngumiti na rin siya. “Alright.”
Sa bukana ng canteen ay naaamoy ko na agad mga putahe. Hinanap agad ng
paningin ko
ang mga ulam. Parang gusto kong kumain ng marami ngayon. Kaunti lang kasi
ang
inalmusal ko sa bahay.
“Hey, why?” Tanong ni Conrad ng makitang nakakunot ang noo ko.
Umiling ako. Nakakainis iyong kaldereta, nong makita ko iyon sa tray ng
isang estudyante
ay parang bigla akong naumay.
“Nawalan na ako ng gana.” Dagdag pa iyong amoy na hindi ko type.
“Sigurado ka?” Nakangiwi si Conrad. “Nawalan ka agad ng gana?”
“Oo...”
“Baka naman nahihiya ka lang. Sige na, treat ko naman.”
“Hindi. Nawalan na talaga ako ng gana, eh. Gusto ko na lang ng soda.”
“Okay.”
“Saka Boy Bawang.”
“Shoot.”
Lumabas na kami sa canteen. Sa labas ng Dalisay High School namin balak
pumunta ni
Conrad. Doon kasi sa may tindahan sa tapat ng kalsada may nabibi-biling
Boy Bawang.
Nahinto ako sa paglakad ng makitang nakatayo malapit sa gate si Leonardo.
“Ah, Conrad.”
“Yep?”
56
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“May naiwan kasi ako sa desk ko.”
“Ano iyon?”
“Iyong wallet ko kasi nasa desk ko.” Nakangusong sagot ko. “Gusto ko
sanang balikan...”
ang totoo ay iniwan ko talaga iyon kay Helga.
“Iniwan mo ang wallet mo sa desk mo?”
“Nandon naman si Helga, eh.”
“It’s okay. Libre ko naman.”
“Naku, hindi. Boy Bawang lang naman, eh. Ako na lang ang magbabayad.”
“Libre mo ako?” Nakangising tanong niya.
“Oo. Ano?” Pinilit kong ngumiti. “Sige na, balikan natin iyong wallet ko,
ha?”
“Ako na. Just wait for me here, okay? I won’t be long.”
Bago pa ako makapagsalita ay nakatalikod na si Conrad.
Hindi niya nakita si Leon. Kahit gusto kong huminga nang maluwag ay di ko
magawa.
Ramdam ko kasi ang papalapit na presensiya galing sa likuran ko.
Ilang minuto lang ay narinig ko na ang boses na halos magpatayo sa lahat
ng balahibo sa
katawan ko.
“Aleck Sophia.”
Nangatog ang mga tuhod ko nang pumunta sa harapan ko si Leonardo.
Nakapamulsa siya
habang nakatingin sa mukha ko.
“K-kasama ko si...”
“Makipag-hiwalay ka na sa kanya.”
Napanganga ako. “A-anong sabi mo?”
“Hindi ko na uulitin.”
57
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Leon!”
“Sasabihin ko na kay Conrad.” Walang ano mang banta niya.
Nagtagis ang mga ngipin ko at kumuyom ang aking kamao.
“Don’t bother, ‘cous. Alam ko na.”
Gulat akong napalingon sa likuran ko. “C-Conrad!” Bumalik si Conrad!
Bakit hindi ko man
lang siya naramdaman? Masyado bang kinain ng presensiya ni Leonardo ang
lahat ng
pakiramdam na meron ako?!
Seryosong nakatingin si Conrad kay Leonardo. Pareho na walang balak
umiwas ang
dalawa. Nagtagisan ng tingin ang magpinsan.
“Hanggang ngayon ganito ka pa rin?” Wika ni Leonardo.
Nalilitong tumingin ako kay Conrad. Butil-butil ang pawis nito sa noo,
bagamat matalim
ang mga mata.
“Hanggang kailan mo gagawin ito, Conrad?” Tumaas ang isang sulok ng bibig
ni Leonardo.
“Hindi lahat ng pagkakamali ng mga pinsan mo ay aakuin mo. Hindi mo hawak
ang
pangalan ng angkan natin. Marurumihan at marurumihan ito, hindi mo
kontrolado ang
mga mangyayari.”
Nagtagis ang mga ngipin ni Conrad. Ako naman ay unti-unti ng nasusundan
ang mga
sinasabi ni Leon.
“Wag mong ilagay sa kamay mo ang lahat. Hindi ka ipinanganak sa mundong
ito para
maglinis ng hindi mo sariling kalat.” Tumingin sa akin si Leon at
nakakatakot na ngumisi.
Nakagat ko ang aking ibabang labi.
Ako ba ang kalat na iyon?
Kung ganoon? Hindi totoong mahal ako ni Conrad? Sabagay, wala rin naman
siyang
sinabing ganoon. Nagulat din ako sa biglang concern niya sa akin.
“I can handle this one, Con.”
58
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“No.” Matigas na bitaw ng salita ni Conrad.
“Yes.” Ani Leon. “Stop meddling with other’s business. Mind your own.”
“Tumigil na kayo.” Napi-pikong gitna ko sa kanila. “Tama na, puwede ba?!
Kung
makapagbangayan kayong dalawa parang wala ako rito!”
“Sophia, mag-usap tayo mamaya.” Malumanay na wika ni Conrad. “Mag-uusap
muna kami
ni Leon.”
“Hindi. Wala na tayong pag-uusapan pa, Conrad. Narinig ko na.”
“No. Stay, Sophia.” Ani Leon. “Dapat marinig mo rin ang pag-uusapan
namin.”
“No need din! Tigilan niyo na ito. Tigilan niyo ako! Wag kayong mag-
alala, wala naman
akong pagsasabihang ibang tao. Ano ba ako kumpara sa inyo? Wala lang ako.
Alikabok
lang.” Nakipagtagisan ako ng titig kay Leonardo. “Kalat lang naman ako,
eh.”
“Sophia!” Nanlaki ang mga mata ni Conrad. “Hindi ganon—“
“Hindi mo kailangang itali ang sarili mo sa akin, Conrad!” Putol ko sa
kanya. “Wala ka
namang kasalanan, eh. Saka hindi naman ako nakakaawa. Wag kang mag-alala,
mabubuhay pa naman ako. Hindi ko naman ikamamatay ang nangyari.”
Tumalikod na ako
at mabilis na naglakad palayo.
“Shit.” Narinig ko pang sambit ni Conrad. Nguniti walang humabol sa akin
ng tuluyan na
akong umalis.
Siguro kampante na sila dahil sa sinabi ko. Totoo naman, wala akong balak
ipagsabi sa iba
ang nangyari. Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para gumawa ng sarili
kong
kahihiyan.
Pero ang sakit-sakit lang. Akala ko pa naman nakatagpo na ako ng matino
at concern na
kaibigan. Oh, Mr. Nice Guy, basa na ang papel mo.
Pakita lang pala ang lahat. Kaya naman pala ganoon na lang bigla ang pag-
aalala sa akin
ni Conrad. May dahilan naman pala! Alam niya na pala noon pa na si
Leonardo ang
nanamantala sa akin.
59
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Napaka-ambisyosa ko lang. Naniniwala na kasi ako na totoong concern siya
sa akin. Akala
ko talaga ako ang inaalala niya, iyon pala pamilya niya. Tagasalo at
tagalinis ng kalat ng
pamilya nila.
SA BAHAY ay naabutan ko si Nanay na nakaupo sa silya habang nakikinig sa
AM radio.
Sayang din at hindi na makakatungtong pa rito sa amin si Conrad,
nagustuhan pa naman
siya ng nanay ko.
“Nanay...” tawag ko sa kanya. Kung puwede ko lang sanang sabihin sa kanya
ang mga
nangyari sa akin, pero ayaw ko siyang mag-alala.
“O, bakit?” Nakangiti ang mga labi niya nang lumingon siya sa akin.
Blangko ang mga
mata pero maaliwalas ang mukha. “Hindi ka yata inihatid ni Conrad?”
Napahikbi na ako.
Wala ng Conrad. Wala na...
“Nanay, sori...” mahinang sabi ko.
“Phia? Umiiyak ka ba?” Inabot niya ang maliit na radyo at saka ini-off.
Kakapa-kapa
siyang tumayo. “Nasaan ka, anak? May problema ba?”
“`Nay...” Palapit siya sa akin, aabutin ko sana siya ngunit nanlabo ang
aking paningin.
“Phia?!”
Tuluyan nang nanlabo ang paligid. Tanging boses na lang ni Nanay ang
naririnig ko
habang nakahiga ako sa sahig ng aming bahay. Ni hindi ko namalayang
bumagsak na pala
ako.
“Phia, anong nangyari?! Phia, anak, nasaan ka?! Diyos ko! Phia?!”
Chapter 12
AMOY ALCOHOL ang paligid nang imulat ko ang aking mga mata. Kulay krema
ang
kisame at puti ang dingding ng kinaroroonan kong kuwarto. Hindi sa akin.
Gulat akong
napabangon.
“`Nay?”
60
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Nasa maliit na couch si Nanay at nakatungo.
“Sophia, mabuti at gising ka na.” Nag-angat ito ng mukha saka tumayo.
Hindi ito
nahirapang makalapit sa akin dahil sa kaunti lamang na distansya ng couch
at ng
kinaroroonan kong hospital bed.
Teka, nasa ospital ako?
Nang makita ko ang nakasabit na orasan sa dingding ay napanganga ako.
Magdamag
akong nakatulog?
“Nanay, ano pong nangyari?” Agad kong ginagap ang kamay ni Nanay. Naupo
naman siya
sa gilid ko.
“Hindi ba dapat ay ako ang nagtatanong sa’yo niyan?” Malumanay ang tinig
niya bagamat
may diin.
Kinakabahang napatitig ako sa blangkong mga mata nito. Bakit nga ba ako
na-ospital?
May kabang bumundol sa dibdib ko, iignorahin ko na sana ito nang biglang
bumukas ang
pinto ng kuwarto.
Ganoon na lang ang tahip ng dibdib ko ng iluwa ng pinto si Leonardo
Saavedra. At sa
ganoong kabilis lang ay sinakop ng presensiya niya ang buong paligid.
“Good morning, Sophia. I’m glad you’re awake now.” Ni hindi man lang nag-
abalang
ngumiti ang lalaki.
Lumapit siya at inilapag ang bitbit na basket na puno ng prutas sa
sidetable. Walang
reaksyon si Nanay, ibig sabihin lang ay kanina pa labas-masok sa kuwarto
na ito si
Leonardo.
Nangilid ang mga luha ko. “A-anong—“
“Buntis ka.” Si Nanay ang nagsalita.
“`Nay?!” Bulalas ko. Ikinabigla ko pa rin iyon kahit pa malakas ang kutob
na iyon ang
dahilan kaya ako naririto. At kung bakit nandito rin si Leon.
Tumikhim ang lalaki. Nakatingin pa pala siya sa akin. “Kumain ka na.
Babalik ako
mamayang hapon.”
61
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Saka ko lang napansin na naka-uniporme siya, puti at malinis na
plantsadong polo na
ipinatong sa suot na T-shirt, at itim na slacks sa ibaba. Mukhang papasok
pa siya sa
eskwela.
“Ipinagpaalam na kita sa mga teachers natin.” Pagkuwa’y tumalikod na
siya. Ngunit bago
lumabas ng pinto ay muli siyang lumingon kay Nanay. “Aalis ho muna ako.”
Walang tugon mula kay Nanay. Tuluyan ng lumabas ng kuwarto si Leon.
Naiwan kami ni
Nanay.
“Sige na, kumain ka na.”
“Pero, `Nay...” tumulo na ang mga luha ko.
“Nariyan na iyan. Ano pang magagawa natin?” Malamig nitong sabi.
“Hindi ko po ginusto ito...”
“Sinasabi mo bang pinilit ka lang ng lalaking iyon?”
Natigilan ako sa nakitang pagdaan ng galit sa kanina ay blangkong mga
mata nito.
“Idinaan ka ba niya sa dahas?” Tanong ni Nanay na may kining ang tinig.
“Sophia,
magsalita ka! Kung gayon na hindi mo ito ginusto, isu-suplong natin siya
sa kapulisan.
Ano ngayon kung isa siyang Montemayor-Saavedra? Dapat pa rin siyang—“
“Hindi, `Nay!” Mabilis kong sagot. Napahagulgol na ako sa palad ko.
“Hindi niya ho ako
pinilit.”
Kung sabihin ko man kay Nanay ang totoo, na idinaan ako sa dahas ni
Leonardo, sino
naman ang maniniwala sa amin? Kahit kunin pa namin ang pinaka-magaling na
abogado
ay tiyak pa rin na matatalo kami. Hindi lang basta Montemayor ang
lalaking ito,
makapangyarihan din ang mga Saavedra. Mayaman, kilala at iginagalang.
Kagaya nga ng
sabi niya, kalat lang ako. At ang mga kalat, napakadali lang para linisin
ng isang tulad
niya.
“Anak...”
“Sori po. Hindi ko lang alam na ganito ang kalalabasan ng lahat...”
“Hindi mo naisip?” Gulat na tanong ni Nanay. “Sophia...”
62
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Patawarin niyo po ako...” Yumakap ako kay Nanay. “Sori po... Sori...”
“Paano na ang mga pangarap mo?” Garalgal na rin ang boses ni Nanay.
“Aabutin ko pa rin iyon, Nanay. Tutuparin ko pa rin ang pangarap ko...”
Humiwalay si Nanay sa akin upang punasan ang luha sa mukha. Hinaplos ni
Nanay ang
buhok ko. “Sabagay, isa nga naman sa mga pangarap mo ay mapabilang sa
mayayaman sa
lugar natin. Hindi ko akalain na seryoso ka ron, anak. Pero bakit naman
sa ganitong
paraan pa?”
Humikbi ako.
“Sagutin mo na lang ako, anak. Si Conrad Deogracia ang nobyo mo, paanong
si Leonardo
Saavedra ang naging ama niyang dinadala mo? Sabihin mo sa akin, Phia...
naguguluhan
ako...”
“Patawarin mo ako, Nanay...” durog na durog ang puso ko sa nakikita kong
walang patid
na pagluha ng babaeng nagluwal sa akin sa mundong ito. Binigo ko ang mga
magulang ko.
“Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa’yo, anak? Mahal kita.
Tatanggapin pa
rin naman kita kahit buntis ka na... pero sana wag mong ipagkait sa akin
na malaman ang
mga pinagdaraanan mo. Bulag lang ako, pero may pakiramdam pa rin naman
ako...”
...
ALAS TRES ng hapon ng bumukas ang pinto ng kuwarto. Hindi si Nanay. Umuwi
kanina
si Nanay kasama ng nurse na tagasamin din, suwerteng may nagta-trabaho
rito na
malapit sa baranggay namin. Sumabay si Nanay don dahil kailangan din nito
ng pahinga.
Si Leonardo raw ang susundo sa akin dito ayon kay Nanay, mukhang marami
na silang
napag-usapang dalawa. Si Leon na rin daw ang maghahatid sa akin pauwi.
“How you feeling?” Tanong niya ng makalapit sa akin. Naka-uniporme pa rin
siya. At
kagaya kanina, hindi siya nag-abalang ngumiti man lang.
Nakatingin lang ako sa kanya. Masyado siyang matayog. Kahit nga mga guro
sa Dalisay
High School ay pinangingilagan siya. Hindi ko alam kung ano, pero meron
talagang
nakakailang at nakakatakot sa pagkatao niya. O siguro dahil mahal ang mga
ngiti ng
taong ito.
63
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Sophia.” Kumunot ang noo niya.
“Paano mo pala nalaman na dinala ako rito?” Tanong ko. Kahit ang gusto ko
talagang
itanong ay kung wala ba siyang balak na ngumiti man lang.
“I am the one who brought you here.” Walang emosyong sagot niya.
“Ha?”
“I followed you yesterday. Nasa gate na ako ng bahay niyo ng magsi-sigaw
ang nanay mo
dahil hinimatay ka.”
Lumabi ako. Oo nga naman. “Bakit nga ba nagtatanong pa ako? Hindi naman
namin afford
ang ganitong mahal na ospital. Kung si Nanay lang, baka nasa bahay lang
ako ngayon. Sa
kama ko, pinupunasan ng bimpo. O kaya naman merong albularyo na titingin
sa akin.”
“Ako na ang bahala sa mga kailangan mo.” Aniya at saka namulsa.
“K-kailangan ko?”
“Yes, at sa baby.”
Nag-init ang pisngi ko. “A-anong balak mo sa... amin?”
“Just like I said, ako na ang bahala.”
Hindi iyon ang gusto kong marinig. Kanina ko pa pinag-iisipan ang lahat.
Natatakot ako
para sa kinabukasan namin ng magiging anak ko, pero dahil narito si Leon
ay nawawala
ang pangamba ko. Hindi ko ito naramdaman kay Conrad noon, iba ang
seguridad na
nararamdaman ko kay Leonardo. Marahil dahil nakikila rin ng anak ko na
siya ang Papa
nito.
Natatakot pa rin naman ako. Pero siya raw ang bahala. Ibig sabihin non,
hindi niya ako
papabayaan. Pero bakit may kiliting nanunulay sa ugat ko? Para saan iyon?
O si baby lang
ba ang nasasabik at naa-apektuhan lang ako? Posible ba iyon?
“Ipapaalam mo na ba ito sa pamilya mo?” Mahinang tanong ko.
Umiwas siya ng tingin. “Sa ngayon, hindi ko pa alam.”
64
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Ang kiliti ay napalitan ng pait. “Itatago mo sa kanila ang tungkol sa
amin?” ng anak natin?
Pansamantala. Malamang ay sasabihin niya rin naman. Hindi niya naman
puwedeng itago
habambuhay ang tungkol sa amin ng magiging baby namin. Siguro ay hahanap
lang siya
ng tyempo. Syempre nga naman, baka mabigla ang pamilya niya. At isa pa,
masyado pa
kaming bata.
Kusang tumakbo ang isip ko sa mga posibleng mangyari kapag nalaman na sa
kanila ang
tungkol sa akin. Siguradong hindi papayag ang pamilya niya na hindi ako
sa kanila titira,
at siguradong kukuhanan nila ng nanny ang baby. Sigurado ring pag-aaralin
nila ako
kahit may anak na kami ni Leonardo. Malaki rin ang posibilidad na pati
ang nanay ko ay
tulungan ng pamilya niya. Hindi sila puwedeng tanggihan, o baliin ang
kanilang batas.
Kilala ang mga Montemayor bilang ma-di-dignidad na tao. Matulungin din sa
mahihirap,
hindi sila matapobre at madamot. At hindi rin lingid sa kaalaman ng mga
tao na
karamihan sa mga Montemayor ay low profile lang ang nakakatuluyan. Hindi
sila
tumitingin sa estado sa buhay.
Tinignan ko si Leon at saka kiming nginitian. “Leonardo, papanagutan mo
ba talaga ako?”
Lalong nangunot ang kanyang noo.
“Hindi ang tungkol sa pangangailangan ko at ng sanggol ang sinasabi ko.”
Kinapalan ko
na ang mukha ko kahit nanlalamig ang mga palad ko. Gusto ko ng malaman.
Gusto kong
malaman ang lugar ko, lalo na ngayon na hindi na lang sarili ko ang
kailangan kong
isaalang-alang. Meron ng sanggol na kailangan ng atensyon. Wala na akong
ibang
pagpipilian kundi ang tanggapin na magkaka-anak na kaming dalawa ng
lalaking ito.
“Kung papakasalan kita?” Tanong niya sa flat na tono.
“Oo...” nahihiyang tumango ako. Pero pilit pa rin akong nagpakatatag. Mas
nangingibabaw
ang kakaibang saya na hindi ko alam kung saan nagmumula.
Tumaas ang isang sulok ng bibig niya bago siya nagsalita. “No.”
“Ha? A-anong ‘No’?” Umawang ang mga labi ko.
“We don’t love each other, so why should I marry you in the first place?”
Kunot noong
tanong niya.
“P-pero ang sabi mo...”
65
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Tungkol sa bata lang lahat ng ito. Walang Montemayor na tumatalikod sa
responsibilidad
niya. Pananagutan ko ang nangyari, pananagutan ko ang dinadala mo.”
Chapter 13
NAPANGANGA ako ng abutan niya ako ng lilibuhing pera mula sa kanyang
mamahaling
pitaka.
“A-ano iyan?” Hindi ko iyon inabot. Nanatili sa ere ang kamay niya na may
hawak na pera.
“For you and the baby,” walang emosyong sagot niya.
“H-hindi ko kailangan iyan.”
“Believe me, you need it.”
“Leon—“
“Come on, Sophia,” tila nauubusan ng pasensiyang sabi ni Leonardo.
Umiling ako. “Kumakain ako ng sapat sa isang araw. Tatlong beses, minsan
may merienda
pa. Aanhin ko ang pera mo?”
“Vitamins. O kung may iba kang gustong bilhin.”
“Hindi ko iyan matatanggap,” matigas na sabi ko. Kakarating lang namin
galing ospital.
Wala akong nagawa ng nagpumilit siya na ihatid ako, wala rin akong choice
dahil nauna
ng umuwi si Nanay.
Umismid siya. “Pero kay Conrad ay tumatanggap ka?”
“Ano?” Nanlaki ang mga mata ko.
“Kung ayaw mong tanggapin, fine. Iiwan ko na lang dito.” Basta niya
binitawan ang mga
papel na pera, nagkalat sa lupang sahig ng bakuran namin ang lilibuhin.
Kahit hindi ko
bilangin ay batid kong lampas sa sampu iyon.
“Leon!”
66
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“What?” iritable niyang tanong. Naniningkit na naman ang mga mata niya,
tila may titis
ng apos sa loob niyon.
“Ah...” Napatulala ako. Ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya?
Namulsa siya at humakbang palapit.
Napasinghap ako ng masamyo ang mabango niyang amoy. Nanunuot iyon sa
ilong ko.
Parang hini-hipnotismo ang pakiramdam ko. Nagising lang ang diwa ko ng
marinig ang
pitik ng daliri ni Leonardo sa tapat ng mukha ko.
Nang tumaas ang paningin ko sa mukha niya ay ganoon na lang ang
pagkapahiya na
aking nadama. Nakangisi siya sa akin.
“Don’t tell me pinaglilihian mo na agad ako?”
Nag-init ang pisngi ko. “H-hindi, noh!”
Nagkibit siya ng balikat.
“U-umalis ka na nga. Dalhin mo iyang mga pera mo!”
“Hayaan mo na iyan diyan, marami ako niyan.”
Gusto ko siyang batukan kaya lang ay mas matangkad siya sa akin. At saka
tapang ko
lang na gawin iyon, noh.
“Agahan mo bukas, may ibibigay ako sa’yo.” Tumalikod na siya at tinungo
ang sasakyang
nakaparada sa labas ng bakuran namin.
Sinundan ko siya ng tingin. Ang bawat hakbang niya, at ang bawat
siguradong galaw ng
kanyang katawan. Kahit nakatalikod, nandoon pa rin ang kakaiba niyang
aura. Iyong
kakaibang dating, may bigat. Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging
bahagi ng
buhay ko ang isang Leonardo Saavedra.
Siguradong nagbubulung-bulungan na naman ang mga kapit-bahay. At tiyak na
mas lalala
ang chismis kapag nagsimula ng lumobo ang tiyan ko.
Pagpasok ko sa bahay ay nakaupo lang si Nanay sa paborito niyang puwesto.
Nakikinig
lang siya sa radyo. Ni hindi siya tuminag kahit narinig niya na ang
pagpasok ko.
67
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Malungkot kong tinungo ang kuwarto ko. Alam ko, kahit hindi magsalita si
Nanay ay alam
ko na nagtatampo siya sa akin. Hindi ko alam kung paano babawi sa kanya.
Sa ngayon ay wala pa talaga akong kaplano-plano para sa kahit anong
bagay. Masyadong
piga ang utak ko sa bilis ng mga pangyayari. Para pa ring nakalutang ang
pakiramdam ko.
...
KINABUKASAN ay nakaharang sa daanan ko si Leonardo. Nakakunot ang noo
niya.
Mukhang hindi niya nagustuhan na nauna akong nakarating sa Dalisay High
School.
Hindi ko na siya hinintay, sabi niya kasi ay agahan ko kaya pumasok na
ako mag-isa.
Hindi ko naman alam na may balak pala siyang sunduin ako. Ang gulo-gulo
naman kasi
niya.
Matapos niya akong lunurin ng tumatagos niyang titig ay nagpakawala siya
ng malalim ng
buntong-hininga.
