You are on page 1of 9

San Pablo Diocesan Catholic Schools System

Diocese of San Pablo


Liceo de San Pablo
M. Paulino St., San Pablo City, Laguna
F.Y. 2021 – 2022

LEARNING MODULE
1st QUARTER - ( WEEK 2 - 3 )

PANGALAN: __________________________
BAITANG AT SEKSYON: ________________
GURO: Bb. Alliana Jill P. Rosete
PAMANTYANG PAGKATUTO
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa mga kontemporaryongisyu at
hamong pang-ekonomiya, pangkalikasan, pampolitika, karapatang pantao, pang-edukasyon at
pananagutang sibiko at pagkamamamayan sa kinakaharap ng mga bansa sa kasalukuyang panah
gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian,
pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon at matalinong pagpapasya

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa: Ang mag-aaral ay nakabubuo
sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at ng angkop na plano sa pagtugon sa among
pandaigdigang isyung pang-ekonomiya tungo sa pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng
pagkamit ng pambansang kaunlaran. pamumuhay ng tao.
Most Essential Learning Competencies

 Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas

I. PAMANTAYAN
MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, magagawa ng mga mag-aaral na:
1. maipaliwanag ang kalagayan at suliranin dulot ng tao sa kapaligiran;
2. maiugnay ang mga gawain at desisyon ng mga tao sa pagkakaroon ng mga kalamidad
3. maipakita ang pagpapahalaga sa pagkakaroon ng disiplina ng mga mamamayan upan
mapangalagaan ang kapaligiran.

II. NILALAMAN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Panginoon naming Diyos, nagpapasalamat po ako sa bawat araw at panibagong


pagkakataon na ipinagkakaloob niyo po sa akin para ako ay matuto. Binigyan niyo po nawa
ako ng lakas at talino para pag-aralan ang aming mga aralin sa araw na ito. Bigyan din po ng
kalakasan ang aming mga guro na walang sawang gumagabay sa aming pag-aaral. Gabayan
po ninyo ang aming mga magulang na sumusuporta sa amin sa lahat ng oras. Ilayo niyo po
kaming lahat sa kapahamakan. Dalangin po namin ito sa pangalan ni Jesus at ng mahal na
Birheng Maria. Amen.

A. MGA PAKSA: MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN

B. MGA KAGAMITAN: Mga larawan, Youtube, Powerpoint Presentation at Zoom applicatio

III. PAMAMARAAN
III. PAGTUKLAS
Panuto: Pagmasdan ang kapaligiran, umisip ng mga suliranin at isy
na kinakaharap ng kapaligiran. Iligay sa kahon ang iyong sagot.

Mga Isyung
Pangkapaligiran

AP10-Q1W2-3-E1

B. PAGLINANG

Song Analysis:
ONLINE: Pakinggan ang kantang “KAPALIGIRAN” ng grupong Asin.
LINK: https://www.youtube.com/watch?v=iqhwDrOO2bI

MODULAR: Basahin ang kantang “KAPALIGIRAN” ng grupong Asin.


“KAPALIGIRAN”

Wala ka bang napapansin


Sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin

Hindi na masama ang pag-unlad


At malayo-layo na rin ang ating narating
Nguni't masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin


Sa langit, huwag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman
Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang


May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin?
May mga ilog pa kayang lalanguyan?

Bakit 'di natin pag-isipan


Ang nangyayari sa ating kapaligiran?
Hindi na masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan

Darating ang panahon


Mga ibong gala ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa


Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa
Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
'Pagka't 'pag Kan'yang binawi, tayo'y mawawala na

Mayro'n lang akong hinihiling


Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Sagutan ang mga pamprosesong tanong:


1. Ano-ano ang mga pagkasira sa kapaligiran na nabanggit sa awit?
_______________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Ano ang dahilan ng mga pagkasira nito?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
3. Bakit dapat isaalang-alang ang kalikasan sa ating paghahangad ng kaunlaran?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

AP10-Q1W2-3-F1
Mga Dahilan ng Kalamidad at Sakuna

DEFORESTATION- pagkaubos ng gubat,


pangmatagalan o permanenteng pagkakalbo ng
kagubatan upang palitan ang gamit ng lupa.

Negatibong epekto: pagkawala ng tirahan ng iba’t-


ibang hayop.

Erosyon – pagguho ng lupa

MALING PANGANGASIWA NG
BASURA- Nangyayari kung walang tiyak
maayos na plano ang pamahalaan tungkol
pangangasiwa ng basura at kung ang tao a
walang disiplina.

Negatibong epekto: dagdag sa masangsa


na amoy.
Pagdumi ng mga kanal o ilog
Nagdudulot ng sakit

BIGLAANG PAGBAHA- o flash flood.


Madalas maranasan kung may bagyo.

