You are on page 1of 1

Siping

ni Sarah Rose Linas 12 HUMSS


University of the Philippines High School in Iloilo

Lulan ng buwan ang nagngalan


Sakin bilang kanyang Dayang;
sa paghalik ng kamay pinangakuan
ng pagmamahalang awanggan.
Hinagod ng kanyang mga daliri
Mga banging ginayak ng kanyang mga bisig;
labi’y kumarinyo sa mga pook na
bulwagan ng pinagbabawal na pagdagsa
ng dagitab.

Di mapaparisan ang awit ng kudyapi


aniyang kintal ng morpemang
gumon ng kanyang labi;
Gunita ko’y kanlungan siya mula himlayan
Ng mga hiyas na nilunod sa karalitaan;
Subalit yaong alapaap ng kalangita’y
Tanikalang kala-kaladkad ngaking balintataw,
Ikinalalagnat ang iyong pagdalaw.

O mga gabing nagdaramot ng luwalhati


Mga bibig na uhaw; pagod sa’yong pagtalik,
o paggahasa; di na alam pagka’t iniwaksi
Kinagaw na palad na nagpupunyagi
Sa hangin; na hangaring madinig,
Ang ubo’t daing dulot ng iyong pagbalani.

Gat, banaag sa aking durungawan


Ang gayak ng iyong pinalamutiang upuan,
‘Samantalang kaming iwinalis sa gulod,
Gipit, hinalay, isinaklit, nagsusumamo.

Nawa’y yaong inyong birang


‘wag ang busilig ang busalan,
Maaring sa bibig gamitin ‘pagkat nakakarindi,
Ang kagaw ng kasinungalingang
Sinabay saking karumal-dumal na karumalan.

Hindi ito aking limahid pagka’t ang iyong mga daliri


Ang siyang naniniil sa mga inyong binilibid
Pinagpalit sa buhanging sa alo’y kinain,
‘Nawa’y makasubo kayo ng kapwa nyong iniluwa
At isiping, na walang kain, inumin at awa.

You might also like