Todo siksik naman ako sa pader. Mukhang timping-timpi na siya, siguro
kung hindi ako
buntis ay baka kanina niya pa ako nasakal.
“A-ano iyan?” Takang tanong ko.
May inilabas siyang maliit na kahon mula sa itim niyang backpack. In
fairness, ngayon ko
lang siyang nakitang may dalang bag.
“Isn’t it obvious?” Lukot ang ilong na balik-tanong niya. Maiksi talaga
ang pasensiya.
“Alam kong cellphone iyan.” Inis kong sabi. “Pero para saan iyan? Bakit
mo ako binibigyan
niyan?!”
“So i can check on you.”
Kuntodo iling ako. “Hindi ko iyan matatanggap!”
“Sophia!” Babala niya.
“Leon, please! Kung para na naman sa baby, puwes ‘wag. Hindi pa nga
pinapanganak,
cellphone na agad?!”
Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin sa braso at saka patagilirin.
“A-ano ba?!”
68
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Hinila niya ang bag ko mula sa likod. Padaskol niyang binuksan ang zipper
ng bag ko,
muntik pang masira. Saka niya isinalaksak ang kahon ng cellphone sa loob.
“Use it. May SIM na iyan.” Aniya saka ako tinalikuran.
Naiwan naman akong tulala habang yakap-yakap ang bag ko na
pinagsamantalahan niya.
Ang walanghiya, talaga bang hindi puwedeng tumanggi sa kanya?!
“Simula na ang practice.” Narinig kong sabi ng nasa tagiliran ko.
Gulat akong napalingon. “Helga!” Kanina pa ba siya? Nakita niya ba si
Leon? Narinig niya
ba ang—
“Ano iyong nilagay niya sa bag mo, huh?” Nakangising tanong niya.
“W-wala...”
Humagikhik siya. “Nakita ko na, Phia. Bakit binibigyan ka ng cellphone ni
Leonardo
Saavedra?”
Nanlaki ang mga mata ko. “`Wag kang maingay, please.”
“Madaya ka, huh? May dapat kang ikuwento sa akin mamaya.”
Narinig namin ang sunod-sunod na tunog ng bell. Umpisa na ng practice for
graduation.
“Oo, pero ‘wag ngayon.” Sabi ko kay Helga. Pero hindi ko pa sigurado kung
dapat ko ba
talagang ikuwento sa kanya ang tungkol sa amin ni Leonardo.
“Tara na, pila na tayo.” Hila niya sa akin. “Later, huh?! Naku!”
SA PILA ay halos magkatapat kami ni Conrad, pero ni hindi man lang siya
nag-abalang
tingnan ako. Alam ko namang alam niyang naroon lang ako pero parang
sinasadya niyang
wag akong tapunan ng paningin.
Malungkot na lang ako na napatungo.
“Parang hindi ka na yata pinapansin ni Mr. Nice Guy.”
69
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Hindi na nga. Siguro alam niya na ang tungkol sa nangyari. Alam niya na
magkakaanak
na kami ng pinsan niya.
“Maski tingnan ka, ayaw niya na. Sad.”
“Anong sad?”
“Akala ko kasi kayo, eh.”
“Helga!”
“E, kainis. Nasira pantasya ko. Hay, naku ang hina mo. Kung ako ikaw,
pinikot ko na
iyan, eh.” Tumawa siya nang mahina.
“Baliw ka! Ang bata pa natin, pikot agad?!”
“Anong bata?” Bumungisngis siya. “Hindi na tayo bata. Puwede na nga
tayong gumawa ng
bata!”
Natigilan ako. Kung alam mo lang, Helga. Sa isip-isip ko.
“Malapit na graduation natin. Gosh! I’m so excited.”
“A-ako rin.”
“Saan ka magka-college?” Kalabit niya ulit sa akin. Nasa likuran ko kasi
siya nakapuwesto.
“H-hindi ko alam...”
“Ano ba iyan? Walang plano?”
“Hindi ko pa nga kasi alam.”
“Hmp. Sabagay, dito ka lang siguro sa Dalisay. Mukhang di mo maiiwan
mudra mo, eh.”
“Umayos kayo ng pila.” Sita ko sa kanya. “Baka pagalitan tayo ni Sir.”
“Hmp. Basta kuwento mo iyong about kay Leon later, huh? Grabe ka! Ang
haba ng hair
mo, ang lihim mo pa.”
70
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Hindi na ako kumibo.
Pagkatapos ng practice ay bumalik na kami sa room namin, nagpahuli lang
ako dahil
nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Nagiging palaihi ako lately, siguro
dahil sa
kalagayan ko.
Wala sa loob na nahimas ko ang tiyan ko habang naglalakad patungo sa room
namin.
“Hi, Sophia.”
Napahinto ako nang makita si Kiana Louise Montenegro sa aking harapan.
“Kia...”
“May nakakita sa inyo ni Leon kahapon. Sumakay ka sa kotse niya. Care to
tell me what is
it all about?” Diretsang tanong niya, walang kangiti-ngiti.
“Ha?”
“Bakit ka niya pinapasakay sa kotse niya. At saan kayo nagpuntang
dalawa?” Ang kulay
karagatang mga mata ni Kia ay tila nahaluan ng apoy.
“A-ano kasi... ah...” kabado akong lumingap sa paligid. Wala ng katao-
tao. Lahat ay nasa
kanya-kanyang klase na. Kung sakaling sasabunutan ako ni Kia, siguradong
wala kong
laban sa kanya.
Ang higit kong inaalala ay ang baby ko. Oo nga’t hindi ko ito plinano,
pero mahal ko na
ang baby ko. Baby ko ito. Akin ito. Dugo at laman ko. Blessing ni God sa
akin.
Dapat makaisip ako ng paraan para hindi magalit si Kia. Kilala siya ng
lahat. At alam
kong hindi siya magda-dalawang isip na baliin ang leeg ko kapag nalaman
niya ang totoo.
“What?”
“T-tinanong ka... tinanong ka niya sa akin.” Sa kawalan ng sasabihin ay
iyon ang lumabas
sa bibig ko.
Kumunot ang makinis na noo ni Kia.
“Ah, oo! Tama! Tinanong ka niya.” Ani ko. Wala na akong maisip na ibang
paraan kundi
ang mag-sinungaling.
71
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Tinanong niya ako sa’yo?” Lumiwanag ang maganda niyang mukha. Nawala na
ang kunot
sa kanyang noo.
“Ah, oo, eh...” bahagya akong nakahinga nang maluwag.
“Pero bakit sa’yo?”
“H-hindi ko rin alam, eh.”
“Ah, siguro akala niya close tayo.” Ngumiti na siya. “You know, wala
naman kasi akong
madalas kausapin dito sa campus maliban sa’yo.”
“Oo nga...” sang ayon ko.
“So, anong pinag-usapan niyo? Anong mga tinanong niya sa’yo? Come on,
Sophie.” Excited
niyang tanong.
“Ah, s-secret kasi...”
“Secret?” tumulis ang nguso niya.
Hay, napakaganda talaga ni Kia. Siguradong hindi niya matatanggap na ang
isang gaya
ko lang ang naanakan ng lalaking gustong-gusto niya.
“Oo, eh... nahihiya siya.” Sabi ko sabay kamot sa batok. Pawisan na ang
kili-kili ko sa
nerbyos.
“Oh, I see!” Humagikhik siya. “Nahihiya siguro. Feeling tough iyon, eh.
Sabi na nga ba,
pakipot lang siya.”
“Oo...b-baka...”
“Hmn, basta kapag tinanong ko puro good about me lang ang sasabihin mo,
ha? Sabagay,
never pa naman akong nagpakita ng masama sa’yo.” Muli siyang humagikhik
saka muling
sumeryoso. “As in hindi pa.”
“Ha?”
Naningkit ang bughaw niyang mga mata. “Kaya ikaw, umayos ka!” At saka
niya ako
nilampasan.
72
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Naiwan akong butil-butil ang pawis sa noo.
Chapter 14
BUONG KLASE ay hindi ako mapalagay. Panay ang sulyap sa akin ni Kia.
Ngiting-ngiti
ang babae.
Nako-konsensiya ako kasi alam kong nag-sinungaling ako sa kanya. Pero
kung di ko iyon
gagawin ay baka pinaglalamayan na ako ngayon.
Takot ang lahat kay Kia. Kaya kahit maraming babae ang nagkakagusto kay
Leon ay
iniiwasan nila ang lalaki, walang may gusto na kalabanin ang isang Kiana
Louise
Montenegro.
Sayang, pangarap ko pa naman na maging kaibigan siya. Pero hindi na iyon
mangyayari
pa, lalo ngayon. Hindi ko ma-imagine ang araw na malalaman niya ang
totoo.
O, malalaman nga ba talaga niya? Mukhang wala namang balak si Leonardo na
ipakilala
kami ng anak niya sa mundo. Ang solusyon na naiisip lang ng lalaking iyon
ay ang tapalan
ako ng pera. Akala niya kapag ginastusan niya ako at ang baby ay okay na.
Iyon ang
paniniwala niya ng ‘pananagutan’.
Napa-buntong-hininga ako.
Wala naman na akong magagawa. Narito na ito.
At oo, kailangan ko rin ng pera. Hindi ko kakayanin si baby ng mag-isa.
Lalo pa at may
kapansanan ang nanay ko. Gusto ko pa ring makatapos ng pag-aaral.
Pasimple kong sinulyapan si Leonardo sa kabilang row. Nakatitig siya sa
notebook na nasa
harapan niya, mukhang walang kabalak-balak na lingunin ako.
Hindi ko pa rin talaga alam ang tumatakbo sa isip niya. Magulo talaga
siya. Sana lang
wag magmana sa kanya ang magiging baby ko.
“Conrad!”
Huminto sa paglalakad si Conrad Deogracia.
73
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Phia.” Gulat na sambit niya ng lumingon siya sa akin. Parang hindi niya
inaasahan na
lalapitan ko siya.
Nginitian ko siya. Breaktime namin. Tinakasan ko talaga si Helga kaya
lumabas agad ako
ng room namin. Sinundan ko si Conrad. Hindi ko kasi matiis na ganito
kami, lalo pa at
kahit paano ay naging mabuting kaibigan sa akin si Conrad.
“Hi!”
“Hello, Phia.”
“Iniiwasan mo ba ako?” Tanong ko sa kanya.
“Ha?”
“Ah, ano kasi...”
“Galit ka sa akin.” Tila naguguluhang sabi niya.
Mabilis akong umiling. “Naku, hindi. Pasensiya ka na, nadala lang ako ng
damdamin ko.”
Ngumiti na siya sa akin sa wakas.
“Bakit ako magagalit sa’yo?” Tanong ko na nahihiyang nakangiti. “Ang
unfair ko kung
magagalit ako. Ikaw na nga ang nagmamalasakit ako pa ang magagalit.”
Nahimas niya ang kanyang noo, gumilid kami sa daanan.
“I’m sorry, Sophie.” Aniya. “Tama ka naman, pamilya ko ang unang
isinasaalang-alang
ko.”
“Oo, normal lang iyon. Oo, nagtampo ako. Pero alam ko na mabuti kang
tao.” Higit kang
mabuti kesa kay Leonardo.
“Thank you, Sophia.”
“A-alam mo na ba?” Pagkuway tanong ko.
“Ang alin?”
“Ha?” Hindi ba sinabi sa kanya ni Leonardo?
74
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Alin ang alam ko na?”
Sasabihin ko ba? Nga-nganga palang ako ng biglang—
“Sophia!”
“Leon!” Gulat kong bulalas.
Bago pa ako makakilos ay nasa likod ko na agad ang tatay ni baby. Nanigas
ang leeg ko ng
bigla niya akong inakbayan.
“Conrad,” bati niya sa pinsan.
“Leon.” Pormal namang sagot ni Conrad.
Tumingin sa akin si Leonardo, naglalaro ang maliit na ngisi sa mga labi
niya. “Sophia, it’s
time for your lunch.”
Napaawang ang mga labi ko. Ano?!
Bitbit na ako ni Leonardo palayo ay nakikita ko pa rin sa mga mata ko ang
kunot noong
mukha ni Conrad Deogracia.
Sa tabi ng canteen niya ako binitawan. Pulang-pula ang mukha ko ng
makitang
nakatingin sa amin ang mga estudyante na naroon.
“Umorder ka. Orderin mo lahat ng gusto mo.” Sabi niya na hindi man lang
tumitingin sa
akin. “Go. Hindi ka puwedeng malipasan ng gutom.”
Chapter 15
MUNTIK na akong mapatili ng biglang may humila sa bag ko.
“Sabay ka na sa akin.” Ang pormal na mukha ni Leonardo Saavedra ang
nalingunan ko.
Nasa kamay niya na ang kawawa kong bag, parang sako na bitbit-bitbit ng
malaki niyang
palad at mahahabang daliri.
“Nagugutom ka ba?” Tanong niya.
75
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Ha?” Iyon lang ang naisaboses ko. Nakatanga pa rin kasi ako sa kanya.
Totoo ba ito? Bakit sa araw-araw na nagdadaan ay tila lalong gumu-guwapo
ang lalaking
ito?
Bakit natutuwa akong pagmasdan ang makinis niyang mukha, ang mga mata
niyang
parang sa agila at ang matangos niyang ilong? Bakit nabubuhay ang mga
ugat ko sa
simpleng titig niya at pagtitig ko sa mukha niya? Ano bang nangyayari sa
akin?
“What do you want to eat?” Tanong niya. Nakatigil na kami sa gilid ng
gate ng Dalisay
High School.
“Ha?”
“I said, what do you want to eat?”
“Ha?” Nakanganga pa rin ako habang nakatingala sa kanya.
“Damn it, Sophia!”
“Ha?”
Pati ang mga dumaraan ay napalingon sa amin. Nagulat sa pagsigaw ni
Leonardo,
samantalang ako ay tulala pa rin sa kanya.
“Shit.”
Napatungo ako ng bumalik ako sa huwisyo. Nakakahiya, baka kung ano ang
isipin niya.
Baka tuksuhin niya na naman ako na pinaglilihian ko siya.
O baka nga ganoon talaga?
Hinila niya ako sa braso hanggang makarating kami sa parking lot. “Wala
ka bang alam
na ibang salita kundi ‘ha’? It’s so darn annoying!”
“Sori...” mahinang paumanhin ko. Nakatungo ako dahil nag-iinit sa
kahihiyan ang buong
mukha ko.
Isang pulang sasakyan ang hinintuan namin. Bago na naman, sa isip-isip
ko. Hitsura pa
lang, alam mo ng hindi mumurahin. Nang nakaupo na ako sa passenger’s seat
ay hindi ko
mapigilang suminghot.
76
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Ang amoy ni Leonardo ay nasa buong sasakyan. Naaamoy ko ang pabangong
gamit niya.
At mukhang gusto iyon ni baby.
“Here,”
Napatingin ako sa inaabot niya sa akin.
Bungkos ng pera at isang credit card.
“P-para saan?”
“Come on! Anong para saan?!” Salubong ang may kakapalang kilay na tanong
niya.
Nawala na ang atensyon ko sa mabangong amoy ng loob ng sasakyan. Inis
kong tiningnan
si Leonardo. “Sinabi ko na hindi na ako tatanggap ng—“
“Hindi ito para sa’yo. Para ito sa bata.” Halos isalaksak niya sa akin
ang inaabot niya.
“Stop being selfish.”
“Ano?!” Nanlaki ang mga mata ko. Shoot na sa bag ko ang pera at credit
card. Walang
habas na binuksan iyon ni Leonrado at isinarado ulit. “Ako? Selfish?!”
Turo ko sa sarili ko.
Gusot na gusot ang guwapo niyang mukha. At nakakainis kasi kahit galit
siya, guwapo pa
rin siya. Guwapo pa rin si daddy. At mukhang kampi sa kanya si baby. Ni
hindi ko maialis
ang paningin ko sa mukha ni Leonrado.
“Alam kong pride mo ang pumipigil sa’yo na tanggapin ang financial help
ko. Ibaba mo na
ang ihi mo, Sophia.”
Mukhang hindi ako maiinip kahit maghapon at magdamag kong titigan lang
ang mukha ni
Leonardo. Iyon nga lang ay wag lang sana siyang magsa-salita. Kumbaga sa
patalim,
walang patawad at may katalasan lang naman ang dila niya.
“Hindi makakatulong sa sitwasyon ang pagmamataas mo.”
Pagmamataas? Ako pa talaga?!
“Bilhin mo ang lahat ng gusto mong kainin.” Pagkasabi ay hinarap niya na
ang manibela.
77
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Inis na humalukipkip na lang ako sa kinauupuan ko. Ngunit hindi ko talaga
mapigil ang
sarili ko na panaka-nakang sulyapan ang bruho.
Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng bahay namin. Pinatay ni
Leonardo ang ilaw
ng sasakyan, pababa na ako ng bigla siyang magsalita.
“You can’t go to college this year, Sophia.”
Hindi ako nagsalita. Bagaman tutol ang kalooban ko.
Marso na. Buwan na ng graduation namin. Sa susunod na pasukan ay kolehiyo
na kami.
At ako? Dito sa unibersidad ng Dalisay mag-aaral sa tulong ng
scholarship. Pero mukhang
hindi mangyayari iyon dahil sa kalagayan ko ngayon.
“Hindi pa rin sa susunod na taon. Kakailanganin ka ng bata kapag
ipinanganak mo siya.”
Hindi ako nagkomento o ano man. Tahimik lang ako. Ano nga ba ang
sasabihin ko?
Mukhang planado na ni Leon ang lahat.
“Kapag isang taon na siya, siguro ay puwede na. Don’t worry, kukuha ako
ng
makakatulong niyo ng nanay mo.”
Dumukwang siya at binuksan ang pinto ng sasakyan sa tabi ko. Nsa gitna
siya ng pagiging
gentleman at ungentleman. Gentleman kasi ipinagbukas niya ako ng pinto,
ungentleman
kasi sana bumaba na lang siya para mas maayos akong mapagbuksan ng pinto.
At para
maalalayan na rin sana. May sarili talagang trip sa buhay ang Leonarado
Saavedra na ito.
Oo na, ikaw na ang ipinaglihi sa sama ng loob ng nanay mo. Wish mo lang
na sana hindi
matulad sa’yo ang magiging anak natin, bruho ka. Inis na pagre-rebelde ng
isip ko.
“Sabihin mo sa akin kung anong eskwelahan ka papasok pagdating ng araw na
iyon. Ako
na ang bahala sa lahat.”
“Okay.” Sagot ko matapos lang.
“Sige na, bumaba ka na.”
Gentleman nga!
Bumaba na ako ng sasakyan niya. “Ingat sa pagda-drive.” Sabi ko bago ako
lumayo sa
sasakyan.
78
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Tango lang ang sagot sa akin ni Leon. Pinaatras niya na ang kotse at saka
pinaandar
palayo sa bahay namin.
Wala na siya pero nakatulala pa rin ako sa kalsada. Mabuti na lang at
walang katao-tao.
Bihira ang nadaan ngayon at mukhang hindi nakadungaw ang tindera sa
kapit-bahay
naming tindahan.
Mayamaya ay narinig ko ang pag-beep ng cellphone na ibinigay niya sa akin
noong
nakaraan. Kinuha ko iyon mula sa bag ko.
Galing kay ‘L’
Sino pa nga ba si ‘L’ kundi si Leonardo D. Saavedra. Ang hindi ko
maintindihan ay kung
bakit ‘L’ lang ang pangalan niya sa phonebook ko.
Binuksan ko ang mensahe niya.
L:
Do these:
1. Magbihis.
2. Kumain
3. Uminom ng gatas
4. Magpahinga
5. Matulog before 9
Napailing na lang ako pagkabasa sa text message na dinaig pa ang
procedure ng isang
exam. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaasar. Kailan pa ba ako
masasanay?
Natapik ko na lang ang noo ko mayamaya.
Hay, Leon, paano ba kita pakikisamahan?
Chapter 16
TULALA na naman ako sa desk ko kinabukasan. Kakatapos lang ng first
class.
Kulang ako sa tulog na dapat ay sobra. Dapat antukin ako ngayon dahil sa
kalagayan ko,
pero iba ang nangyayari. Hindi ako makatulog nang maayos. May isang
partikular na
mukha ng lalaki ang bumabagabag sa akin sa tuwing ipipikit ko ang mga
mata ko.
79
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Nakikita ko ang nag-aalab niyang mga titig. Ang pagtaas ng sulok ng
kanyang bibig. At
nalalanghap ko ang mabango niyang hininga. At malala, nararamdaman ko ang
mainit
niyang haplos sa balat ko.
Bigla akong didilat sa kalagitnaan ng gabi. Pinagpapawisan at
nanginginig. Pero kakatwa
na hindi dahil sa takot o galit, kundi sa pananabik. Hindi ko alam kung
bakit hinahabol
ako ng lalaking iyon hanggang sa panaginip. Kung bakit binubuhay niya ang
bawat
himaymay ng pagkatao ko.
Hindi ko na magagawang matulog pagkatapos non. Sa bawat pagpikit ko,
mukha na
naman niya ang makikita ko. Minsan naka-simangot, kunot ang noo at
salubong ang kilay.
Minsan naman ay walang karea-reaksyon.
Hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ay sinasakop na ni Leonardo ang
buong sistema
ko. At hindi ko nagugustuhan ito.
“Sis, pinabibigay ni Leonardo.”
Napakislot ako ng biglang ilapag ni Helga ang isang box ng mamahaling
chocolate
cupcakes sa desk ko. Kilala ang brand na iyon sa kabayanan. Ang loob ng
box ay nakikita
dahil sa transparent na plastic sa ibabaw, sampu ang laman na makukulay
na cupcakes.
May kanya-kanyang disenyo, hitsura palang ay nakakatakam na.
“Naku, dapat ka na talagang magkuwento.” Tumabi sa akin si Helga.
Binuksan niya ang
kahon ng cupcakes. “Hmn, yummy nito. Pahingi, ah? Mga lima.”
Hinayaan ko siyang magsimulang pumapak ng cupcakes. Nang makaubos siya ng
dalawa
ay muli niya akong hinarap.
“So ano nga, babaita?”
Lumabi ako. “Helga, pasensiya ka na...” simula ko. Hindi ko pa yata kaya
talagang sabihin
sa kanya.
Umismid siya. “O siya, ‘wag mo na akong dramahan. Feeling ko seryoso ang
dahilan kaya
hindi mo pa masabi sa akin. Hindi kita kukulitin at baka ma-stress ka.
Basta, aasa pa rin
ako ng magku-kuwento ka kapag handa ka na, ha?”
Nayakap ko siya sa sobrang saya ko. “Salamat, Helga!”
80
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Natatawang gumanti siya sa akin ng yakap. “Basta pahingi pa nitong
cupcakes, ah?”
Natatawang tumango ako.
BREAK-TIME ng palinga-linga akong lumabas ng classroom. Wala si Leonardo
kaya
malakas ang loob ko. Ang balak ko ay pagtataguan ko siya, mukha kasing
trip na ng
lalaking iyon na bantayan ako tuwing lunch time. Nauubusan na rin ako ng
idadahilan
kay Kia at Helga. Hindi ko na rin kaya ang weight ng titig ng mga taga
Dalisanian sa
akin.
Pagkakataon ko na rin na ilayo kahit kaunti ang sarili ko sa kanya. Ayaw
kong masanay,
at ayaw ko na tuluyang sakupin ni Leonardo ang buong katinuan ko. Feeling
ko habang
nakikita ko siya ay pigilan ko man ang sarili ko, nagugustuhan ko na
siya. Ayaw kong
mangyari iyon. Sakit lang ang aanihin ko kapag nagkataon.
Sa likuran ng Dalisay High School gymnasium ako nagtungo bitbit ang
lunchbox ko.
Pritong isdang galunggong, kamatis at kanin ang baon ko. May pakete rin
ako ng Pork n’
Beans at isang bote ng mineral water.
Walang ibang tao sa puwesto ko. Solo ko ang buong lugar, ayos. Nagsimula
na akong
kumain. Nagtitipid ako ngayon kaya hindi ako pupunta sa canteen para
bumili ng kung
ano man. Kahit kanina pa ako nagki-crave na bumili ng sampalok at
pastillas. Saka na
lang. Isa pa, ayaw ko na makita muna si Leonardo.
Saktong maubos ko ang pagkain ko ay biglang may tumabi sa akin sa bench.
“Para sa magandang buntis.” Una kong nakita ang tupperware na puno ng
mangga at
bagoong. Kaagad akong naglaway at napangiti.
Si Conrad. Nakangiti siya habang hawak ang tupperware.