Negatibong epekto: Nagdudulot ng saki

Bunsod ng makabagong teknolohiya, lubos


umangat ang antas ng ating pamumuhay. Maraming mga proseso at gawain ang napadali ga
ang mga makinarya. Napagaan ang maraming mabibigat na trabaho gaya ng pagbuhat ng to
toneladang bato na kailangang iproseso upang gawing grava o maliliit na mga bato na ginagami
industriya ng konstruksyon. Nakatuklas at nakalikha ng mga bagong gamot na nakapaglunas
ilang mga nakamamatay na karamdaman gaya ng tuberculosis o TB. Nagsulputan ang malalak
istruktura ng pagawaan sa mga siyudad at probinsya. Napalitan ang kabukiran ng m
nagtataasang pabrika. Lumakas ang ekonomiya.
Subalit sa lubos nating kagustuhang mapaunlad ang ating pamumuhay at sumabay
rebolusyon ng industriyalisasyon, tila nakaligtaan nating ang kalikasan ay hindi panghabambuh
Ito ay unti-unti nalagas, nakalbo, naabuso at nasira. Maraming suliranin ang kinakaharap nito
kasalukuyan gaya na lamang ng polusyon o ang pagiging marumi ng kapaligiran

Uri ng Polusyon

1. Polusyon sa Lupa o Land Pollution

Ito ay ang pagkalat ng mga solidong basura sa lupa. Karaniwang sanhi nito ay ang
pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar. Bukod pa dito, sa katunayan, ang landfill o isang
lugar na itinatalaga ng lokal na pamahalaan bilang imbakan ng basura, ay isa ring malaking
ebidensiya ng polusyon sa lupa dahil ang mga halu-laong basura na nagpatung-patong ay hindi
maitatangging nakakalat din naman sa isang malawak na lugar.

2. Polusyon sa Tubig o Water Pollution

Ito ay ang kontaminasyon sa anumang bahagi ng anyong tubig gaya ng lawa, ilog at
dagat. Ilan sa mga contaminants ay maaring mga industrial waste na galing sa mga pabrika o
pagawaan gaya ng langis, mga kemikal na tinatapon sa tubig at mga bakterya. Ang polusyong it
ay masama sa kalusugan higit na kung ito ay nainom. Ito ay maaring humantong sa iba’t ibang
komplikasyon sa loob ng ating katawan na maaaring makamatay. Ito rin ay may negatibong epe
sa mga hayop na nabubuhay sa mga anyong tubig. Halimabawa na lamang, ang oil spill ay
maaaring magresulta sa fish kill o malawakang pagkamatay ng mga isda.

3. Polusyon sa Hangin o Air Pollution

Ang polusyon sa hangin ay nagaganap kapag nagkaroon ng alterasyon sa kemikal na


katangian ng hangin gaya ng paghalo dito ng usok o mapaminsalang hangin o gas gaya ng oxide
ng carbon, sulfur at nitrogen. Ang paghalo ng mga ito sa hangin ay maaaring magsanhi sa pagbu
at pag-ulan ng acid rain na nakasisira ng mga kagamitan gaya ng pagkupas ng pintura ng bubon
ng mga sasakyan, mga damit o pagkamatay din ng mga isda. Ang ilan sa mga sanhi ng polusyon
hangin ay ang pagsisiga at pagsusunog ng mga fossil fuels gaya ng coal, oil at natural gas. Mala
rin ang epekto nito sa kalusugan dahil ito ay maaaring magbunga ng asthma at allergies.

4. Ingay na Polusyon o Noise Pollution

Ito ay anumang ingay na nakakasasama o nakasasakit sa pandinig ng tao at hayop. Ilan


mga halimbawa nito ay ang ingay na nalilikha ng eroplano, helicopter, at motorsiklo, ingay sa m
pagawaan o konstruksiyon at demolisyon, at ingay sa mga iba’t ibang lugar gaya ng konsiyerto
bar o club. Ang ating tainga, maging ng hayop, ay may range lamang ng ingay na kayang
tolerate. Ang patuloy na pagka-expose sa mataas na lebel ng ingay ay nakasisira ng ating pandin
Bukod pa rito, ang sobrang ingay ay maaaring magdulot ng alterasyon sa ekolohiya gaya
paghahanap ng mga hayop ng bagong matitirahan na malayo sa ingay.

C. PAGPAPALALIM
Share mo lang Activity

Panuto: Online/Modular:
Gumawa ng isang Facebook post na naglalaman ng iyong saloobin ukol sa kalagayan at sulirani
ng ating kapaligiran. Ibigay ang mga paraan o solusyon na maaring makatulong para
maiwasan ito. Gamitin ang mga # sa pagtatapos ng iyong facebook post. Ipost ito sa AP
G10 group.

(Gayahin ang Format) _______________________________


_______________________________
_______________________________
#SaveMotherEarth
#ShareKoLang

-Last Name, First Name Middle Initial


AP10-Q1-W2&3-DM1

D. PAGLILIPAT
ONLINE/ MODULAR:

Do It Yourself. Humanap ng mga patapong bagay sa inyong tahanan


maaaring irecycle. Kuhanan ng video ang iyong paggawa sa
pamamagitan ng Time Lapse. Ipost ito sa ating AP G10 group at lag
ng paliwanag kung paano ito makakatulong sa paglutas ng mga
suliraning pangkapaligiran. Gamitin ang #SaveMotherEarth

AP10-Q1W2-3-T1

E. PAGTATAYA

ONLINE: Sagutan ang genyo quiz gamit ang limitadong oras laman

MODULAR: Sumulat ng isang sanaysay na tumutukoy sa iyong gampanin bilang tagapangalag


ng kapaligiran. Ipahayag ang iyong mga magagawa bilang isang mag-aaral at kabataan.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

F. PAGPAPAHALAGA

Pangagalaga at pagpapakita ng malasakit sa kalikasan

You might also like