“T-thank you...” Inabot ko iyon at inilagay sa kandungan ko. Halos tumulo
ang laway ko sa
itsura palang ng sliced indian mango.
“Kanina pa sana kita lalapitan kaya lang busy ka sa pagkain.”
Napatingin ako sa kanya. “K-kanina mo pa ako pinapanood?”
Ngumiti si Conrad at tumango. “Ang sarap mo panooring kumain. Ang gana.
Sa panonood
palang sa’yo ay nabusog na ako.”
81
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Ngumuso ako. “Kakainis ka.”
Maiksing tumawa si Conrad. “Sige na, kainin mo na iyang dessert.”
“Oo ba!” Nilantakan ko na ang mangga na dala niya. Sumalo rin siya sa
akin. Kain kami
nang kain hanggang sa maubos ang laman ng tupperware. Pakiramdam ko ay
bundat na
bundat ako sa kabusugan.
Inayos ko na ang mga gamit ko, ibinalik ang nilagyan ng lunch ko sa bag
ko. Si Conrad
naman ay itinapon na ang disposable tupperware na pinaglagyan ng mangga.
“Bakit malungkot ka?” Puna niya sa akin ng mamayani ang katahimikan.
“Ano ka ba? Hindi kaya. Busog lang kaya tahimik.”
Hindi siya umimik. Nakatingin lang sa akin ang mga mata niya.
Naiilang na nagbawi ako ng tingin. Pakiramdam ko ay inaanalisa ni Conrad
ang hitsura
ko.
“Tinatrato ka ba niya ng maayos?” Pagkuwan ay tanong niya.
“M-mabait naman siya.”
Ngumiti siya. “Mabait? That’s new.”
Nagkibit-balikat ako.
“Pasensiya ka na sa pinsan ko. Ipinaglihi kasi iyon sa sama ng loob.”
“Ayos lang talaga.”
“Basta, friends pa rin tayo.” Kumiling ang ulo niya, sinilip niya ang
mukha ko.
Natatawang tumango ako. “Oo naman.”
“Good.” Masayang sabi niya. Nawala na ang kanina’y pag-aalala sa boses ni
Conrad. “Ayaw
kong mawalan ng very cute na friend.”
“Ayaw ko ring mawala sa buhay ko ang isang Mr. Nice Guy.”
82
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Nagkatawanan kami. Pero saglit lang at natigil kami ni Conrad ng makitang
papalapit sa
amin ang madilim ang mukhang si Leonardo. Sa hitsura ng lalaki ay mukhang
kanina pa
siya naghahanap sa buong campus. At tiyak ko na ako ang hinahanap niya.
“L-Leon!” Nagulat ako ng walang pasabi niyang kinuha ang bag ko at
isukbit iyon sa
kanyang balikat.
“Bakit?” Tanong ni Conrad. Sabay kaming napatayo mula sa bench.
“Umuwi ka na.” Sa akin nakapako ang mga ni Leon, pakiramdam ko’y
pinanginigan ako
ng tuhod dahil sa mainit niyang titig.
“P-pero di pa tapos ang klase.” Mahinang apila ko na bahagya pang nautal.
Ano bang
problema ni Leon? Bakit galit na naman yata siya. Nagalit ba siya dahil
napagod siya
kakahanap sa akin? O dahil alam niyang pinagtaguan ko siya?
“Basta umuwi ka na. Ihahatid na kita.” Aniya sa malamig na tinig. Hinuli
niya ang pulso
ko at ikinulong sa kanyang kamay.
“Ano bang—“
Hinila niya ako palapit sa kanya. “I don’t like repeating myself,
Sophia.”
“Leon, nasasaktan yata si—“
“Shut up!” Baling ni Leonardo kay Conrad.
“Sorry, Conrad!” Hingi ko ng paumanhin kay Conrad. Tiningnan ko si
Leonardo, seryoso
pa rin siya. At alam kong hindi magandang ideya na suwayin siya ngayon.
“Sophia, Leon—“
“Okay lang, Conrad.” Ako na ang nagsalita. Hila-hila na ako ni Leonardo
pero sinikap kong
ngumiti kay Conrad. Ayaw kong mag-isip siya nang masama tungkol sa pinsan
niya. Kahit
pa alam kong sa inugali kanina ni Leon ay maaaring nakabuo na ng masamang
impresyon
si Conrad sa kanya.
Mabilis na binuhay ni Leonardo ang makina ng bagong-bagong Hyundai ng
matiyak
niyang nakasuot na ako ng seatbelt. Pinaarangkada niya agad ang sasakyan
palabas ng
parking lot ng Dalisay High School.
83
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Hindi ito pauwi sa amin, Leon.” Nababahalang wika ko ng makitang
inililiko niya sa
ibang daan ang sasakyan.
“I know.” Balewalang tugon niya habang patuloy pa rin sa pagma-maneho.
Kumapit ako sa magkabilang gilid ng passenger’s seat. “Pero ang sabi mo
ay ihahatid mo
ako?!”
“I am no Mr. Nice Guy. And I do lie.”
Gulat kong tingin sa kanya. “L-Leon?!”
Nakangisi siya habang kinakabig ang manibela. “I lied, Sophie. I am not
taking you home.”
Nanlalaki ang mga matang napatitig na lang ako sa tinatalunton naming
daan.
Chapter 17
SA ISANG cute na bungalow ako dinala ni Leon. Kulay kahoy ang pintura ng
bahay pero
gawa sa bato ito. Salamin ang mga bintana na sinag ang kulay berdeng
kurtina sa loob.
Hanggang bewang ang kahoy na gate at may mga tanim na halaman at mga
bulaklak sa
harapan.
“K-kaninong bahay ito?” nilingon ko si Leonardo, nakatingin pala siya sa
akin.
“Mine.” Walang ngiting tugon niya. May kinuha siya sa bulsa niya, bungkos
ng mga susi.
“Ha?”
“Lilipat kayo rito ng nanay mo after our graduation.”
“Ha?”
“Seriously, Sophia?” Inis niyang tingin sa akin. “Iyan lang talaga ang
sasabihin mo?”
“Ah—kasi...” napakamot ako sa pisngi ko. Ang sungit naman.
“Binili ko ito.” Nauna na siyang maglakad.
84
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Ang bilis ng paglakad niya, muntik na akong matalisod sa paghabol sa
kanya. Ang haba
naman kasi ng mga biyas ni Leonardo. Sana man lang naisip niya iyong
height ko ano.
“P-para sa baby?” Tanong ko sa kanya ng maabutan ko siya.
“Sa tingin mo kayang tumira ng baby dito mag-isa?” Nasa boses niya ang
pagka-irita.
“Ang pilosopo naman.” Nguso ko.
Huminto siya at lumingon sa akin. “What did you say?”
“Wala.” Iling ko. “Wala akong sinabi.”
Iiling-iling siya. “Let’s go inside.”
Binuksan niya ang main door ng bungalow. Bumungad sa amin ang malawak na
sala.
Una kong nakita ang cute na sofa. Kulay lupa iyon at may mababalahibong
pillowcase.
Mukhang lulubog ang puwet ko kapag naupo ako ron.
“So?” Untag niya sa akin.
“Ang ganda.” Lumingon ako sa kanya at ngumiti. “Ang ganda ng bahay na
ito.
Yayamanin.”
Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Presko ang kulay ng dingding.
Malinis ang buong
bahay at makintab ang sahig.
Kumpleto na sa mga importanteng gamit. May sofa, lamesita, TV at DVD. Sa
estante na
nas abandang kaliwang haligi ay may mga libro. Maayos na nakasalansang,
mga
nakabalot pa at halatang mga bago.
Naglakad ako hanggang sa pinaka-kitchen ng bahay. Kompleto na rin ang
gamit mula sa
ref, mamahaling kalan hanggang sa kapehan.
“Leon, seryoso ka ba?” Nilingon ko siya. “Ang ganda rito. Parang hindi
yata ako bagay
dito.”
Nasa likod ko na pala siya. Nakatayo at nakapamulsa. Mataman siyang
nakatitig sa akin.
“Saka, baka naubos ang allowance mo rito.” Nahihiyang sabi ko.
85
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Sigurado ako na mahal ang nagastos niya. Mula sa ipinambili niya ng bahay
hanggang sa
mga gamit na narito. Alam ko na hindi simple ang halaga ng bawat gamit na
naaabot
ngayon ng paningin ko.
Nakatingin lang sa akin si Leon, nakapinid pa rin ang mga labi niya.
Kimi akong ngumiti. “Sabagay, hindi naman yata mauubos basta-basta ang
allowance mo.
Ang yaman mo kaya! Barya lang siguro sa’yo ang—“
“I sold my car.” Putol niya sa pagsa-salita ko.
Napatanga ako sa kanya. “Ha?”
“Really? Another ‘ha’, Sophia.” Nanigkit ang mga mata niya.
“Ah, ano kamo?” Ipinilig ko ang ulo ko. “Ibinenta mo ang—teka—B-bakit mo
binenta ang
kotse mo?” Lumakad ako palapit sa kanya, namimilog ang mga mata ko.
“Para dito sa bahay at sa mga gamit na naririto.” Sagot niya na seryoso
pa ring nakatingin
sa akin.
Pinilit kong ngumiti kahit alam ko na ngiwi ang kinalabasan nito. “Okay
lang, may bago
ka namang kotse—“
“Sa kuya ko iyon.”
Natigilan ako.
“I won’t be needing a car anyway. Sa katapusan aalis na ako.”
“A-aalis?”
Tumalikod na siya. “Kompleto na ang mga gamit dito.”
“Nakikita ko nga.” Sabi ko. Bakit hindi niya sinagot ang tanong ko?
Aalis siya? Siguro dahil sa Maynila na siya titira at mag-aaral.
86
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“May darating na kawaksi dito sa a week after the graduation. Siya ang
makakasama
niyo. Sa suweldo niya, ikaw na ang bahala. Iiwanan kita ng ATM card para
sa monthly
allowance niyo.”
Tumango na lang ako. As if naman puwede akong umangal. Kahit yata mag-
welga ako ay
ang gusto pa rin ni Leon ang masusunod. So shut up na lang.
Inilibot ako ni Leon sa buong bahay. Tatlo ang kuwarto, lahat may
sariling banyo. Siguro
kung malalaman ng iba na ganito siya kagalante, baka marami na ang nagpa-
buntis sa
kanya. Hindi ko gusto ang ideyang iyon. Napabuntong-hininga na lamang
ako.
“This will be your room. Kompleto na pati ang personal refrigerator.”
Tumigil kami sa
isang kuwarto na nasa dulo ng pasilyo mula sa kusina.
Maganda ang kuwarto. Murang dilaw ang kulay ng kama at ng mga kurtina.
May flat
screen TV din.
“Iyong kabilang kuwarto, puwede mong gawing nursery ng bata.”
Tiningnan ko siya. Nakatingin din siya sa akin. Hindi ko alam kung
imahinasyon ko lang
iyong lungkot na nakikita ko sa mga mata niya. Sandali lang iyon, naging
seryoso at
malamig na ulit ang tingin ni Leon. Napakabilis magbago.
“D-dito na lang din.” Mahinang sabi ko. “Gusto ko na kasama ko sa kuwarto
ang magiging
anak... natin.” Nakagat ko ang labi ko.
Tumungo ako. Hindi ko makayang tanggapin ang mga titig niya.
Humugot siya ng paghinga at saka lumapit sa akin. Nakita ko na lang ang
sapatos niya sa
harap ng paahan ko. Nakatayo na siya sa harap ko, nakatungo siya sa akin
at ramdam ko
ang mainit na hininga niya sa ulo ko.
Ang lapit. Naaamoy ko tuloy siya. Iyong amoy din sa kotse niya, iyong
mabango. Iyong ang
sarap singhutin. Siguro talagang mamahalin iyong pabango ni Leonardo,
kasi kahit
pagpawisan siya ay ang bago-bango niya pa rin.
“Sophia,”
“B-bakit?”
Itinaas niya ang baba ko gamit ang daliri niya. “Do you like it here?”
87
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“O-oo naman...” wala sa sariling tugon ko.
“Good.”
Muli siyang namulsa at tumingin sa labas ng bintana. “Ang katapat ng
bintana mo ang
mini garden. Maigi para presko ang hangin. May aircon din para maging
komportable ka.”
“Salamat.” Ipinilig ko ang ulo ko. Ano bang nangyayari sa akin?
“Sabihin mo lang kung may gusto ka pa. May kulang o gusto mong idagdag.”
Mabilis akong umiling. “Ha? Naku! Wala na.” Sobra-sobra na nga ito, gusto
ko sanang
idugtong.
Pasimple akong lumayo sa kanya. Ngayon ko naramdaman ang higit na
pagkailang.
Nagkunwari na lang ako na tiningnan ang mga gamit.
Naupo ako sa gilid ng kama habang hinahaplos ng palad ko ang unan. Ang
lambot.
Mukhang magiging komportable nga ako.
Lumundo ang kama, ganoon na lang ang gulat ko ng makitang tumabi sa akin
si Leonardo.
“L-Leon...” napalunok ako nang magtama ang paningin naming dalawa.
Ang lapit na naman niya. Pero mas malapit ngayon!
Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil kaming dalawa lang sa kuwarto na
ito, ‘tapos ngayon
nandito pa kami sa kama! Siguro ang kapal ng mukha ko para makaramdam ng
ganito.
Hindi naman ako papatulan ni Leonardo kung hindi siya naka-drugs kagaya
ng gabing
may mangyari sa aming dalawa.
Pero bakit ganito siya makatingin sa akin? Bakit ganito? Parang hinihila
ng mga titig niya
ang kaluluwa ko palabas ng katawan ko.
“I wat you to stay away from Conrad.” Seryosong sabi niya.
“K-kung hindi ko gawin?”
Lalong sumeryoso ang mga mata niya. “Hindi mo magugustuhan ang puwede
kong gawin.”
88
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“P-pero mabait siya sa akin...”
“Bakit? Masama ba ako sa’yo?” Balik niya.
Umiling ako. Nagtataka ako sa nakitang pagdaan ng galit sa mga mata niya.
“H-hindi
naman sa ganoon. Kaya lang kasi—“
“Enough.”
“Leonardo...” Ibinaba ko ang paningin ko, tumama iyon sa kanyang makinis
na leeg.
Umusod siya palapit hanggang sa hindi ko na magawang tumayo na hindi ako
sasayad sa
katawan niya.
“L-Leon,” sinubukan kong umayos ng upo para lumayo siya pero hindi
nangyari. Mas lalo
lang naging malapit ang katawan namin sa isat-isa.
Nakita ko ang pag-alon ng Adam’s apple niya, maging ang pagtulo ng pawis
mula sa
kanyang pisngi pababa sa makinis at mabango niyang leeg.
Nang ibalik ko ang paningin ko sa guwapong mukha ni Leon ay ganon na lang
ang bilis ng
tahip ng dibidb ko. Nakatingin siya sa mga labi ko. O mas tamang sabihing
nakatitig siya
sa mga labi ko.
Ambisyosa na kung ambisyosa pero umaasa ako na lalapit siya para halikan
ako. Hindi ko
alam kung saan galing ang ganoong pakiramdam, nababaliw na nga yata ako.
Pumikit nang mariin si Leonardo. Nang dumilat siya blangko na ulit ang
mga tingin niya.
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at namulsa. “Iuuwi na kita.”
“Ha?”
Tinalikuran niya na ako.
Nauna na siyang makalabas ng kuwarto pero nakaupo pa rin ako sa gilid ng
kama. Ni
kumurap ay hindi ko magawa. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko,
ramdam ko ito sa
ibabaw mismo ng palad ko.
Nakagat ko ang labi ko. Posible bang mahal ko na si Leonardo?
89
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Chapter 18
ANO BA ITO? Bakit hindi mawala sa isip ko iyong nangyari kahapon? Hindi
na nga ako
nakatulog nang maayos kagabi, hanggang ngayon ba naman dito sa school
ganito ako?
“Sino ba ang kaaway mo diyan? Kanina pa kita tinitingnan, para kang
nasisiraan ng bait.”
Nasa tabi ko na pala si Helga. Kakatapos lang ng graduation practice
namin. “Wala.
Nagdi-day dream lang ako.” Pagsi-sinungaling ko.
Hindi pala ako nagsi-sinungaling. Totoo naman na nagdi-daydream ako.
Iniisip ko siya.
Iniisip ko ‘yong tatay ng anak ko.
Minsan kahit saan ako tumingin ay nakikita ko pa rin ang seryosong mukha
ni Leonardo.
Nakakunot ang noo niya, nakatikom ang mapulang mga labi. Iyong hitsura
niya na ang
hirap biruin.
Malala ka na, Sophia. Kutya ko sa sarili ko.
Nakakainis naman kasi ang lalaking iyon. Kahit ganon iyon, kahit
masungit. Kahit
bihirang magsalita at kahit parang palaging galit ay spoiled ako ron.
Binibili lahat kahit
hindi ko hingin. Sinasamahan ako, hinahatid at sinusundo. May pagka-
possessive pa. Naga-ambisyon tuloy ako na baka may feelings siya sa akin
at nagse-selos siya sa pinsan
niyang si Conrad. Ayan tuloy, hinahanap-hanap ko siya.
Hanggang sa pagtulog ko sa gabi, nakikita ko ang mukha niya. Minsan
nahihiling ko na
sana nasa tabi ko siya. Na tuwing nagigising ako ay naroon siya,
aalalayan niya ako.
Kapag nahihilo, nasusuka o nagugutom ako ay nakasunod agad siya.
Aasikasuhin ako.
Ganon naman dapat ang mga lalaki sa babaeng ipinagbubuntis ang anak nila.
Pumitik sa harapan ng mukha ko si Helga. “Ay, siya! Tuloy pa rin, o.”
“S-sorry.”
“Sino sa kanila?” Nangalumbaba siya sa ibabaw ng desk ko.
“Anong sino sa kanila?” Kunwari ay di ko alam ang sinasabi niya.
“Sino sa kanila ang iniisip mo, Miss Long hair?”
90
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Nag-iinit ang pisngi ko. Ang haba ng buhok ko, ngayon ko lang naramdaman
na puwede
pala akong maging maganda.
“Kainis ka.” Inirapan ko si Helga. Kinikilig ako. Buntis na nga, landi ko
pa.
“Mas nakakainis ka. Ang lihim-lihim mo.”
“Sophia.”
Sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng matigas at malalim na boses.
“Ayan na naman po.” Humagikhik si Helga sa gilid ko sabay kurot sa braso
ko.
“Helga!” Saway ko sa kanya. Nakakahiya kay Leon, baka isipin niya na siya
ang pinagtsitsismisan namin. Kahit siya naman talaga. Actually silang
dalawa ng pinsan niya.
Tumayo na ako. Tapos naman na ang practice. Clearance na lang at tapos na
rin ako don.
“Hindi na kita masolo, huh!” Bulong sa akin ni Helga na nakatayo na rin.
“Anyway, bye na!
May pupuntahan din ako.”
Nilingon ko si Helga. “Bahala ka ng itaboy si Kia.” Bulong ko rin sa
kanya. Baka kasi
madaanan namin sa hallway si Kia, wala na akong maisip na dahilan kapag
tinanong na
naman ako ng babaeng iyon kung bakit kasama ko si Leonardo.
Tumango si Helga saka mabilis na nauna palabas ng room namin. Nang
tingnan ko si
Leon ay nakakunot na naman ang noo niya. Mukhang hindi niya nagustuhan
ang pagbubulungan namin ni Helga.
“Ah, sorry. Wala iyon. About clearance lang at—“
“Let’s go.” Walang emosyong putol niya sa sinasabi ko. Mahilig talaga
siya sa ganon.
Siguro naiinis siya dahil ang daldal ko.
Kinuha niya ang bag ko at binitbit iyon. Gusto ko sanang kunin sa kanya
pero mukhang
wala siyang balak na ibalik iyon sa akin. Baka magtalo lang kaming
dalawa.
Sumunod na ako sa kanya. Nakatungo lang ako sa likuran ni Leon habang
binabato kami
ng ibat-ibang klaseng tingin ng mga ka-eskwela namin.
Sana lang talaga hindi makarating kay Kia ito.
91
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Leon, napapadalas, ah?”
Pasimple kong sinulyapan ang kumausap sa kanya. Ang tapang naman ng kung
sino mang
pakialamero na ito.
Hindi ito pinansin ni Leon. Mabuti nga.
Nahawi ang kumpulan ng mga estudyante na nakaharang sa daan ng dumaan
kaming
dalawa. Kahit pigilin ko ay kinikilig talaga ako. Feel na feel ko.
Ang bilis-bilis pa ng pintig ng puso ko. Parang magigiba ang dibdib ko.
At buong sistema
ko ay natutuwa na makita at mapalapit na naman sa kanya.
“Saan tayo pupunta?” Tanong ko ng makitang palabas kami ng school. Sana
hindi niya
napansin ang excitement sa boses ko. Nakakainis lang. Hindi ko na naman
kasi
maiwasang ma-excite kung saan na naman niya ako dadalhin.
Lumabas na kami ng Dalisay High School. Open gate na ngayong mga panahong
ito na
wala ng klase.
“Magpapa-check up ka.” Sagot niya. Pinatunog niya ang kotse niya ng
makarating kami sa
parking lot.
“Ha?” Gulat ko siyang tinitigan. “K-kasama ka?”
Tinapunan niya ako ng naiinip na tingin.
“Eh, baka lang kasi may makakita sa’yo.” Syempre kilala si Leonardo dito
sa Dalisay.
Kung noong una ay nakalusot kami, baka ngayon ay hindi na. Kapag nagpa-
check up ako
na siya lang ang kasama, ‘tapos ganito pang naka-uniporme kami, malamang
mapagiisipan agad kami ng mga tao. Hindi posibleng kumalat sa buong
probinsiya ng Dalisay na
may nabuntis siya.
“Sa Maynila ka magpapa-check up.” Wika niya. “Pansamantala lang ito,
kukuhanan kita
ng private doctor.”
“Private doctor? Mahal iyon, di ba? Saan ka kukuha ng pera? Baka maubos
ang allowance
mo niyan. O baka magbebenta ka na naman ng kotse o kaya—“
“Can you please shut up? Naririndi ako.” Binuksan niya ang passenger
side. “Sakay.”
92
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Sungit. Naglaho tuloy iyong kilig at excitement ko.
“Hmp.” Wala akong nagawa kundi sumunod na lang. Bawal na bang magtanong?
Umikot siya patungo sa driver’s seat. Saglit niya akong nilingon.
“Seatbelt.” Aniya.
Napaka-gentleman! Nakatulis ang nguso na ikinabit ko mag-isa ang seatbelt
sa katawan
ko.
“Don’t give me that facial expression, Aleck Sophia.”
Napatuwid ako sa pagkakaupo. “Ha? A-ano...”
“Itigil mo na ang ganyang ugali mo. All the childish behavior. Hindi
maganda. Lalo
ngayong magkaka-anak ka na.”
“Sori naman.” Humalukipkip ako. Nasaktan ako ron. Ang harsh niya masyado.
Bakit? Magkaka-anak ba ako kung di dahil sa’yo? Gusto ko siyang bulyawan.
Wala na
talaga iyong kilig ko kanina. Sana man lang naisip niya na bata pa naman
talaga ako.
Teen-ager palang! Grabe siya.
May kinuha siya mula sa glove compartment at iniabot sa akin.
“A-ano iyan?” Natigilan ako ng makita ang plastic na may dalawang
pirasong manggang
hilaw. Bigla akong naglaway.
Hindi siya tumingin sa akin pero bumuka ang mga labi niya upang sagutin
ang tanong ko.
“Mangga para sa buntis.” Sabi niya sabay lapag ng plastic sa kandungan
ko. “Eat.”
Kahit naiinis ay hindi ko na nasupil ang paguhit ng ngiti sa mukha ko.
Ngiti na untiunting nauwi sa mahinang pagtawa.
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang na parang ngumiti rin siya. Ah,
basta. Kakain
ako ngayon ng mangga!
Chapter 19
93
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
HEALTHY.
Iyon ang sabi ng doktor na tumingin sa akin sa Maynila. Ilang oras ang
biyahe namin,
ilang beses din kaming nag-stop over para makakain.
Napangiti ako habang hinahaplos ang tiyan ko. Pati si Leon, alam ko
masaya rin. Hindi
nakaligtas sa akin ang pagngiti niya ng sabihin ng OB na healthy kaming
tatlo nina baby.
Oo, tatlo. Kambal. May lahi pala ng kambal ang mother nila Leonardo.
Grabe, hindi ako makapaniwala. Pero totoo. Kumpirmado na. Dalawang buhay
ang nasa
sinapupunan ko. Hindi pa man sila ganoon kabuo, alam na namin na kambal
sila.
At healthy kaming tatlo.
Bakit naman kami hindi magiging healthy? Kumpleto ang vitamins ko.
Masasarap ang
mga kinakain ko. Palaging may dalang kung anu-anong pagkain si Leon sa
amin.
Binibigyan niya rin ako ng pera bilang budget kaya hindi kami namo-
mroblema sa mga
bayarin ni nanay. Plus, binilhan niya ako ng libro about pregnancy.
O baka healthy dahil inspired at in love si mommy? Tudyo ng isang parte
ng isip ko.
Ah, hindi ko muna ko-kontrahin ang pang-aalaska ng isip ko. Masaya ako
ngayon at
walang makakasira ng araw ko. Kahit pa may kasama ako ngayong ice king.
Poging ice
king.
“Wait for me.” Sabi niya saka bumaba ng sasakyan.
Wait for me... bakit ang sarap pakinggan ng salitang iyon?
Kinikilig na naman ako. Kainis!
Habol ko ng tingin ang papalayong si Leon. Tumungo siya sa bangko para
mag-withdraw
sa ATM niya. Saglit lang ay pabalik na agad siya.
Ang guwapo-guwapo talaga ni daddy, noh babies?
Pagpasok niya sa sasakyan ay pinaandar niya na agad ang makina. “Mag-sho-
shopping
tayo ng mga maternity dress.”
94
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Hindi ba masyadong maaga para ron?”
“I just wanna make sure na magkakaroon ka non. Hindi ko alam kung bibili
ka.”
“Bibili naman ako.” Ang segurista talaga!
“Kailangan mo ng mga ganong damit, para makahinga nang maayos ang bata sa
tiyan
mo.”
Grabe siya.
Sa SM Mega Mall kami namili ng mga branded na maternity dress na sinasabi
ni Leon.
Dalawang dosena lang naman ang binili niya. Siya ang pumili ng lahat, sa
kulay niya lang
ako tinanong.
Puro cotton ang pinili niya at iyong talagang maluluwag pagdating sa
gawing tiyan. Iyong
walang arte. Iyong walang garter. Iyong bagsak lang sa katawan pero
fashionable.
Kumain kami sa Tokyo-Tokyo dahil nag-crave ako bago kami bumalik sa
parking lot.
Sa sasakyan, hindi muna niya pinaadar ang kotse. Tumawag ang mommy niya,
hinahanap
siya. Saglit lang sila nag-usap, at gaya ng inaasahan ko, nagsinungaling
siya kung nasaan
siya ngayon at kung sino ang kasama niya.
Mukhang wala siyang balak na ipaalam sa pamilya niya.
Tumingin siya sa akin matapos niyang ilagay sa dashboard ang IPhone niya.
Ngumiti lang ako nang maliit saka itinuon ang pansin sa labas ng bintana
ng sasakyan.
Mabilis ang biyahe namin pauwi dahil hindi alanganin ang oras. Inaliw ko
ang sarili ko sa
panonood ng tanawin sa labas. Ni hindi ko namalayan na nakapasok na kami
sa bayan ng
Dalisay.
Ramdam ko ang pagod nang ihinto ni Leon ang sasakyan sa harapan ng bahay
namin.
Pero ayaw ko pang bumaba.
“Sophia,”
“Bakit?” Tanong ko na di siya nililingon.
“Kausapin mo na ang nanay mo tungkol sa paglipat niyo sa binili kong
bagong bahay.”
95
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Papayag ang nanay. Hindi niya masi-sikmura na pag-tsismisan ako ng mga
kapit-bahay
namin. Sagot ko sa isip.
“Oo.” Ang naisaboses kong tugon.
Gusto ko siyang tanungin kung hanggang kailan niya kami itatago ng mga
baby namin
pero natatakot ako sa puwede niyang isagot sa akin. Gusto ko rin sanang
itanong kung ano
ang plano niya sa nan-drugs sa kanya nong gabing iyon ng birthday niya.
Pero wala akong
lakas ng loob na tanungin siya tungkol don. Hindi na rin naman niya
inuungkat pa kung
paano namin nabuo ang kambal. Mukhang tanggap niya na talaga. Kahit ako,
tinanggap
ko na rin na ito ang kapalaran ko.
Magiging masaya pa rin ako. At masaya naman ako ngayon.
Ang ipinag-aalala ko lang ngayon ay kung kailan siya aalis. Iniisip ko
palang kasi na aalis
siya sa Dalisay at hindi ko makikita, nalulungkot na ako. Nami-miss ko na
agad siya.
Paano ba naman, sinanay niya ako sa presensiya niya.
Pero hindi bale, makikita ko pa rin naman siya dahil tiyak na uuwi siya
tuwing walang
pasok. Saka baka magbago pa ang isip niya. Sigurado na hindi niya
makakayang iwan
kami ng kambal. Nakita ko sa mga mata niya iyong lungkot. Alam ko na
maaring magbago
ang mga plano niya.
Puwede naman siyang mag-aral na lang sa Maynila. Marami namang magaganda
at
mamahaling unibersidad sa Maynila. Siguro kakausapin ko siya tungkol
doon.
Humarap ako sa kanya. “Leon, may sasabi—“
“Hindi na ako makaka-attend sa graduation.”
“Ha?” Natigil ang pagsa-salita ko.
“Mapapaaga ang alis ko.”
“Alis?” Kumabog nang husto ang dibdib ko.
“Nasabi ko na ito sa’yo, right?” Sinulyapan niya lang ako.
“I-iyon...iyon bang pag-aaral mo sa ibang bansa?”
96
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Yeah. Next week na ang alis ko. Bukas din ay babalik ako rito sa Manila,
may mga
aasikasuhin pa kasi ako.”
Bakit ang bilis? Bakit biglaan naman yata? Hindi ko na pala siya
mapipigilan pa.
Pero paano ako? Gusto ko sanang itanong. Paano ang mga baby?
Pero bakit naman nagiging dependent na ako sa kanya? Iiwanan niya ako ng
higit pa sa
sapat. May pera, bahay at kasambahay. May sustento at private doctor pa.
Pero bakit
ganito ang nararamdaman ko? Parang pinipiga ang puso ko.
“K-kailan ka babalik ng Pilipinas?” halos hindi ko maisa-boses ang tanong
na iyon.
Natatakot ako na pumiyok ako. Natatakot ako na makita niyang nasasaktan
ako ngayon.
“I don’t know.” Malamig niyang tugon.
“Hindi mo alam?” Paano kapag nanganak na ako? Hindi mo man lang ba
sisilipin ang
magiging mga anak natin? Gusto ko siyang bulyawan pero para saan? Mukhang
wala
naman talaga siyang pakialam.
“We can do skype.” Tumingin siya sa akin.
“Skype? Habang nanganganak ako naka-skype tayo?!” Hindi ko na namalayan
ang pagtaas
ng boses ko.
“Why not?”
“Thanks but no.” Mariin kong sagot.
Tumingin siya sa akin na nakunot ang noo. “Hindi naman itututok sa ano mo
ang camera,
bakit ganyan ka maka-react? Gusto kong makita ang magiging mga baby of
course. Sila
ang itapat sa camera ‘pag labas nila.”
Ano pa ba ang aasahan ko sa aroganteng lalaking ito? Wala. Bakit ba kasi
umasa ako nang
higit pa sa sobra?!
Tahimik akong lumabas ng sasakyan ni Leonardo. “Ok. Magkita na lang tayo
sa skype,
Mr. Saavedra.”
97
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Ni walang sagot na pinatakbo na niya ang kotse palayo sa kinatatayuan ko.
Masakit pero
mas maigi ng ganito. Dapat umpisa palang talag pinigilan ko na. Hinding-
hindi magiging
tama ang mali. At hinding-hindi magiging puwede ang hindi puwede.
Chapter 20
“WHAT is your problem?!” Naksunod siya sa akin hanggang sa AP Room. Nag-
alisan ang
dalawang estudyante na naiwan don ng pumasok kaming dalawa ni Leon sa
loob.
“Wala!” Pasigaw na sagot ko. Wala na akong pakialam kung ano ang isipin
ng mga
estudyante kanina. Anyway, ga-graduate na rin naman ako at di ko na sila
makikita pa.
Naupo ako sa monobloc chair na naka-simangot pa rin ang mukha.
“Anong wala? Ayan at nagkakaganyan ka!” Kinalampag ni Leon ang mahabang
lamesa sa
harapan ko. Namumula na ang mukha niya sa inis sa akin.
“Anong nagkaka-ganyan?!” Balik-sigaw ko sa kanya. Hindi ko na rin ma-
control ang asar
na nararamdaman ko. Kung puwede nga lang pagsa-sampalin ko ang guwapong
mukha ni
Leonardo ay baka kanina ko pa ginawa. Naaasar ako sa kanya!
Naka-kondisyon na ang isip ko kagabi pa na hindi ko na siya makikita pa.
Umiyak na nga
ako ng tatlong tabo! Iyon pala makikita ko pa siya ngayon? Mas
mahihirapan lang ako na
tanggapin ang lahat. Pinahihirapan niya ako!
“Sumisigaw ka! Sinisigawan mo ako! At hindi ako sanay na sinisigawan
ako!”
Iyon naman pala! Hindi niya matanggap na merong naninigaw sa kanya. Puwes
asar ako
sa kanya kaya magdusa siya! At hindi ako takot!
Padaskol akong tumayo at tiningala siya. “Ano bang pakialam mo kung
sumigaw ako?!
Palasigaw talaga ako!” Nangga-galaiting sagot ko sa kanya.
“Sophia, you are pregnant!”
“Bakit ba, Leon?!” Nakahanap na naman ng dahilan ang kumag! “Hindi naman
makakasama sa bata kung magsisi-sigaw man ako! Ikaw ano bang problema
mo?! Pati ba
way ng pananalita ko papakialaman mo pa!”
“Look. Hanggang mamayang gabi na lang ako rito ‘tapos ganyan ka pa?!”
Napahaplos siya
sa kanyang batok. Siguro ay pilit hinahamig ang sarili.
98
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Ano ngayon kung hanggang mamaya ka na lang?! Dapat ba akong magpasalamat
kasi
hindi ka nakaalis kanina at nakapasok ka pa ngayon?!”
“Sophia.” Gulat siyag napatitig sa mukha ko.
Nagpakatatag naman ako. “Tama na, Leon. Puwede ba? Pabayaan mo ako! Wala
ka naman
ng dapat problemahin sa akin. Kumpleto na ang mga kailangan ko! Pera,
bahay, nurese
pati nga yaya binigyan mo na ako. Wala ka ng kailangan pang isipin. Kaya
ko na mag-isa.
Umuwi ka na sa inyo at mag-ready ka na sa pag-alis mo!”
Nagtagis ang mga ngipin niya. Nanakbo na ako palabas ng AP Room. Mas lalo
akong
kinain ng asar ng hindi niya na ako sundan.
Napa-praning na talaga ako. Ayaw ko na siyang makita pero nagagalit ako
dahil huminto
na siya sa paghabol sa akin. Sayang lang ang panahon. Ito na nga siguro
ang huling
makikita ko siya.
Ang sakit. Napakasakit lang. Namalayan ko na lang na wala na palang patid
ang
pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Nagpasya ako na pumunta sa likuran
ng
campus. Ayaw kong makaagaw ng atensyon. Baka isipin ng ibang estudyante
na
nababaliw na talaga ako.
Sumandal ako sa malaking puso ng akasya at saka doon tahimik na lumuha.
Natigil lang
ako sa pagnguyngoy ng may tumapik sa balikat ko.
Gulat akong napatingala. “C-Conrad!”
“Why are you crying?” Salubong ang kilay na tanong niya.
Napalunok ako sabay pahid sa basa kong pisngi. “W-wala…” bakit nandito
siya? Nakita
niya akong pumunta rito? Nakita niya ba kami ni Leon kanina na nagtatalo?
“Anong wala?” Hinila niya ako at pinaupo sa damuhan, pagkatapos ay tumabi
siya sa akin.
Umiling ako saka kinuha sa maliit kong bag ang panyo ko. Pinunasan ko ang
buong
mukha ko bago ko siya hinarap. Nakatingin lang sa akin si Conrad habang
nakataas ang
isang kilay niya.
99
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Alam mo na ba?” pilit ko siyang nginitian kahit mukha na akong lukaret.
Magulo ang
buhok ko, malamang na namumula ang ilong ko ngayon, ‘tapos namumugto pa
ang mga
mata ko.
“What?” Tanong niya.
“Kambal.”
“Huh?”
“Kambal ang mga baby ko…” suminghot ako saka ngumiti ulit sa kanya.
“That’s great.” Saad ni Conrad na hindi pa rin inaalis ang titig sa akin.
“Dalawa ang magiging baby ko… ang mga angels ko…”
Nagkibit-balikat siya. “Yeah, may lahi ng kambal sila Leon. Iyong mommy
niya, may
kakambal.”
“Oo nga raw. Ang galing, noh?” tumawa ako nang mahina saka tumungo. “Ang
galinggaling.”
“So, why are you crying, Sophia?”
Matagal bago ako magsalita. Sinikap ko pang alisin ang bara sa lalamunan
ko. Pero si
Conrad ito, mabait si Conrad. Siguro naman ay mauunawaan niya ako at
hindi
huhusgahan.
Nag-angat ako ng mukha at sinalubong ang mga mata niya. “Si Leon kasi…
aalis na siya…
mamaya na. Pupunta na siyang Maynila, ‘tapos diretso na sa Amerika.”
“Yeah, isa iyon sa mga pangarap niya.” Seryosong sagot niya sa sinabi ko.
“You know about
it already, right?”
“Oo. Ano pa nga bang aasahan ko? Responsibilidad lang naman ako.”
Kumunot ang noo ni Conrad. Hinayaan ko lang siya.
“Pero gago siya, ha!” Tumawa muli ako na parang timang. “Gago talaga
iyang pinsan mo.”
Wala pa rin siyang sinasabi.
100
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Nagpatuloy ako. Salita-tawa-salita. “Conrad, hindi ko alam kung bakit
nagagalit ako nang
ganito. Hindi ko talaga alam! Nababaliw na nga yata ako! Baliw na ako!
Baliw ang nanay
ng magiging ina ng mga pamangkin mo!”
“Phia…”
“Conrad, anong gagawin ko?” Hinila ko ang kuwelyo ng polo niya. “Sabihin
mo sa akin,
Conrad! Bakit ako nasasaktan?”
“You love him.” Walang kurap na sagot niya.
“A-ano?” Nabitawan ko siya.
“You love him. Don’t you, Sophia?” Malalim na titig niya sa akin.
“A-ano bang sinasabi mo diyan?”
Sa halip na sumagot ay nag-iwas siya ng tingin. “Ikaw ang makakasagot
niyan, Phia.
“Hah! Nagpapatawa ka ba?” Bumunghalit ako ng tawa. Piyok at pekeng tawa.
“Paano ko
mamahalin iyong Leonardo na iyon? Ang sama ng ugali niya. Bakit? Hindi ko
rin naman
ginusto ang nangyari sa amin. Dapat nga magalit ako sa kanya. Pero narito
na ito, eh. Ito
na, oh. Buntis na ako. Alangan naman ipalaglag ko ito. Hindi ako masamang
nanay, noh!
Mamahalin ko itong mga anak namin. Pero siya? Nunca!”
Ang tawa ko ay nauwi sa basag na pag-iyak.
“Hindi ko mamahalin ang aroganteng iyon. Wala siyang puso!”
Tumingin siya sa akin at isang iglap lang ay nasa mga bisig na ako ni
Conrad Deogracia.
“Gusto mo bang malaman na ng pamilya namin?”
“Wag.” Sumubsob ako sa leeg niya. “Please, ‘wag…”
“But, Phia.” Itinaas niya ang luhaang mukha ko gamit ang dalawang daliri
niya. “Mga
Saavedra ang dinadala mo.”
“Ayaw ni Leon. Ayaw ko rin.” Iling ko. “Hindi ko ipagsi-siksikan ang mga
anak ko.
Mamahalin ko sila, magiging sapat ang pagmamahal ko para sa kanila.”
101
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“I will help you.” Hinaplos niya ang buhok ko.
“Help?”
“I will help you raise them.” Seryosong sabi niya.
“Salamat…” nginitian ko siya. “Pero wag na, Conrad. Salamat na lang…”

BILING-BALIKTAD ako sa higaan. Alas nueve na. Malamang sa mga oras na ito
ay bumabiyahe na siya. Wala na akong mapigang luha sa mga mata ko. Ayaw
ko na rin mahalata
ni Nanay na may dinadamdam ako ngayon, saka ko na lang ipa-paliwanag sa
kanya ang
lahat.
“Hija, may bisita ka.”
Nagulat ako ng biglang kumatok si Nanay.
“Labas na kamo ako, `Nay.” Bumalikwas ako ng bangon at saka hinanap ang
tsinelas kong
pambahay sa ibaba ng higaan ko. Hindi na ako nag-abalang mag-suklay pa,
tinungo ko na
agad ang pinto ng maliit kong silid.
Si Conrad siguro. Nag-aalala siguro siya sa akin.
“Nasaan, `Nay?” Nagtatakang tanong ko ng wala namang tao sa sala maliban
kay Nanay.
“Nasa labas, labasin mo na lang.”
Kumunot ang noo ko. Bakit hindi man lang pumasok si Conrad? Hindi siya
ganoon.
Nasagot ang tanong ko nang makalabas na ako ng bahay. Hindi si Conrad ang
nakatayo sa
tapat ng bahay namin.
“Leon?” Gulat kong tawag sa kanya. Nakasandal siya sa sasakyan niya at
nakapamulsa sa
suot na itim na pantalon.
Umayos siya ng tayo ng makita ako. “Dumaan ako rito, pero paalis na rin
ako.”
“B-bakit?”
“To check on you.”
102
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
‘Check on you na naman?’ Kailan ba magagasgas ang linyang iyon?
Mahabang sandali lang akong nakatingin sa mga mata niya bago ko mahagilap
muli ang
boses ko.
“Ano ka ba, Leon? Hindi naman na kailangan. Sabi ko naman sa’yo, di ba?”
“Take care of the babies, Sophia.” Seryosong bilin niya. Hindi ko mabasa
ang iniisip niya
dahil wala ni anumang emosyon akong nakikita sa mga mata niya.
“Kahit hindi mo ibilin, gagawin ko iyan.” Mapait kong tugon. Kung iyon
lang ang idinaan
niya rito ay wala siyang dapat na alalahanin.
Tumango siya at inalis ang mga kamay sa bulsa. “Alright.”
“Leon!” Tawag ko ng papasakay na siya sa kotse.
Lumingon siya ngunit hindi tumugon. Grabe ang pagpipigil ko sa sarili na
lumapit at
yumakap sa kanya. Mami-miss ko siya. Grabe, mamimiss ko talaga siya.
Hindi ko na
kayang ikaila iyon sa sarili ko. Nagagalit ako sa kanya dahil parang
balewala lang sa
kanya na matagal na muli bago kami magkitang dalawa. Mami-miss ko siya
nang sobra.
Ngayon palang miss na miss ko na siya.
“Mag-iingat ka…” sa dami ng gusto kong sabihin ay iyon lang ang nasabi
ko.
“Okay.”
“At iyong…” lumunok ako. “Leon, iyong sinabi mo sakin… iyong skype… gawin
natin iyon,
ha?”
Tango lang ang tugon niya, at sumakay na si Leonardo sa sasakyan. Hindi
ko na siya
makita pa ng sumara ang pinto ng driver’s seat dahil heavily tinted ang
mga salamin.
Pinaandar na niya palayo ang sasakyan.
“Mga anak, nagba-bye ba kayo kay daddy niyo?” Kasabay ng pagpahid ko sa
namalisbis na
luha ay ang paghaplos ng palad ko sa ibabaw ng aking tiyan.
Malungkot na hinabol ko na lang ng tingin ang pag-alis niya.
103
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Nag-sinungaling ako kay Conrad, maging sa sarili ko. Dahil ang totoo,
kahit napakaarogante niya, mahal ko siya. Mahal ko si Leonardo Saavedra.
Mahal ko ang ama ng mga
anak ko…
Chapter 21
ISA…
Dalawa…
Huminga ako nang malalim.
Tatlo.
Tinitigan ko muna ang maliit na display pic ni Leon sa screen ng
computer. Seryoso siyang
nakatayo habang nakatingin sa kung saan. Isang puting polo at itim na
fitted pants ang
suot niya. May baril na nakasukbit sa shoulder holster na suot. Ang
background ay ang
practice ground ng lalaki.
Narito na kami sa bungalow na binili niya. ‘Tapos na rin ang graduation
at ilang buwan na
rin ang nagdaan. Naging mabilis ang oras ng makalipat na kami sa bahay na
binili ni
Leonardo.
Hindi na ako naghintay na lumaki pa ang tiyan ko, lumipat na agad kami.
Isang gabi
habang tulog ang lahat ng mga kapit-bahay namin ay umalis na kami ni
Nanay sakay ng
sasakyan ni Conrad. Wala naman kaming masyadong dinala, maliban sa mga
damit at
personal na gamit.
“Hello?” Sinikap kong ngumiti kahit naiiyak ako.
Nakita ko sa screen ang tila bagong gising na si Leon. Nakahubad siya sa
pang-itaas at
garter lang ng itim na sweat pants ang nakikita ko sa lower part ng
katawan niya. Gusto
ko pang mapalunok ng dumaan ang paningin ko sa matigas na kalamnan niya.
Mukhang
batak sa work out ngayon si Leon.
“Phia,” malat ang boses na sabi niya. Magulo pa ang buhok niya at ang
background ay
headboard ng kama.
Napatuwid ako sa pagkakaupo. “Kumusta? Bakit ngayon ka lang nag-online?”
104
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“I’m sorry. Kakauwi ko lang.”
“Ha? Anong oras na diyan, ah?” Alam ko gabing-gabi na sa oras niya.
“Yeah. Anyway, nag-send na ako ng allowance, pati para sa panganganak
mo.”
Tumango ako. “Thank you. Oo nga pala, anong gusto mong pangalan—“
“Okay lang ba kung matutulog na ako?”
“Ha?” Napatitig ako sa bagamat pagod ay napakaguwapong mukha niya.
Namimigat na
ang talukap ng kanyang mga mata.
Hinaplos ng awa ang puso ko para kay Leon. Kahit labag sa loob ko ay
tumango ako. “Sige,
magpahinga ka na.”
Hindi na nagpaalam ang lalaki. Basta na lamang siyang pumikit.
Ilang saglit lang ay malalim na ang paghinga ni Leon. Mukhang pagod na
pagod nga siya.
Masaya na rin ako na tingnan ang payapa niyang anyo sa screen ng laptop.
Inabot ko ng kamay ko ang screen at marahang hinaplos iyon.
“Mga anak, pagod na pagod ang papa niyo…” malungkot kong wika. Umusod ako
para
halikan si Leon.
Ito lang ang kaya kong gawin para maibsan ang nararamdaman kong
pangungulila sa
kanya.

Three months later…
“NAGKAUSAP NA BA KAYO?”
Umiling ako.
Natutupad pa rin naman ang Skype. Sa totoo nga niyan, bukod sa mamahaling
cell phone,
computer ay may tablet at laptop pa ako. Mga mamahaling gadgets na hindi
ko naman
magawang pagtuunan ng pansin.
105
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Tumatawag si Leonardo, tatlong beses sa loob ng isang linggo. Walang
eksaktong petsa at
oras, mga tipong magugulat na lang ako na tumatawag na pala siya.
Sa umpisa napakahirap para sa akin. Kahit kasama ko si Nanay, pakiramdam
ko ay nagiisa pa rin ako. Palagi kong hinihiling na sana hindi totoo na
nasa ibang bansa siya. Na
sana nasa Hacienda Montemayor lang si Leon.
Sobrang pagpi-pigil din ang ginawa ko para hindi ako maiyak habang kausap
ko siya sa
Skype. Kahit sobrang saglit lang kaming mag-usap ay ang saya-saya ko na.
Sobrang nami-miss ko siya. Masaya na ako na makita ko siya sa camera.
Tuwing nag-iskype kami ay sumisipa ang mga sanggol sa tiyan ko. Ramdam
din nila siguro ang
pangungulila ng mama nila.
Kahit bihira na ngumiti si Leon, kahit nagkaka-panisan kami ng laway, at
kahit mas
madalas na mag-usap ang mga mata namin kesa sa mga labi. Masaya na ako sa
simpleng
ganoon lang. Kaya nasasabik ako tuwing tatawag siya. Palagi kong iniisip
kung ano na ba
ang itsura niya? Dahil tuwing nag-uusap kami ay parang mas higit siyang
gumu-guwapo
sa paningin ko. Kahit pa parang ang sungit-sungit niya, kinikilig pa rin
ako.
Hanggang sa unti-unti ng dumalang ang tawag at chat namin. Nalungkot ako
nang husto
pero inisip ko na lang na baka nga busy siya sa pag-aaral. Lalo pa at
sumali siya sa isang
organisasyon sa bansang kinaroroonan niya. Nagkasya na lang ako sa
paghihintay kung
kailan sa loob ng isang buwan niya maiisipang magparamdam.
Umaasa rin ako na nami-miss niya ako. Pero kung nami-miss niya ako bakit
hindi siya
nakakaisip na umuwi? Kahit ilang araw lang sana nong sembreak niya.
Siguro hindi talaga kami parehas ng nararamdamang dalawa.
Tumigil ang mga kamay ko sa pagti-tiklop sa mga mamahaling lampin at
damit ng
kambal.
“Anak,”
“`Nay,” tumayo ako. “Maliligo ho muna ako. Humihilab na iyong tiyan ko,
baka
kinabukasan lang ay manganak na ako.” Nararamdaman ko na na parang
malapit nang
lumabas ang kambal. Natatakot ako dahil ito ang unang beses na magiging
ina ako, pero
wala akong choice kundi maging matapang.
“Ha? Aba e, sa isang linggo pa dapat iyan, di ba?”
106
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Maigi na ang handa. Pasabi na lang kay Ronina na ihanda ang mga gamit ng
kambal.”
“O, siya sige.”
Si Ronina ang stay-in na kasambahay na kinuha ni Leon bago siya umalis.
Mula sa agency
si Ronina, isang beinte dos anyos na babae. Ang nurse naman ay darating
kapag nanganak
na ako, uwian ito tuwing gabi.
Nakaramdam ako ng pagka-ihi, papasok na sana ako sa banyo ng maisipan
kong tawagan
muna si Conrad.
“Yes, Phia? Napatawag ka? I was about to call you na rin sana, naunahan
mo lang ako.”
Humigpit ang hawak ko sa telepono. “A-ano kasi…”
“Ano iyon? Pauwi na ako ng Dalisay. Galing kasi ako sa Manila, may inutos
kasi si Dad.”
“Ah, nasa biyahe ka?”
“Yes. But don’t worry, hindi naman ako ang nagda-drive. So ano iyon?”
Napalunok ako. Si Conrad at si Helga ang mga bukod-tanging mga kaibigan
na
pinagkatiwalaan ko na makaalam ng sitwasyon ko. Iyon nga lang ay limitado
ang alam ni
Helga kumpara kay Conrad. “Tingin ko kasi manganganak na ako ngayon.”
“What?” Bakas sa boses ng binata ang gulat at pag-aalala.
“Oo…”
“Ineng!” Napalingon ako kay Ronina na nanlalaki ang mga mata. Nakatingin
siya sa suot
kong pajama.
“Ha?”
“Ang panubigan mo.”
Ganoon na lang ang nerbiyos ko ng makitang basa ang laylayan ng pajama.
“Diyos ko!”
“Phia?! God! Pumunta na kayo sa ospital. Make sure –”
107
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Nabitawan ko ang telepono. Hindi ko na narinig ang pagtawag ni Conrad sa
akin at ang
mga bilin niya na puno ng pagka-taranta.
Kahit ng dumating na ang taxi na tinawag ni Ronina ay tulala pa rin ako.
Wala akong
naramdamang sakit, pero abot-abot ang kaba ko. Nagsimula lang ang sakit
ng turukan na
ako ng pampahilab ng doktor. Tumulo ang mga luha ko ng marinig ang sinabi
ng doktor na
itutuloy na ako sa C-section.
Cesarean. Napaiyak ako. Nag-ingat naman ako. Hindi ko maiwasang sisihin
ang sarili ko.
Mariin akong napapikit ng utusan ako ng doktor na bumaluktot habang
hubo’t-hubad ako
sa ibabaw ng operating table. Natatakot ako. Hindi para sa sarili ko.
Kundi para sa mga
anak ko.
Abot-abot na lang ang panalangin ko habang kinakausap sa isip ang kambal
sa loob ng
sinapupunan ko.
Sana nandito siya. Sana kasama ko ang papa niyo ngayon.
Chapter 22
“ANG DAMING PERA, `TE!”
“Para sa kambal iyan,” mapaklang sagot ko. Nakaupo ako sa mahabang sofa
sa sala.
Nang malaman ni Leon na nanganak na ako ay halos triple na ang allowance
na
ipinapadala niya sa account ko. Malapit na ngang umabot sa milyon ang
laman ng account
kung ‘di lang nagagalaw para sa kuryente, bayad sa kawaksi at ilang
groceries. Plus pa
iyong bukod na savings ng mga bata. Ibinukod iyon ni Leon, nong huling
tumawag siya ay
nag-deposito raw siya ng tig-kalahating milyon para kina Heaven at
Nevaeh.
“Nakakapag-tampo ka talaga.” Nanunulis ang ngusong sabi ni Helga.
Ngumiti lang ako. Kapag dumadalaw si Helga ay ganito ang lagi niyang
sinasabi sa akin.
Hindi pa rin siya sumusuko sa pagtatanong.
“Salamat, Helga, ha?” Pag-iiba ko.
Inabot ko ang kamay niya at marahang pinisil.
108
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Wala kasi sina Ronina at Nanay, natagalan sa Maynila. Magkasama ang
dalawa ngayon.
Schedule kasi ng check up sa mga mata ni Nanay. Wala rin akong nagawa ng
ipilit ni
Conrad na tulungan kami sa operasyon ni Nanay. Sagot lahat ng lalaki ang
gastusin sa
pagpapagamot ng ng aking ina.
Nag-aaral na ngayon ng medisina si Conrad sa Maynila, pero tuwing walang
pasok ay
hindi siya nakakalimot na dumalaw sa akin at sa kambal. Tuwang-tuwang
kasi siya kay
Heaven at Nevaeh, sila ni Helga ang nag-isip ng pangalan para sa mga
sanggol. Wala raw
kasing taste ang pagpili ko.
“Salamat din sa tiwala,” sagot ni Helga. “Grabe ka, paano kung itinakbo
ko lahat iyan pati
iyong naiwan sa ATM? E, di gutom kayong mag-iina.”
Thirty thousand pesos iyong pera na winithdraw niya. Ang sampung libo ay
ibibigay ko
kay Helga at ang iba ay pang-grocery sa bahay at sa gamit ng mga baby.
“Alam ko naman na di mo gagawin iyon.” Nginitian ko siya.
Naubusan na kasi ng diaper ang kambal kaya kinailangang mag-withdraw.
Hindi pa ako
makalabas ng bahay kaya nakisuyo muna ako kay Helga, dahil na rin sa
nangungutang
ang babae kaya siya na ang inutusan ko. Nagulat siya ng makitang punong-
puno ng pera
ang ATM na bigay sa akin ni Leon.
“Puwede mo na bang ikuwento sa akin?”
Inilagay ko na sa wallet ang mga perang pang-grocery.
“Tagal ko ng naglalaway sa kuwento mo, e! Paano kayo nagka-anak ni
Leonardo? I mean,
alam ko kung paano nagawa iyang mga sanggol. Hindi ako ipinanganak
kahapon. And di
ko lang maunawaan ay kung bakit? Bakit ka nagpaanak sa yelong kinorteng
tao?”
Natawa ako sa deskripsyon niya sa ama ng mga anak ko.
Sabagay, may point si Helga. Yelo naman talaga si Leon. Wala yatang
pakiramdam.
Mantak mong mag-a-apat na buwan na ang mga anak namin pero iyong pangako
niyang
Skype kapag nanganak na ako ay wala pa rin. Kung tumawag man ay matagal
na ang
limang minuto. Nalulungkot lang akong isipin kaya inaaliw ko na lang ang
sarili ko sa
pag-aalaga kina Heaven at Nevaeh.
“Grabe! Four months na pero di pa rin ako maka-move on! Ang sabi mo noon,
hindi kayo?
Bakit naanakan ka? At hindi ka tipo ng babaeng basta bubukaka dahil
guwapo, ha!
109
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Pinuwersa ka ba niya? Pero parang wala rin naman sa hitsura ni Leonardo
na pupuwersahin ka. Saka bakit inililihim niyo? Bakit kailangan ka niyang
itago? Bakit wala ka
sa hacienda? Gosh! Ang dami ng tanong, please! I want answers! Mababaliw
ako nito.”
“Ayaw ko na sanang pag-usapan, Helga. Hindi naman na importante ang lahat
ng tanong
na iyan. Ang importante ngayon, secured ang mga anak ko. At di naman ako
pinapabayaan
ni Leon.”
“Whatever. Pero palaisipan talaga sakin. Lalo at hindi nawawala sa eksena
si Conrad.”
Sabay nguso niya sa binata na busy sa paglalaro sa kambal.
Sa nakabukas na kuwarto ay nasisilip ang nakatagilid na lalaki. Naka-
tanghod ito sa crib
kung saan naroon sina Heaven at Nevaeh. Mula pa ito sa Maynila, dumeretso
rito para
dalawin ang kambal.
“Kaibigan ko siya,” mahinang sabi ko.
“Hindi iyan ang nakikita ko sa kanya.”
Tiningnan ko si Helga. Mataman na siyang nakatitig sa akin.
“Kung ako nasa sitwasyon mo, kakausapin ko na si Leon.”
“At ano?”
“Dideretsahin ko siya! Lilinawin ko kung ano ba kami. Kung ano ba sa
kanya ang mga
anak niya. Aba, magkano lang ang pamasahe pauwing Pinas kung talagang
importante sa
kanya ang kambal ano?!”
Hindi ako umimik. Tama naman si Helga. Saksak iyon sa dibdib ko.
“At depende sa sagot niya ang sagot ko.”
“Sagot?” Tanong ko.
“Kung hihintayin ko pa ba siya o…”
“O?”
Bumungisngis si Helga. “Kay Conrad na lang ako. Since mukhang gustong
maging daddy
ni Conrad sa mga baby ko. Isa pa, super handsome din naman si Fafa C!”
110
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Ano ka ba?” Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi naman yata tama
iyon. O hindi
lang tama para sa akin? Dahil hanggang ngayon… siya pa rin.
“Kung ako lang naman ang nasa posisyon mo.” Tumawa siya at muling
sinemplehan ng
tingin si Conrad. “Akalain mo, kahit gaano ka-busy iyong tao ay
nakakadalaw pa rin dito.
Saka parang mas mahal pa nga yata ni Conrad ang kambal kesa sa tunay na
tatay ng mga
inaanak ko, eh.”
“Ang mga anak ko lang ang importante sa akin ngayon.” Mariing bitaw ko.
Walang
namamagitan sa amin ni Conrad. Hindi ko iko-kompormiso ang sarili ko sa
isang bagay na
wala na namang kasiguraduhan.
“Pag-isipan mo ang sitwasyon niyong mag-iina.”
Nang tingnan ko ulit si Conrad ay nakatingin na pala siya sa akin,
nakangiti ang mga labi
niya at bahagyang tumango bago ibalik ang atensyon sa kambal.
Pumalatak sa tabi ko si Helga.
“Mas mahirap ang naghihintay sa wala, kesa ikaw ang nagpapa-hintay sa
taong wala
naman palang aasahan sa’yo.”
Chapter 23
“ALECK FERNANDO MAGTIBAY.”
“Nanay ko po iyon,” lumabas ako ng gate para tanggapin ang letter na
inaabot ng mail
man. “Thank you po!”
Letter mula sa school na ina-applyan ni nanay. Mula ng makakita si Nanay
ay nag-aral na
ulit siya. Kaunting review lang naman. Board passer siya. Dating guro si
Nanay bago siya
mabulag noon.
“Nanay!”
“Oh, makasigaw ka naman! Maingay ka pa sa mga anak mo!”
Ngiting-ngiti ako. “Letter mula sa elementary school sa labas ng bayan ng
Dalisay!”
111
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Ano? Talaga?!” Tuwang tinanggap at binasa ni Nanay ang laman ng liham.
“Ay, salamat
sa Diyos!”
Iniwan kong nagtata-talon sa tuwa si Nanay. Masaya ako para bagong buhay
na meron
siya ngayon.
“Nasaan ang mga chikiting ko?” Siyam na taon na ang kambal.
“Mama!” Sumulpot si Heaven. Ngising-ngisi ito. Nakatali paitaas ang buhok
na hanggang
balikat. Puting blusa na may drawing na mga pulang bulaklak.
“O, nasaan si Nevaeh?” Tanong ko. Bihirang maghiwalay ang dalawa. “Eyi…”
tawag ko sa
palayaw ni Nevaeh.
Patalikod na ako ng biglang may sumampa sa likuran ko. “Mama!”
Bumunghalit ng tawa si Heaven.
“Ay, nagulat ako!” Nagtawanan ang dalawang paslit. “Kayo, huh?! Ginugulat
niyo talaga si
mama!”
“Si Iven po, sabi taguan ka!” Pinupog nila ako ng halik.
“Sus, nagturuan pa!” Niyakap ko ang dalawa.
Siyang dating naman ni Ronina mula sa kusina. “Kambal. Mga di pa naliligo
ang mga ‘yan,
Phia! Mga dalaginding na ang kulitis pa rin.”
“Naku, pasaway kayo kay Ate Nina, ah!” Natawa ako. “Sige, Ronina.
Isasabay ko na lang
sa pagligo ang mga bata.” Aalis din kasi ako after lunch, may klase ako
ng ala una sa
kursong kinukuha ko.
Graduating na ako sa kursong BS Management. Na-delay ang pagpasok ko sa
kolehiyo sa
kagustuhan ko na ituon muna ang atensyon sa pag-aaruga sa kambal.
“Naku, sige na nga. Magluluto na lang ako ng tanghalian natin. Kumain ka
muna bago ka
umalis.”
“Okay, sige.” Sagot ko saka hinila na ang dalawang bata sa kuwarto para
kumuha ng
isusuot.
112
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Bago pumasok sa banyo ay kumuha ng tig isang tuwalya ang kambal. Kinuha
ko rin ang
tuwalya ko. Sa banyo kami sa may kusina maliligo dahil mas malaki ang
bathtub doon.
Kalahating oras din yata kami bago nakatapos. Hilig kasi ng dalawa ng
magkaka-kanta
habang naglulunoy sa tub.
Naunang magbihis sina Heaven at Navae dahil bitbit nila ang mga bihisan
sa banyo
samantalang ako ay nakatuwalya lang. Paglabas ay muntik pang madulas ang
dalawa
dahil mga basa pa ang mga paa ng mga ito, at natulo pa ang tubig mula sa
mga buhok.
“Dahan-dahan! Naku naman!” Kanda-saway ako habang kipkip sa dibdib ko ang
pagkakabuhol ng tuwalya.
“Anak,” sinalubong ako ni Nanay sa bungad ng kusina.
“O, `Nay, bakit?” Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pagkabalisa ni
Nanay. “Nasaan
ba iyong makukulit na kambal? Naku hindi nagpunas nang maayos ang mga
iyon! Kalatkalat tuloy ang basa sa sahig.”
Hindi makasagot si Nanay kaya tumawag na ako. Dumeretso ako sa sala.
“Heaven!”
“Papa!” Boses ni Heaven.
“Si Papa nga!!!”
“P-papa?” usal ko na halos ako lang ang nakarinig. Sino ang tinatawag na
‘papa’ ng mga
anak ko?!
Daig ko pa ang nasabugan ng bomba ng maabot ng paningin ko ang isang
matangkad na
lalaki na nakatayo sa gitna ng sala namin. Nasa harapan niya sina Heaven
at Nevaeh.
Ngunit sadya yatang matalas ang pakiramdam ng lalaki. Tumingin siya sa
gawi ko na tila
naramdaman din ang presensiya ko.
Mula mga mata na parang kay lalim tumitig, sa aristokratong ilong at sa
mga labing
bihira lang kung ngumiti… unti-unting timimo sa isip ko ang lalaking
ngayon ay nasa
harapan ko.
Humakbang siya patungo sa akin.
113
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“L-Leon?” Am I really seeing him right now?
“Hi, Sophia.” Bagamat walang kangiti-ngiti ay nasa magagandang mata ng
lalaki ang
amusement.
Doon ko naalala an itsura ko. Gula-gulanit pa ang basa kong buhok, at
tanging takip sa
kahubaran ko ay ang maiksing tuwalya na hindi man lang umabot sa aking
mga tuhod.
Nag-init sa pagkapahiya ang buong mukha ko. At mas lalo pa akong nailang
na tumaas
ang sulok ng bibig ni Leon, tiyak akong namumula ako sa harapan niya.
“Papa!” Muli ay boses ni Heaven.
Bumaling ang pansin ni Leon sa bata. Hinimas niya ang ulo ng kambal.
“Mama, siya si Papa?!” Tanong ni Nevaeh. “Siya iyong nasa picture! Saka
siya iyong
natawag at nagcha-chat, di ba?!”
Nagcha-chat? Gusto kong umismid. Maituturing na bang chat ang hindi man
lang
lumalampas sa sampung minuto?
“Hello, ladies.” Hinalikan niya sa noo sina Heaven at Nevaeh. “May mga
pasalubong ako
para sa inyo.”
Tuwang-tuwa ang dalawa. Halos lumambitin na sila kay Leon. Kitang-kita
ang
pangungulila sa ama na ngayon lamang nakita at nakasama.
“Leonardo Saavedra, maupo ka muna.” Boses ni Nanay. Nang lingunin ko siya
ay pormal
siyang nakatingin sa akin. “Magbihis ka na, Sophia. Ayusin mo muna ang
sarili mo.”
“O-opo.” Nahihiyang tango ko bago tiningnan si Leon. “S-sandali lang,
Leon.”
Tumango siya sa akin. “Take your time.”

TAKE MY TIME? Ulit ko ng nag-iisa na lang ako sa kuwarto.
Ganoon din ba ang ginawa niya? Grabe! Ilang taon?! Sampu. Sampung taon
lang naman.
Sampung tumataginting na taon!
114
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Sige na, busy siya. Busy!
Nangga-galaiti ako habang nakaharap sa salamin. Kanina pa ako rito.
Nakailang suklay,
pulbos at palit na rin ako ng damit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Para akong
sinisilihan. Hindi ako mapakali.
Inis kong pinahid ang mga luha ko. Panibagong pagpu-pulbos na naman
tuloy. Bakit ba
kasi hindi maampat ang pagtulo ng luha ko?
At bakit ba ako nagda-drama dito? Bakit ba ako umiiyak?
Nasa labas lang naman ang ama ng mga anak ko. Anong problema ko? Si Leon
lang iyon.
Iyong yelong kinorteng tao. Iyong aroganteng lalaki na napakataas ng
tingin sa sarili.
Iyong walang pakialam at pakiramdam. Iyong mayamang lalaki na kung
makaasta ay
akala mo pag-aari ang mundo!
Sino ba siya para iyakan ko?
Puwede ba?! Bakit ba ako nasasaktan? Sampung taon na ang lumipas! Hindi
naman niya
ako ginutom. Sobra pa sa sa sapat ang ipinapadala niyang pera para sa
amin ng kambal.
Kaya bakit ako nag-da-drama ng ganito?!
“Anak?” Katok mula sa pinto.
Napapiksi ako. “Ito na, `Nay, palabas na ho ako!” Inayos ko ang sarili ko
at saka muling
nagpulbo at nagpahid ng manipis na lipstick.
Ano ba?! At bakit ba ako nagpapa-ganda? Si Leon lang naman iyon!
Halos magkanda-talisod ako sa paghakbang palabas ng pinto. Kabado ako.
Ano ba ang
maaaring pag-usapan namin kung sakali? Sa totoo lang kasi ay bihira ko na
siyang
kausapin. Mula ng matutong magsalita ang kambal ay hinahayaan ko na
silang mag-aama
ang mag-usap sa phone man o sa Skype. Hindi na ako masyadong nakikialam.
Pasilip-silip
na lang ako sa mga pagkakataong hindi ako makatiis.
Hindi ko na rin alam kung ano ba ang mga pinag-uusapan nila kapag wala
ako. Naiinggit
lang ako dahil mabuti pa sina Heaven ay ngingitian ng yelo na iyon.
Samantalang ako,
parang palaging inaantok na siya kapag kausap ako.
“N-nasaan na siya?” Tanong ko ng di ko makita si Leon sa kabuuhan ng
sala.
115
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Ang tanging naroon ay puro mga kahon ng mga mamahaling laruan at mga
paperbags ng
mga kilalang store sa mall. Pero nasaan si Leon? Nasa labas ba? May
kinukuha ba? O
baka—
“Umalis na.” Sagot ni Nanay sa mga tanong sa isip ko.
“Ho?” Mabilis akong napalingon kay Nanay. Sa likuran niya ay nakatayo si
Ronina na tila
nangangarap.
“Naku, iyon pala ang ama ng kambal?” Tanong sa akin ng kawaksi. “Ang
guwapo naman
talaga! Ang tangkad, ang perpekto ng mukha. Iyong ilong, pagka-tangos,
ano? At iyong
labi. Sarap siguro humalik! Ay, naku! Pagkabango-bango pa!”
“Ronina!” Pinandilatan ko siya. Hindi nakakatulong ang sinabi niya. Lalo
lang akong
nalulungkot.
“Ang tagal mong lumabas.” Ani Nanay. “E, nagmamadali raw siya. Babalik na
lang sa
ibang araw.”
“G-ganoon?” Napatingin ako sa kambal na tahimik ng nakaupo sa sofa.
Nangilid ang luha
ko sa awa para sa kanila.
Ngayon na nga lang nila nakita sa personal ang ama nila, nagmamadali pang
iwan ulit
sila. Ang lungkot sa dibdib ko ay unti-unting kinain ng ngitngit.
“Hija,” naramdaman ko na lang na niyayakap na ako ni Nanay.
“Wala ba siyang ibang sinabi, `Nay?” Mahinang tanong ko. Kumuyom ang mga
palad ko
habang nakatingin sa mga mamahaling pasalubong ni Leon para sa kambal.
Hindi
kailangan ng mga anak ko ang mga materyal na bahay na iyan.
“Iniwan niya ang numero niya,” kumalas si Nanay sa akin. “Dito na raw
siya sa Pilipinas
mananatili. Nagtayo ng ahensiya ang pamilya nila sa boundary ng Dalisay.
May ahensiya
na rin sila sa Maynila at siya raw ang mamamahala.”
“Kaya siya umuwi dahil sa mga ahensiyang iyon?” Mapait na tanong ko.
“Anak,”
“Sige, `Nay.” Tumango ako at nag-iba ng tingin. Pinilit kong kalmahin ang
sarili ko.
“Magready lang po ako, papasok na rin po kasi ako.”
116
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Sige.”
Bumalik na ako sa kuwarto ko.
Bakit ka pa ba bumalik, Leonardo Saavedra? Mariing tanong ko sa isip.
Chapter 24
MATAGAL na nagtalo ang isip at puso ko kung tatawagan ko ba ang numero na
iniwan
niya. Lukot na ang calling card niya, mabuti nga lang at hindi ko iyon
napunit at naitapon.
Saavedra Security Agency
Leonardo D. Saavedra
Director
(+639)15-6789-2341 (Personal)
(06) 423-1311 (Office)
Napabuga ako ng hangin ng damputin ko ang cell phone ko. Wala namang
mawawala
kung tatawagan ko siya.
Ngunit bago ko pa ma-dial ang number ni Leonardo ay nag-ring na ang
telepono ko.
Sumasal ang tibok ng puso ko ng makita ang numero niya sa screen.
“Tumatawag siya.” Sambit ko. Di makapaniwala.
Nagbilang pa ako ng sampu bago ko iyon sagutin.
“Sophia. Are you still awake?”
Malamang. Paano ko siya nasagot kung tulog ako? Hello?! Akala ko ba
matalino? Saan
napunta ang common sense?
“Sophia? Are you there?”
Parang gustong manlambot ng mga tuhod ko dahil sa boses niya. Parang kay
sarap nong
pakinggan, bagamat may halong takot akong nadama dahil sa seryoso at
matigas niyang
pagkakabigkas.
Pero bakit ako makakaramdam ng takot? Bakit ako matatakot sa kanya?
117
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Leon, napatawag ka.” Pilit kong pagpapatatag sa aking boses.
“Can we talk?”
Dumagsa lalo ang kaba sa dibdib ko.
“N-nag-uusap na… tayo… ‘di ba?” Gusto kong pagsa-sampalin ang sarili ko
dahil nautal
ako. Ano na lang ang iisipin niya? Na kinakabahan ako?
Saka bakit ba gusto niya akong makausap? Tungkol saan? Sa savings ng mga
bata? About
school? O sa allowance na natatanggap namin monthly? Iyon lang kasi ang
madalas
naming pag-usapan sa iilang minuto tuwing naiisip niya akong kausapin.
“You didn’t tell me na nag-open ka ng negosyo.”
At paano ko naman sasabihin kung halos kakapiranggot na minuto lang tayo
mag-usap?!
Gusto ko siyang bulyawan sa inis.
“Oo.” Sagot ko. “Sobra-sobra kasi ang allowance na padala mo. Naisip ko
na mag-negosyo,
nang sa ganoon ay may sarili kaming income. Para di na namin magalaw ang
pera mo.
Sobra-sobra naman kasi. Saka maliit na school supplies lang naman iyon sa
kabisera.”
Umupa kami ni Nanay ng puwesto sa kabisera. Malakas ang kita dahil
harapan ng
eskwelahan. School supplies ang paninda namin. Meron na ring ilang damit
at sapatos,
medyo lumago na rin kasi at lumaki ang puwesto. Dalawa na ang tao ron,
isang kahera at
isang bantay. Tuwing Sabado at Linggo ay sarado ang ‘Eyi and Iven School
Supplies’.
Nagulat pa ang ilang nakakakilala sa akin sa bayan, ang alam ng lahat ay
naanakan ako
ng banyaga na mayaman.
Paano ba naman kasi? Biglang asenso kami. Pagkatapos si Nanay ay napa-
operahan na.
Hindi alam ng mga tao ang tungkol kay Conrad dahil pino-protektahan ko
ang imahe niya.
Ayaw ko siyang kaladkarin sa kahihiyan. Saka hindi rin naman iisipin ng
mga tao na anak
ni Conrad sina Heaven. Medyo malayo ang features ng mga bata rito kahit
tiyuhin nila ito.
Mukhang anak ng kastila na may halong kano sina Heaven ay Nevaeh.
Matatangos ang
ilong na napakalayo sa pagiging pinoy. Ang mga mata na bagamat lamang ang
itim ay may
halong brown at abo. Ang kutis ng mga ito ay mestiza, matatangkad din.
Malalaking bulas
para sa edad.
“Ang mga bata? Wala ka bang balak na… dalawin ulit sila?” Tanong ko.
118
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“I’ll visit them tomorrow.”
“Okay. Dito na rin tayo mag-usap…”
“Okay. Goodnight.”
Wala na siya ng ibaba ko ang cell phone. Iyon lang. Ganoon din naman kami
mag-usap
kahit nong nasa ibang bansa pa siya. Maiksi. Dry. Parang mga tinatamad.
Sanay na ako.
Sanay na sanay na.
Pero masakit pa rin talaga.
Nang mag-ring muli ang cell phone ko ay hindi na ako umasang siya ulit
iyon. Never sa
loob ng sampung taon na nasundan ang tawag ni Leon sa akin.
Tama nga ako. Hindi siya ang tumatawag. It was Conrad Deogracia.
“Hello?”
“Phia,”
“M-may problema ba?”
“Busy ang line mo kanina.” Kulang na lang ay idugtong ni Conrad na hindi
siya sanay na
maging busy ang line ko sa ganitong oras. Dahil alam niyang walang ibang
tumatawag sa
akin maliban sa kanya. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng
pagkasakal sa
binata.
“Tumawag siya.” Mahinang sagot ko.
Narinig ko ang pagpapakawala niya ng mabigat na paghinga. “He is back.”
“Oo…”
“Pumunta raw siya sa inyo.” Hindi iyon tanong.
“Paano mo nalaman?”
119
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“He told me.” Mapakla siyang tumawa. “Nagkita kami sa hacienda kanina. I
am here now
in Dalisay.”
“Ha? Akala ko busy ka this week dahil—“
“Nag-leave ako.”
“Nag-leave?!” Nagulat ako. Kailan pa puwedeng mag-leave basta-basta ang
isang busy na
doktor?
Iyon nga, doktor na pala si Conrad. Nag-masters siya sa ibang bansa. Pero
hindi siya
pumalya na umuwi tuwing pasko o tuwing birthday ko o ng kambal. At hindi
siya nagmimintis tumawag para mangumusta. Mga bagay na kailanman ay hindi
nagawa ni Leon.
Tuwing birthday ko o birthday ng kambal, asahan ko na ang pagbaha ng
package. Mga
regalong mamahalin na hindi ko alam kung siya na ang personal na pumili
at bumili. O
kung siya ba ang nagpadala o nag-utos lang siya ng ibang tao. At ang bank
account ko ay
madadagdagan na naman ng daang libong piso. Ganoon ang ugali ni Leon.
Tatawag siya
kapag may okasyon, mangungumusta na matagal na ang sampung minuto.
Icha-chat niya ang mga bata, pagkatapos ay hahayaan niyang makatulog siya
sa harapan
ng cam habang ang kambal ay sabik na nakatitig lang sa kanya.
Nalasahan ko ang pait na matagal ko ng kinikimkim.
“Sorry kung di ko nasabi, Conrad.”
“Ayos lang.”
“Mabuti at nakapag-leave ka. Makakapag-pahinga ka.” Sabi ko na lang.
“No. Wala akong balak magpahinga. Ang balak ko talaga ay ipasyal kayo ng
kambal. Saan
niyo gusto? Out of town?”
“Ha?”
“Bukas pupuntahan ko kayo. Mag-ready na kayo—“
“Pupunta si Leonardo.”
Sandaling nanahimik si Conrad. “Ganoon ba?”
120
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Oo. Pasensiya ka na. Saka gusto rin ng mga bata na makasama ang… papa
nila.”
“Sila lang ba ang gustong makasama siya?”
“Ha?” Natigilan ako.
“Wala. Sige.”
Nagulat ako ng biglang patayin ni Conrad ang telepono na hindi man lang
nagpa-paalam
sa akin. Ito ang unang beses niyang ginawa ito.
Maang na napatitig na lang ako sa screen ng cell phone.

KINABUKASAN ay maaga akong gumising. Tinulungan ko si Ronina na linisin
ang buong
bahay. Si Nanay naman ay maaga ring umalis para pumunta sa elemetary
school. Sa
pasukan sa hunyo ay papasok na rin si Nanay bilang guro.
Naligo na rin ako matapos paliguan at ayusan ang kambal. Kapwa sabik ang
mga ito
habang pasilip-silip sa pinto ng bahay.
Nang huminto ang isang itim na Jaguar sa harapan ng gate ay naglundagan
na ang
kambal sa tuwa. Mula roon ay bumaba si Leonardo. Wala siyang bitbit na
kahit ano
maliban sa kanyang sarili. Pero sa totoo lang, sapat na iyon.
Sapat na sapat na siya.
Ito na naman ako. At nandito na naman siya.
No expectations. Yeah, I could live like that. Again.
Chapter 25
“PAPA, lagi ka ba pupunta rito?”
Maski ako ay naghi-hintay sa isa-sagot niya. Pero wala akong narinig ano
man mula kay
Leonardo. Napapiksi ako ng makitang nakatitig siya sa akin.
121
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Ano bang problema niya? Bakit titingin-tingin siya sa akin?
“Kung okay lang sa mama niyo,”
Napalunok ako sa sagot niya sa tanong ni Heaven.
Kumalong si Nevaeh kay Leonardo. Ikinulong ng bata ang mukha niya sa mga
palad.
“Papa, mas pogi ka ngayon.”
Humagikhik si Heaven. “Oo nga, Papa! Sa computer po kasi ang liit mo. Di
ka namin
mahawakan ni Eyi, eh.”
“Opo, Papa! Saka naaamoy ka namin ni Iven ngayon. Ang bangu-bango mo,
Papa! Love ka
namin.”
Halos malusaw ang puso ko nang yakapin ni Leonardo ang kambal. Pinupog
niya ng halik
ang mga mukha nina Nevaeh. Kiniliti niya sa tiyan ang kambal. Napuno ng
hagikhikan
ang buong sala.
Hindi ko akalain na makikita ko nang ganito si Leon kasama ang mga anak
namin. Ito na
yata ang pinakamagandang tanawin na nakita ko sa tanang buhay ko. Ngayon
ko lang
nakita na ganito ang kambal.
“Papa, punta ka sa school namin ni Iven, ah? Kasi dati may honor kami!”
“Ako best in Math! Si Eyi po best in English!”
“Nice.” Nakangiti si Leon.
“Ako third honor! Si Iven po fifth!”
Liyad naman ang dibdib ko. Proud ako sa mga nakamit na karangalan ng mga
anak ko.
Ako yata ang tutor nila.
“Papa, ikaw? Ano honor mo dati nong bata ka pa?”
“First.”
Napalunok ako.
“Kailan po?”
122
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“First since the first grade.”
At balita ko cum laude rin siya sa college.
“Ah, kain muna,” pag-iiba ko. Tumingin sa akin ang kambal. “Tara na, luto
na ang lunch.”
Nagpabuhat ang dalawa kay Leon. Muntik na akong mapangiwi, ang lalaki na
kasi ng mga
ito para magpabuhat. Pero nakaya ni Leon ang kambal. Sabagay, malaki ang
katawan
niya. Well toned ang mga muscles. At sure na matigas ang abs.
Wait! Bakit ba iyon ang iniisip ko? At bakit napasama ang abs?!
“Papa! Masarap magluto si Mama!”
Ngiti lang ang sagot ni Leon. Akma kong ipagsa-sandok ng kanin sina
Heaven pero
naunahan na ako ni Leon. Siya ang nag-sandok ng kanin sa mga bata.
Nagkatinginan na
lang kami ni Ronina. Inirapan ko pa ang kawaksi ng ngisihan ako nito.
“Papa! Bakit di ka umuuwi dito?”
“Oo nga, Papa! Bakit ngayon ka lang pumunta rito?” Segunda ni Nevaeh kay
Heaven.
“Busy kasi si Papa.” Sagot ni Leon na sa akin na naman nakatingin. Ano ba
talagang
problema niya? Bakit ba siya tingin nang tingin sa akin?! “Marami akong
ginawa. Pero
hindi ba nag-uusap naman tayo sa fone at chat?” Ngumiti siya sa kambal.
“Iba pa rin po iyong nandito ka, Papa! Miss ka namin.”
Hinaplos ng lungkot ang puso ko.
Ilang taon na namiss ng kambal ang ama nila… ilang taon kaming nangulila
sa kanya…
“Ano po ginawa niyo sa ibang bansa, Papa?”
“Nag-aral ako,”
“Ah…” tatango-tango si Nevaeh na tila nauunawaan niya na ang lahat.
“Papa, puwede rin
ba akong mag-aral sa ibang bansa?”
“Sure. Kung papayag ang mama niyo.” Sumulyap ulit siya sa akin. Pasulyap-
sulyap.
123
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Mabilis naman akong nag-react. “Ayaw ko. Hindi ako papayag na malayo sa
akin ang isa
man sa kanila. Puwede naman silang mag-aral sa Maynila.”
Hindi na umimik ang tatlo. Tahimik kaming kumain hanggang sa bumalik na
sa sala ang
mag-aama. Nagku-kuwentuhan ang mga ito. Hindi na ako nakisali pa sa
kanila. Pero
pasimple akong nakiki-usyoso. Pasilip-silip ako mula sa kusina. Pero
kahit anong
pagkatukso na makisali sa kanila ay pilit kong iniignora.
Hahayaan ko ang mga anak ko na bawiin ang oras na makasama si Leonardo.
Lalo pa at
hindi ko alam kung hanggang kailan ito. Ayaw ko na pati sila ay umasa na
katulad ko.
At isa pa sa ikinakatakot ko ay ang posibilidad na magkakaroon na ng
sariling pamilya si
Leon. Paano kung mangyari nga iyon? Hindi malabo. ‘Tapos na siya sa mga
bagay na
pinagkaka-abalahan niya. Nakamit niya na ang propesyon na matagal niya ng
pinapangarap. Gasino na lang na makatagpo siya ng babaeng sa tingin niya
ay nababagay sa
kanya.
Ang isiping iyon ay halos pumunit sa puso ko. Hindi ko yata kayang makita
ang mga anak
ko na nakikiamot ng atensyon mula sa kanya, pagkatapos ay magkakaroon na
siya ng
ibang anak sa ibang babae. Iyong mga anak na planado niya talagang gawin.
Umabot ang hapon.
Dumating na si Nanay.
Hindi pa rin maalis ang dalawang bata sa tabi ni Leon. Tila walang
katapusan ang mga
kuwento ng kambal. Parang walang kapaguran ang mga ito. Kanya-kanyang
pabida.
Nariyan ang kumanta si Heaven, ang ipagmalaki ni Nevaeh ang mga drawings
niya. At
maging ang mga crush ng mga ito sa school.
Muntik na akong matawa ng mag-react sa tungkol sa crushes ng kambal si
Leon. Hindi ko
narinig ang mga sinabi niya pero alam kong pinangaralan niya ang mga
dalaginding.
Inabot na ng dilim sa garden ang mga ito bago pumasok sa sala. Nanood
sila ng cartoons at
mayamaya ay walang kamatayang kuwento na naman ng kambal. Napapangiti na
lang
ako dahil matiyagang pinakikinggan ni Leon ang lahat ng sinasabi ng mga
ito.
“Sophia,”
124
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Muntik na akong mapatalon ng marinig ang boses niya. Nasa likuran ko na
pala siya.
Nakita niya kaya na kanina pa ako nakatulala?
“Leon? Bakit?” Umayos ako ng tayo. “M-may kailangan ka?”
“Nakatulog na ang mga bata.”
“Ha?” Napasulyap ako sa wall clock ng kusina. Hindi ko man lang namalayan
ang oras!
Alas diez na pala!
“Nasaan sila?” Sumilip ako sa sala. Ngunit wala na sa sofa sina Nevaeh.
“Ipinasok ko sa kuwarto nila.”
Napalingon ako kay Leon. At ganoon na lang ang gulat ko ng makitang
nakalapit na pala
siya sa akin.
“L-Leon!”
“Phia,”
“Ah… pasensiya ka na at ginabi ka. Ang daldal kasi ng mga bata…” pasimple
akong
lumayo sa kanya. Natatakot ako na maramdaman niya ang pagkailang ko.
Napaigtad ako ng hawakan niya ang kamay ko. Nang lukubin ng mainit niyang
palad ang
kamay ko.
“Leon, bakit?” Napatingala ako sa kanya. Nasalo ko ang matiim niyang
titig na halos
humalukay sa pagkatao ko.
Hindi ko nagugustuhan ang kakaibang pakiramdam na nagsi-simulang mabuhay
sa akin.
Walang ibang tao sa paligid kundi kaming dalawa. At natatakot ako sa
posibleng reaksyon
na kumawala sa akin.
Sa sobrang lapit namin ni Leon ay hindi ko ma-kontrol ang pangungulilang
umaangat sa
lahat ng pakiramdam. Kahit sa galit at pag-aalangan ay nakaka-ungos ang
pakiramdam
na iyon. Nakaka-bobo. Nakakabaliw. Nawawala ang lohika sa isip ko.
“How are you, Sophia?” Halos bulong na tanong niya.
125
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Mariin akong napalunok kasabay ng pangingilid ng luha sa mga mata ko. “T-
tinatanong
mo ako kung kumusta ako?” itinuro ko ang sarili ko. “Maayos ako, Leon…
ibinigay mo ang
higit pa sa sobra na kakailanganin namin.”
Lumamlam ang mga mata niya. “You did a great job sa pagpapalaki sa mga
bata.”
Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng hikbi mula sa mga labi ko.
“Kailangan kong
maging sapat para sa kanila…”
Isang hila sa kamay ko ay yakap-yakap na ako ni Leon. Ang paghikbi ko ay
nauwi sa pagiyak. Hanggang sa naging hagulhol iyon. Lalong humigpit ang
pagkaka-yakap niya sa
akin.
Ang sarap pala ilabas ang lahat.
Alam ko na minsan lang mangyayari ang ganito kaya sinamantala ko na.
Inikot ko ang
mga braso ko sa leeg ni Leon at saka ko isinubsob ang mukha ko sa matigas
niyang dibdib.
Ito ang inaasam-asam ko. Kahit sa pagkakataon lang na ito ay may
makatuwang ako.
Sandaling nawala ang mga hinanakit ko sa kanya, napalitan iyon ng labis
na pagkasabik.
Pumikit ako at dinama ang init na nagmumula sa katawan niya. Sana kung
panaginip
lang ito, ‘wag na lang muna akong magising.
Chapter 26
IT’S BEEN WEEKS. Magdadalawang buwan na ako sa Pilipinas. Patuloy ang
paglago ng
Saavedra Security Agency. Ako na ang namamahala ron, tuluyan ng nagbitiw
si kuya
Raphael. I have proven myself already.
I glanced at my wrist watch. Is Sophia still awake?
Alas-onse na ng gabi. Hindi ako nakadalaw ngayon dahil nagtagal ng ilang
oras ang
meeting with the new recruited Phoenixes. ‘Phoenixes’ ang tawag sa mga
undercover
agents ng ahensiya. Gusto kong tutukan ang paglago ng negosyo, ako rin
ang pupunta sa
Amerika para ayusin ang iba pang kailangang ayusin.
Kumunot ang noo ko nang makita ang sasakyan na nakaparada sa harapan ng
gate ng
bungalow na tinitirahan nina Sophia. May bisita pa siya sa ganitong oras?
126
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Hindi ko na binitbit ang bulaklak na nasa backseat. Balak ko sanang
ibigay iyon kay
Sophia. I know nakakatawa na ngayon ko lang siya naisipang bigyan ng
bulaklak. Pero
gusto ko. Hindi ko lang alam ang magiging reaksyon niya.
Matagal ko ng pinag-isipan ang sasabihin ko sa kanya, pero kahit anong
piga ko sa isip ko
ay wala akong mabuong salita. Kinakain ako ng konsensiya ko. Hindi ko
maintindihan
maski ang sarili ko.
Tumuloy ako sa loob ng bungalow para lang matigilan. Hindi naka-lock ang
pinto kaya
nabuksan ko agad iyon.
Nagtagis ang mga ngipin ko sa naaubutan kong tagpo. Nabuhay ang
bayolenteng bahagi
ng pagkatao ko. Nakayakap si Sophia kay Conrad. Tahimik ang buong sala,
malamang na
tulog na ang mga tao sa kabahayan.
“L-Leon!” Mabilis na humiwalay ang babae. “Anong ginagawa mo rito? G-gabi
na…”
“Sinabi mo rin ba iyan sa kanya?” Tiningnan ko nang matalim si Conrad.
“Gabi na. Why is
he still here though?”
Humakbang siya papunta sa akin. Nanlalaki ang inosenteng mga mata. Damn
it. How I
wanted to pull her close to me right now. I’ve missed her. Sampung taon
ko siyang na-miss
at ang tanga-tanga ko.
“Bakit ka nandito, Leon?”
“May sasabihin ako sa’yo. Importante.” Pagdidiin ko sa huling salita. “Na
dapat ay noon ko
pa sinabi.”
Lumikot ang mga mata niya.
“Puwede mo ng sabihin ngayon palang, Leon. Walang kaso sa akin.” Sabat ni
Conrad.
Mukhang wala talaga siyang balak umalis. Gusto ko na talaga siyang
bugbugin. Lumpuhin
rather.
“Alam ko lahat ng nangyayari kay Phia. Hindi na siguro bago sa akin kung
ano man ang
gusto mong sabihin.” Dagdag pa niya.
Umismid ako. Hindi ko akalain na maiisip kong barilin sa ulo ang kahit
sino sa mga
pinsan ko, pwera ngayon.
127
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Tiningnan ko si Sophia sa halip. “How about we go outside so we can talk
a little more
privately?”
“Ha?” Umawang ang mga labi niya saka sumulyap kay Conrad na ngayon ay
madilim na
ang mukha.
“Come on. I won’t take so much of your precious time.”
“Sandali lang, Conrad.” Paalam niya sa pinsan ko.
Darn. Bakit kailangan niya pang magpaalam?!
Pagkalabas namin ng bahay ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Hinila
ko siya
patungo sa kotse ko.
“L-Leon?!” Gulat na tanong ni Sophia.
“Sa loob tayo. Malamok dito.”
Nang sumunod siya ay lihim akong napangiti. Umikot ako sa driver’s seat
at saka mabilis
na binuhay ang makina ng sasakyan.
“Leon, akala ko mag-uusap lang tayo?!” Sigaw ni Sophia. Naghalo ang gulat
at takot sa
maganda niyang mukha.
“Just wear your seatbelt, honey.”
Wala siyang nagawa kundi sumunod. Muli akong napangiti. Naiwan naman si
Conrad
para bantayan ang nanay ni Sophia at ang kambal.
“Anong nakakatawa?!” Singhal niya sa akin.
“You must know the difference, honey. Iba ang ngiti sa tawa.” Binalingan
ko siya.
“Nakangiti lang ako.”
Sumimangot siya. “Parehas din iyon! So bakit ka nga ngumingiti?! Ikaw ba
talaga si Leon?
Hunyango ka! Japeyk. Iyong kilala kong Leon ay hindi ngumingiti! Ibaba mo
ako!”
128
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
God. She’s a sight to behold. Ang ganda ng mga mata niyang naniningkit sa
inis, at ang
mga labi niyang nanunulis sa pagkaka-nguso. Kahit ang pagkakunot ng noo
niya ay hindi
nakasira sa kanyang mukha.
“Ano ba?!” Tili niya ng umesi ang sasakyan sa kalsada. “Sa daan ka
tumingin at wag sa
akin!”
I roared with laughter. Na-miss ko siya. Na-miss ko talaga ang babaeng
ito.
Ang buhay ko sa ibang bansa ay dinaig pa ang buhay ng isang robot. De-
numero ang bawat
galaw. Bawat oras ay may nakahandang bagay na gagawin. Naubos ang
pakiramdam ko
sa pag-aaral, pagiging sundalo at sa mga bagay na may kinalaman sa
seguridad ng mga
tao.
“Nababaliw ka na ba?!” Hiyaw niya. “Ibaba mo na nga lang ako!”
“No. Mag-uusap pa tayo.” Sabi ko na hindi pa rin mapalis ang
pagkakangiti. God, maski
ang pagngiti nang ganito ay hindi ko akalain na napakasarap pala sa
pakiramdam.
“Ayaw ko ng makipag-usap sa’yo! Baliw ka!”
“Wait, honey. Sandali lang tayo, isosoli rin kita.”
Nang makakita ako ng perpektong lugar ay inihinto ko na ang sasakyan ko.
Sa gilid kami
ng isang madilim na kalsada. Nilingon ko si Sophia na tila natatakot sa
hinintuan naming
lugar. Hindi niya gugustuhing bumaba rito.
Perfect. Walang Conrad. Wala ring takas.
“B-bakit dito?” Nagtataka niyang tanong sa akin.
“May white lady raw dito.” Ani ko saka pinatay ang ilaw sa labas ng
sasakyan. Naiwan
ang dim light sa loob, sapat para makita ko ang nag-aalangan niyang
reaksyon.
Sa buong buhay ko, sa buong boring na buhay ko ay tanging ngayon ko lang
nasubukang
magbiro. Masyado akong kinain ng responsibilidad at laki ng tiwala sa
sarili. Lahat ng
bagay ay sineryoso ko mula ng matuto akong mag-isip. Sa pamilya ko, ako
lang bukod
tanging mahirap pakisamahan ayon sa marami. Noon ay wala akong pakialam
sa bagay na
iyon, pero ngayon ay gusto ko ng kumawala sa lahat ng bagay na may
kinalaman sa dating
si Leonardo Saavedra.
129
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Leon? Hindi ako nakikipagbiruan!” Nanlaki ang mga mata niya.
“Relax. Gusto lang talaga kitang masolo. Naiinis ako kay Conrad alam mo
ba?”
Umirap siya. “Ano bang pag-uusapan natin?”
“Ang pag-alis ko ulit ng bansa. At ang pag-i-Skype natin?” nakangisi kong
sabi. “Baka
bumalik ulit ako sa ibang bansa, depende sa pangangailangan ng ahensiya.”
Lalong nalukot ang mukha niya. “Aalis ka ulit?”
“Yeah,” natigilan ako ng makita ang pagbalatay ng sakit sa mga mata niya.
“Ayaw kong pag-usapan iyon! Umalis ka na lang kung gusto mo!”
Inalis ko ang seatbelt niya at saka ni-reclined ang passenger’s seat. Sa
gulat ay hindi agad
siya nakapag-react. Bago pa makabangon ay naidagan ko na ang katawan ko
sa kanya.
“L-Leonardo!”
“Ngayon na lang ulit kita nasolo nang ganito,” anas ko habang
pinagmamasdan ang
mukha niya. “Naaalala mo ba noon? Pinagbawalan kita na makipag-lapit sa
kanya?
Sinuway mo ako. Pero hindi kita masisisi ngayon dahil malaki ang
kasalanan ko sa’yo.”
“Siya ang kasama ko sa mga panahong wala ka…” lumambong ang mga mata ni
Sophia.
Sumakit ang dibdib ko, hindi dahil sa nabaril ako o natamaan ako ng
suntok o sipa.
Sumakit ang dibdib ko mula sa loob nito, dahil parang patalim ang sinabi
ni Sophia. At
tama siya.
Ngumiti ako nang mapait. “I know that, honey. Kaya okay lang…” bumaba ang
tingin ko
sa mga labi niya. “Pero ngayon nandito na ako. I am taking back what is
truly mine.”
“A-anong ibig mong sabihin?”
Ngiti lang ang isinagot ko sa naguguluhang reaksyon ni Sophia.
Chapter 27
130
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
BUMABA ang mga labi ko sa noo niya. Marahang lumapat doon. Ramdam ko ang
paninigas at panginginig ng katawan ni Sophia sa ilalim ko.
“B-baka may makakita…” pilit niyang itinutukod ang mga palad sa dibdib
ko.
“Heavily tinted ang sasakyan ko.” Anas ko sa tainga niya nang bumaba pa
ang labi ko sa
gilid ng kanyang mukha.
“A-ano ba? Umalis ka nga!” Sinubukan niya akong itulak gamit ang mga
kamay niya.
“Sophia… please, don’t fight it.” Pakiusap ko. “You missed me too,
right?”
“Sinong may sabi? I hate you!” Angil niya na nagpangiti lang lalo sa
akin.
Ang pag-uusap na dapat ay gagawin namin ay hindi na natuloy. I claimed
her lips with
mine. Thrusting my tongue inside and out of her sweet mouth. Punong-puno
ang dibdib ko
ng damdaming gustong kumawala. Tila naipon iyon doon at ngayon ay handa
ng sumabog.
Sa umpisa lamang ang panlalaban, sa huli ay kinain na kaming pareho ng
init na hindi
namin alam kung saan nagmumula. Sa tuwing masakit ang mga pasa at sugat
sa katawan
ko, sa tuwing may bala ng baril na inaalis sa akin, at sa tuwing
nalulunod ako sa lungkot
ay pilit ko lang sinasariwa ang gabi na naging daan para magkaroon kami
ng ugnayan sa
isat-isa. I will just think of her at mawawala na ang lahat ng dinaramdam
ko.
Hinila ko ang damit niya paalis sa kanyang katawan na hindi bumibitaw sa
kanyang mga
labi. While we were kissing I traced the edges of her bra, until I found
the clasp of it.
Kinalag ko iyon.
I touched her bare breasts with my hands and mouth. I longed for this. I
longed for her.
“Leon!” Napahingal si Sophia ng kumawala na ang kanyang dibdib.
Gigil na gigil ako sa malambot niyang katawan. I was now licking and
sucking her nipple
while I thumb with the other taut peak of her breast.
Nahinto ang haplos ko sa ibaba ng kanyang dibdib, pababa sa gawing tiyan
kung saan
naiba ang kurba ng makinis niyang balat. May nakapa akong maliit na tila
guhit doon.
Hindi masyadong mapapansin kung hindi hahaplusin at dadamahin nang husto.
131
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Tumungo ako upang pagmasdan iyon. Daig ko pa ang sinikmurahan ng makita
ang
munting pilat sa kagandahang nakalatag sa harapan ko. Ang simbolo at
alaala na wala
ako sa tabi niya kung kailan higit na kinailangan niya ako.
Naipilig ko ang aking ulo. Bumaling ako sa iba.
Bumaba ang paningin ko sa natitirang saplot sa katawan niya. Sa gitna ng
bahagyang
nakabukang mga hita. I could almost see her wetness there, it was flowing
between her
thighs. Saglit na nawala ang pag-iisip ko sa pilat. Mas natutok iyon
doon.
Bumaba ang mga kamay ko sa gilid ng bewang niya. I ripped her panties.
Slipping my
hand between her legs, I rubbed my thumb against her clit and Sophia
whimpered.
Hindi ako nakatiis na hindi ipasok ang isang daliri ko sa basa niyang
pagkababae. Sophia
dug her fingers into my hair as she wrapped her legs around my waist.
“Leon…”
Bumalik ang paningin ko sa mukha ni Sophia. Nakapikit siya habang kagat
ang labi.
Sinakop ko muli ang bibig niya, nakulong ang mga ungol niya sa aking
bibig.
“Hmn,” her moans inside my mouth felt so good and hot.
Mabilis kong ibinaba ang pantalon ko kasama ang boxers and briefs. May
pagmamadali sa
mga kilos ko, natatakot ako na baka bigla siyang manlaban. Na bigla
siyang tumutol.
Hindi ko na yata kakayaning tumigil pa. But before I plunge myself into
her, I kissed her
once again.
Impit ang pag-alpas ng mahinang sigaw mula sa mga labi niya. Ikinulong ko
ang mukha
niya sa mga palad ko para paliguan ng halik ang kanyang mukha.
It’s been years…
Hindi ko nagawa ito noong unang beses, at handa akong bumawi ngayon.
Marahan ang bawat kilos ko, pigil na pigil kahit gusto ng mapatid ng
pasensiya ko. I want
her to be comfortable. I don’t wanna hurt her again this time.
“God, you're so tight,” I whispered against the skin of her luscious
neck. She was squirming
beneath me.
132
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Nang maramdaman ko na bahagya na siyang napapayapa ay saka ko palang
binilisan ang
pagalaw.
“Leon, malapit na… malapit na…” She said, gasping. Napangiti ako.
Napahingal ako nang maramdaman ang paghigpit ng kapit niya sa balikat ko.
She was so
wet around me. Damn. She was now milking my shaft. Sophia’s moans
continued. And
hearing it made me reach my climax faster.
Wala akong makapang pagod pagkatapos. Gusto ko pang ulitin. At kaya kong
ulitin iyon
ng ilang beses kung papayagan niya. Kahit ilang beses sa ilang araw, at
ilang araw sa loob
ng isang buwan. At ilang buwan sa loob ng ilang taon. O hanggang kailan.
God! I can do
this forever. With her. Only with her.
“Sophia…” hinihingal na tawag ko sa kanya. “Live with me... please…”
“Hindi. I’m sorry.” She replied, looking away.
Napanganga ako habang nakatingin sa seryosong mukha niya.
“Hindi, Leonardo.”And what she said just broke me to a million pieces.
Chapter 28
“TAGAY.” Natatawang sabi ni Quiro Saavedra, my cousin.
Dito ako dinala ng mga paa ko sa Saavedra Detective and Security Agency
pagkahatid ko
kay Sophia. Wala pa akong tulog mula kagabi. Ni hindi pa ako nakakauwi sa
amin.
“Welcome and despidida party in one?” Si Borgy. “Babalik ka na naman sa
States, Little
Lion.” Iyon ang madalas na tawag sa akin ng mga mas nakatatanda kong
pinsan.
“Minsan lang magyaya ng inuman itong kapatid ko. At dito pa talaga sa
office, huh? At sa
katanghaliang tapat! Parang may hindi sinasabi sa atin si Kuya. Pero
parang alam ko na.”
After finishing his rum, Donatello leaned forward to put his empty glass
on the table next
to me.
“Behind every drunk and wasted man is a woman.”
133
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Oh, fuc k you, Don!” Asik ko sa kanya. Nahihilo na ako lalo pa at
napakadilim ng opisina
dahil sa makakapal na kurtina. Isang maliit na pulang ilaw lang ang
nakasindi.
Ngumisi siya. “So, brother? Care to tell us now who she is? O kami na ang
bahala na
alamin?”
“Yeah, para ano pa at naging detective agents tayo?” Si Quiro na
nagsasalin ng alak.
“Okay, fine!” Sigaw ko. Tiningnan ko sa mata sa mata ang kapatid kong si
Donatello. “You
listen to your older brother, all right?”
“Okay.” Nakipagpalitan siya ng ngisi kay Quiro at Borgy.
“I am not perfect. I have flaws.”
“Everyone knows that. Come on!”
Tumigas ang anyo ko. “You don’t understand!”
“Then, let me. Let us understand, bro. Diretsahin mo na kasi. Nakabuntis
ka?”
“Yeah.” Sagot ko saka sumubsob sa mga palad ko.
Nanahimik ang paligid. Tila hindi inaasahan na iyon nga ang dahilan.
“May mga anak ako.”
“What? ‘Mga’? You have children?!” Tumaas ang boses ni Donatello. “Pucha!
Hindi alam
nila Mom?”
Umiling ako. “Itinago ko. Gago ako.”
“I couldn’t agree more on that. Gago ka nga.” Tinapik niya ako. “Where
are they? May mga
pamangkin pala kami sa’yo. Nasaan ang ina nila? Puro panganay ba?!”
Tumango ako. Nasilip ko ang pagkakanganga ni Quiro.
“Shit, man. Gulo ito kapag nalaman ng elders! Matatakwil ka ng wala sa
oras!”
“No.” Inis akong tumayo. “Isa lang ang ina nila. Kambal ang anak ko sa
babaeng ito. At
malaki ang kasalanan ko sa kanila. Lalo na kay… Sophia.”
134
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“So Sophia is her name, huh? Sounds familiar… Maganda ba siya? Nasaan na
siya?” Si
Borgy na naghihimas ng baba habang tila isa akong specimen na pinag-
aaralan.
“She’s with the kids. Napalaki niya nang maayos ang mga bata kahit iniwan
ko sila.
Naiinis ako sa sarili ko dahil nasaktan ko siya, at nasasaktan ko pa rin
siya dahil sa
kagaguhan ko! At ang Conrad na iyon, puma-papel sa mag-iina ko!”
“Iniwan mo siya? Iniwan mo sila?” Ulit ni Borgy. “But still dalaga pa rin
siya hanggang sa
magbalik ka sa bansa? Kahit na binabakuran na siya ni Mr. Nice Guy?” At
‘Mr. Nice Guy’
talaga ang bansag naming magpi-pinsan kay Conrad. “That girl really loves
you, bro. Don’t
leave her again.”
Humalakhak si Quiro. “Seriously, bakit pinapahirapan mo ang sarili mo? At
bakit
pinapahirapan mo pa siya at ang sitwasyon? Nakikita ko naman na mahal mo
siya. Hindi
ka magkakaganyan kung hindi.”
He’s right. Mahal ko si Sophia. Noon pa. I guess subsconsciously, I have
always known
that. Masyado lang natuon ang isip ko sa pangarap ko. Gusto kong ipakita
na kaya kong
mag-focus sa Phoenixes. Na kaya kong higitan si kuya Raphael.
“Aalis ka pa ba?” tanong ni Quiro. “Ipasa mo na sa iba ang pag-aayos ng
papers sa States,
cousin.”
Tumayo si Borgy. “A soldier who commits the same mistake is a dead
soldier, man.” Aniya.
“Umalis ka ulit ng bansa, wala ka ng babalikan pa. I’ll vouch for that.”
“No more chances for you after that,”
“Q,” Tumingin ako kay Quiro, nakangisi silang lahat sa akin.
“Gawin mo ang kailangan. Man up!” Namulsa siya. “Wala akong kinakampihan.
Pero isa
lang, Leon. Sa inyong dalawa ni Conrad, mas may laban ka. Ikaw ang ama ng
mga anak
ng Sophia na iyon.”
“Leon!” Biglang bumukas ang pinto ng opisina. Iniluwa niyon ang galit na
galit na si
Conrad. Kitang-kita namin siya since sa kanya nakatutok ang maliit na
pulang ilaw sa
dingding ng opisina.
“Speaking of the dem— family doctor!” Sumipol si Quiro. “Hi there,
cousin! Salamat sa
pag-aalis ng bala sa braso ko last month.”
135
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Where’s the fuck is Leonardo?!” Ni hindi niya pinansin si Quiro.
“I am here, cousin.” Sinadya kong diinan ang huling salita.
Tumigil siya at tumingin sa kinatatayuan ko. Nang masanay ang paningin
niya sa dilim ay
naningkit ang kanyang mga mata.
“What did you do to her?!” Mabilis sa kidlat na nakalapit siya sa akin.
“Umiiyak siya ng
umuwi siya kagabi! Saan mo siya dinala? Hayup ka talaga! Wala ka ng
ginawa kundi
saktan siya!” Pasalya niya akong ibinalandra sa matigas na pader habang
hindi bumibitiw
sa kuwelyo ko. “Tigilan mo na si Sophia, you insufferable jerk!”
“I had branded her before.” Mariin kong sagot. “She is mine. We have
children!”
Akma siyang susuntok ng hilahin siya palayo nila Quiro at Borgy.
Inayos ko ang kuwelyo ko saka umalis sa pader. “At wala akong ginawa sa
kanya na hindi
niya ginusto!”
Bumangis ang mukha ni Conrad. “Putangina mo!”
“Siguro malaki ang galit niya sa akin. Pero hindi sapat para paasahin ka
niya, Conrad.
Malaki ang pasasalamat ko sa’yo dahil hindi mo sila iniwan ng panahon na
wala ako. But I
am back now. Babawi ako sa kanila, hindi ka na nila kailangan.”
“In your dreams! In your fuck ing dreams, Leon!”
“No. That isn’t a dream, Conrad. And you know that! That is the fu cking
reality. Ako ang
mahal ni Sophia. Hindi ka manhid para hindi mo maramdaman iyon sa loob ng
sampung
taon ng pagpapakamartir mo!”
“You are such a narcissist!” Angil niya. “Sasaktan mo lang siya!”
“I love her. And I will not hurt her.” Huminga ako nang malalim. “Not
again…”
Tumigil sa pagpupumiglas si Conrad. Namamasa ang mga mata niya at saka
siya marahas
na umiling. Sumigaw siya nang malakas. Na parang lahat ng galit niya na
naipon para sa
akin ay doon niya ibinuhos. Binitawan siya nila Borgy.
136
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Thank you for taking care of them, Con. Pero narito na ako. Kung may
nagawa man ako
na nakasakit sa kanya, babawi ako.”
“Maybe it’s not something you did.” Lumuluhang wika ni Conrad. Kagat niya
ang halos
magdugong mga labi. “But it’s something you didn’t do!”
“I would not lose her again.” Tuwid na sabi ko habang nakatingin sa
kanya.
“Go, ‘cous!” Sigaw ni Quiro. “Kami ng bahala na magpakalma dito.” Tukoy
niya kay
Conrad.
Palabas na ako ng pinto ng biglang may sumuntok sa mukha ko.
“Argh! What the fuck is that for?!” Galit na tanong ko ng makita si Dipen
Psyche,
nakangisi siya. Hindi ko alam kung narinig niya ang usapan namin o
kakarating niya
lang.
“Wala. Sige na umalis ka na.” Sagot niya. Kumindat siya kay
Conrad.Tumuloy na siya sa
loob.
Kung sa ibang pagkakataon ay baka gumanti ako. Pero ngayon ay walang mas
importante
sa akin kundi ang makita at makausap si Sophia. Umalis na ako bago pa ang
lahat.
Si Dipen Psyche naman ay tumuloy na sa loob. Iiling-iling siya. “How’s my
brothers here?
Ang dami ko yatang hindi alam?”
Tinapik siya ni Quiro sa balikat. “Why did you hit your brother, Dipsy?”
“Pampa-suwerte iyon.”
“Hindi ka niya ginantihan.”
“He must be really in love, I think.”
“And so are you.”
Nangiti na lang si Dipen Psyche. Hindi niya talaga alam ang nangyayari,
pero ang suntok
na iyon ay para sa isa pang babae na pinaasa ng kanyang nakatatandang
kapatid. Isang
babae na siya na ang bahalang kumalinga.
137
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Nilingon niya si Conrad na ngayon ay nakalugmok na sa sahig habang
matalim ang tingin
sa kanilang magpi-pinsan. “Makaka-move ka rin, ‘cous. Go get your ass
up.”

SA DAAN Patungo sa bahay nila Sophia ay tinawagan ko si Mommy G, my Mom.
Si
Cynthia Fatima D. Saavedra. Galit na galit ito sa mga pinagtapat ko. Pero
sa huli ay
kumalma rin. Isasama ko siya sa paghingi ko ng kapatawaran sa ina ng mga
anak ko.
“I'm sorry for what I put you through.” Bungad ko ng lumabas ng kuwarto
si Sophia.
Nanlalaki ang mga mata niya sa amin ni Mommy G.
“Patawarin mo ang anak ko, Sophia.” Sabat ni Mommy. “Ako ang bahalang
dumisiplina sa
kanya. Pero gusto ko ng makita ang mga apo ko, para mo ng awa.”
“N-nasa loob po sila…” mahinang sagot niya. Nangingilid ang luha sa mga
mata na
halatang kagabi pa yata umiiyak.
“Umayos ka, Leonardo. Hindi pa tayo tapos!” Pinanlisikan ako ng mga mata
ni Mommy
bago ito pumasok sa kuwartong itinuro ni Sophia.
“H-hindi ko… ipagda-damot ang mga bata, Leon.” She said, not looking at
me.
Parang may tumarak sa dibdib ko sa nakikitang sakit sa mukha niya.
“I’m sorry, Phia… Sorry talaga. I know I’m a jerk.”
“Okay na. Sige na…” patalikod na siya nang hawakan ko siya sa braso.
“Please don't leave me yet.” Pagsusumamo ko. “I have more to confess.”
“S-sa ibang araw, Leon… sa ibang araw please.” Pahapay niyang binawi ang
braso mula sa
pagkakahawak ko. “Wag ngayon… tama na muna…”
“Phia…”
“Samahan mo ang mommy mo sa mga bata…” aniya at saka tuluyan ng
tumalikod.
“Phia! Phia, I love you!”
138
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Saglit siyang tumigil. Ngunit para lang muling maglakad patungo sa
kuwartong nilabasan
niya kanina. At ang pagtunog ng lock mula sa loob ay naging senyales para
gumuho na ng
tuluyan ang mundo ko.
Chapter 29
“ANG gaganda ng mga apo ko. Mana kayong dalawa sa akin.” Matinis na boses
ni Madam
Cynthia Saavedra.
Pangalawang beses na pagdalaw niya sa mga apo.
“Hindi halatang fifty percent hacendera at fifty persent simpleng
mamamayan!
Magandang lahi, akong-ako talaga!”
“Mamu G, akin na lang talaga ‘to?” Nanlalaki ang mga matang tanong ni
Heaven.
May tig isang kuwintas na may palawit na diyamante ang kambal.
“Mamu G, mahal ‘to?” Si Navaeh. ‘Mamu G’ ang ipinatawag ng mayamang
ginang sa mga
apo niya.
“Of course! Naku, kapag na-meet niyo ang inyong Auntie Lalaine, marami
siyang ganyan.
Bibigyan niya rin kayo. Kasi ba naman, puro lalaki ang anak non.”
Pinagha-halikan niya
sa ulo sila Navaeh at Heaven.
“Thank you po, Mamu G!”
“Basta para sa inyo. My God! May mga unang apo pa pala ako kesa kay
Raphael at Lala.”
Naawa naman ako sa lungkot na nasasalamin ko sa mga mata ni Madam
Cynthia.
Hinayaan ko na lang muna sila sa veranda.

ISA-ISA RING pumunta sa bahay ang mga kamag-anak ni Leon. Mula sa daddy
niya at
mga kapatid, maging mga pinsan. Iisa lang ang ang reaksyon nilang lahat,
pagkagulat.
Maraming tanong, sermon at panunukso ang natamo niya pero nanatili siyang
tahimik.
Pangiti-ngiti lang habang pasulyap-sulyap siya sa akin.
“Mama, sabi ni Uncle Po bibilhan niya kami ni Eyi ng tig-isang S7 at
oculus VR!”
139
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Ano naman iyon?” Kunot ang noong tanong ko. Sa dami ng regalong
natanggap ng mga
anak ko ay halos wala na akong madaanan sa bahay, pati sa kusina ay puno
ng kahon.
Meron pa ngang nagregalo kina Heaven ng kabayo, ayun nakatali ngayon sa
garden!
“Basta, Mama! Makakanood kami ron ng virtual reality movies!” Pagbi-bida
ni Navaeh.
“Saka X-Box din! May gaming room din daw na sarili si Uncle Po!”
“Saka si Auntie Lalaine dadalhin daw kami sa Maldives! Si Uncle Borgy
naman bibigyan
daw kami ng yacht! Saka tuturuan kami ni Uncle Quiro mamaril. Pag big
girls na raw
kami bibilhan niya kami ng guns ni Iven! Mama, ang saya ang dami!”
“Diyos ko, Leonardo!” Sigaw ko. Hindi ko na kinaya. Ayaw kong lumaking
spoiled at
maluluho ang mga anak ko!
Dumating naman ang lalaki. Alanganin ang ngiti, mula siya sa sala dahil
kinakausap siya
ni Nanay. “Hey, what’s up?”
“Anong what’s up?” Asik ko sa kanya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili
ko. Nanggi-gigil
ako sa kanya. Ang guwapo niya pero lamang ang inis ko.
“Anong nangyari?” Tanong niya.
“Hindi ko gusto ang pangmu-mudmod ng mga kamag anak mo ng mga materyal na
bagay
sa mga anak ko.” Mariin kong sabi. Hinila ko siya palayo sa mga bata. Sa
back door ko siya
dinala kung saan walang makakarinig sa amin.
“Huh?”
“Anong huh?!” Pinanlisikan ko siya ng mata. “Hindi mo ba nakikita?! Wala
ng madaanan
sa dami ng natatanggap na regalo ng mga bata! Mga regalo na di naman nila
kailangan!”
Tulad na lang ng mga mamahaling bag, damit at sapatos na dala ni Madam
Camilla
kagabi. Sandamakmak lang naman bukod pa sa mga laruan na mahal pa yata sa
sasakyan! May mga perfume pa na hindi naman pangbata. At iyong mommy ni
Conrad,
dumating kagabi na may dalang mga papeles. Tama bang regaluhan ng tig
isang
condominium unit ang mga anak ko na siyam na taong gulang pa lamang?! At
balak pang
ibili ng tig isang kotse!
“What’s wrong with that?” Kunot ang noong tanong niya. “They can afford
it, at gusto
nilang ibigay iyon sa mga anak ko.”
140
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Dahil nagi-guilty sila na hindi nila nakita ng matagal ang mga bata?
Dahil pakiramdam
nila ay napagdamutan ng mahabang panahon ang mga anak mo sa akin?”
Nanahimik si Leonardo.
“Puwes, hindi kailangan, Leon!” Napahingal na ako sa inis. “Hindi ko
naman tinipid sa
pangangailangan nila ang mga bata. Sapat ang ibinibigay ko sa kanila!
Mabubuhay sila na
wala lahat iyan!”
“Hindi lang ito tungkol sa mga materyal, tama ba ako?” Matiim ang titig
na tanong niya sa
akin.
Ako naman ang hindi nakaimik.
“Yeah, I know. Nagkulang ako. Hindi importante ang materyal na mga
ibinigay ko,
kumpara sa oras at panahon na inukol mo sa kanila.”
“Mabuti at alam mo.” Nag-iwas ako ng tingin, hindi ko na kayang
salubungin pa ang mga
mata niya.
“I got sick.” Mahina ang boses na sabi niya, pero narinig ko pa rin.
Umangat muli ang mukha ko sa kanya.
“Ayoko na sanang malamaman mo pa… but Sophia, when I was in the States,
na-lumpo
ako.” Kuwento niya na hindi kumukurap habang nakatingin sa akin.
Hindi ako makapaniwala.
“Sa organisasyong sinalihan ko, binigyan ako ng mabigat na assignment.
Isang drug dealer
sa Hong Kong ang ilang buwan kong sinundan. Nahuli ako. Tinorture. Akala
ko
mamamatay na ako non… Halos mamatay na ako.”
Napatunganga ako sa kanya. Hindi ko ma-ilarawang diwa ang hitsura niya sa
sinasabi
niya.
“Iyong mga panahon na hindi na ako nakaka-contact sa’yo, iyon iyong time
na nahuli ako.
Isang taon iyon. Isang taon akong bihag ng sindikato. Naging kasangkapan
nila ako sa
pagawa ng droga, sapilitang pinagtrabaho. Nang tumagal ako ron at tingin
nila ay wala na
silang mapipigang impormasyon sa akin ay ikinulong nila ako sa isang box.
Akala ko nga
141
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
non hindi na ako makakaligtas. Halos buto at balat na ako noon. Pero
naiisip ko na
kailangan kong mabuhay. Walang alam ang pamilya ko sa nangyayari sa
akin.”
“B-bakit ngayon mo lang… sinabi ito?” Pakiramdam ko ay sinampal ako ng
isang mapait
na katotohanan. Ramdam ang kirot sa dibdib ko. Sa lahat ng galit ko kay
Leonardo, ay
napalitan iyon ng ibayong sakit.
Nasasaktan ako dahil wala man lang akong nagawa ng mga panahong
nahihirapan siya.
“I don’t want you to worry, okay?” Nagpakawala siya ng malalim na buntong
hininga.
“You don’t want me to worry?!” Gilalas na sigaw ko. “E, gago ka pala
talaga, e!”
“I’m sorry.” Wika niya. “Anyway tapos na iyon. Nakaligtas ako. Na-coma
ako ng ilang
buwan, nalumpo ng mahigit isang taon… pero nakalakad ako ulit after a
series of therapy.
Kinain ng pangyayaring iyon ang halos kalahati ng sampung taon na wala
ako sa piling
niyo.”
Napailing ako habang lumuluha. “Ni hindi man lang sinabi ni Conrad sa
akin…”
“Hindi niya alam.” Mabilis niyang sabi. “Sina Dad lang ang may alam ng
nangyari at ang
nakatatanda kong kapatid. Nalaman ng ibang pinsan ko, nakalaya na ako.
Pero si Con,
hindi niya talaga alam. Walang chance na makarating sa’yo ang tungkol don
kung hindi sa
akin mismo magmula.”
Gusto ko pang marinig ang mga sasabihin niya, gusto ko malaman lahat.
Nagbago ang
tingin ko kay Leon, sa mga panahong nalulungkot ako, sinisisi ko siya.
Sinusumpa ko siya
sa isip ko. Pero ngayon, nahahati ang puso ko.
“Nahiya na ako noon sa’yo.” Matabang siyang ngumiti. “Siguro inisip mo na
napakawalang
kuwenta ko. Bumawi ako sa pagpapadala ng pera, inisip ko na lang na
kailangang
maibigay ko ang magandang kinabukasan para sa mga anak natin.”
“Naibigay mo naman. Ten years na sobra-sobrang sustento.” Mahinang wika
ko.
“Gusto ko na makapag-aral ka ulit. Magkaron ng maraming time sa sarili
mo. Nagpagaling
ako habang nag-aaral. Nang gumaling ako, nag-training ulit ako. Nag-
masters at
tinulungan ang iba kong pinsan sa pagtatag ng agency. That is my dream,
nag-focus ako
ron. I want my dad to be proud of me.
142
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Akala ko okay ka lang… I can see that you’re happy. Palagi kong ichini-
check ang profile
mo, ang mga photos and your posts. Naging bisyo ko na iyon gabi-gabi.
Bago ako matulog,
mag-o-online muna ako.”
“Pero hindi ka nakikipag-chat sa akin.” Naghi-hinanakit na sabi ko. Iyon
nga lang ay hindi
ko maiwasang kiligin dahil stalker pala siya sa account ko. Sana naman ay
hindi siya naturn off sa ibang post ko lalo na sa mga pag-e-emote ko.
Ngumiti siya. “Akala ko matapang na ako. Hindi pala.”
Napangiti na rin ako kahit naiiyak. “Tama ka. Duwag ka.”
“Super.” Ngumiti na rin siya.
“Kumusta ka na ba, Leonardo?” Tanong ko at huminga nang malalim.
Pakiramdam ko ay
bumalik kaming dalawa sa umpisa. Sa simula. “Kumusta ka na ngayon?...”
“I should be very happy.” Ikinibit niya ang mga balikat. “Natupad ang
gusto ko sa buhay.
Pero hindi ko magawang maging masaya.”
Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya.
“Hindi ko magawang magdiwang dahil alam ko na may naiwan ako. Na may mga
nasaktan ako. Na marami akong pagkukulang.”
“At bakit ka bumalik?”
Matagal bago siya sumagot. “Dahil gusto kong maging matapang, Sophia.”
“Pero aalis ka na naman, di ba?” Iiwan mo na naman ulit ako. Kami. Gusto
kong idugtong.
“No.” Ngumiti siya na sanhi para lumabas ang biloy sa magkabila niyang
pisngi. Ang sarap
kagatin.
“A-anong NO?” Kabadong tanong ko. Pigil-pigil ko ang sarili na talunin
siya at yakapin.
Ang buwiset lalong ngumiti, akala niya madadaan niya ako sa pagpapa-cute.
Hindi pa.
Ang hirap kayang mag-move on. Ten years niya kaya akong pinaghintay!
“Hoy anong NO? Aalis ka pa?” Itinulak ko siya sa dibdib kasi ayaw niya
pang magsalita.
“Sige, umalis ka. Hindi naman kami papabayaan ni Conrad—“
143
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Hindi na. Quiro can handle the
assignment. He’ll take
care of everything. I’m filing for a long vacation.”
Napanganga ako. “Pero kakasimula palang ng—“
“I told you, hindi ako masaya. Hindi ako magiging masaya hanggat…”
“Hanggat ano?” Piste! May pasabik pang nalalaman.
Umusod siya palapit sa akin hanggang sa hangin na lang ang nasa pagitan
naming
dalawa.
“A-ano? Hanggat ano nga?”
Ngumiti siya at tumungo para halikan ako sa noo.
“L-Leon?”
“Hanggat hindi mo ako napapatawad.”
Chapter 30
“EEEE!” Pinagyaya-yakap ni Helga ang mga unan.
“Bunganga mo!”
Nasa kuwarto kami ni Helga. Alam niya na. Nakuwento ko na lahat. Pati
iyong tungkol sa
drugs na pinagkaka-utangan ko ng buhay ng mga chikiting ko. Saka kung
bakit nagkaroon
kami ng ugnayan ni Leonardo.
“Anong drugs iyon, `Te?! Pahingi! Gagamitin ko lang kay Conrad! Sa akin
na lang siya!”
“Hoy, ano ka ba?!” Pabiro ko siyang sinabunutan. “Mahiya ka.”
“Oy, bakit ikaw nahiya ka ba?”
“Excuse me? Biktima lang ako non. Wala akong nagawa. Ang lakas niya
kaya.”
Nangingiting tugon ko. Kusang bumalik sa alaala ko iyong gabi na super
dilim. Takot na
takot ako non pero aminado ako, wala naman akong nakapang pandidiri that
time. Hindi
144
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
ko alam kung resulta ng alak kaya parang high din ako non, o baka alam
kasi ng puso ko
na si Leon iyon.
Baka nga noon ko pa mahal iyong ugok na iyon. Siguro ng time na crush ko
si Conrad,
minamahal ko na pala si Leonardo. Natakot lang ako kay Kia kaya umatras
ako. Can not
be reach naman kasi siya noon. Masyadong matayog, masyadong malayo at
masyadong
alangan sa akin. Si Conrad kasi mabait, down to earth at ngingi-ngitian
ako. Ganon nga
siguro, minsan pati puso in-denial na rin. Lalo kapag nangialam na ang
utak.
Kumbaga ang puso, padalos-dalos. Iyong utak naman, playing safe. Ang
ending tuloy,
chaos sa buong katawan!
“Hindi ba nahuli iyong mga hitad na may gawa non?” Tanong ni Helga.
“Hindi, eh. Saka para saan pa? Para malaman ng buong bayan ng Dalisay na
bunga ng
drugs ang mga anak ko? `Wag na `noh.” Sumimangot ako.
“Eh, paano si Lady Kia The Great? Hindi malabong mag-krus ang landas
niyong dalawa.”
“Hindi malabo, ang sabi sa akin ni Leon ay si Kia na at iyong kapatid
niyang si Dipsy.”
Naalala ko pa iyong batang lalaking may braces at may bangs nong high
school. Guwapo
rin, kaya lang kabaliktaran ni Leon, si Dipy kasi ay friendly at
palangiti noon pa man.
“Si Dipen Psyche Saavedra?!” Nanlaki ang butas ng ilong ni Helga. “Shet!
Fafable na iyon
ngayon, eh!”
Tumango ako. “Maganda naman si Kia. Bagay sila.”
“Eh, kayo ni Leon?” May kalakip na namang pang-i-intriga ang boses ng
bruha. “Balita ko
lagi kang may delivery na fresh flowers! Ano ka? Nagdadalaga lang?!”
“Hmn,” bumungisngis ako. “Umuwi ka na nga! Magagabi na!”
Ang lakas ng halakhak ni Helga. “Wag ka ng magpakipot! Sampung taon, ‘Te!
Bawiin niyo
ang sampung taon! Abay ako, ha?! Naku. ‘Pag kami ni Conrad, abay ka rin!”
“Kung magiging kayo!” Tudyo ko sa kanya. Umamin din ang bruha, matagal na
rin palang
may pagtingin kay Conrad Deogracia.
“Wait mo! Wala kang tiwala sa akin!”
145
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Itinulak ko na palabas ng kuwarto si Helga. Tatawa-tawa pa rin ang babae
hanggang sa
makalabas siya.
“Wait mo talaga! I’ll keep you posted!” Nakabungisngis na kumaway na siya
matapos magpaalam sa mga inaanak niya.
Sabagay, walang imposible. Ang kuwento sa akin ni Helga, napapadalas daw
ang tawag sa
kanya ni Conrad. Kino-comfort niya naman ito.
Sa ngayon kasi ay hindi ko pa kayang harapin si Conrad. Alam ko na may
tampo siya sa
akin, pero naging tapat naman ako sa kanya sa loob ng sampung taon. Wala
rin naman
siyang sinabi sa akin na gusto niya na humigit kami sa pagiging mag-
kaibigan, hindi nga
kami humigit pa ron. Kung ano kami, masaya na kami sa kung ano man iyon.
Deserve niya rin na makakita ng tunay na magmamahal sa kanya. At kahit
hindi umuwi
si Leon, alam ko na hindi ako iyon. Dahil kahit yata hindi na ako uwiin
ng ama ng mga
anak ko ay siya pa rin ang mamahalin ko. Tama nga si Tatay, suwail ako.
Kasi kahit alam
ko na masasaktan ako, ginagawa ko pa rin. Hanggang ngayon si Leon pa rin,
siya pa rin.
Mahal ko pa rin. Mahal na mahal pa rin.
Tumunog ang cell phone ko. Kinuha ko ang fone sa ibabaw ng mesa at
sinipat iyon.
Leon: Hi
Napangiti ako ng mabasa ang text niya. ‘Hi’ palang parang hinahalukay na
ang sikmura
ko.
Nagtipa ako.
Me: Hi.
Parang nong ka-chat ko siya, ganito rin. Nagpapakiramdaman. Walang mapag-
usapan.
Pero kahit ganoon, masaya na ako. Masaya na ako kasi kausap ko siya.

MAG-AALAS nueve na ng may humintong puting SUV sa harapan ng gate namin.
Nahinto
sa pagpasok ng kuwarto ang kambal, ganon na rin si Nanay. Nakatingin siya
sa akin
habang binubuksan niya ang screen door.
“Si Leon at ang biyenan mong hilaw.”
146
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Tumulis ang nguso ko.
Iiling-iling lang si Nanay. “Malaki ka na, Sophia. May mga anak ka na.
Hindi ka dapat
naduduwag. Alam ko, ramdam ko, mahal mo iyong tao. Hindi ka maghihintay
ng sampung
taon kung hindi.”
Hindi ako makasagot. Kahapon ay nag-usap sila ni Leon at ni Mommy G,
‘Mommy G’ na
rin ang tawag ko kay Madam Cynthia. Kinagalitan niya ako ng tawagin ko
siyang
‘Madam’. Medyo matalas ang dila niya pero mabait na tao. Nailing na lang
ako ng maalala
ang sinabi sa akin ng mommy ni Leon.
“`Wag mo ng hahayaang iwan ka niya ulit.”
Hindi na lang ako kumibo non. Pero sa puso ko, ayaw ko na umalis siya
ulit. Hindi ko na
yata kayang makitang aalis siya, ‘tapos maghihintay na naman ako na
walang
kasiguraduhan.
Nakita ko na lumabas sa sasakyan si Leon.
“Papa!!!” Nag-uunahan agad ang kambal sa pagsalubong sa ama ng mga ito.
“`Nay, sa kuwarto muna ako.” Paalam ko.
Tumango lang si Nanay.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ito na. ITO NA TALAGA.
Mahal ko naman talaga siya. Tama si Nanay. Kung hindi, hindi sana ganito
ang
nararamdaman ko. Hindi sana parang magigiba ang dibdib ko sa sobrang
kaba.
EPILOGUE
Thank you for reaching this far. This is the Epilogue of Tall, Dark and
Arrogant. This book
is one of my first stories, na nagfall lang sa 3rd gen. Hindi ko na
matandaan kung bakit,
samantalang nauna ko itong gawin sa BOS. Basta super simple lang kasi
talaga ng gusto
ko sa story na ito, at nong nirevised, naging part na siya ng M.Saga.
Medyo magulo akong
writer, pasensiya na. And I apologize for the flaws you encountered in
this story. But I
hope you still like it even it was old and short.
147
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
NAKATAYO ako sa tabi ng kama, hindi ako mapakali. Nandito na naman sila.
Hindi ko
alam kung paano ako lalabas, paano ko haharapin si Leonardo. Alam ko na
hindi ko siya
matatakasan kahit magtago pa ako sa closet.
Bumukas ang pinto at sumilip don si Leon. Ang amu-amo ng mukha ng
herodes. “Can I
come in?”
Napalunok ako. Siguro sinabihan siya ni Nanay na puntahan ako rito. Ang
magaling,
mukhang pati loob ni Nanay ay nakuha niya na rin!
Hindi ako umimik. Tuluyan na nga siyang pumasok. Bumaha lang lalo ang
pananabik ko
ng humakbang siya palapit.
“Bakit hindi ka lumabas? Hinihintay ka ni Mommy G.”
“Leon,” magsa-salita pa sana ako ng bigla niyang gagapin ang isang kamay
ko. Nanulay na
naman ang init mula sa kanya patungo sa akin. Hindi ko magawang bawiin
ang kamay ko
dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.
“Hindi pa ba tayo okay?” Malungkot siyang nakatingin sa akin.
“Ano sa tingin mo?”
“You tell me.”
Nakakainis. Bakit niya ako tinatanong ng ganon? Alangan namang sabihin
kong ‘okay,
ayos na tayo.’
“Look, Sophia. I am new to this, okay? Wala naman akong ibang naging
girlfriend maliban
sa’yo.”
GIRLFRIEND?!
“Wait. Ano kamo?” Napatitig ako sa mukha niya. Na-shock ako ron, ah!
“What?” Maang-maangan niya na halatang-halata naman.
148
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“Ano iyong sinabi mo kanina lang.” Pigil ko na ngayon ang ngiti ko.
Nakakainis, bakit
nangingiti ako? Buwiset talaga itong lalaking ito. Wala na, inilipad na
sa ibang planeta
lahat ng hatred sa puso ko.
“The ‘girlfriend’ thing?”
“Oo.” Sinimangutan ko na lang siya. “Anong girlfriend ka diyan?!”
“Hindi ba? I mean,” nalito ang guwapong mukha ni Leon, nanlaki naman ang
mga mata
ko.
“Iniisip mo na ‘tayo’?”
“Actually,”
“Ano?!”
“Yeah. Iniisip ko na ‘tayo’. Bakit hindi ba? May mga anak na tayo. In ten
years na wala
ako, hindi ka naman naghanap ng iba. Though palaging nandiyan si Conrad.
Pero you
remain faithful to me.”
“Faithful to you?!” Pati butas ng ilong ko ngayon ay nanlalaki na. Ibang
klaseng lalaki ito.
So all these time iyon ang iniisip niya? Ano kami? Long-distance love
affair? At ngayong
bumalik siya ay kami pa rin?!
“Come on.” Siya naman ang sumimangot. Nagusot ang guwapong mukha niya.
“Grabe. Hindi ka pa rin nagbabago. Dumami lang ang alam mong words,
naging madaldal
ka lang pero very arrogant ka pa rin!”
“Phia, I’m sorry.”
“Kota ka na sa sorry.” Pilit kong binawi ang kamay ko na hawak niya, pero
lalo lang
humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
“Dahil kota na rin naman ako sa mga kasalanan ko sa’yo.”
Aawayin ko sana siya pero nawalan na ako ng gana ng tumungo siya. Mukha
na siyang
kawawa, ang lungkot-lungkot niya. Mukha siyang inapi. At ako ang nang-
api. Baliktad
ang mundo ngayon!
149
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
“I’m sorry. Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita. Ang nasa isip ko
lang ay binibigyan
kita ng time.”
“Time?” Seryoso siya?! “Sampung taon?! My God, Leon! Naisip mo ba na ang
hirap maging
dalagang ina?!”
“I know I’ve been a jerk to you, Sophia. Just please let me make it up to
you. Kahit ano,
sabihin mo lang gagawin ko.”
“Pakasalan mo ako.” Walang habas na sabi ko bago ko pa maisip kung ano ba
iyong nasabi
ko. Siguro iyon talaga ang gusto ko, nanggaling sa kailaliman ng puso ko.
Pinangatawanan
ko na lang. Saka para sa mga anak ko rin ito, ang mabigyan sila ng buong
pamilya. Saka
para kahit pa maisipan niyang lumayas na naman, at least may
pinanghahawakan na ako!
“What?” Nangunot ang noo niya.
Na-hurt naman ako sa reaction niya. “Ayaw mo?”
“Hindi sa ganon kaya lang—“
“Hindi ka pa ready?” Inis na tanong ko. “Bakit? Dahil mas malaki na ang
responsibility mo
ngayon as the director of the security agency? O dahil mas gusto mo ang
thrill and
adventure ng trabaho mo? O talagang ayaw mo lang kasi—“ hindi ko na
natapos.
Hindi natapos ang sinasabi ko dahil pinatahimik ako ng mga labi ni
Leonardo. Ang hawak
niya sa kamay ko ay nauwi sa mahigpit na yakap. Iglap lang ay hapit-hapit
niya na ang
katawan ko.
Ilang minuto rin ang itinagal ng halik niya sa akin. Hanggang sa bumigay
na rin ang
manipis kong depensa. Ginanti ko ang gagad ng labi niya, kusang tinanggap
ang pagsakop
niya sa mga natitirang lohika sa isip ko. Nanaig ang tunay kong nadarama.
Nang tumigil siya ay marahan ko siyang itinulak. Nakatingin siya sa akin.
“B-bakit ka ba nanghahalik bigla-bigla diyan, ha!” Nag-iinit ang buong
mukhang sita ko sa
kanya.
“Seriously?” Nakangisi ang gago.
Halik lang iyon, Phia. Sigaw ng isip ko. More than that pa ang nagawa
niyo na!
150
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Sumeryoso si Leon. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
“Naunahan mo lang ako,” aniya.
“Ha?” Napanganga ako ng mula sa bulsa niya ay may kinuha siyang maliit na
kahon na
kulay violet. May maliit na ribbon iyon sa itaas.
Ngumiti siya at binuksan iyon sa paningin ko. “Para sa babaeng walang
ibang masabi
kundi ‘ha’ kapag speechless siya.”
Mahina ko siyang tinampal. “Buwiset ka talaga.” Bumabara na ang ilong ko
dahil
naluluha na ako. “Tumayo ka nga.”
Umiling si Leon at hinuli ang isang kamay ko para isuot ang singsing na
may kumikinang
na bato. “Wear this as a sign of my love and devotion to you, Aleck
Sophia F. Magtibay.”
“Buwiset ka talaga…” sumisigok na sabi ko. Ngongo na rin ako dahil kanina
pa pala ako
umiiyak.
“I know, buwiset talaga ako. Pero pasensiya ka na, dahil itong buwiset at
arogante na ito,
ay bu-buwisiten ka habambuhay.” Nakangiti siya. Hindi na nga yata ako
masasanay na
makitang nakangiti ang lalaking ito!
“Tumayo ka na diyan.” Utos ko sa kanya.
Tumayo siya at kinabig ako palapit. Hinaplos niya ang buhok ko at
hinalikan ako sa noo.
“Mahal kita.”
“Mahal din kitang buwiset ka. Kaya kahit naiinis pa rin ako sa’yo, hindi
kita matiis.”
Narinig ko ang mahina niyang tawa. “I’m sorry, Phia.”
“Tama na iyong sorry mo. Bumawi ka na lang, ha? Wag ka ng masyadong
masungit.”
Tiningala ko siya para magtama ang mga mata naming dalawa.
“Hindi na. Palagi na kitang ngingitian, kahit naka-simangot ka pa. Kahit
galit ka sa akin.”
“Wag ka ng aalis.” Pinahid ko ang mga luha ko.
151
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Kinuha niya ang kamay ko at siya ang nagpunas sa mga luhang nasa mukha
ko. Tinuyo
niya iyon gamit ang mga labi niya habang bumubulong. “Hindi na... Dito na
lang ako. Dito
sa tabi mo, sa tabi nila Heaven…”
“I love you.”
“Say that again.” Seryosong pakiusap niya na ikinatawa ko.
“I love you! Hindi ako huminto. I love you still, Mr. Tall, Dark and
Arrogant!”
Nakangisi niya akong kinabig at yinakap ulit. “And handsome,”
Natatawang gumanti ako ng yakap sa kanya. “As you say so. Napakabilis
mo.”
“And I love you.”
“Bati na sila!!!” Biglang lagabog pabukas ang pinto ng kuwarto ko.
“Navaeh! Heaven!” Napahiwalay agad ako kay Leon. Nakangisi ang kambal.
“Bati na sila papa at mama!” Sigaw ni Heaven. “Yehey!”
“Mabuti naman. Kailan ang kasalan?” Pumasok si Mommy G sa pintuan,
kasunod niya si
Nanay. “Napa-oo mo na ba?” Kay Leon siya nakatingin.
Itinaas ko ang kamay ko na may singsing. “Hindi niya po ako binigyan ng
pagkakataong
tumanggi,” biro ko.
Ngumisi ang ginang. “That’s my boy!”
Napakamot na lang sa ulo si Leon. Dinamba na siya ng mga bata. Si Nanay
naman ay
nakangiti lang sa akin, pero alam ko na masaya siya. Dahil ngayon ko lang
nakita si
Nanay na tumitig sa akin na may kinang sa mga mata. Kasi bilang Nanay ko,
alam niya
na walang kasing saya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Mabubuo na ang pamilya ko. Ang pamilya na hindi ko plinano, pero
ipinagkaloob sa akin.
At ang pamilya na mahal na mahal ko.
“Mama! Yakap ka rin!” sigaw ni Navaeh.
152
Tall, Dark and Arrogant
A Novel by Jamille Fumah
Lumapit ako sa kanila at yumakap kay Leon mula sa tagiliran niya. Nakaupo
na siya sa
kama habang kalong sa magkabilang hita niya ang kambal.
Narinig ko na lang ang pagsara muli ng pinto at papalayong boses at yabag
nina Nanay at
Mommy G.
“Bibilhan kita ng Hermes na bag! Ilan ang gusto mo, Mars?”
Tumawa sa tabi ko si Leon. “That’s my mom.”
Nangingiting sumandig ako sa balikat niya. “Mahal ko kayo.”
“Mahal ka rin namin!” nagsabay pa ang tatlong pinakamamahal ko.
Ah, hindi na ako makapaghintay sa mas maliwanag na bukas para sa aming
lahat.
WAKAS
Jamille Fumah
JF's social media accounts that you may follow:
Facebook: Jamille Fumah - www.facebook.com/IamJFstories
Facebook Page: JFstories - www.facebook.com/OfficialJamilleFumah
Wattpad: JFstories - www.wattpad.com/JFstories
Twitter: @jfstories
153

You might also like